Chapter 10

1131 Words
SIOBEH Biglang nag alarm ang security systems na naghuhudyat na may emergency at pinapalabas na ang lahat ng customer sa Casino. “Spade, go now! this is dangerous! kailangan mo ng makaalis dyan ngayon din!” saad ko. “Copy that! Give me a clean escape!” tugon niya naman at saka gumawa ng hakbang. Napatakbo siya ng mabilis nang marinig niya ang mga putok ng baril ngunit natumba siya dahil sa malaking pader na nabangga niya. “I’m sorry! Hindi ko nakita na dead end pala dyan, kumanan ka!” saad ko na ngayon ay balisang-balisa, hindi ko akalaing magagawa ni Aarav ang ganitong klaseng karahasan. “Argh! f**k!” singhal ni Ramiro na iniinda ang sakit ng katawan na natamo. “Bilis! Kailangan mo ng umalis dyan, Ramiro!” asik ko habang hinahanap niya ang zip lock bag at ang tungkod niya. (Code red. Code red. Code red.) Iyon ang naririnig sa buong lugar na hudyat na nasa panganib ang Casino. Nakapa niya na ang ziplock bag ngunit ang kumag, pinipisil-pisil! nakakadiri! “Wag mong pisilin yan! That's a f*****g eyeball Spade!” saway ko. “Chine-check ko lang kung buo pa, ang lakas ng pagbagsak ko eh,” saad niya naman habang kinakapa ang tungkod niya na nagsisilbing gabay niya sa paglakad. “Hays, oh sige!” “Sabihin mo lang sa akin kung kanan ba o kaliwa!” aniya. “Kaliwa tapos may hagdan bumaba ka!” saad ko. “Copy that,” (Code red. Code red. Code red.) “Damn it! You have to jump!” saad ko nang makita ko ang naka-ambang panganib ngunit pinatayo ako bigla ni Aarav sa kinauupuan ko. “Alis dyan.” saad ni Aarav. “What do you mean jump Siobeh?! Are you f*****g serious?! Papatayin mo ba ako?! baka nakakalimutan mong bulag ako!” inis na saad ni Ramiro sa akin. “You're outnumbered, nasa lobby silang lahat, lahat ng mga tauhan ni Don Guevarra, if you don’t jump now, you’ll die!” pananakot ko pa sa kanya dahil nakakakilabot ang nakikita ko. Armado ang mga bodyguards ni Don Guevarra at hindi titigil hanggat hindi nahuhuli at napapatay si Ramiro. “Okay, jump, right here?” “Yes! jump! trust me!” saad ko ngunit pilit na akong itinataboy ni Aarav at dinala ako sa driver’s seat. “Ano ba?! Nasa panganib ang buhay ni Ramiro! What’s happening to you Aarav?!” “Drive! We will save him! Come on!” matigas na utos ni Aarav sa akin at wala akong nagawa kundi sumunod at ini-start ang van. “Anong bababaan ko?” tanong ni Ramiro, hindi ko na makita ang monitor ngunit natatanaw ko na siya mula sa van na sinasakyan ko. “Just f*****g jump! papalapit na silang lahat!” Huminga siya ng malalim at saka nagbuwelo, “Okay, here comes nothing,” Tumakbo siya ng mabilis at saka tumalon. Kasabay ng pagtalon niya ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog, muntik pang tumalksik ang va na minamaneho ko. Isang trapal ang sumalo kay Ramiro mula sa itaas ngunit napagulong siya pababa at muntik pang mahagip ang ulo niya ng gulong ng van na bigla kong nai-hinto sa harapan niya. “Sakay!” sigaw ko sa kanya na binuksan ang pinto ng passenger seat. “Papatayin mo ata talaga ako!” asik niya habang sumasakay ng van ngunit walang pakialam si Aarav. “Yung pinapakuha ko, nakuha mo ba?” narinig kong tanong ni Aarav, nasa likod ko lang pala ang gago. “Oo heto,” saad niya na kinuha ang ziplock bag. “Put it here on the box,” utos ni Aarav na sinunod naman ni Ramiro. “Do we really have to poke his eyeballs out?” “Yes, there is an eye security configuration on the vault,” saad ni Aarav. Maya maya ay sunud sunod na pagsabog na ang narinig namin sa loob ng Casino. “What’s happening Aarav? wala sa usapan natin na papasabugin mo ang Casino!” reklamo ni Ramiro. “Just to remind you Ramiro, your only job was to kill for me, nothing else and you’re not in the organization anymore, so expect this kind of dangerous game.” paliwanag naman nii Aarav. “Game.” saad ni Ramiro na napabuntong hininga at napailing dahil lahat lang pala ng ginawa at nangyari kanina ay isa lang laro para sa kanya. “I’m not a low class mafia Ramiro, you know that, everyone who goes against me will pay a hefty sum, just like what he did, simula pa lang yan, ihanda mo na ang sarili mo sa mga susunod pang trabaho. seryosong saad ni Aarav. “Sshh!! they’re following us!” saad ko dahil napansin ko ang grupo ng mga kotseng sumusunod sa amin. Maya maya ay nakarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril at tila pinauulanan ng bala ang sasakyan namin. “Damn it! yuko!” sigaw ni Aarav at saka kami yumukong tatlo pagkuwa’y hawak na ni Aarav ang isang armalite gun at saka pumwesto sa likuran ng van. “Hindi talaga titigil ang mga ‘to!” asik niya na binuksan ng mabilis ang pinto ng van at pinagbabaril ang mga kalaban. “Die you f*****g sons of bitches!” gigil na saad niya sa mga ito, kasabay non ay ang pagbagsak at pagtumba ng mga kotseng nakasunod sa amin. Nagsalpukan pa ang iba at ang iba naman ay tumilapon sa ilog. I was shaking the whole time dahil ngayon lang ako nakasaksi ng ganito. “Alright, we lost them, you can slow down now, Baby,” utos sa akin ni Aarav ngunit mahigpit pa rin ang kapit ko sa manibela at mabilis ang pagtakbo. Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako ng mga oras na iyon. Narmdaman ko nalang ang mainit na luha ko na pumatak sa aking mga kamay habang nagmamaneho ako. “Baby, what’s the problem? Bakit ka umiiyak? you can slow down now.” utos ulit ni Aarav ngunit hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari. “You are my problem! I hate you!” asik ko sa kanya dahil totoong nagagalit ako. “Bakit na naman? ano na namang nagawa ko? kayong mga babae talaga ang hirap espelengin! tss! come on, babe, diba sabi ko babawi ako?” saad ni Aarav na pilit na sinusuyo ako. “I hate you so much Aarav for making me do this!” “Focus on the road, please.” saad naman ni Ramiro dahil madidisgrasya nga naman kami kung hindi ako mag focus sa daan. “Honey, come on, I know you’re damn tired, me too, I feel you. Wag kang mag-alala, uuwi na tayo.” saad pa ni Aarav ngunit tila paghikbi na lang ang naririnig ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD