Chapter 12

1212 Words
SIOBEH “Siobeh, pansinin mo naman ako, kausapin mo naman ako oh.” pag-uungot sa akin ni Aarav habang umaakyat kami sa hagdan. Gusto ko na kasing magpahinga dahil gabing-gabi na at wala na talaga akong energy pa. “I hate you! go away!” saad ko na mabilis na pumasok sa kwarto namin. “It won't happen again, I’m sorry!” saad niya na sinusundan pa rin ako. “Ah talaga?! eh bakit mo binaril yung pinadalang espiya ni daddy?!” “I got pissed. Okay?” paliwanag niya. Naupo naman ako sa kama at tinanggal ang stilletos ko. “Well, hindi iyon rason para pumatay ng tao!” asik ko habang kumukuha ng sleepwear sa cabinet ko. “He’s a spy! Dapat lang sa kanya iyon!” natigilan ako sa sinabi niya. “Gusto lang naman ni daddy na malaman kung okay lang ako because you didn’t allow me to contact them! Binilhan mo pa ako ng cellphone pero blocked naman lahat ng sites para makausap ko sila. Bawal social media, hindi rin ako makagamit ng email! Aanhin ko ito, Aarav?!” saad ko na padabog na ibinalik sa kanya ang cellphone na binili niya sa akin. Wala rin namang silbi eh! Akala ko ay makakatawag na ako samin pero walang kwentang cellphone! Wala ngang signal! Games lang ang meron! Ano ako? Bata?! “Fine! Aayusin ko ‘to para maka-tawag ka na sa inyo.” saad niya ngunit hindi ko na siya pinansin at dumiretso sa dressing room para magpalit na ng damit pantulog. “Hindi na talaga kita maintindihan! Bahala ka sa buhay mo, pagod na ako!” asik ko sa kanya. Nang makapagbihis ako ay pumunta ako sa bathroom para mag toothbrush at maghilamos ngunit pagbalik ko sa kwarto namin ay nandoon pa rin siya at nagmumukmok. “Matutulog na ako!” padabog kong sabi sa kanya at humiga na sa kama. Kinuha ko ang comforter dahil malamig na sa loob gawa ng aircon. “Hoy, bawal matulog ng magkagalit.” “Sa mag-asawa lang iyon Aarav, asawa na ba kita?” “Ah ganon?! Who permitted you to do this to me?! Baka nakakalimutan mo ako ang batas dito, Siobeh!” “Wala akong pakialam sayo!” sabi ko sabay talakbong ng kumot. Maya-maya ay naramdaman ko namang ibinagsak niya na ang katawan niya sa kama namin. Naramdaman ko pa ang pagpulupot niya ng kamay sa aking bewang upang yakapin ako mula sa likod. “Sorry na.” mahinahong sambit niya, naramdaman ko pa ang labi niya na hinahalik-halikan ang braso ko ngunit hinihila na ako ng antok. “Sleep tight. Topakin.” saad niya na hinalikan ang leeg ko. Humigpit ang yakap niya sa akin ngunit hindi na ako makapiglas pa sa sobrang antok. *** KINABUKASAN ay pinipilit akong ginigising ni Aarav ngunit ayoko pang bumangon. “Baby boo boo, wake up!” “Bakit ba?! inaantok pa ako!” “Aalis tayo ngayon!” “Saan na naman tayo pupunta?! inaantok pa nga ko eh!” “Basta! tara na, bumangon ka na dyan!” “Ayoko!” “Ah, ganon ah!” saad niya maya-maya ay hinawakan niya ang braso ko at pinipilit niya akong itayo ngunit ayoko talaga. “Get off of me! or I’ll swear to God, I’ll never marry you!” pagbabanta ko sa kanya dahil antok na antok pa talaga ako. “Ako pa talaga pinagbantaan mo?! ang lakas ng loob mo baka nakakalimutan mo na ako ang boss dito!” “Boss! bosabos!” “Aba’t sumasagot ka na ngayon?! isa! Siobeh!” “I want to sleep! get off of me!” “May importante tayong pupuntahan, halika na!” “Eh saan ba kasi tayo pupunta?! ang sarap-sarap ng tulog ko dito eh tapos iistorbohin mo lang ako! I still need my beauty rest after all!” “Sweetheart, you're beautiful just the way you are! kaya halika na! bumangon ka na dyan!” singhal niya ngunit inaantok pa talaga ako kaya nakapikit pa ako. Maya-maya ay bigla kong naramdaman na binubuhat niya na ako. “Argh! ano ba?! bitiwan mo ako! ibaba mo ako! ano ba?!” tinutulak ko yung mukha niya habang buhat niya ako pa-bridal style. “Isa! Siobeh! ma-a-out of balance tayo sa ginagawa mo eh! tigilan mo nga yang pagpupumiglas mo! ginigising ka lang ganito pa gagawin mo sa akin?!” saad niya habang tinutulak ko yung mukha niya sa akin. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako dahil ayoko pa talagang bumangon. Ang ayoko sa lahat ay yung pinipilit ako sa bagay na ayokong gawin. “I hate you! I hate you!” singhal ko na pinagpapalo siya kahit saan siya tamaan, nakalmot ko rin siya ngunit wala akong pakialam. “Aray! nakakasakit ka na ah!” saad niya na dinala ako sa bathtub at doon ay bigla niyang binuksan yung shower kahit nakadamit pantulog pa ako kung kaya't napasigaw ako sa lamig ng tubig. “You f*****g son of a–!” bigla akong natigilan nang humawak siya bigla ng baril at tinutok sa akin. “Ano?! sige! ituloy mo! putang ina! pinapabangon ka lang papahirapan mo pa ako?!” saad niya na tumingin ng diretso sa aking mga mata at tila nanginginig na ang kamay habang hawak ang baril niya. Napatingin naman ako ng masama sa kanya ngunit nangingilid na ang mga luha ko. Tumagal pa ng ilang minuto ang tinginan naming dalawa hanggang sa ibaba niya ang baril niyang hawak. “I’m sorry…” saad niya at dahan-dahang lumapit sa akin. “I didn't mean to do that, I’m sorry.” mahinahon niyang saad na kinintalan ako ng halik sa noo. Hindi ko naman malaman ang sasabihin ko dahil naririnig ko na ang sarili kong humahagulgol ng iyak. “Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko habang umiiyak. “To your family.” Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya niya pala ako pinipilit bumangon. “Ibabalik mo na ako sa amin?” “Just take a shower and get dressed nicely.” saad niya at akmang tatayo na ngunit hindi ko alam kung bakit hinigit ko ang manggas ng suot niyang ¾ na polo. “Don’t leave. I’m sorry.” bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. “Sige na, maligo ka na, dito lang ako sa kwarto. Hihintayin kita.” saad niya at saka tuluyang umalis. He must be so upset right now dahil kung talagang ibabalik niya na ako sa amin, ibig sabihin ay hindi talaga siya masamang tao pero hindi ko alam kung kaya ko pa siyang iwan. Napakasaglit lang ng pinagsamahan namin ngunit tumatak talaga sa akin lahat. Lahat kung paano niya ako alagaan at pahalagahan na hindi pa nagawa ng kahit sinong lalaki, kahit si daddy, si kuya or si Kent. The way he keeps me. It's something that I will treasure forever. Nang matapos ako sa pagbibihis ay lumapit na ako kay Aarav at dumiretso na kami papasok ng sasakyan. Hindi siya sanay ng may driver at siya lang talaga ang nagda-drive. “Are you ready?” tanong niya ha “Ibabalik mo na ba ako samin?” tanong ko ngunit hindi siya sumagot at nagmaneho nalang. Ano bang binabalak mo Aarav?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD