His Dearest Surgeon Episode 2

2499 Words
"Of course not! Nakakapagtataka kasi, sa napakahabang panahon ay kinalimutan ninyong mag ina si Theodore. At ngayon ay para kayong multo na biglang magpapakita dito. Bakit?". "It's none of your business dear, kaya wag mo ng alamin. Dahil wala kang pakialam sa amin at sa pamilya ko." "Meron. Dahil ako na ang pamilya ni Theo simula ng iwanan ninyo ang asawa ko!" "Asawa? Sa kama? Nagpapatawa ka ba? Kasi talaga namang nakakatawa. Alam mo kung bakit? Dahil ang totoo, hindi kami magkakawatak watak kung hindi dahil sayo. Hindi kami magmamigrate sa Denmark kung hindi ka umeksena. Alam mo sa totoo lang well educated at well mannered ako. Pero pagdating sayo nagiging mal-edukada ako. Kaya sa tingin ko mas mabuti na wag tayong nagdidikit o nagsasama sa iisang lugar. Masyadong masikip para sa ating dalawa. Okay ba?" "Kung ganun di bumalik ka na sainyo. At wag ka na ulit magpapakita pa dito. We don't need you here."matigas nitong sabi. "Alam mo iyan din ang naiisip ko noon, pero sa nakikita ko sayo. Parang may bumubulong sa akin at nagsasabing mag stay ako dito. I have this feeling na magiging maganda ang paglalagi ko rito because of you. What do you think?", pang uuyam niya sa madrasta. "Aba't!!! Bumalik ka na lang kung saan ka nanggaling. Iyon ang makakabuti." pamimilit nito. "At sino ka para diktahan ako sa mga gusto ko?", aniya. "By the way. I'm done. Kakausapin ko pa si Mommy, kung mananatili man ako dito o hindi ay desisyon na namin iyon. At wala kang karapatang panghimasukan ang mga bagay bagay na hindi mo pagmamay ari. Off limits ka pagdating sa pamilya ko, sa mga desisyon ko at sa lahat ng plano ko."pinal niyang wika sabay martsa papalabas ng pinto. "Walanghiya kayong mag ina. Matapos ng lahat bigla kayong babalik at manggugulo. Hindi ako papayag! Kung anuman ang plano ninyo ay hindi yan magtatagumpay! Nagawa ko na kayong patalsikin noon, mas lalong magagawa ko iyon ngayon!" gigil na gigil na sambit ni Tamara habang nakakuyom ang mga palad. Hindi niya hahayaang may sumira ng mga pinaghirapan niya. Tok! Tok! "Mom, andiyan ka ba? Okay ka lang?", ani Voltaire sa labas ng banyo. "Oo anak. Okay lang ako. Lalabas na rin ako, sandali lang..." sagot ni Tamara sa anak. Pasimple niyang inayos ang sarili bago tuluyang lumabas para harapin ang anak. Batid niyang napakadami nitong katanungan sa kanya. At siguro sa mga sandaling iyon ay puno ito ng pagtataka sa mga nangyayari. Wala kasing alam si Voltaire tungkol kina Larken at sa ina nito. Ginusto niyang itago lahat ng tungkol sa mag ina sa kadahilanang ayaw niyang may masabi sa kanya ang mga tao. Ang alam ni Voltaire ay sila lamang ang pamilya ng ama at wala ng iba. "Mom, we need to talk." seryosomg bungad nito sa kanya. "Sige, tara sa opisina mo. Wag dito." sagot niya sa anak. "Okay." Sabay nilang tinahak ang daan patungo sa opisina ng anak nang kapwa walang imik at may bahid ng pag aalala. --- Puno pa rin ng emosyon ang puso niya habang naglalakad sa lobby ng ospital. Malalaki ang mga hakbang ng dalaga sa kagustuhang makaalis agad sa lugar na iyon, dahil kung hindi ay baka mag breakdown siya bigla. "Larken?", aniya ng isang tinig sa harapan niya. Agad niyang hinanap ang nagmamay ari ng boses na iyon at agad niyang nakita ang anak ng kanilang private attorney na si Reuben Santos, 30 taong-gulang. Kilala niya ang binata dahil kapag nag uusap ang tatay nito at ang nanay niya ay sumasabat din ito paminsan minsan. Balak na kasing mag retiro ng ama nito at ang binata ang papalit sa pwesto ng ama. "Reuben? I'm glad you're here!", nakangiti niyang bati. "Well, I've heard na andito ka nga daw. Nasa malapit lang ako kaya dumaan na ako. Pupunta din dito si Papa, kaya baka pati siya kausapin ka. Nakausap mo na ba si Mr. Theo?", "Yeah." "And? What happened? Kailan ka daw magsisimula dito?" "Not gonna happen." "W-what?! I thought pumayag ka na sa kagustuhan ng mommy mo? Bakit nagbago ang isip mo?" "Akala ko makakaya ko na... It's been 20 years, but I was wrong, nang makita ko sila bumalik lahat ng masasakit na alaala. I just can't forgive them Reuben." sabi niya habang nangingilid ang mga luha. "Pero paano ang mommy mo, baka mapano 'yon kapag nalaman niyang umayaw ka." "Ipapaliwanag ko sa kanya lahat. I hope maintindihan niya ako. Napakahirap para sakin ng hinihiling niya. Alam niya yun simula noon pa." "I dunno what to say..." "You don't have to say anything, don't worry.  I'll be fine, uwi muna ako sa condo na tinutuluyan ko pansamantala. I need some time to think about it. It's nice to see you again", aniya sabay biso sa binata. "Hindi mo na ba hihintayin si Dad?" "Magkikita rin siguro kami soon, I'll go ahead."sagot niya. "Mauna na ako ha. Bye!" muli niyang wika bago naglakad papalabas ng ospital. Nakailang hakbang pa lang siya ng mahagip ng tingin niya ang mag asawang pulubi na nagmamakaawa sa isang nurse na gamutin ang asawa nitong babae na walang malay. "Nurse, parang awa mo na. Gamutin mo na ang asawa ko. Mamamatay siya kung hindi mo siya gagamutin!!!", histerikal na pakiusap ng matandang lalaki. "Pero Tatang, wala ho kayong pera na pambayad. Policy po ng ospital na 'to na kailangan niyo munang magbigay ng paunang bayad bago kayo magamot. At wala po kayong maibigay." sagot ng nurse. "Maawa naman kayo sa amin, wala pa akong sapat na pera ngayon para mabayaran ang pagpapagamot ng asawa ko, pero pangako gagawan ko ng paraan, kung kinakailangang mamalimos ako buong maghapin at magdamag, gagawin ko. Basta gamutin ninyo ang asawa ko. Siya na lang ang mayroon ako. Pakiusap, tulungan ninyo akong makasama ng matagal ang asawa ko..."umiiyak na pakiusap ng matandang lalaki. "Pero Tatang, hindi po pwede. Hindi ko po pwedeng suwayin ang patakaran ng ospital. Bumalik na lang kayo sa ibang araw kapag may pera na kayo." pagmamatigas ng nurse sabay talikod sa kawawang matanda. "Parang dinudurog ang puso niya habang nakatitig sa dalawang pulubi. Batid niya kung anong hirap at sakit ng kalooban meron ang matandang lalaki dahil sa kalagayan ng kanyang kabiyak. Dahil doon ay hindi na niya matiis na hindi lumapit sa dalawa. "Tatay, ano pong problema?" malumanay niyang tanong sa umiiyak na matanda. "Nagtitinda kami ng sampaguita kanina, tapos bigla na lang hinimatay ang asawa ko. Dinala ko siya rito para maipagamot pero ayaw nilang tanggapin ang asawa ko dahil wala kaming pera." tumutulo ang luhang sagot nito. Kaagad niyang sinuri ang matandang babae at napag alaman niyang namamanas ang ilang bahagi ng katawan nito. "Kailan pa po siya nagkaganyan?" "Mga isang linggo na, kaso noong tinanong ko siya ang sabi lang niya ay baka dahil sa kakatayo namin sa maghapon." Bigla siyang kinutuban ng hindi maganda, alam niyang nasa panganib ang buhay ng matanda kung hindi agad sila kikilos. Mabilis siyang kumilos at hinila ang isang wheelchair na namataan niya sa isang sulok at pinagtulungan nilang maisakay ang matandang babae. "Tara na sa loob 'tay." mabilis niyang sabi habang tulak tulak ang wheelchair papasok. "Excuse me Miss, saan mo dadalhin 'yan? Wala yang pampagamot!", habol sa kanya ng isang nurse. "Guard, pigilan ninyo ang mga iyan!" "Miss bawal yang ginagawa mo! Hinto!" sigaw naman ng gwardiya. "Hinto sabi!" "Umalis ka diyan! Kailangan niyang magamot sa lalong madaling panahon kung hindi mamamatay siya!" matigas niyang sagot. "May patakaran ang ospital na 'to Miss. Hindi ka pwedeng basta basta mangialam dito! Lumabas na kayong tatlo kung ayaw ninyong ipadampot ko kayo sa pulis!" sabad ng nurse. "f**k your rules! This is a matter of life and death at wala na kayong ibang inisip kung hindi ang pera! Padaanin ninyo kami, kailangan niyang maoperahan agad!!!" malakas niyang sigaw. "Ano na namang kaguluhan 'to? Kanina ka pang umaga ha! Ganyan ka ba talaga? Mahilig sa away at eskandalo?" ani Voltaire habang papalapit sa kanila. "Sabihin mo sa kanilang padaanin nila kami, kailangan niyang magamot sa lalong madaling panahon!" sagot niya rito sabay turo sa matanda. "Sorry Larken. But rules are rules. Hindi ka pwedeng mangiala-", Pak! Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa binata sa sobrang galit. "Sino ka ba sa akala mo para mag inarte ng ganyan ha?! How dare you call yourself a doctor when you're letting somebody dies under your watch! How dare you wear your uniform with pride when you can't even have the heart for someone who needed you the most! Gagamutin mo siya o gagawin kong miserable ang buhay mo. Mamili ka!!!" malakas niyang sigaw kay Voltaire. Halos pagkumpulan na sila ng mga taong nakikiusyuso sa mga pangyayari kaya lalo siyang nag alala sa matanda. Baka hindi na ito makahinga ng maayos dahil sa dami ng tao na nakapalibot sa kanila. "Gloriaaa!!! Asawa ko!!!" malakas na sigaw ng matandang lalaki ng mangisay bigla ang asawa nito. Mabilis niyang kinuha ang stethoscope na nakasabit sa leeg ng binata at agad na sinuri ang heart beat nito. "She's losing her heartbeat!! Nasaan ang stretcher, isakay ninyo siya bilis. Prepare the OR!!!", nagmamadali niyang utos sa mga ito. Agad niyang hinubad ang suot niyang blazer at tinupi ang mahaba niyang long sleeve. Habang wala nang nagawa si Voltaire kundi panoorin ang dalaga sa ginagawa nito. Agad na nagsitalima ang lahat ng nurse na nasa paligid at mabilis na inayos ang operating room. Habang papunta sa OR ay agad niyang tinanggal ang javket ng matanda para makahinga ito ng maayos. "Hold on Nay, we're almost there!" pakiusap niya sa matanda. Alam niyang naririnig pa rin siya nito. "Miss iligtas mo ang asawa ko. Pakiusap..." "Wag ho kayong mag alala, hindi ko siya pababayaan." aniya sa matanda sabay ngiti. Agad siyang pumasok sa loob ng operating room at inihanda ang sarili sa gagawing operasyon. Kailangan niyang magmadali dahil baka mawalan na siya ng oras. "I can do this..." aniya sabay lapit sa operating table kung saan nakahiga na ang pasyente. "Focus tayo sa pasyente hangga't maaari. I know some of you here are wondering about who I am. But trust me when I say I can do this. Our goal is to save her life, and all of you are going to help me to do that, understand?" wika niya sabay tingin sa mga kasama niya. "I hope I made myself clear. Let's start, scalpel please." utos niya. Pagkaabot pa lang sa kanya ng matalas na instrumento ay agad niyang hiniwa ang puso nito para operahan. Na cardiac arrest na kasi ang matanda kaya kailangan na agad nitong sumailalim sa surgery. Tagaktak ang pawis niya habang nasa operating room. Maselan ang lagay ng matanda ngunit kailangan niyang gawing matagumpay ang operasyon, alang alang sa asawa nitong naghihintay sa kanya. "Forceps," muli niyang sabi. Maingat niyang hinawakan ang bagay na iyon at maingat na tinahi ang ruptured artery nito na siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng cardiac arrest ang matanda. Tutok na tutok siya sa ginagawa habang ang lahat ng kasama niya ay umaalalay sa kanya hanggang sa matapos siya. Lahat sila ay nakahinga ng maluwag ng maging stable na ang heartbeat ng pasyente. "Thank you for helping me. Have a good day", aniya sa mga ito bago lumabas ng operating room. Agad siyang sinalubong ng matandang lalaki at agad na nagtanong sa kanya. "Doktora, kumusta na