His Dearest Surgeon Episode 3

2490 Words
"Pero Anak..." "Don't call me Anak, I am here as your employee, gusto mo akong magtrabaho dito sa ospital mo di ba? Then do something na makakapagpabago ng desisyon ko. Make me stay or should I say... Gumawa ka ng isang bagay na magiging dahilan kung bakit gugustuhin kong magtrabaho dito. Nasabi ko na ang gusto ko, nasa sayo na yan kung susundin mo. Mr. President, human dignity should be without borders, and we have to show the world that humanity still exists." "Anong demand mo?" marahang tanong ng ama. "Gusto kong magkaroon ng libreng konsultasyon dito sa ospital. Gusto ko ring alisin mo yang mga patakaran mong bulok. Remember kung ano ang pangarap mo noong nagsisimula ka pa lang dito? Gusto mong maging sikat ang ospital mo hindi lang sa buong Asya kundi sa buong mundo. Gusto mong maging kilala ang ospital na ito bilang isa sa mga ospital na ang layunin ay makapagbigay lunas sa mga maysakit. Stick with it Mr. President. Ang pagiging ganid sa pera ay nagdudulot ng isang sakit na tinatawag na kawalanghiyaan. At iyon ang isang sakit na walang lunas." sambit niya. "And don't worry about my salary, I won't ask a penny sa pagtatrabaho ko dito. I will work here for free. Just do what I want." muli niyang sabi. Hindi na nakaimik ang ama sa mga sinabi niya, sinamantala niya iyon para iwanan ito para makapag isip. Babalik na lang muna siya sa tinutuluyan para makapagpahinga. "Larken hija, Pwede ba kitang maimbitahang magkape?", nakangiting anyaya sa kanya ng isang tao na kilalang kilala niya. "Tito Fidel!", mulagat niyang tugon. "Akala ko hindi na kita makikita dito eh, si Reuben po ba umuwi na?" "Oo, pinauwi ko na siya. Ikaw naman, hinintay talaga kita. Gusto sana kitang makausap ng masinsinan." seryosong saad nito. "Okay, no problem." "Salamat hija, let's go..." nakangiting turan ng matanda. Magkasabay silang naglalakad patungo sa labas ng ospital. Sa harap lang niyon ay may nakatayong maliit na coffee shop at doon siya dinala ng matanda. "So, para po saan ang pag uusapan natin?", nakangiti niyang tanong. "I heard na umayaw ka na magtrabaho dito sa ospital ng ama mo. Is that true?" "Yeah, I admit po." "Larken, akala ko pumayag ka na. Tinatanong ako ni Lana kung kailan ka daw magsisimula. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya..." "I made a deal, hopefully pumayag ang may ari. Kung oo, I'll stay. Pero kung hindi, babalik ako sa Denmark kahit pa magalit si Mommy." "At anong kasunduan naman?" "Gusto kong maging ospital ng masa ang Montes Medical Center", walang gatol niyang tugon. "Magtatrabaho ako pero hindi ako tatanggap ng sahod. Gawin lang nila ang gusto ko." "Sa tingin mo ba, papayag si Theo sa gusto mong mangyari hija?" "Why not? Kailangan niyang magpakitang gilas sakin. If he really wants me that bad. Papayag siya sa gusto ko as simple as that." "Pero paano ang board of directors? Mahihirapan si Theo na mapapayag ang mga 'yon." "If there's a will, there's a way. Isa pa Tito, we should practice how to be humane. Humans are billions in number and most of them are in need...and as for me, the sole meaning of life, is to serve humanity." "I never thought na ganyan ka pinalaki ni Lana. I am impressed!" nangingiting sagot ni Fidel. "Tito naman, I am serious. I can't see a picture of myself na parang laruang de token na hindi gagalaw hangga't hindi hinuhulugan ng pera." "I know what you're trying to say. I got your point. I just hope na pumayag silang lahat sa gusto mong mangyari." sang ayon nito. "But hindi iyan ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap hija. May mas importante tayong dapat pag usapan." dugtong ni Fidel. "Ano po 'yon Tito?", takang tanong niya. "Kasi hij-". "Well, well, well. Dito rin pala kayong dalawa! At mukhang may pinag uusapan kayong seryoso. Para saan ang meeting de abanse ninyong dalawa? Para ba sa susunod ninyong plano kung papaano niyo kami mapapatalsik na mag ina?", biglang turan ni  Tamara na nasa magbabayad na sana ng inorder nito sa cashier. "Tamara! Anong ginagawa mo rito?!", gulat na tanong ni Fidel. "Bakit? Bawal ba akong uminum ng kape rito? Bakit gulat na gulat ka at parang nakakita ng multo?" "Ha? Wala naman! Hindi lang ko lang siguro inaasahan na andito ka din." "Bakit anong akala mo sa akin, di kayang magbayad ng kapeng mamahalin? O baka naman may pinag uusapan kayo laban sa akin?", akusa nito. "Oh c'mon Tamara, wag kang delusional. As if naman na pag aaksayahan ka namin ng oras ni Tito Fidel." sagot niya rito sabay ismid. Nagsisimula na naman kasi siyang mairita sa prisensiya nito. "Ako pa ang delusional ngayon Larken? Talaga lang ha!" "Please stop it Tamara, inaya ko lang magkape ang bata dahil ngayon lang ulit kami nagkita. May masama ba sa ginawa ko?" "You know what Tito Fidel, I think I should go. Kung anuman ang sasabihin mo sakin ngayon ay makakapaghintay naman ata. Isa pa napagod ako sa nangyari kanina. Uwi na po muna ako." paiwas niyang sabi. "Mabuti pa nga..."nakaingos na sambot ni Tamara. "Ihatid na kita hija".prisinta ng matanda. "Actually Fidel, gusto sana kitang makausap. Let her go. Malakas na siya at kaya niyang umuwi ng mag isa. Pero yung itatanong ko sayo ay hindi na makakapaghintay." biglang pigil ni Tamara. "Huh? At ano naman 'yon?" takang tanong nito. Hindi na niya inantay pang sumagot si Tamara dahil baka kung ano na naman ang magawa o masabi niya. Lalo pa at para na namang nilalaga ang dugo niya dahil kumukulo na naman yata ang lahat ng blood platelets niya. Kaagad niyang tinungo ang sasakyan at pinaandar iyon papalayo sa lugar na iyon. Malayo sa kanyang ama. At malayo kay Tamara. Kapag nakikita niya ang babaeng iyon ay muling bumabalik sa alaala niya kung ano ang ginawa nito noon. At aaminin niya na sa edad niyang bente siete ay hindi niya pa rin makapa ang pagpapatawad sa puso niya. Kahit sabihin pang dalawang dekada na ang nakalipas. Paano mo nga ba makakalimutan ang gabi kung saan mo nakita ang pagguho ng masaya mong pamilya? "Damn this feeling!" piksi niya habang pinupunasan ang unti unting pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. --- "W-what?! Magtatrabaho din siya dito sa ospital?!", di makapaniwalang sambit ni Voltaire. "Iyan ang sabi ni Fidel kanina. At ang sabi pa ay si Theo daw ang nakiusap na umuwi siya ng Pinas." "Pero para saan? Okay naman ang ospital na wala ang babaeng iyon di ba. Kita mo naman kung papaano niya nawindang ang buong ospital sa pagdating niya." "Hindi ko rin alam... Kahit ako man ay walang ideya kung bakit kailangan ng babaeng iyon na umuwi pa dito. Okay naman tayo at ang ospital, pero sa pagdating niya ay mukhang magkakaproblema tayo." "Kausapin mo si Daddy, malay mo dahil sa ginawa ni Larken kanina ay makumbinsi mo siya na pauwiin na lang ng Denmark ang anak niya." "Hindi ko alam kung papayag siya, pero susubukan ko. Basta anak ipakita mo sa ama mo na magaling ka kahit kakapasok mo pa lang bilang intern." "Wag kang mag alala Mommy, gagawin ko ang lahat para makita ni Dad na sapat na ako para sa ospital na 'to, lalo na pag naging ganap na doktor na ako." "Salamat anak, ang pangarap ko lang naman ay mapa saiyo ang ospital na ito pagdating ng araw. Ikaw lang ang karapat dapat na magmana ng kung anuman ang maiiwan ni Fidel." "Alam ko po Mommy, at wag kayong mag alala. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." "Salamat Anak..." Batid ni Tamara na sa oras na pumasok sa ospital si Larken ay magiging delikado na silang mag ina. Kaya hangga't maaari ay pipigilan niya iyong mangyari. --- Puyat at halos wala siyang tulog buong magdamag dahil sa mga inaaral niyang mga papeles ng ospital. Sa kagustuhan niyang mapapayag ang ama ay gumawa siya ng research sa pasikot sikot ng pasilidad. Sa tulong ng Tito Fidel niya ay nagawa niyang makakuha ng mga kailangan niya. Halos maging tirintas ang mga kilay niya ng makakita ng mga bagay na hindi kanais nais at kahina hinala. "Anong kagaguhan ito Tamara? At idadamay mo pa yang anak mo?!" gigil niyang sabi. Sakay ng swivel chair ay agad niyang pinagulong yun para makarating sa kinalalagyan ng kanyang telepono. Wala na siyang sinayang na sandali at agad na idinial ang numero ni Reuben. "Hi Reuben, good morning!" masigla niyang bati. "Hmm, sorry to disturb you this early, pero pwede mo ba akong tulungan? Pwede mo ba akong bigyan ng personal preference ni Voltaire? I just found out na he's to young at ngayon ay intern na siya agad and humahawak na rin ng posisyon sa ospital, can you please enlighten me?" "Good morning too, Okay Larken, ipafax ko right away." sagot ng binata. "Many thanks..." sagot niya. Ilang segundo lang ang ipinag antay niya bago niya nakuha ang hiniling niya sa kaibigan. Hawak ang kanyang ballpen ay matiim niyang inisip kung ano ang kanyang gagawing hakbang. Hindi niya maaaring pabayaan ang mag ina sa mga ginagawa nito. "Kailangan niya 'tong malaman, or else magpapatuloy ang baluktot nilang gawain." muli niyang sabi. --- Bitbit ang mga nakalap na papeles ay kaagad siyang nagtungo sa ospital, hindi na niya tinawagan pa sina Reuben para ipaalam ang binabalak. Hindi na rin siya nag abiso sa ama na pupuntahan niya ito, mabuti na iyong biglaan siyang susulpot doon para bulagain sina Tamara at ang anak nito. "Hi,Good Morning! Nasa loob ba si Mr. President?", tanong niya sa secretary ng ama. "Yes Ma'am, pero bawal po kayong pumasok. Nasa loob po si Ma'am Tamara." magalang nitong tugon. "Oh, really? Perfect!", sagot niya sabay hakbang papalapit sa nakapinid na pinto. Hindi niya pa nabubuksan ang pintuan ay naulinigan na niya agad ang boses ni Tamara habang kinakausap si Theo. "Theo naman! Anong gusto mong mangyari dito sa ospital mo? Ang maging low class? Ospital nang mahihirap? What about our stockholders? Sa tingin mo papayag ang mga 'yon sa pinaplano mo? Are you aware kung magkano ang mawawala sayo once na pumayag ka sa kapritso ng anak mo?!", gigil nitong sabi. "Tamara please. I've decided. Papayag ako sa gusto ni Larken. Kung iyon lang ang paraan para makasama ko ulit ang anak ko. Gagawin ko iyon, ang importante nakikita at nakakasama ko siya." "Paano ang kikitain ng ospital, aber? Malaki ang mawawala sa atin pag nagkataon!" giit nito. "Really Tamara? Are you really worried kung magkano ang mawawala sa ospital? Gaano ba kahirap sayo na pumayag sa gusto ko? At bakit kailangan pa ng approval mo sa dinedemand ko? As far as I know hindi ikaw ang may ari ng MMC, so your words are not needed. This is between me and the President." "So andito na pala ang magaling mong anak Theo, ang galing ng pasok mo. Saktong sakto, para kang kabute na biglang susulpot. Don't you know how to knock?" "Of course I do. Pero sa tingin ko hindi ko kailangang maging ganoon ka proper sayo." nakangiti niyang tugon. "Kung anuman ang binabalak mo ay wag mo ng ituloy. Kung genuine ang pananatili mo dito, you shouldn't ask anything in return. Lalo na kung ang ospital ni Theo ang ilalagay mo sa alanganin. Please lang, wag mong gawing cheap ang ospital ng ama mo!" "Cheap? Paano mo nasabi? Talaga ba? Kung ang pagtulong sa mga kapos palad ay matatawag na cheap, ano naman tawag sainyong mag ina?" "W-what?!" Inilapag niya sa mesa ng ama ang mga papeles na dala dala niya at matalim na tumitig sa ginang. "Tell me Tamara, paano mo maipapaliwanag sa akin ang mga pinirmahan ninyong mag ina sa mga documents na dala dala ko? Can you please tell me kung bakit bumibili kayo ng mga second hand na medical equipments  galing sa ibang bansa na worth hundreds of millions? Hindi ba ang ginagawa mo ang mas dapat kwestiyunin?!", "A-anong i-ibig mong sabihin?",nauutal nitong sagot. "Mr. President, lahat ng documents na yan ay nakalap ko kagabi, lahat yan ay authentic at hindi gawang recto. I made my own investigations para malaman ko ang kapasidad ng ospital na ito sa panggagamot. And I found out about this anomaly na sa tingin ko ay hindi mo alam. I suggest na ireview mo 'yan ng maiigi. Kung iisipin ang hinihingi ko sayong pabor ay wala pa sa kalahati ng nawawala or ninanakaw sayo yearly. And I think you should investigate it yourself para malaman mo ang totoo.", mariin niyang sabi sa ama. "And I think kailangan mong paimbestigahan ang kinakasama mo kung bakit at paano niya nailulusot ang mga ganitong bagay. I gave you some of evidences that I've found. It is up to you if you want to dig deeper."dagdag niya. "Theo, hindi 'yan totoo! Gawa gawa lang niya yan!" "Actually kung papaimbestigahan mo iyan ay malalaman mong totoo ang sinasabi ko. If you can lose hundreds of millions in a year dahil sa ninanakaw ng ibang tao, gasino ba yung mawawala kong papayag ka sa gusto ko. At sa oras na malaman mo na totoo lahat ng sinasabi ko about her, I want her out of this hospital as well as her son. I want them to held accountable for what they did. Because as you can see, isa si Voltaire sa pumirma ng mga papeles na iyan." "Liar! You're a liar!" sigaw ni Tamara. "Well, lalabas din naman ang totoo. Isa sa natutunan ko sayo way back 20 years ago ay maging handa sa mga gagawing hakbang. You see? I am well prepared Tamara, just like what you did before." patuya niyang sabi. "As long as I am here, I will be the pain in your ass darling." aniya sabay haplos sa balikat nito na waring nang uuyam. "Theo, wag kang maniniwala sa kanya. Hindi totoo ang ibinibintang niya sa akin at sa anak mo. Hindi namin magagawa 'yan sayo!" "Let the evidence speaks for itself Tamara. When it happens your words are useless."sambit niya. "Iyan lang ang gusto kong iparating saiyo Mr. President, para hindu ka mag alangan o manghinayang kung papayag ka sa gusto ko. Maghihintay ako ng tawag mo kung papayag ka na. Have a good day, Sir."baling niya sa ama sabay ngiti. Taas noo siyang naglakad papalabas ng opisina ng ama, batid niya na sa mga oras na iyon ay parang dagang nasukol si Tamara. At ang gagawin na lang niya ay panoorin kung paano ito lalabas sa trap na ito mismo ang may gawa. "Miss!!! Miss!!!", aniya ng isang tinig sa di kalayuan. Pagtingin niya ay muli niyang nakita ang matandang lalaki na tinulungan niya kahapon. "Hello po!",masaya niyang bati nang makalapit siya rito. "Magandang umaga saiyo. Hinahanap talaga kita. May dala akong sampaguita. Maganda yan ilagay sa sasakyan mo, natural na pabango." nakangiting sambit nito. "Naku, nag abala pa po kayo." aniya sabay sulyap sa asawa nito na nakangiti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD