His Dearest Surgeon Episode 5

2489 Words

Pigil ang luha ng dalaga habang naglalakad papalayo sa ama. Tila wala sa sariling binabagtas niya ang hagdanan paakyat sa rooftop ng ospital na iyon. Balak niyang sumagap ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga. Gusto niyang panatilihing bato ang puso niya para sa ama. Ayaw niyang magpadala sa mata nito na palaging nangungusap pag tinititigan niya. Masisisi ba siya kung bakit ganun na lang ang galit niya sa ama? Kasalanan ba niya kung bakit sa hinaba haba ng panahon ay hindi niya pa rin ito mapatawad? "I really hate this feeling! Gosh!!!",iritableng wika niya ng tuluyang makarating sa rooftop. Nakailang buntong hininga muna siya bago niya napakalma ang sarili. Habang nakatitig sa kawalan ay muling nagbalik sa alaala niya ang nangyari sa kanya noong ikapitong kaarawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD