Chapter 7

1332 Words
SIOBEH Pagkatapos namin sa gadgets store ay pumunta naman kami sa isang malaking boutique shop. Naroon na ata lahat ng klase ng damit sa laki nito, halos sakop niya na kasi ang buong 2nd floor. “Get whatever you need and like.” saad niya ngunit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. “How long am I going to stay here?” “Forever. Hindi ba’t habangbuhay ang kasal?” pilosopong sagot niya, inirapan ko nalang siya at saka pumili ng mga damit. Inuna ko yung mga undies ko saka bra. Kumuha rin ako ng jeans and tops, blouses at kapag maganda yung damit ay bumibili talaga ako ng iba’t-ibang kulay pero same design kung kaya’t bahala si Aarav dyan, sana lang ready ang pambayad niya sa lahat ng mga kinuha ko dahil may kamahalan rin ang mga ito. Kumuha rin ako ng isang birkin bag dahil isa lang naman ang kailangan ko. Hindi rin naman ako gaanong ka-materyosa para pahirapan si Aarav ngayon. Meron din silang shoe center dito kung kaya’t pumili na rin ako ng bagong boots, rubber shoes, sandals and high heeled closed shoes. Nalibang naman ako dahil magaganda ang mga damit at gamit doon at pasok talaga sa tastes ko lahat kung kaya’t kahit papaano ay nababawasan ang galit ko ngunit hindi pa rin naiibsan ang sakit. “Yan na lahat?” tanong ni Aarav ng matapos akong mamili ng mga damit na gusto ko. “Yup.” “Okay, uhm, Miss, pa-total naman oh.” “Sige po Sir,” Nang mai-total na lahat ng sales lady ang mga binili kong gamit at damit ay tinawagan ni Aarav ang mga tauhan niya at sila ang nagbitbit ng mga pinamili ko ngunit pumasok pa ulit si Aarav sa isa pang boutique shop. “Aarav, don’t you think this is too much?” tanong ko sa kanya. “Anong tingin mo sa akin? Pulubi?! Mamili ka pa ng gusto mo.” “Sira-ulo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin! I mean marami na kasi ‘tong pinamili natin eh.” “Isang dress nalang pang special occasion kasi may pupuntahan tayo.” “Ganon.” “Oo, sige na, mamili ka na at saka sukatin mo lahat ng mapipili mo para makapili din ako ng bagay sayo.” “Fine.” saad ko na sinunod nalang ang utos niya dahil wala naman akong choice, at saka mas okay na ‘to kaysa naman ikulong niya ako sa kwarto niya sa Mansyon. Una kong pinakita sa kanya ang silk scarlet sexy dress na may slit. Hantad ang cleavage ko dito kung kaya’t medyo natulala siya ngunit nang maka-recover ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “No. That’s too revealing, Siobeh. Change it!” utos niya kung kaya’t pumasok ako ulit sa fitting room. Nakita ko naman ang isang A-line knitted party dress. Color grey ito at puno ng glitters. Sinubukan kong isuot iyon and not bad, bagay sa akin kung kaya’t lumabas na ako para ipakita kay Aarav ngunit biglang nagdilim ang paningin niya. “Can you dress properly?! Don’t try to seduce me here in the boutique shop!” “I’m not seducing you! Jerk!” hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nagagalit na siya “Palagi nalang nakalabas ‘yang hinaharap mo! At saka may glitters pa ‘yang sinuot mo, ano ka? Sasayaw? Palitan mo yan!” singhal niya sa akin. “Ano ba kasing okasyon?! Hindi ako makakapili ng maayos kung hindi ko alam kung saan tayo pupunta!” “Just dress nice, like date-nice.” “Fine!” saad ko na inirapan siya at muling bumalik sa fitting room. Hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking ito. Pa-iba-iba ang timpla. Sala sa init, sala sa lamig! Sinuot ko na yung huling damit na napili ko kanina. Chub na mini black dress na pa-balloon ang skirt at lumabas ng fitting room. Natulala naman si Aarav at napalunok pa, hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon niya. “Gorgeous.” saad niya at sinenyasan ako ng wait lang. Pagbalik naman niya ay may hawak na siyang isang pair ng black pointed heels. “Pero Aarav, nakabili na ako kanina, iyon nalang isusuot ko.” pagtutol ko sa kanya dahil ang dami na nga ng binili ko kanina na sapatos. Magkaka-award na ako ng hakot award sa ginawa ko kanina eh. “It’s okay, bagay ‘to dyan sa dress mo.” saad niya na iniluhod pa ang isang tuhod sa sahig at sinuot sa akin yung sapatos. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganon mula sa isang lalaki. Ito na ata yung sinasabi nilang princess treatment at hindi ko akalaing ang isang malupit na mafia boss pa ang magpaparanas nito sa akin. “Sakto lang ba? Hindi masakit sa paa?” tanong niya sa akin. Mapapansin ang sinseridad sa kanyang mga mata. “Okay lang, kumportable naman.” saad ko. Pati puso ko kumportable din pero hindi pwede ‘to. Am I falling in love with the enemy? No! This can’t be happening! “Okay na, wag ka na magpalit. Pupunta na tayo sa pupunta na tayo sa pupuntahan natin.” saad niya na hinila ako palabas ng boutique shop. “Saan ba kasi iyon, Aarav?” tanong ko habang papasok kami ng elevator. Kami nalang ulit dalawa ang magkasama at wala na ang mga bodyguards niya. Ni-hindi ko napansin na nawala sila. “To the top of the world.” saad niya na ngumiti ng sarkastiko sa akin. Puno ng buhay at kislap ang mga mata niya na para bang may isang napakaligayang tagpo ng buhay niya ang nakatakdang mangyari. Nang makarating kami sa pinaka-itaas ng shopping center ay tumambad sa harapan ko ang napakaganda at napakalaking penthouse. Ang mga pader nito ay yari sa matibay na mga salamin. Kitang-kita ang view sa paligid at talagang busog na busog ang mga mata ko. Mas mukhang mamahalin pa ito at modern style kumpara sa Mansyon ng mga Clemente. “It’s beautiful here.” “Do you like it?” “I love it! It’s cozy, hindi ko alam na may property ka pala na ganito ka-ganda.” “This is yours now.” saad niya na ibinigay sa akin ang isang blue satin box. “Open it.” utos niya na ginawa ko naman at tumambad sa aking harapan ang isang susi, pati na rin ang papel na naka-pangalan nga sa akin ang property. “Wha– for real?” tanong ko sa kanya na halos hindi makapaniwala. “This is too much, I can’t accept this Aarav.” saad ko na pilit ibinabalik sa kanya ang box pero tinutulak niya iyon sa akin. “This is an engagement gift, Siobeh, please accept it. Ito lang ang tanging naiisip kong paraan para mapatunayan sayo na seryoso ako sa kasal na ‘to.” “Pero… kakakilala palang natin Aarav, masyado kang mabilis.” saad ko na tumalikod sa kanya dahil nagugulumihanan ako at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. “I know this sound’s insane but I really wanna make this right Siobeh. This whole thing. The Bet. The wedding. I want you to be mine.” “Ano ba talagang binabalak mo?! Kasi kung ginagamit mo lang ako, wala kang mapapala sa akin! Hindi ipapamana sa akin ng daddy ko ang crime family dahil si kuya ang hahawak non! Hindi mo ako larua–” natigilan ako nang humarap ako sa kanya dahil nakaluhod na ang isang tuhod niya sa sahig at may sing-sing na rin siyang hawak. “Marry me, Siobeh. I promise that you won’t regret this. Mamahalin kita, pagsisilbihan, ipagtatanggol, iingatan, kahit buhay ko ibibigay ko para sayo. Seryoso ako sa sinasabi ko kaya please, pagkatiwalaan mo ako. Open your heart to me and I’ll make sure that it will be worth it. I’m going to ask you again. My baby boo boo, will you spend your life with me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD