Chapter 6

1300 Words
SIOBEH Kinaumagahan ay nag almusal kami ni Aarav sa Veranda. Maaliwalas ang araw na iyon at alas otso na ng umaga. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasalo kami sa hapag kainan at dahil hindi siya kumain kagabi ay nilantakan niya agad yung carbonara na niluto ni Yaya Minda. “Hungry?” tanong ko sa kanya. “Very. You should eat too kasi sasamahan mo ako ngayong araw.” “At saan naman tayo pupunta?” “Basta. Sige na, kumain ka na, masarap magluto si Yaya Minda, specialty niya ‘yang carbonara. You should try it.” saad niya na kinuha ang tinidor sa plato ko at kumuha ng carbonara at akmang isusubo sa akin ngunit hindi ko binubukas ang bibig ko. “Tss, Siobeh, walang lason yan, wala ka bang tiwala sa akin?” “Wala talaga.” bored siyang tumingin sa akin ng sabihin ko iyon. “Subo mo na, bago pa magbago ang isip ko at iba ang ipasubo ko sayo.” Natakot naman ako sa sinabi niya dahil baka totohanin niya nga at baka bayag niya pa ang ipasubo niya sa akin kaya ginawa ko nalang ang sinabi niya at sinubo ang inaalok niyang carbonara at masarap nga iyon. “Oh diba, sabi ko sayo masarap eh. Kain na.” saad niya na inabot sa akin ang tinidor. “Akala ko bihag mo ako dito.” “Bakit? hindi ba?” “Eh, bakit ganito ang trato mo sa akin?” “What would you expect? That I will throw you into the dungeon and give you some cold treatment and less food?” “Something like that.” saad ko na napayuko habang kumakain. “You're an Aldama, mortal na kalaban ka ng angkan ko pero espesyal ka dahil ikaw ang mapapangasawa ko kaya dapat lang na ibigay ko ang best ko para sayo.” “What makes you think that I will marry you?” “Because you will. Natalo ka sa pustahan at iyon ang kasunduan natin kaya wala ka ng magagawa.” sarkastikong saad niya sa akin. “Wag kang pakakasiguro dahil sa mga oras na ‘to alam na ni daddy at kuya ang kalokohang ginawa mo sa akin kaya maghanda-handa ka na dahil ililigtas nila ako dito at pababagsakin nila ang impyernong lugar na ito.” saad ko na nanggigigil sa galit na pinagbantaan siya. “You’re so cute, My Baby boo boo! mas lalo kang gumaganda kapag pinagbabantaan mo ako ng ganyan!” saad niya na akmang kukurutin ang pisngi ko ngunit iniwas ko ang mukha ko at napahagalpak siya ng tawa. Mukhang hindi siya nasisindak sa akin. Kainis kang Clemente ka! just wait! dahil ako mismo ang papatay sayo! paglalamayan ka ng mga tauhan mo dito! Pagkatapos naming kumain ay binigyan niya ako ng pair ng white v-neck t-shirt at black board shorts. “Sorry, yan lang kasi damit ko dito eh, gamitin mo muna yan pansamantala. Bibilhan naman na kita ng mga bagong damit mo.” saad niya dahil napansin niyang naka nighties at robe pa ako. Nagpunta na kami sa shopping centre at pumasok sa bilihan ng mga gadgets. Napakaraming gadgets doon. May laptop, cellphone, printers, LED TV at iba pa. “Boss Aarav! good morning po. Ano pong hanap niyo?” pagbati sa kanya ng store crew. “Patingin ng ano… latest model ng android phone niyo.” “Sige po.” saad ng store crew at ipinakita iyon kay Aarav. Inihilera niya isa-isa iyon sa estante ngunit wala doon ang atensyon ko dahil nagtitingin-tingin din ako sa loob ng gadgets store. “Hmm, what do you think, My Baby boo boo?” tanong ni Aarav na lumingon sa akin. “Ako? bakit ako tinatanong mo?” tanong ko sa kanya. “Bibilhan kita ng bagong phone.” “Oo nga pala, hindi ko alam kung saan ko nalagay yung phone ko.” malungkot na saad ko na pilit inaalala kung nasaan yung phone ko. “You mean this?” tanong niya, nang mag angat ako ng ulo ay nakita ko ang phone ko na hawak niya at nakalagay sa isang zip lock bag ngunit basag-basag na iyon. Nagmistulan itong paraphernalia sa isang crime scene. “Where did you get that?” tanong ko. “Remember nung hinubaran ka ng mga tauhan ko? nahulog mo raw yan at ibinigay sa akin nung nakapulot dito sa Mall.” “Ahh ganon ba, uhm, I know this is too much to asked pero… pwede bang ipaayos mo nalang yan? importante kasi yung mga files ko dyan sa phone na yan eh.” “Sure, anything for you, My Baby boo boo.” saad niya na kumindat at ngumiti sa akin. “Pero bibilhan pa rin kita ng bago kaya pumili ka na.” “Sige…” nahihiya man ako ay tinanggap ko na at pumili ng phone dahil kailangan kong makontak si Kent o kaya ay sila daddy para masabi ko na okay lang ako. “Ito, maganda.” sabay turo ko sa isang android phone na mukhang matibay naman at high-end. “Ito raw, Ace, bigyan mo nga ako nyan, dalawa.” “Sige po Boss, maganda po itong napili niyo.” saad ng store crew na inilapag na ang mga bagong unit ng cellphone na napili ko. “May iba pang kulay nyan Sir, may red, blue, green, violet, pink, black at saka gold.” “Kulay blue gusto ko.” saad ko. “Okay, blue it is.” saad naman ni Aarav. “Sige po. Ito Sir, may black.” suggestion ng store crew na ang pangalan ayon kay Aarav ay Ace. “Hindi. Gusto ko blue din yung isa para matchy-matchy.” “Ah, couple phone po ba?” “Ano? kupal phone?” tanong ni Aarav dahil hindi niya gaanong narinig habang ako naman ay nagpipigil ng tawa. Sira-ulo talaga ang taong ito! “Ay, hindi po kupal Boss, couple po, couple phone.” paglilinaw ni Ace. “Ah okay, kung ano man iyon sige, ayusin mo na, paki-total na din kung magkano tapos kung maaayos mo daw ‘to.” saad ni Aarav na ibinigay ang sira kong cellphone kay Ace. “Ah, parang LCD lang naman sira nito Boss eh, kayang-kaya ‘to.” “Oh sige, iwan muna namin dito ah, babalikan nalang namin.” “Sige Boss, ako pong bahala dito.” “Okay.” Inayos na ni Ace ang biniling cellphone ni Aarav. Bumili na rin kami ng bagong sim at pina-set up na rin namin ang mga bagong phone. “That would be sixty thousand, Sir.” “Sixty. Okay.” saad ni Aarav na dinukot ang makapal na lilibuhing pera ngunit nakalagay lang ito sa lumang letter envelope. “Ang yaman-yaman mo wala kang wallet?!” saad ko. Natigilan naman si Aarav sa sinabi ko at napatingin sa akin kung kaya't napayuko ako na animo'y kuting na natatakot ngunit narinig ko siyang natawa. “Paldo ako ngayon Mahal, hindi kasya sa wallet ‘to.” paliwanag niya sa akin. “Ah sabi ko nga eh.” “50.. 55, 56, 57, 58, 59, 60! Alright.” saad ni Aarav na satisfied naman sa serbisyo sa kanya. “I can't believe na papalitan mo na ang phone mo ng ganun ganun nalang.” saad ko sa kanya. “Luma na ‘to eh limang taon na sa akin ito at saka… gusto ko parehas tayo ng phone.” saad niya habang tinitignan yung luma niyang phone at parang may inaayos. “Thank you nga pala dito, Aarav.” “Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko. Ibig sabihin ba hindi ka na galit sa akin?” Inirapan ko siya, “You wish!” saad ko at tumalikod palabas ng gadgets store dahil nahihiya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD