Chapter 11

1373 Words
SIOBEH It’s an engagement party for me and Aarav ngunit hindi ako masaya. Iniisip ko pa rin ang pagtakas. Kailangan ko ng makauwi sa amin kung kaya’t nang malingat si Aarav ay tumakbo ako palayo sa kasiyahan ngunit napadpad ako sa isang malaking hardin. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas ngunit kailangan kong makatakas dito. Damn it! Saan ba ang daan paalis dito?! Malaki at malawak ang hardin na iyon. Naglalakad ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko nang may biglang humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko. “Wag kang sisigaw, ako ‘to si Kent.” pakilala niya at marahang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. “Kent!” saad ko at sinunggaban siya ng yakap. “Nagpadala kami ng espiya upang bantayan ka dito at alamin ang kalagayan mo.” “Tama ka! Hindi dapat ako sumama kay Aarav! Wala siyang puso! Masama siyang tao! Iuwi mo na ako samin Kent please, parang awa mo na!” “Teka lang, hindi pwede! Nakarating na sa ama mo ang lahat at galit na galit siya!” “I’ll explain everything to him please, dalhin mo ako sa kanya Kent! Dalhin mo ako kay daddy!” “No Siobeh! Delikado ang buhay mo ngayon. Nagngingitngit sa galit ang ama mo, sigurado akong hindi ka niya sasantuhin kahit na anak ka pa niya!” “Makikinig siya sa akin, Kent!” “Inalam ko lang ang sitwasyon mo dito kaya ako nandito, hindi ko pa nga alam kung makakalabas ako ng buhay eh!” Maya-maya ay may ilaw na tumama sa harapan naming dalawa ni Kent kasabay non ang pagtutok sa amin ng baril ni Aarav. “Bitiwan mo si Siobeh kung ayaw mong mamatay ngayong gabi.” mariing saad ni Aarav na masama ang tingin kay Kent. Ikinasa niya ang baril niya at handa na para iputok iyon kay Kent kung kaya’t nataranta akong lumapit kay aarav. “Aarav, Honey, please don’t! Binisita niya lang ako para kamustahin ako, iyon lang, paalis na siya. Ibaba mo na ‘yang baril mo, please.” “Talagang nagmamakaawa ka sa akin ngayon para sa buhay ng walang hiyang ‘to? Ban siya dito Siobeh!” “I know! Honey please! I’ll make it up to you this time.” saad ko na hinaplos na ang magkabilang pisngi ni Aarav para huminahon siya. “Honey? tss! Anong nangyayari dito, Siobeh?! Wag mong sabihing pakakasal ka talaga dyan sa kumag na yan?! Nasisiraan ka na ba ng bait?!” asik ni Kent. “Kent, tama na!” “Sinong tinatawag mong kumag?! Wala kang galang ah, baka hindi mo kilala kung sinong tinatawag mong kumag!” galit na saad ni Aarav. “Wala akong paki kahit sino ka pa! Sa tingin mo matatakot ako sayo?! Ibalik mo na si Siobeh sa pamilya niya! This union, this is wrong!” “Hindi ikaw ang magdedesisyon dito! Sino ka para utusan ako? Eh isa ka lang namang aso ng mga Aldama, hindi ba?! Isang masunuring aso na walang ibang ginawa kundi magpa-alipin! Isa ka lang mababang klase ng nilalang tandaan mo yan, Kent kahit kailan, hindi ka magiging kapantay ko!” “Pwede ba?! Tama na!” pag-aawat ko dahil kapwa na sila nanggagalaiti sa galit habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa isa’t-isa. “Tama ang narinig mo pakakasal siya sa akin. She’s mine kaya wala kayong mapapala sa akin. Hindi ko siya ibabalik sa inyo! Ngayon umalis ka na bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko sayo!” “Kent please go! Ayokong pati ikaw ay masaktan dahil sa akin.” “Hindi mo pwedeng pakasalan ang taong ‘yan Siobeh!” “Nakapagdesisyon na ako Kent, so please go!” “Desisyon?! Nababaliw ka na ba?! Anong klaseng desisyon yan?! Siobeh this is just a bet nothing else!” “Yes Kent, this is all just a bet at natalo kayo kaya susunod kayo sa kasunduan sa ayaw at sa gusto ninyo. Siobeh is mine so, let go.” “Umalis ka na, Kent. Go!” pagpupumilit ko sa kanya dahil kapag naasar ng todo si Aarav ay hindi ko alam kung anong magagawa niya kay Kent. “Isang malaking kalokohan at kasalanan ito Siobeh!” “Haharapin ko ang galit ni daddy at tatanggapin ko kung ano man ang ibibigay niyang parusa sa akin, ipaalam mo yan kay daddy, sige na, umalis ka na!” “Sige, pakasal ka pero wag na wag mong sasabihin na hindi kita binalaan!” galit na saad ni Kent at naglakad na palayo. Naramdaman ko naman si Aarav na hinigit ako sa braso at kinaladkad ako papasok ng mansyon. “Aray! Aarav ano ba?!” asik ko sa kanya nang makarating kami sa loob ng mansyon. Nasa labas na kasi ang mga bisita at nagkakasiyahan. “Sa tingin mo hindi ko malalaman na balak mong tumakas?!” “I didn’t!” “Oh really?! You want me to believe that pagkatapos kitang makita kasama ang lalaking iyon?!” “Aarav, kababata ko si Kent. Nag-aalala lang siya para sa akin!” “Fine! Dinner is ready! Halika na!” saad niya na kinuha ang kamay ko at iginiya ako sa pasilyo. There’s a secret passage there papunta sa kung saan. “Pero hindi ito ang dining area.” saad ko dahil ngayon lang ako nakapunta sa pinupuntahan namin ngayon at hindi ako pamilyar sa lugar na iyon. Underground din. Parang dungeon pero hindi. Nang makarating kami doon ay isang malaking bulwagan ang tumambad sa amin. Naroon ay isang mahabang dining table at mga magagandang upuan at may mga nakaupo na. Postura sila at naka tuxedo. Ang ibang mga babae naman ay naka-evening gown din. Naka-half face mask silang lahat na para bang isa itong masquerade party. Siguro ay mga business partners ito ni Aarav. Pinaupo ako ni Aarav sa bakanteng upuan sa gawing kanan at siya naman ay naupo sa harap. “Thank you for joining me here tonight.” saad niya sa mga bisita ngunit maya-maya ay dumating si Castiel at Gabriel dala ang isang bodyguard na sugatan, hapong-hapo at punung-puno na ng dugo ang damit. Iniharap nila ito kay Aarav. “Boss Aarav! Nahuli na namin ang espiya!” saad ni Castiel. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Kent kanina na nagpadala daw sila ng espiya dito para sa akin. “Isa siya sa mga tauhan ni Don Aldama!” dagdag pa ni Gabriel. “Let’s pray first.” saad ni Aarav na hindi pinansin ang sumbong ng kanyang mga bodyguard at pinatayo ang kanyang mga bisita kung kaya’t tumayo rin ako. Ipinikit nilang lahat ang mga mata nila kasama na si Aarav at ipinagdikit ang dalawa niyang kamay. “Lord God, thank you for all the blessings that we shared tonight. May you bless us with–” natigilan si Aarav nang biglang humalakhak ng malakas ang lalaking itinuturo nilang espiya na ipinadala ng aking ama. “Padasal-dasal pa kayo?! Sa tingin mo dinidinig ka ng Diyos?! Ikaw na taong makasalanan! Sagad sa buto ang kasamaan mong puta ka! Ito tatandaan mo Aarav wala kang magiging puwang sa langit dahil doon sa impyerno ang bagsak mo! Kahit na anong dasal pa ang gawin mo hindi ka pakikinggan ng Diyos!” sigaw ng espiya na humalakhak na parang asong nauulol. “Nagdadasal kami dito! Putang ina!” sigaw ni Aarav na mabilis na hinugot ang kanyang baril sa kanyang tagiliran at ipinutok iyon sa ulo ng espiya. Napayuko ako sa ilalim ng upuan at tinakpan ang magkabila kong tenga gamit ang aking mga kamay. Nanginginig ako sa takot or should I say… na nagti-trigger ang trauma ko. Napapikit ako ng mariin. “Umalis kayo sa harapan ko! Mga wala kayong respeto sa Diyos!” asik ni Aarav kay Castiel at Gabriel na ngayon ay kinukuha ang bangkay at nagmamadaling ilabas iyon. Nang makalabas sila ay sinilip ako ni Aarav sa ilalim ng lamesa. “Hey scaredy cat. I’m sorry, don’t worry, I got you.” saad niya na pinunasan ang luha kong pumapatak at inalalayan akong tumayo. Mahinahon na ang boses niya kumpara kanina na galit na galit. “Shall we continue?” tanong niya sa lahat ng naroroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD