Chapter 30 Stella "Stella?" tumingin ako sa tumawag sa 'kin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya pa. "Maganda rito. Tahimik at saka nakakarelax. Kaya dito na muna ako. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" "Tambayan ko rito sa likod ng bahay. Kasi tulad nga ng sabi mo, tahimik at nakakarelax." ngumiti siya sa 'kin. May hitsura rin naman 'tong si Jasper. Matanda nga lang sa 'kin ng isang taon. Magkasing edad ata sila ni Xander. "Pwedeng tumabi?" tanong niya. Umusog ako ng kaunti at sinagot siya. "Oo naman." May upuan dito sa likod ng bahay. Sakto sa dalawang tao. Puno ng magagandang bulaklak. Garden ata itong likod bahay nila Tita. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Ang sarap sa mata ng mga bulaklak sa paligid. "Wala kang trabaho ngayon? Hindi ka ba pupunta ng bukid?" tanong

