His Dearest Surgeon Episode 4

2493 Words
"Maliit na bagay lang po iyan, kumpara sa tulong na naibigay mo sa aming mag asawa, partikular na sa akin. Kung hindi dahil saiyo ay baka wala na ako sa piling ng mister ko. Kaya maraming salamat po Doktora, ang sabi ng mister ko ay talagang napakahusay mong surgeon." may ngiti sa labing wika ng ale. "Isa po 'yan sa sinumpaan kong tungkulin. Kaya wag po kayong magpasalamat sa akin. Ang makita kayong ligtas ay isa nang karangalan para sa akin. Magpagaling po kayo at wag ninyong alalahanin ang gastusin dito sa ospital dahil ako na po ang bahala. Wala po kayong gagawin kundi ang magpalakas." nakangiti niyang tugon. "Napakabuti mo Doktora, siguro ay napakabuti din ng iyong mga magulang kaya lumaki kang isang napakabait na bata." Isang simpleng ngiti lang ang itinugon niya sa matanda bago tsinek ang mga aparato na nakakabit dito. Ilang araw lang ay pwede na itong makalabas sa ospital. "Ehemm!", wika ng isang tinig mula sa pintuan. Sabay sabay silang napalingon sa gawing pinto upang makita ang ngiting ngiti na si Fynn. "Hello po sainyo. Titingnan ko sana kung okay na po kayo 'nay, pero mukhang may gumagawa na noon para sa akin." "I'm sorry. Dumaan lang ako, aalis din ako agad. Two more days and she's good to go." seryosong wika niya. "Thank you so much Miss-- err-- Doctor???", "Larken, just call me Larken." simpleng sagot niya bago binalingan ang dalawang matanda para magpaalam. "Tutuloy na ho ako, dadalaw na lang po ako some other time. Salamat po sa bulaklak." aniya. Isang sulyap din ang ibinigay niya sa binata bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Ni hindi na niya nahintay na ipakilala rin ng binata ang kanyang sarili. "Larken!!!", malakas na sigaw ni Tamara sa kanya. Tapos na siguro nitong kausapin ang ama niya kaya nasundan siya agad nito. "What?!", asik niya rito. "Kapal ng mukha mo! San ka nakakuha ng lakas ng loob na gawin sa akin ito! Hindi totoo lahat ng binibintang mo sa amin! Palsipikado lahat ng yun at papatunayan ko yan saiyo!", gigil na wika ni Tamara. "Then do it." aniya sabay talikod dito. Wala siyang oras para patulan ang pagtatalak ng madrasta at mas gugustuhin niya pang mag isa. "Wag mo akong tinatalikuran pag kinakausap kita!" sigaw ni Tamara sabay hablot ng kanang bisig niya. Ngunit kung gaano ito kabilis kumilos ay ganoon din siya kabilis nakabawi. Sa halip na siya ang mahawakan nito ay baliktad ang nangyari. Dahil siya ang mabilis na nakahawak sa leeg nito at marahas na isunadsad sa pader. "Ako ang wag na wag mong dinadakdakan ng walang kakwenta kwentang bagay. Stay out of my way Tamara! You have no idea how monstrous I'd become when I am pissed. So if I were you di ko gugustuhing mapalapit sa akin. If you're innocent, then prove it. Wag kang mag inastang matapang diyan dahil hindi ako natatakot saiyo!" gigil niyang sabi rito. "G-get o-off me!", paputol putol nitong sabi dahil sa pagkakasakal niya. "Sure. Be nice with me Tamara. Okay?", she said while staring at her intently. Unti unti niya itong binitawan at nagpatuloy sa paglalakad. Ni hindi na niya pinansin ang mga taong nakatitig sa kanya na waring nagtataka. Alam niya sa sarili na nawawala na siya sa limitasyon niya. Ngunit hindi niya mapigil ang sarili lalo na kung pagdating kay Tamara ang pag uusapan. Samantala tahimik naman na nakatitig sa kawalan si Theodore. Binasa niya ang lahat ng papeles na ibinigay ng anak at alam niya sa sarili na totoo ang mga iyon. Hindi niya lubusang mapaniwalaan na magagawa iyon ni Tamara at ng anak. Labis siyang nagtiwala sa mga ito ngunit nabigo siya. Masakit mang aminin ngunit labis siyang nahihiya sa kanyang anak dahil ito pa mismo ang nakatuklas sa gawain ng mag ina. "Hello, Reuben? I need your help..." halos pabulong niyang wika sa kanyang abogado ng tawagan niya ito. "Anything you asked Mr. President." "Meet me at my office this afternoon. We have to discuss something." sagot niya sa binata. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng oras. Pakiramdam niya sa anumang sandali ay tuluyan na siyang bibigay. At hindi niya alam kung magkakaayos pa ba silang mag ama. O tuluyan na siyang mamamatay bitbit ang labis na pagsisisi, pagkasabik sa yakap at pagpapatawad ng kanyang unica hija. --- Kakatapos pa lang niyang maghapunan ng makatanggap ng tawag mula sa kaibigang si Reuben. Bagamat hindi inaasahan ay kaagad din niya itong sinagot. "Yes?", "Nakausap ko ang Dad mo kanina. At payag na siya sa mga kondisyon mo. Pwede ka na daw magtrabaho sa ospital as soon as you want." "Really?!", excited niyang sagot. "Yeah! Kaya ang tanong ko sayo ngayon, kailan mo balak magsimula?", "Sabi mo nga di ba? I can work there as soon as I want. So, bukas na bukas din ay magsisimula na ako! Hahaha!", masigla niyang sagot. "Good to hear that. Siguradong matutuwa din ang Dad mo sa desisyon mo. Plus, yung mga taong matutulungan mo sa medical mission mo." "Well,  what more can I say? Salamat sa tulong Reuben." "No worries, so may treat ba ako tonight?",he giggled. "Hmm, kakatapos ko lang mag dinner eh." "Well, nagpupunta ka ba sa mga restobar or high-end pub, or some place that we can have fun?", "Sometimes." "Tara!!! We have to celebrate something!", "Okay, san tayo magkikita? Your place or mine?" "Sunduin na lang kita. I'll be there at eight. Sharp." "Noted." Pagkatapos nilang mag usap ng binata ay kaagad siyang naligo. Black dress ang natipuhan niyang isuot na tinernuhan niya ng black stilettos. Sakto namang nag reretouch na lang siya ng make up ng dumating ang binata. "Wow, you look like a goddess Larken, stunning as usual." ngiting ngiti na wika ng binata. "Which goddess? Venus or Hera?", "I'll think about it. Hahaha!", "Well, I'd prefer Hera." "Whew, why?". "Know her story, and you'll find out, why." nakangiti niyang sagot. "Let's go?", "Okay." sagot ni Reuben bago inalalayan ang dalaga papalabas ng condo nito. Masaya siya sa mga oras na iyon dahil nakasama niya ang dalaga. Hindi man nito pansin o ramdam ngunit may namumuo siyang pagtingin para dito. Subalit kailangan niya munang ipagpaliban ang pagtatapat rito upang bigyang daan ang totoong dahilan kung bakit nga ba kinailangan ng dalaga na umuwi ng Pilipinas. Wala pa rin kasing kaalam alam ang dalaga na mayroon itong napakahalagang misyon na gagawin na may kinalaman sa sarili nitong ama. --- Sa Valkyrie niya dinala ang dalaga, bagay lamang sa sosyalin nitong pamumuhay. Nahihiya din naman siya na dalhin ito sa isang pipitsuging bar dahil baka hindi nito magustuhan lalong lalo na, na sa Denmark ito lumaki. "You like it?", tanong niya sa dalaga. "Yeah. It's pretty big." "Yeah. Let's just enjoy the night and have fun. Don't worry. My treat!", aniya sa dalaga sabay kindat. "Hahaha! No. My treat. Just this once." sagot naman niya. Inalalayan siya ng binata papunta sa isang bakanteng mesa at agad na nag order ng drinks nila. Siya naman ay inilibot muna ang paningin sa buong lugar. Matao at puno ng kasiyahan ang buong lugar. Tamang tama lang sa mga taong gustong magkaroon ng panandaliang saya sa piling ng nga barkada. Napatingin siya sa kabilang mesa at bahagya pang nangunot ang noo niya ng makita si Voltaire habang kakwentuhan nito ang ibang staff ng ospital, sa wari niya ay nagkakasiyahan din ang mga ito dahil dinig na dinig niya ang halakhakan ng bawat isa. "Madalas din dito ang kapatid mo, lalo na kapag weekend." wika ni Reuben ng mapansin nito na nakatingin siya sa binata. "Ahh I see. Buti pinapayagan siya ng mga magulang niya?" "Kind of. Kahit naman ata hindi payagan ni Mr. President ay tumatakas pa din siya. Noong una pinapasundo palagi sa driver pero sa kalaunan. Hinayaan na lang, as long as hindi siya mapapahamak o hindi siya maiinvolve sa kahit na anong gulo." "Ahhh..." "Hindi mo pa rin ba sila matanggap? I mean,  hindi mo ba sila kayang bigyan ng chance?" "I don't know. Isa lang ang alam ko, dahil sa nanay niya kaya nasira ang pamilya ko." "Don't you think it's about time na ibigay mo sa kanila ang forgiveness? Even though hindi nila hinihingi sayo ng personal. Sabi nga nila di ba? Kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kayang mga tao?", "That's the problem Reuben, I am no God. I just can't forgive them, not now. Or maybe, not ever. Masyadong malalim 'yong sugat na ibinigay nila sa akin na sa tuwing nakikita ko sila ay unti unting bumabalik sa pagiging sariwa." "I'm sorry... Pero kahit ba ang Dad mo, hindi mo pa rin mapapatawad?" "You don't have to. Actually I am not asking to be understand nor to be heared. And about Mr. President, he's okay. And I think hanggang doon na lang kami. I don't even know why I have to go back here, you know after all our heartbreaks. I can't even stand seeing them for too long. Ang alam ko lang pinilit ako ng Mommy ko, if not because of her. I shouldn't be here." mapait niyang tugon. "Oo nga pala, we're here to be happy. So I guess, change topic tayo?", pag iiba ng usapan ng binata. Ramdam na kasi nito ang pagbigat ng kalooban ng dalaga. "Bukas nga pala sunduin kita sa condo mo. Magiging escort/ bodyguard/ driver mo ako from now on." "May kotse naman ako, I can drive. Saka no need na sunduin ako. I can manage." "Pero ang sabi ni Mr-". "Tell him that I appreciate it, but the answer is no." "Okay..." Hindi na siya kumibo pa sa binata, pinagkasya na lang niya ang sarili na makinig sa mga tugtugin at makisaya sa mga taong naroroon. Pansamantalang pagkalimot sa lahat ng sakit ang ipinunta niya roon. At ayaw niyang masira ang gabi niya dahil sa mapait niyang alaala. Nakailang lagok na siya ng alak ng mapansin niya na nakatitig sa kanya si Voltaire. Awtomatikong umangat ang kilay niya ng bigla itong ngumiti at naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. "Andito ka din pala sister, why don't you join us? Para ka namang others. Kasama ko din ang ibang staff mg ospital. Sila sila din ang makakasama mo starting tomorrow kasi sabi ni Dad, papasok ka na rin sa ospital?", ani Voltaire. "Thanks but no thanks. Okay na kami dito."tanggi niya. "Hahaha!!! Mas madami, mas masaya. Sama na kayo sa grupo namin, diba Fynn???", malakas na sigaw ng binata sabay tawag sa lalaking nakatalikod. Paglingon nito ay agad niya itong namukhaan. Iyon ang doktor na tumitingin din sa pasyenteng tinulungan niya. "Oo nga naman Miss Larken, ang balita namin ay magiging magkatrabaho na tayo simula bukas. Hayaan mo kaming ipakilala sayo ang mga sarili namin. Para naman bukas ay wala ng ilangan na magaganap." sagot ni Fynn ng makalapit din sa kanila. "Oo nga naman, saka kung di ninyo natatanong. Si Larken ay ang kaisa-isa kong Ate. Na ngayon ko lang din nakilala. Hahaha!", Habang nagsasalita si Voltaire ay gustong gusto na niya itong sampalin dahil sa sobrang katabilan nito. Wala siyang balak na ipakilala ang sarili bilang anak ng MMC. Gusto niyang maging low profile lamang para hindi siya pangilagan ng mga makakasama. "Nice to meet you Miss Larken. Kaya pala may kaunting similarities kayo ni Mr. President. Anak ka pala niya. Ako naman po si Camille." nakangiting wika ng isang babae na may kaliitan. "At siya naman si Fynn. Iyong isa ay si Chelsea at yong isa pang lalaki ay si Bryan." "Hi. Nice to meet all of you." nakangiti niyang sabi sa mga ito habang inilalahad ang mga kamay. Tanging kindat lamang ang iginawad sa kanya ni Reuben na tila bang nagsasabi na magiging masaya siya na makatrabaho ang mga ito. Matapos ng ilang oras na kasiyahan ay nagpasya na silang magsiuwi. May mga pasok pa sila kinabukasan kaya naman hindi na sila nagpaabot ng madaling araw. --- Kinabukasan ay maaga siyang gumayak para sa pagpasok. Ang oras ng duty niya ay ala una ngunit alas nuebe pa lang ay nasa ospital na siya. Hindi siya makapaghintay na makita ang mga pasyente na nangangailangan sa kanya. Papasok pa lang siya sa ospital ng makita niya ang napakalaking tarpaulin kung saan nakasulat ang libreng konsultasyon lalo na sa mga kapos palad. Naroon din nakalagay ang ibang hinihingi niyang kondisyones sa ama. Bago siya nagsimula sa pagtatrabaho ay isa isang pinakilala ang mga makakasama niya. Lahat naman ng mga ito ay masisipag at maayos magtrabaho kaya hindi siya nahirapan. Maya't maya din ang pagdalaw niya sa dalawang mag asawa na lalabas na rin kalaunan. "L-larken, a-anak. Pwede ba kitang makausap?", wika ni Theodore ng mamataan ito na naglalakad sa labas ng kanyang opisina. "Huh? Mr. President. Ano po iyon? Tungkol po ba sa trabaho o personal na bagay?",aniya habang patuloy sa pagtingin ng medical record ng isa kanyang pasyente.Ni hindi siya nag abala na sulyapan man lang ang ama. "Tungkol sana sa akin o sa atin." "I believe na may oras po tayo sa ganyang bagay. Considering po na kayo ang may ari ng ospital na ito. But please let me remind you na oras ng trabaho ko and I have patients na nangangailangan ng serbisyo ko. And by the way, thank you sa pagtanggap sa akin dito. I hope naasikaso mo na rin ang ginawang kabulastugan ng mag ina mo." "About Tamara..  Pinapaimbestigahan ko na kung ano 'yong ginawa nila. At salamat din sa pag stay dito sa ospital. It means a lot to me." nangingilid ang luhang wika ni Theodore. "Me either. By the way, mauna na po ako. May mga pasyente pa akong aasikasuhin." paalam niya sa ama. "Larken, anak!", "Huh?" "You look perfect with your lab coat." "Thanks." "And... I really missed you... A-anak." tila hirap na hirap na turan nito. "Please refrain from calling me anak, lalo na sa harapan ng ibang tao. I am here as one of your employee. At isa pa matagal ka ng hindi nagpaka ama sa akin, kaya kinalimutan ko na lahat. So please, stop calling me that way. You were never my father. And I, was never your daughter." walang gatol niyang tugon bago tuluyang iniwanan ang ama. Sa kanyang pagtalikod ay hindi na niya nakita ang unti unting pagtulo ng mga luha ni Theodore kasabay ng paninikip ng dibdib nito. Buti na lamang ay agad itong nakita ng sekretarya at agad na tinulungan na painumin ng gamot nito sa puso. "Mr. President, wala pa po ba kayong balak na sabihin sa anak ninyo ang kondisyon ninyo?", tila alanganing tanong ni Nelly, ang kanyang sekretarya. "Galit pa rin siya sa akin. At kung malalaman niya kung ano ang sakit ko at ang totoong dahilan ng pagbabalik niya rito. Baka ikatuwa niya pa iyon, o baka naman wala rin siyang pakialam at hayaan lang ako. Everytime na nakikita kong nakatingin sa akin ang anak ko. Wala akong makita sa mga mata niya kundi pagkapoot. At lahat ng iyon ay dahil din sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD