Kababa ko palang ng Cab at papasok ng Building kung nasan ang condo ni Jake ng tumunog ang cellphone ko.
Huminto ako at kinuha ito sa loob ng dala kong sling bag. Sinagot ko ito ng hindi tinitignan ang caller.
"Hello?" sabi ko.
"Where the hell are you?! Bakit lagi ka nalang nawawala sa Campus tuwing breaktime! "
Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko gawa ng pagsigaw ng nasa kabilang linya.
"Ahmmm.. May importante lang akong pinuntahan magkita nalang tayo sa bahay. " Kinakabahang sagot ko sakanya.
"i'm telling you, Anne Marie Domingo, Go back here now if you don't want me to follow you kung saan lupalop ka man. " Malamig pero madiing ang bawat pagbigkas niya ng mga salita.
"O-okay..." Sagot ko at pinatay na ang tawag. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Francis never use that kind of tone whenever he talks to me. Kinakabahan ako na parang ayaw ko siyang sundin ngayon pero kelangan.
Tumingala ako sa labas ng building. Gustuhin ko mang tumuloy pero hindi pwede ngayon. Kinuha ko ulit ako cellphone ko at nagtype ng message para kay Jake.
To Jake:
i'm outside the building where you live. i want to go inside but there's an emergency so i need to go. I'll just come back later '
Pagkatapos masend ay nag abang na ako ng Cab pabalik ng school.
..
Nasa tapat ako ng Office niya at tinapat ang thumbmark ko sa fingerprint scanner. Bumukas ito agad. nagmamadali akong pumasok at isinara ang pinto.
Nakahalukipkip na nakasandal si Francis sa harap ng lamesa niya na masama ang tingin sakin.
" Where did you go woman?" Malamig pero kalmadong tanong niya sakin.
"A-ahmmm. M-may binili lang s-sa l-labas.." Nauutal kong sabi saknya.
He laughed in sarcastic way. And stared at me more darker.
"Don't try to fool me, Baby.
Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung madali lang akong maloko. " Sabi nito ng nakangisi.
"Francis can you.... Natatakot na ako sayo please..." Naluluha kong sabi sakanya.
Humakbang siya palapit sakin kaya napaatras ako ng napaatras hanggang napasandal na ako sa dingding. Tinukod niya ang isang kamay habang ang isa naman ay niyakap sa bewang ko. Yumuko siya para tignan ako pero nakayuko din ako habang nakatingin sa mga paa namin.
"Look at me, baby. " Malamig na utos niya sakin.
unti-unti akong tumingala para makita siya. Seryoso parin ang tingin niya sakin kaya napakagat labi ako.
" Kala ko ba wala kang gusto sa Jake na yon? Bakit mo pinuntahan sa bahay niya?" Tanong niya na puno ng galit ang mata.
Napalitan ng pagtataka ang takot kong nararamdaman. "Pano mo..." mahinang sambit ko.
"nag install ako ng tracker sa cellphone mo Anne. Simula noong nanggaling kayo sa mall ng Jake na yon. Ang sabi mo hindi mo siya gusto." Seryosong sagot niya.
Umiling ako bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Hindi naman talaga. May sakit siya kaya pinuntahan ko siya. Hindi pa naman ako nakakapasok. Nasa labas palang ako nung tumawag ka. kakababa ko lang ng Cab nun. " Naiiyak kong paliwanag ko sakanya.
Nanlisik ang mga mata niyang naka tingin sakin. Naglakad siya palayo sakin na nakakuyom ang mga palad at nakaigting ang panga.
"Arggggghhhh ! D*mn it!!!" Sigaw niya na habang nakatalikod sakin. Naiyak na ako ng tuluyan ng dahil sa takot.
"Francis i'm sorry please don't get mad at me... Please calm down. " Pakiusap ko sakanya sa pagitan ng pag iyak.
Nagtaas-baba ang balikat niya habang nakayuko. dahan dahan siyang humarap sakin at umiiyak.
"Siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit nanlalamig ka sakin nitong mga nakaraang araw huh, Anne?" Hirap na hirap at puno ng sakit ang boses niya habang nagtatanong.
"No.. " sagot ko at dahan dahang lumapit sakanya.
Huminto ako sa harapan niya at niyakap siya. "i love you so much Francis. You know that right? Hindi ko gagawin at magagawa sayo yun. He's important to me coz he is my close friend. But you, you are my other half. Mahal na mahal kita. please believe me, Hmm..." sabi ko habang umiiyak.
Malalim ang mga hinga niya dahil sa pag iyak. Tumingala ako sakanya dahil hindi siya nagreact sa sinabi ko.
Nakatingin siya sa akin at puno ng hinanakit ang mga mata. "Hindi ko na alam Anne kung mahal mo pa ba talaga ako. Bakit pakiramdam ko mas pinaprarioty mo siya kesa sakin? Alam mong pinagseselosan ko siya. Pero heto ka at pinaparamdam sakin na kailangan kong matakot dahil unti unti ka na niyang naagaw sakin." Sabi niya at malungkot na ngumiti habang nag uunahan na naman sa pagtulo ang luha.
"i'm sorry Francis. Hindi ganun yun. He needs a friend dahil may pinagdadaanan siya ngayon. Yu lang yun. we're just friends. " paliwanag ko naman.
Huminga siya ng malalim bago ako niyakap pabalik. Siniksik niya ang mukha nya sa pagitan ng leeg ko at balikat.
"Anne, can we go back when we use to before? Yung nasakin lang ang buong mong atensyon? Kung saan wala pang Jake na pinagseselosan ko? Ako ang fiance mo pero ako ang nakakaramdam ng inggit sakanya. " malungkot na pakiusap niya.
Hinimas ko ang ulo niya at lalong humigpit ang yakap niya sakin.
"Please Anne. Please be mine. Mine alone. hmm? " Naramdaman ko ang pagbasa ng leeg ko dahil sa luha niya.
"Okay i promise. Please stop crying okay? Sayo lang naman talaga ako eh. " sabi ko at hiniwalay siya sa pagkakayakap naming dalawa.
Pulang pula ang mga mata namin dahil sa pag-iyak. Malungkot parin ang itsura niya habang nakatingin saakin. " Let's get married tomorrow. " sabi niya na ikinagulat ko.
"Tomorrow? Where?" Paninigurado kong tanong sakanya.
"Yes. ilang araw ko na tong inaasikaso kaya nawalan ako ng time sayo. Gusto talaga as soon as possible. Dito ako naghanda sa Pilipinas. Pero let's get married in US tomorrow then after Graduation mo nalang ang wedding dito sa Pilipinas." Paliwanag niya . "Papayag ka naman diba?" Hindi siguradong tanong niya saakin.
"Of course. Kung yun ang paraan to give you assurance then let's get married tomorrow" Nakangiti ko ng sagot sa kanya.
"Thankyou you Baby. " He said and kissed me passionately.
...
Nasa Airport kami ngayon at nag aantay ng Flight papuntang US. Hindi na nga ako napasok sa ibang subjects ko at hindi na nakabalik kay Jake. Sa kagustuhang mapatunayan kay Francis na siya ang mahal ko ay pumayag ako sa gusto niya. Nagfile siya ng leave dahil sa Sabado pa ng gabi ang balik namin dito sa Pilipinas.
"Le's go." Nakangiting sabi niya at inilalayan ako sa paglalakad.
Kaming dalawa lang ngayon ang nakasakay sa eroplano dahil biglaan ang plano niya ngayon. Kahit ang mga magulang ko ay nagulat ngunit pumayag din sa huli. Pansin ko sa mga magulang ko na umu-oo nalang sila sa lahat ng plano ni Francis pagdating sakin. Pinagkatiwala na talaga nila ako kay Francis ng buong buo kahit hindi pa kami mag-asawa. Oh well, magiging mag asawa na pala kami pagdating ng US dahil masyadong atat ang lalaking kasama ko.
Nakatulog ako sa buong byahe dala na din ng pagod sa pag iyak at pagbubuntis ko. Dumiretso kami sa isang hotel at pinagpahinga ulit ako ni Francis. Hindi na ako tumanggi dahil inaantok pa talaga ako.
"Wake up beautiful. We need to get ready. " Malambing na sabi niya habang pinapatakan ng mga halik ang buong mukha ko.
Napangiti naman ako at marahang dumilat. Nakangiting mukha ni Francis ang nabungaran ko.
"i love you my wife. You'll going to really mine legally. Mine alone." Makahulugang sabi niya.
Marahan naman akong tumango sakanya. " Mahal na mahal din kita Francis. " sagot ko at hinila siya sa batok at hinalikan siya sa labi.
Binuhat niya ako papuntang banyo at sabay kaming naligong dalawa.
Suot ko ay puting one-shoulder sling top strapless mesh tube top dress habang kay Francis naman ay color white na three piece suit tuxedo. Nakangiti itong nakatitig sakin mula sa likod habang ako naman ay nakaharap sa salamin.
"Beautiful as always. " Sabi niya at niyakap ako mula sa likod at hinihimas ang tiyan ko.
