Chapter 31 Stella Hindi ako nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung binalot ba ako ng konsesya. Hanggang ngayon ay may pake pa rin pala sa 'kin si Xander. Akala ko pa naman wala na siyang pakialam sa ‘kin kaya nawawalan na siya ng time. "Ate Dianne!" Napalingon ako sa pumasok sa pinto. Si Dianne nga at Xander. Bakit kasama niyang umuwi dito si Dianne? Doon kasi natulog si Xander. Birthday naman daw kasi ni Dianne. Si Cindy hindi pinayagan kagabi. Kaya umuwi siya kasama ni Tita. "Dianne, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Tita. "May gusto po sana kaming sabihin ni Xander." Tumingin siya kay Xander habang hinihimas ang braso nito. Bakit nakahawak siya sa braso ni Xander? "Ate Dianne. Ang saya po talaga kagabi sa birthday mo." "Mabuti. Si Xander ang nag-ayos ng party ko e. Siyempre

