"Salamat Jake ah. Nag enjoy ako kahit Nag-iyakan tayo ." Natatawa kong sabi sakanya.
Ngumiti namn siya at nagpaalam kung pwede akong yakapin. Tumango naman ako at naunang yumakap sakanya at tinapik tapik ng ang likod niya. Natawa naman siya at hinalikan ako sa ulo bago pinakawalan.
"Pasok kana.. " Sabi niya at kumaway sakin.
Kumaway naman ako pabalik at ngumiti. " Salamat ulit ingat ka. " sabi ko
Hinantay ko muna siya makaalis bago pumasok ng Gate. Pagbukas ko palang ng pinto ay sabay sabay napalingon si Papa, Mama at Francis.
',so nandto na pala siya.' sa isip ko.
Sinalubong niya ako at niyakap ng mahigpit.
"Baby, where did you go? You make me worry. Bakit hindi mo sinasagot ako mga tawag ko? Bakit ginabi kana? " Sunod sunod na tanong niya na may halong pag-aalala.
"i'm Home Francis. " sagot ko at bahagyang umatras para makawala ako sa pagyakap niya.
Napakunot noo siya at may pagtataka sa mukha pero nilagpasan ko siya at ngumiti sa mga magulang ko.
"Good Evening po Pa, Mama. " Nagmano ako sa kanila at nagpaalm din na aakyat na.
"Kumain kana ba? Bawal ka magpagutom." Sabi ni Mama.
"Yes po Ma. kumain na ko sa labas. Akyat na po ako. " Sabi ko naman.
Sinulyapan ko si Francis na seryoso na ngayon nakatingin saakin. Nagbawi ako ng tingin at nginitian ulit sila Mama bago umakyat ng hagdan.
Kalalapag ko palang ng bag ko ay nakasunod ng pamapalingon ako sa pinto dahil sa pagtunog ng lock.
"San ka galing Anne?" Seryosong tanong nito habang madilim ang mukhang nakatingin sakin ng deretso. Ang mukha niya ay parang nagsasabi na malalagot ako kapag hindi ako sumagot ng maayos.
"Mall." Tipid na sagot ko at nagbawi ng tingin. Nakakapaso ang mga tinging ipinupukol niya saakin. Hindi ko iyon matagalan.
"Sinong kasama mo? Huwag mong idahilan sila Marielle dahil pumunta sila sa Opisina ko para itanong kung nasaan ka. Hindi ka pala pumasok ng iba mo pang mga subject after break! Nag cut ka?! " Madiin at medyo napataas ang boses niya dahil sa inis.
"Si Jake ang kasama ko. Nag Arcade lang kami. " sabi ko sabay irap ng mata.
"What?! Sumama ka sa ibang lalaki? At kayong dalawa lang talaga Anne? Seryoso kaba?!" Kung kanina ay inis ang nasa mukha niya ngayon ay galit na. Namumula ang mukha niya pababa sa leeg at mga tenga.
" Eh ano bang ikinagagalit mo?! Diba ikaw din naman! Makapagsalita ka sakin parang wala kang kasamang ibang babae kanina ah! ," Pasigaw kong sagot sakanya.
Naiinis na ako! Kung makasigaw siya parang wala siyang kasama kanina! Galit na galit siya pag kasama ko si Jake kahit kaibigan ko lang naman to samatalang siya ni-hindi ko kilala kung sino yung kasama niya na mukhang bagay daw sakanya sabi ng ibang estudyante sa Campus!
Saglit siyang natigilan at bumakas sa mukha niya ang pagkagulat. Saglut lang yun at bumalik din agad ang galit sa mga mata.
"Anong pinagsasabi mo? " Madiin at seryoso niyang tanong. Parang mas nakakatakot ang ganito iyang tono ng pagsasalita kesa kaninang pasigaw siya.
"Diba may kasama kang babae kanina Francis?! ilang beses kitang tinawagan pero hindi ka sumasagot! Sobrang busy mo naman ata! " sigaw ko sakanya. Naninikip na ang dibdib ko sa pinaghalo halong Selos, galit at takot.
Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin pero itinikom lang niya ulit ito. Malalim ang buntong hininga na ibinuga niya bago tumingala at pumikit. Hinilot hilot niya ang sintido niya na para bang siya pa itong stress na stress saming dalawa.
Bumalik ang tingin niya sakin na kalmado na kahit ang mga mata ko ay nananatiling galit na nakatingin sakanya.
"Magpahinga na muna tayo Anne. Bukas nalang tayo mag usap. " Sabi niya at naglakad papuntang kabilang side ng kama at humiga patalikod sakin.
Tinignan ko siya ng masama bago naglakad papuntang banyo at pabalibag ko itong isinara.
Nakaka-frustrate ang mga nangyayari. Kaya ba atat na atat siyang magpakasal para kahit mambabae siya e wala na akong kawala sakanya? Aba kung ganun din naman pala edi wala ng kasalang magaganap! isang beses lang ako nagtitiwala at hindi ako nagbibigay ng isa pang pagkakataon. Kung mangyari man yun, salamat nalang talaga sa lahat.
..
Kinabukasan ay mas naunang umalis si Francis ng bahay. May iniwan lang siyang note na nakadikit sa salamin ng dresser ko na sinasabing mamaya nalang kami mag usap pag uwi t marami daw siyang aasikasuhin sa Opisina niya. Hahayaan ko nalang muna siya. Kelangan namin parehas magpakalma.
",Okay kalang?" Nag aalalang tanong sakin ni Jake. inabot niya saakin ang chocolate drink na binili niya bago umupo sa tabi ko.
Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga bench dito sa loob ng Basketball Court ng Campus. Tinawagan ko siya kanina bago matapos ang Last subject ko bago mag breaktime.
Nakatingin ako sa Ring habang siya ay nakasandal sa bench at nakatukod ang magkabilang braso sa sandalan. Nakatagilid ang ulo niya paharap saakin.
"Ayos lang naman. Alam mo bang ikaw ang pangpakalma ko?" natatawang sabi ko. "Alam mo nitong mga nakaraang araw naiStress talaga ako ng sobra. Pero pagkasama kita nawawala lahat ng iniisip ko. Masyado kasing nakakahawa ang mga ngiti mo."
Nakatingin lang siya sakin at hindi gumagalaw habang nakatitig sa mukha ko. Kumaway kaway ako sa harap niya pero hindi parin nakakurap. Nakaawang lang ang bibig niya na parang nagulat sa sinabi ko.
"Hello Jake, go back to earth." natatawang sabi ko at hinakawan ang mukha niya.
Napaatras naman siya na parang napaso sa hawak ko. Napaiwas siya ng tingin at bahagyang pinagpawisan.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at iniharap sakin ang mukha niya. Bakas ang gulat at pag awang ng bibig niya sa ginawa ko.his body became stiff.
"Okay kalang? ikaw ang mukhang hindi okay sating dalawa eh. pinagpapawisan kapa. " Sabi ko at pinunasan ng likod ng palad ko ang pawis niya sa noo at sintido.
Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa ginagawa.
"Stop it please. Stop torturing me." Seryosong sabi nito na ipinagtaka ko.
"Ha? " naguguluhang tanong ko sakanya.
Dahan dahan niyang nilapit ang mukha sakin at halos isang pulgada nalang ay magkakadikit na ang mga mukha namin. Napaiwas ako ng tingin at nakaramdam ng kaba.
"Hindi mo alam kung anong epekto sakin ng mga ginagawa mo ngayon. So stop it Anne Marie. Before i lost control. " Seryosong sabi niya bago binitawan ang kamay ko at basta nalang akong iniwan.
'Ano bang meron?' Naiwan akong nakatanga sa loob ng court bago naisipang umalis na din dahil parang wala namang balak bumalik si Jake.
Hanggang sa loob ng klase ay hindi ko maiwasang isipin ang mga kakaibang ikinikilos at sinasabi ni Jake. Nagpadala ako ng mensahe sakanya na magkita kami After classes.
from Jake:
"I went home early."
Me:
Why? Do you want me to come?
Jake:
No, i'm fine.let us meet tomorrow'
Me:
Are you sure?
Jake.:
Yeah , Don't worry. Don't stress yourself i'm really fine.
Me:
Alright. Take care . See you tomorrow.
Bumuntong hininga ako at itinago na ang cellphone ko sa bulsa.
Hindi ko magawang hindi mag alala para sakanya. He is always by my side whenever i am sad and in trouble. i also want to do that for him. Gusto ko ding maging mabuting kaibigan para sakanya. i want to spoil him like how he spoiled me.
..
Hindi umuwi si Francis Kagabi. Nagpadala lang siya ng text na kelangan niya mag overtime dahil malapit na ang Christmas break. Para daw hindi siya matambakan pag nagbalik eskwela sa January.
"Hindi siya pumasok?" Takang tanong ko sa kateam niya.
Breaktime ngayon at nandito ako sa Court para kamustahin si Jake. Hindi na kasi siya nagreply sa mga text ko kagabi at nag aaalala na ako sakanya.
"Hindi eh. Nagpaalam siya kay Coach. Masama daw ang pakiramdam niya ngayon." Sagot nito at nagkamot ng ulo.
"Ah okay salamat. " sagot ko naman at tumalikod. Sinasabi ko na nga ba at may dinaramdam siya kahapon.
"Wait! " Napalingon ako at natigil ako sa paglalakad dahil sa paghawak nito sa braso ko. Napatingin naman ako sakanya na may pagtataka at napatingin sa braso ko na hawak parin niya mabilis niya naman itong binitawan at nagtaas ng dalawang kamay.
"Bakit?" Tanong ko sakanya .
"itatanong ko lang kasi kung Girlfriend ka niya? nitong mga nakaraang araw parang wala siya sa sarili eh . Nag away na kayo?" Balik tanong niya sakin.
"Ah hindi.. San nga pala siya nakatira?" Sabi ko na ikinagulat niya
" Hindi mo alam?" Naniningkit ang matang tanong niya.
Umiling naman ako.
Sinabi niya sakin ang address at kung paano makapunta doon. Nagmadali na akong umalis at hindi na pumasok sa susunod na mga klase para puntahan si Jake.
--*