Marahan niya akong hinila palapit sa kama. Umupo siya sa isang side habang nakatayo ako sa pagitan ng dalawa niyang hita. Hinimas niya ulit ang tiyan ko at ngumiti.
"Babies, Mommy and Daddy are getting Married tonight. Are you both happy for us inside your mom's womb?" Pagkausap niya sa mga ito. Niyakap niya ako sa bewang at idinikit ang mukha sa tiyan ko. "Daddy loves you so much my little angels. "
Hinimas himas ko ang buhok niya habang nakangiti. " We Love you also Daddy." sagot ko kaya napatingala siya saakin.
Namumula ang kanyang mga mata sa pagpipigil ng luha habang nakangiti. Yumuko ako para magkalapit ang aming mga mukha. "Don't think to much we never leave you alone. We love you so much so don't stress yourself. Ikaw lang ang mahal ko Francis. Since Day 1 ikaw na ang nagmay ari sa puso ko. " Hindi ko mapigilang pumatak ang luha ko.
Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako ng buong pag iingat. " i love you Anne. Mahal na mahal kita. i'm sorry kung this past few days ay lagi tayong nag aaway. i love you more than anything . Pasensya na kung minadali ko ang kasal natin ngayon. Natatakot lang akong iwan mo at maagaw ka sakin ng iba. i can't imagine my life without you. " Madamdamin niyang sabi sa akin.
"i know. i'll understand that's why i'm here , ready to marry you coz i can't see myself being happy in the future without you also. you are my everything now. You are my happiness. Kaya ipalagay mo na ang loob mo. Hindi ako magpapaagaw sa iba. i'm yours. yours alone. " nakangiting sagot ko at pinatakan ng mga halik ang buong mukha niya.
Tumayo na din siya at niyaya ako palabas ng kwarto. Naglakad kami papuntang Garden kung saan may redcarpet at lamesa sa harapan na may nakatayong lalaking nakangiti samin.
Naglakad kami ni Francis palapit sa kanya ng nakangiti.
"Your really getting married, Man. Congrats! " Sabi nito kay Francis at nakipagkamay.
"Thankyou, Samuel. Let's get started ." nakangiting sagot niya dito.
"Dude sabihin mo na ang vow mo sakanya. Tapos ikaw naman Miss sabihin mo din ang vow mo. " utos niya samin ni Francis.
"Ayusin mo naman! Wala ka talagang kwenta ." Naiinis na sabi ni Francis.
"Okay na yan! Andami mo pa kasing alam pwede mo nyo namang pirmahan nalang dalawa ang marriage contract. Nag abala ka pang pumunta dito napurnada tuloy yung lakad ko. Bilisan mo na at may date pa ko pagtapos nito. " sagot naman niya .
Natawa ako sa kanilang dalawa. Tumatawa siya habang si Francis ay masama ang tingin sakanya.
Bumuntong hininga muna siya bago humarap sakin . Nginitian ko siya kaya naman napangiti din siya bago nag salita.
"Anne Marie Domingo, i love you so much wife. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka lang. Hindi ako perpektong tao pero pipilitin kong maging perpekto para sayo. Makakasama mo ako at susuportahan kita sa mga pangarap mo. Habang buhay akong magiging tapat sayo at ipinapangako kong sayo lang titiboka ng puso ko. Mahal na mahal kita." Naluluhang sabi niya at isinuot ang sising sa daliri ko.
"Sir Francis, sa Garden tayo unang nagkakilala. Natulala ako ng makita kita kasi sobrang gwapo mo. Nagkacrush agad ako sayo kaya hindi ako nagalit noong hinalikan mo ako. Kahit nagkalayo tayo noon wala akong ibang nagustuhan maliban sayo. Maraming nanligaw sakin pero ang panliligaw mo ang inaabangan ko. Hindi tayo perpektong tao. We feel different emotions at gusto kong maranasan lahat yun kasama ka. Gusto kong mag-grow as a person kasama ka. Sabay nating tuparin ang pangarap ng isa't isa. Mahal na mahal kita Francis. " Hindi ko napigilan ang pag iyak habang nagsasalita. isinuot ko na ang singsing sa daliri niya.
"Pwede mo ng halikan ang asawa mo . i pronounce you husband and wife." sabi ito at pumalakpak.
"Bwisit ka talaga panira ka ng kasal! Pasalamat ka talaga kailangan kita ngayon. " Naiinis na namang sagot niya sa kaibigan niya.
"Halikan mo na ko huwag kana mastress " Natatawa kong sabi sakanya.
ngumisi naman siya at dahan dahang inilapit ang mukha niya sakin. " Be ready for the honeymoon My Wife. " bulong nito saka ako hinalikan.
--*