SIOBEH
Maya-maya ay may nakasalubong si Ramiro na isang babae at mukhang kakilala niya ito at hindi niya inaasahang makita iyon sa Casino ngunit wala na kaming dapat pang sayanging oras. Sigurado akong magwawala si Aarav kapag nabulilyaso ang plano nila.
“Aba’t sino naman ang babaeng yan?! Bilisan mo na Ramiro!” saad ko ngunit tinanggal niya ulit ang earpiece niya ngunit rinig na rinig ko ang conversation nilang dalawa ng babaeng iyon at nag exchange numbers pa nga sila.
“Dating while on a mission, huh, akalain mong nakakabola ka pa ng babae sa kalagayan mong yan,” saad ko sa kanya.
“Siobeh, Sweetheart, bulag lang ako, pero ang gandang lalaki ko nandito pa rin,” saad niya. Aba’t may pinagmanahan pala ng yabang si Aarav. Parehas na parehas silang dalawa.
“Tss, yabang, bilisan mo na dahil yari tayong dalawa kapag hindi mo nagawa ang misyon mo, bulag ka na nga baka lumpuhin pa kita,” pagbabanta ko dahil kakaiba ang awra ni Aarav kanina pa.
“Alam mo, ang tapang mong babae ka eh noh, porket anak ka ni Don Aldama, hoy, wanted pa ‘yang tatay mo kaya mag ingat-ingat ka,” saad niya sa akin at bigla naman akong natahimik. Kilala niya ang pamilya Aldama lalo na ang daddy ko.
“A love that blooms in complicated and forbidden pleasure can be very… dangerous Ms. Siobeh,”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko na napalunok dahil mukhang malalim ang sinasabi niya.
“Kung mahal mo talaga si Aarav, fight for him.”
“This is what I’m doing, Ramiro, but I want to keep my family safe too.”
“Then take my advice. Go home and tell your family about it, hindi naman ata tama na nasa poder ka ng kalaban, nag-aalala na sayo ang tatay mo,”
“Uuwi ako… I just need a little more time with Aarav.” saad ko dahil iyon ang totoo. Kailangan ko pa ng kaunting oras kasama si Aarav pagkatapos ay iiwan ko na siya ng tuluyan.
The goal is to escape and not to marry him. That’s my goal from the very first start.
“Okay, sana maayos niyo yan… bata pa lang kilala ko na si Aarav at pag nagmahal yan… matindi pa sa matindi kaya please lang, wag mong sayangin.”
“I know…” saad ko dahil totoong alam ko ang sinasabi niya.
Ramdam na ramdam ko kung paano ako mahalin at pahalagahan ni Aarav na ni-sa panaginip ay hindi ko inaasahang mangyayari.
Para siyang kidlat na bigla nalang dumating sa buhay ko at binigyang liwanag iyon.
“Hey, Siobeh?! Still there?!” tanong ni Ramiro.
“Yes! Uhm, sorry!” pag tingin ko ay nakita kong napatay niya na yung bodyguard na tumutok sa kanya ng baril. “That’s good, proceed now!”
Maya-maya ay napansin ko naman si Aarav sa gilid ko at nakalagay ang cellphone niya sa tainga niya.
“Alam mo na ang gagawin mo diba?” saad ni Aarav. Magkausap pala sila ni Ramiro pagtingin ko sa monitor.
“I’m sorry buddy, I know this is hard for you,” saad ni Aarav.
Hindi ko maiwasang wag ma-curious. Ano kaya yung pinapagawa ni Aarav sa kanya?
Maya-maya ay nakita ko namang umaalis na ang target sa boardroom at ngayon ay papunta na sa club kung kaya’t sinabihan ko na si Ramiro.
“Ramiro, wag ka na dyan sa boardroom, papunta na sila ngayon sa Club!” saad ko at kaagad namang sumunod si Ramiro at dahil bulag nga siya ay kailangan kong sabihin kung anong nakikita ko.
“Papunta sila sa VIP room, may mga kasama silang prostitutes,” ani ko.
“Such a dirty old man,” saad niya naman kung kaya’t napa-smirk ako.
“Tss, akala mo siya, hindi.” sabay hagikgik ko.
“Hoy, bata pa ako, ano?! at hindi ako dirty old man!” singhal niya sa akin.
“Fine, fine…” saad ko habang ngumingisi pa rin at ipinagpatuloy ang pagmamanman.
Napapansin ko na mukhang chill lang si Aarav sa tabi ko ibig sabihin ay tama ang ginagawa ko.
“Apat silang lalaki, kung hindi ako nagkakamali, sila ay mga bilyonaryong corrupt na kaibigan ni Marcello.”
“They are a bunch of assholes, don’t worry, I’ll finish them.” determinadong saad sa akin ni Ramiro. Hindi ko akalaing ganon siya ka-desididong pumatay para kay Aarav ngunit maya-maya ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat habang nakatingin sa monitor dahil sa nakikita ko.
“Oh my god, no.. . they we’re planning to have a..”
“Have what?” tanong ni Ramiro ngunit hindi ko alam kung sasabihin ko ba pero kailangan.
“Orgy…”
“Sana all, nakakadilig,” saad ni Ramiro.
“Anong sabi mo?!” saad ko sa kanya.
“Wala!” asik niya, nagulat naman ako nang biglang takpan ni Aarav ang mga mata ko gamit ang kamay niya.
“Oopps, bawal sa bata.”
“f**k off, Aarav! Hindi na ako bata!” saad ko na pilit tinatanggal ang kamay niya sa mga mata ko ngunit nagulat ako nang maramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa akin. Hindi na ako naka-palag Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ng mga sandaling iyon. Nalalasahan ko rin ang mansanas na kanina ay kinakain niya.
Matamis. Masarap. Nakakabaliw. Gusto kong tugunin iyon ngunit bigla siyang kumalas sa paghalik sa akin.
“Kung naiinggit ka pwede naman nating gawin yan mamaya.” saad niya na binitiwan ako dahilan upang mabalik ang atensyon ko kay Ramiro na ngayon ay parang tangang nakikinig lang sa pinto habang may ginagawang milagro ang mga taong balak niyang patayin.
“Don’t listen at them f*****g, do your job, Ramiro!” singhal ko na siyang nagpagising sa kanya.
“Thanks for reminding me,” saad niya at sinipa ng malakas ang pinto at pinagbabaril ang mga ito.
Maging ako ay nagulat sa aking mga nakikita. That man is a very dangerous assassin at partida, bulag pa yan pero asintado paano na lang kapag nakakakita pa siya? Nanuod pa ako sa mga sunod niyang gagawin at nanlaki ulit ang mga mata ko nang makita kong hinahawakan niya ang target niya at pilit na dinudukot ang kanang mata nito.
“Aarav! Aarav!” sigaw ko kay Aarav.
“Yes, Baby?” tanong niya ngunit galit na ako kung kaya’t nasampal ko siya.
“You f*****g psycho!”
“Ano na namang ginawa ko sayo?!”
“Inutusan mo si Ramiro na dukutin ang mata ng target niya?! Sumosobra ka na!”
“Siobeh, Baby, relax. It’s just an eyeball.” paliwanag ni Aarav ngunit hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya at bumalik nalang sa ginagawa ko at nagfocus dahil nasa panganib pa si Ramiro.
“Goddamn it! I hate messy jobs!” narinig ko pang saad ni Ramiro mula sa earpiece na nakakabit sa akin.