po ang asawa ko?" "Nasa maayos na po siyang kalagayan, mamaya lang ay ilalabas na siya sa OR at ililipat na sa pribadong kwarto. Wala na po kayong dapat na alalahanin pa. Magiging okay na po siya." nakangiti niyang tugon. "Maraming maraming salamat po sainyo. Hindi ko po alam kung papaano kayo mapapasalamatan sa kabutihang loob ninyo." mangiyak ngiyak na sambit ng matanda. "Wala pong anuman. At wag ninyong problemahin ang gastusin dito sa ospital. Ako na ho ang bahala dun, ang importante ay magpagaling si nanay para magkasama kayo ulit." tugon niya. " Mauna na po ako ha. May kakausapin lang po akong importante."paalam niya sa matanda. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang daan patungo sa opisina ng kanyang ama. Mayroon siyang sasabihin rito hinggil sa nangyaring insidente kanina. Hindi niya matanggap na ganon na lamang ang patakaran nito sa ospital. Paano na lamang ang mga taong mahihirap? Ibig sabihin nirereject ng mga ito ang mga iyon porke walang pambayad? "Damn!!!" marahas niyang bulong sa hangin. Samantala ay magkakasamang inilipat nila Fynn ang matandang pasyente sa kwartong paglalagakan nito. Lahat sila ay bilib na bilib sa doktor na nag opera sa matanda. Tila may magic ang mga kamay nito at walang kahirap hirap na nag opera sa isa sa pinakadelikadong parte ng katawan ng tao. "Doc Fynn, kilala mo ba yun? Bago ba siyang doktor dito? Di pa ata siya pinapakilala sa ating lahat?", wika ni Annie. "Siguro nga baguhan pa lang siya, pero ang astig niya ha. Nagawa niyang mag opera ng napakabilis." "Kaya nga eh, kung dito na siya maglalagi ay malaking tulong yun dito sa ospital. Lalo na at nangangailangan tayo ng  magaling na surgeon ngayon." "Sana nga siya na ang hinahanap natin. Sa tingin ko ay isa siya sa napakagaling na surgeon na nakita ko. At aaminin kong napabilib niya ako ng husto." wika ng anesthesiologist na si Fynn. "Mawalang galang na ho, pero kung ililipat ninyo ng kwarto ang asawa ko ay pwede na ba akong sumama sainyo?" biglang sabad ng matandang lalaki. "Oo, pwede po. Halina po kayo." Magkapanabay sila sa pagpasok ng pribadong kwarto para sa matanda. Sinuri muna niya ang kalagayan ng matanda at may ininject siyang gamot upang maging stable na ang pagsirkula ng dugo nito sa buong katawan. Nang masiguro ay kaagad siyang nagpaalam sa matanda. Lihim niyang idinalangin na sana at muli niyang makita ang babaeng iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon rin ang babaeng nakasalubong niya kanina at nagtanong kung nasaan ang restroom. --- "We need to talk!" malakas niyang sambit ng makapasok sa opisina ng ama. Mag isa lang dun si Theo at mukhang may iniisip na napakalalim. "Please take a seat hija..." sagot ng ama sabay mwestra ng upuan. "Hindi na kailangan, narito ako para itanong kung anong klaseng ospital meron ka." puno ng pagkayamot niyang saad. "Huh? What are you talking about?" "Nagmamaang maangan ka pa? May ideya ka ba kung gaano kawalang kwenta ng patakaran mo dito? Alam mo ba na kanina ay may matanda na kamuntikan ng mamatay dahil sa walang kwenta mong patakaran?!" gigil niyang sabi. "Anak... Hindi kita maintindihan", "Okay, ipapaliwanag ko sayo. Ang mga nurse mo ay nagdedemand ng paunang bayad bago nila asikasuhin ang mga pasyente. Paano kung walang pera na hawak ang ibang magpapagamot, papabayaan niyo na lang?!". "Iyan ang patakaran ng ospital. Pero hindi naman ibig sabihin ay malaki ang ibabayad nila. Kailangan lang talaga na makapagdown sila ng kaunting halaga." depensa nito. "Dahil sa patakaran na 'yan ay marami ang mga pasyente na namamatay na lang ng hindi nalulunasan ng maayos. Do something about it Mr. President.  Please." pakiusap niya sa ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD