SIOBEH
“Fine.”
“Tang ina naman Siobeh! Anong klaseng sagot yan?! Ang dami-dami kong sinabi tapos sasabihin mo lang “fine” ? parang napilitan ka pa ah, sana chinat mo na lang ako!”
“Hindi pa kasi ako tapos! Ang sasabihin ko dapat, fine, let’s get married!”
“Parang napipilitan ka pa ah, sa gwapo kong ‘to?! ayusin mo naman yung sagot mo!”
“Hays! Ang arte! Okay… Yes, Aarav, I will marry you. Okay na ba?”
“Yan!” saad niya sabay kuha ng sing-sing sa box at isinuot sa daliri ko.
“Ang ganda ng sing-sing.”
“It’s a family heirloom.” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
I can’t believe na ganon siya ka-seryoso sa pustahan namin to the point na pati yung mga pamana sa kanyang alahas ng pamilya niya ay ibibigay niya sa akin.
“Halika, kain na tayo, gutom na ako.” saad niya na hinawakan pa ang tiyan niya.
Hindi namin namalayan ang oras na gabi na pala. Masyado akong natuwa sa pagsho-shopping namin ni Aarav ng mga gamit ko.
I’m f*****g worried dahil imbes na mamuhi ako sa kalaban ay parang ayos na ayos lang ako.
“Kamusta ka?” tanong niya bigla habang kumakain kami.
“Huh? anong kamusta?”
“I mean… are you still… mad at me?”
Napabuntong hininga ako sa tanong niya at hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
“Hindi ko alam sagot dyan sa tanong mo, Aarav.”
“Well, nice food, nice place obviously and I guess… I’m engaged. Nagugulat pa rin ako sa nangyayari pero diba sabi mo magtiwala lang ako sayo?”
“Hindi naman ako kasing sama ng iniisip mo eh.”
“I’m still surprised till now. The great Don Aarav Clemente is dining with me in a luxurious penthouse that he gave to me as an engagement gift.”
Bigla niya namang hinawakan ang kamay ko.
“Don't worry, you will soon find out why I’m doing this. I’ll tell you when it's time basta magtiwala ka lang sa akin ngayon, Mahal ko.”
“Sabi mo eh…”
Hindi ko pa talaga alam kung anong binabalak ni Aarav. Naguguluhan na din ako pero kung anoman iyon sana lang walang masamang mangyari sa pamilya ko.
***
KINABUKASAN ay hindi ko alam kung bakit aligaga ang lahat. Ginising ako ng mga yabag ng paa na naririnig ko sa labas ng kwarto namin ni Aarav kung kaya't lumabas ako.
“Baby, you're awake.” saad niya na kaagad na napalingon nang mapansin ako at naglakad papalapit sa akin.
Nakangiti pa siya. That smile was to die for. Kapansin-pansin din ang kislap sa kanyang mga mata na nagpapahiwatig na masaya siya.
Why Aarav? Is it all because of me? Pero… isa akong kalaban at kailangan kong makatakas dito.
“Anong meron?” tanong ko sa kanya.
“All of this was because of you, Baby boo-boo. You light up my world. Nagpahanda ako ng maliit na salu-salo sa pagpayag mo na magpakasal sa akin.”
Nakagat ko ang ibabang labi ko at animo’y nahihiya, mukhang napasubo na nga talaga ako. Seryosohan na ‘to.
“Come on, ipapakilala kita sa mga tauhan ko.” saad niya na hinawakan ang kamay ko ngunit pinisil ko ang kamay niya at natigilan kami sa paglalakad.
“Baka hindi nila ako magustuhan, isa akong Aldama Aarav, baka magalit sila sayo.” nag-aalalang saad ko ngunit bored lang siya na tumingin sa akin.
“Siobeh, ako ang batas dito at ang magalit sa akin ay mamamatay, tandaan mo yan.” saad niya na ngumisi sa akin ng nakakaloko. Hays, kahit kailan talaga!
Dinala niya ako sa kumpulan ng mga kalalakihan na mga naka suit and ties. Iyon ang uniporme nila.
“Hey, Guys, this is–”
“We know. Don't bother.” saad ng isang lalaki na sarkastikong ngumiti kay Aarav.
“Wag mo akong basagin! Siobeh, this is Daniel, Michael, Castiel, Uriel, Rafel, Gabriel and Azrael.”
“Seriously? Their names are all angel names.”
Napangisi si Aarav.
“Where's Lucifer?” tanong ko pa.
“Well, you're looking at him.” saad niya na kumindat sa akin.
“Nice to meet you all.” iyon na lang ang nasabi ko.
“Sila originally ang kasama ko lagi kapag makikipag-transact ako at nagsisilbing look-out kaya ngayon na magiging mag asawa na tayo, sila din ang magiging bodyguards mo.”
“Nice to meet you Ms. Aldama, lapit lang kayo sa amin kapag may kailangan kayo.” saad naman ni Gabriel.
“Para ko ng kapatid ‘yang mga yan, matatagal na kaming magkasama. Since teenage days pa.”
“Ganon katagal?”
“Oo naabutan pa namin si Don Leon Clemente.” saad naman ni Daniel.
“Kinupkop sila ni daddy. Binihisan, pinakain, pinag-aral at ngayon ay tapat silang naninilbihan sa crime family.” paliwanag ni Aarav.
“Mga batang lansangan lang sila noon. Eh kesa lumaki sila katulad ng iba na walang ibang ginawa kundi magbisyo at suminghot ng rugby eh dinala sila dito ng ama ko.”
“Ah ganon ba.”
“We will assisting you in all of your needs, Ms. Siobeh. Please, treat us as your family.” saad naman ni Uriel na hinawakan ang kamay ko at hinalikan.
What a gentleman.
“Okay. I guess we’ll get along pretty well. Salamat sa pagtanggap niyo sa akin dito kahit na… kaaway ako.”
“Ms. Siobeh, tatay mo lang naman ang nagnanais na pabagsakin kami at hindi ikaw kaya makakaasa ka na pagsisilbihan ka namin.” saad naman ni Michael.
“Oh paano? yung meeting mamaya, wag niyo kalimutan ah.” saad naman ni Aarav na inakbayan ako habang nagbibilin sa kanila.
“Yes Boss! hindi na makakatanggi ang mga iyon matapos nilang malaman ang tagumpay natin!” saad naman ni Castiel.
“Okay, good. Dito na muna kami.”
Iyon lang at giniya na ako ni Aarav. Naglalakad kami ngayon sa pasilyo.
“If you fall, who will ascend to the throne? looks like you don't have any relatives.”
“Meron, yung pinsan ko, si Alejandro pero magbabago iyon kapag na-kasal tayo. Magkakaroon ka ng karapatan sa crime family.”
“Bakit mo ginagawa ‘to? gusto mo bang masakop ko ang buong lugar na ito? at makipag-away ako sa mga magulang ko?”
“Hindi ko naiisip yan, Siobeh. Kahit kailan, hindi ko gustong mangyari yan.”
“Then why are you giving me full rights on this place?”
“Because I trust you. I believe in you and I love you.”
“I still don't know why you are doing this.”
“Wag ka mag-alala, malalaman mo rin.”
“Yung daddy mo, si Don Leon, paano siya namatay?”
“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong niya na animo'y ayaw niyang sabihin sa akin pero gusto ko siyang makilala pa ng lubusan.
“Come on, I wanna know you. The real you.”
“You will be in so much pain kapag nakilala mo yung talagang ako.”
“Bakit naman?”
“Inosente ka pa talaga, My baby boo-boo. Halika, may ipagagawa ako sayo.” saad niya at nagpatianod nalang ako.