Chapter 1: Broken
Chapter 1: Broken
EXCITED ako ngayon. It's my twenty-second birthday today. Pero hindi lang dahil kaarawan ko ngayon kundi dahil ngayon din ang araw ng engagement namin ni Drake Montalban. Ang pinakaguwapong lalaking nakilala ko sa mundo.
I have liked him since I can remember. And Drake loves me too...
Umikot ako sa harap ng full-length mirror. It's a silver and gold tone evening dress, na personaly design by my friend Ate Ayana Villareal-Spencer. Mahigit isang taon kaming nagkasama sa trabaho bilang isang modelo until I had to give up my dreams dahil na rin sa iyon ang gusto ni Drake.
Wala naman akong reklamo. Alam kong gusto lang nito ang makabuti para sa akin. Nang makontento ako sa pag-ikot sa harap ng salamin ay saka ako nagpasyang lumabas ng silid ko. Matagal rin akong hindi nakauwi dito sa main house ng ama ko. But now I'm back, para maging opisyal na fiancé ko na si Drake.
Nasa dulo ng 2nd floor ang bedroom ko. Pero dinig ko na ang ingay ng music na tumutugtog sa labas paglabas ko ng silid ko. Sa garden kasi ng mansion magse-celebrate ng birthday s***h engagement.
Malapad ang ngiti ko, saka elegante akong nalakad sa makintab na hallway ng second floor. Kumakabog ang puso ko sa excitement nang matigilan ako.
Napahinto ako sa paglalakad. Paglingon ko, nasa tapat ako ng silid ni Alora, ang aking half-sister. Dinig ko ang halinghing nito na tila ba ito nasasarapan.
"Ahh... lower darling..." Mahina, pero malinaw kong narinig ang tinig nito. Saka ito umungol. Hindi naman ako ganoon ka-inosente, kaya alam ko kung anong posibleng ginagawa ni Alora.
Pero wala itong boyfreind, sabi nito sa akin.
Muli pa itong ungol na tila lalong nasasarapan. "Ah fvck your so goood...ahhh..." tila baliw nitong usal sa kung sinong kasama nito sa kuwarto. Kinabahan ako para kay Alora dahil baka may ibang makarinig sa ginagawa nito.
Ramdam ko rin na nag-iinit ang mukha ko. Ewan ko kung bakit hindi ito nagsara ng pinto. Soundproof ang bawat silid sa second floor. Ang plano ko, isara na lang sana ang pinto para dito. She's a year older than me, kaya siguro ayos na rin namang makipags3x ito. Choice naman nito iyon.
Subalit bago ko pa maisara ang pinto. Dinig ko ang sigaw ni Alora. "Oh Fvck Drake... faster ahhh..." Saglit na tila nanigas ang katawan ko sa narinig ko.
"Babe, ang ingay mo..." paanas na tinig ni Drake, pero dinig na dinig ko at kilalang-kilala ko ang boses na iyon.
Para akong binuhusan ng malamig na boses sa naririnig ko. At tila may sariling isip ang mga kamay kong bahagyang itinulak ang pinto upang makita ko ang dalawang nilalang na parehong hubot-hudad sa kama. Nagkalat sa sahig ang mga damit ng mga ito.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Dapat sumisigaw na ako at nagwawala sa ginagawa ng fiancé ko at ng kapatid ko.
"Tell me, Drake, sinong mas mahal mo?" Dinig kong sabi ni Alora.
"Come on, babe, I don't like Katrina. She's boring and too conservative. Gusto ko ng tulad mo, wild and hot," gigil na sagot ni Drake na nakahiga sa kama. Pinalo pa nito ang puwet ni Alora na ikinatawa lang nito. Habang nakapuwesto paupo sa ibabaw nito si Alora.
"Later, sa party, gusto ko... ako ang ipakilala mong magiging fiancée mo," ungot nito, na huminto sa paggalaw.
"What! Babe, hindi puwede iyon. Antayin nating mapunta sa akin ang mana ko. After that, makikipaghiwalay ako kay Katrina, then I will marry you," pagkukumbinsi nito kay Alora. Dama kong nagsimulang uminit ang sulok ng aking mga mata. Drake is my childhood friend and companion. Ang alam ko, masaya kami. At mahal niya ako. Pero bakit?
"Promise?" malambing na tanong ni Alora.
"Promise. Now let's continue, shall we," nakangising saad ni Drake. Natagpuan ko ang sarili kong humahakbang palayo sa pinto.
Lahat ba ng ipinakita niya sa akin ay kasinungalingan lang?
My tears fell on my cheeks.
Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para dito. I helped Drake fund his business. At si Alora. Pumayag akong mapunta sa kaniya ang contract ko dahil gusto rin nitong magmodelo. Kaya sa masquerade event ng Pinks and Gown, ito ang dumalo. And I must admit na magaling na si Alora. She was able to copy my move and walk.
Pero habang paalis ito ng entablado, aksidenteng kumalas ang maskara nito. Revealing Alora's face and exposing that I was not the one walking on the runway.
Nagalit sa akin si Miss Elise dahil hindi ko sinabi ang tungkol sa pakikipagpalit sa akin ng kapatid ko.
"Please, sis, gusto kong maranasan ang runway," I remember how she begged me para palitan ako sa masquerade event.
"I think that will be better, love, para makapag-date tayo sa Valentine's, we need to spend more time now, ngayong nakabalik ka na," iyon ang sinabi sa akin ni Drake to convince me. At dahil baliw ako sa pagmamahal ko para sa isang walang kuwentang lalaki. Pumayag ako.
At dahil doon, napunta kay Alora ang spot para sa fashion magazine. Sa isang iglap… nawala sa akin ang bagay na gusto ko. Pero hindi ako nagdamdam. Dahil sa aksidente, ang lahat. Aksidente na nakilala si Alora. At may mga sponsor na nagustuhan ito. At pinarusahan ko ni Miss Elise for not telling her my plans.
At kasalanan kong pumayag sa gusto ni Alora. Because I thought I was just being a good sister. Pero mali pala… hindi lang career ko ang kinuha nito, pati ang lalaking mahal ko.
And Drake wants me to stop being a model—Pero heto ito ngayon pinagtaksilan ako. We've been together since I was 18.
Hinamig ko ang sarili kong katinuan. Sisiguruhin kong magbabayad sila sa panluluko nila sa akin.
Inayos ko ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas sa main house at nagtungo sa garden. Marami nang mga tao ang naroon. Maging ang mga magulang ni Drake at si Lolo Lucio. Pero ang pakiramdam ko ay gusto kong masuka sa sandaling iyon. Dahil naglalaro pa rin sa utak ko ang nakita ko.
"Dear, nasaan ang fiancé mo?" tanong ng matanda sa akin nang lapitan ako ni Lolo Lucio.
"Ah..." nautal ako na hindi ko alam ang dapat sabihin. Kaya ko namang magpanggap dahil sanay ako. But the pain inside me makes me feel I'm losing air.
"Ayos ka lang, anak?" malambing na tanong ni Tita Lara. Ito ang stepmother ko at ina ni Alora. Mabait naman ito. Pero kapag kaharap lang ang ibang tao. Civil naman ito, pero dama ko na ang ayaw nito sa akin, hindi lang pinapahalata. I don't mind dahil masaya si Dad. But ever since my return a few months ago, dama kong nag-iba na rin si Dad sa akin.
"Namumutla ka, anak," kunoot-noo na tanong ng aking ama. He sound concern. Pero alam kong nag-aalala lang ito na mapahiya o kung ano man.
"I-"sambit ko, stuttering for my breath.
"Love what's going on," anang lalaking umakbay sa balikat ko. Tila ako'y binuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses na iyon. Marahas akong lumunok.
Love? Patuwang ulit ng utak ko. Ang dating malambing na salita ni Drake ngayon ay tila mga palaso ng yelo na tumatarak sa dibdib ko. Pasimple kong inalis ang kamay ni Drake. At kita kong napatitig ito sa akin.
"Are you still mad at me, love?" pabulong na tanong nito. I can smell Alora's perfume on him. Kung wala lang maraming tao at may ilang media, kanina pa ako nag-eskandalo. Pero alam kong hindi ikatutuwa ng ama ko kapag ginawa ko iyon. Kahihiyan iyon sa pangalan ng mga Deogracia. And my Dad never wanted any flaws.
"No..." I answered coldly.
"Come on, alam kong nagtatampo ka pa rin dahil hindi kita nasundo kahapon para kunin ang gown mo," giit nito, saka muli akong inakbayan. I took a deep breath and pushed a faint smile on my lips. Pero ang pangiti ko ay lalo lang nagpabigat sa dibdib ko.
Paano nito nagawa ang ganoon? Paanong wala man lang bakas ng guilt sa mga mata nito. He cheated on me with my sister. Pero nagagawa nitong ngumiti nang ganoon. Paanong ang isang lalaking malambing, mabait na kilala ko? Parang ibang tao na ngayon sa paningin ko.
Marahas akong lumunok upang alisin ang bara sa aking lalamunan.
Mula sa likod nito, sumulpot naman si Alora. Sweetly smiling sabay kapit sa braso ng ina nito. "Uhhh, look at them, they're so sweet," malambing na sambit nito. Madalas kong marinig ang salitang iyon kay Alora. But back then, it meant nothing, pero ngayon kitang-kita ko ang inggit sa mga mata ni Alora.
Bakit ngayon ko lang nakita na sa likod ng malambing na ngiti nito. Isang ahas na nag-antay lang na manuklaw.
"So kailan ang kasal?" Agaw-pansin pa nito na isinandal ang ulo sa balikat ng ina nito.
"Of course, it must be done at the end of this month," sabat ni Lolo Lucio na nakangiti ng matamis.
"Ibig bang sabihin noon, Lolo, makukuha ko na ang mana ko?"pabirong saad ni Drake.
"Of course, as promised. But... you need to close the important deal. Only then can you become the CEO of Montalban Empire." Sumilay ang mayabang na ngiti sa labi ni Drake.
"Come on, Lolo. Wala pa akong business deals na hindi nako-close. Makukuha ko ang 2-billion deal with the Pharma Lab Inc." Nagmamalaking saad nito, saka ako binalingan. "Kaya mapapakasal na kami ni Katrina, hindi ba, love? I'll make her the most beautiful bride na kaiingitan ng lahat." Seryong saad nitong dumukwang upang halikan ako sa labi. Kaya't mabilis akong lumingon kay Alora.
Kaya imbes na sa labi ko sa pisngi ko tumama ang halik ni Drake. Pero para akong kinilabutan at gusto kong masuka nang dumikit ang labi nito sa balat ko.
"Come on, babe, soon magiging asawa na kita, what's wrong with a kiss, hmm," mahinang bulong sa akin ni Drake. May bakas ng iritasyon sa mga mata, pero nakangiti naman ito.
"Ayaw ko kasi ng amoy ng perfume mo, malansa," walang ligoy kong sagot na ikinagulat nito.
"What?" he snarled. "Since when did you—" Kusa nitong ibinitin ang sasabihin. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito.
***
Unedited
Hello, mga sissy, paki-add ng aking New Story sa inyong library. Huwag ring kalimutang i-follow ako dito sa app at sa faceb00k Zindy Rivera. Salamat na agad