Chapter 13

1158 Words
AARAV I was a high profile mafia at sa mundong ginagalawan ko mas inuuna at mas matimbang ang utak kaysa sa puso ngunit ang puso ko, mukhang tinamaan ng lintik nang makita ko si Siobeh Aldama sa isang auction sa Europe isang taon na ang nakalipas. Maganda, maputi, makinis, mabango at higit sa lahat sexy! Damn it! Nakakatuliro! Kasama niya ang tatay niya sa auction ngunit hindi sila sumali sa mga nagbi-bid at tumitingin-tingin lang. I was bidding on 7.5 hectares of land and property with a vineyard on the side dahil inutusan ako ng ama ko bilang huling habilin niya sa akin. I am just fulfilling my old man’s wishes ngunit hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit pinabili niya sa akin iyon at wala pa akong malinaw na plano para sa lupain na iyon. Hay naku, Dad. Hirap na hirap na akong tuparin ang mga huling habilin mo. Bakit naman kasi napakadami? Iniwan mo pa sa akin ang crime family ng wala man lang pasabe na mamamatay ka na pala. Putang inang buhay ‘to! Hirap na hirap tuloy akong ibalanse ang sarili kong buhay at ang buhay na binigay mo sa akin. Paano ko aalagaan at po-protektahan ang babaeng mahal ko kung mismong buhay ko ay palaging nasa peligro dahil sa mga kumakaaway sayo? Hindi sila titigil hanggat hindi nauubos ang angkan natin. Ano ba talagang ginawa mo at bakit ang daming may galit sayo? Ako tuloy ang nagbabayad ng mga kasalanan mo. Ganyan sila kamuhi sayo na kahit sa akin ay galit sila. Ngayon ay nagmamaneho ako papunta sa Mansyon ng mga Aldama. Saktong bilis lang takbong pogi at naka-shades pa ngunit hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Siobeh. Tahimik lang siya buong byahe. Hindi ako makasagot nang tanungin niya ako kung ibabalik ko na ba siya sa kanila dahil sa totoo lang ay ayoko. Hindi ko na siya ibabalik kahit kailan, kahit magkamatayan pa kami ng walang hiya niyang ama. Sinubukan kong hingin ang kamay niya kay Don Ramon Aldama ngunit tinanggihan ako ng matandang hukluban na iyon at pinagbantaan niya pa ako na ipadudukot ako at ipapakain sa mga alaga niyang pating pag nagtangka pa akong hingin ulit ang kamay ng anak niya kung kaya’t simula ng mangyari iyon ay ipinangako ko sa sarili ko na mapapasakin din si Siobeh balang-araw at nang marinig ko na nasa isang drag racing event siya ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. You’re going be mine, Baby. Hindi pwedeng hindi. Kasama namin si Michael,Daniel at Uriel na nasa backseat. Sinabihan ko sila na i-ready ang mga baril nila just in case na magkagipitan at umalma si Don Ramon Aldama. Alam kong kamumuhian ako ni Siobeh pagkatapos nito ngunit ito lang ang tanging paraan upang maangkin ko siya at gagawin ko ang lahat. Whatever it takes. Inihinto ko ang kotse namin sa di kalayuan ng Aldama Mansion. Tanaw na tanaw na namin ang Mansyon ngunit may ilang bagay akong kailangang ipaliwanag kay Siobeh bago kami pumasok sa loob upang kausapin ang kanyang ama. “Ibabalik mo na ba ako sa amin?” pag-ulit niya ng tanong niya kanina. “Hindi.” simpleng sagot ko. “Eh bakit tayo nandito? Bakit dinala mo ako dito?” “Mamanhikan ako, ayaw mo ba?” saad ko sa kanya ngunit napa-smirk siya. May masama ba sa sinabi ko? “Grabe, wala akong masabe. Ang lakas din naman ng loob mo, ano? Pagkatapos mo akong kidnapin ngayon pupunta ka samin para mamanhikan?” “I didn’t kidnap you. Kusa kang sumama sa akin.” “Do you actually think that my father will give you his blessing of marriage? Unbelievable.” saad niya sa akin na iiling-iling. “Siobeh Baby, I already told you I want to do this right. That’s why we’re here.” “Kung meron mang tututol sa magiging kasal natin unang-una na dyan ay ang mga magulang ko. Alam mo yan, baka nakakalimutan mo, mortal na magkaaway ang mga angkan natin.” “Ayaw mo bang magka-ayos ang mga angkan natin?” tanong ko sa kanya. “Do you really think na ganon kadali iyon?” “Masyadong malalim ang sugat ko dito Siobeh, pero para sayo handa akong subukan ulit.” saad ko na tinuro ang dibdib ko kung saan ang parte ng puso ko. Namumuhi ako. Nagagalit ako. Sadyang magaling lang talaga akong magdala. “No. This is a bad idea. Hindi papayag ang mga magulang ko, Aarav. Halika na, umuwi nalang tayo.” “Listen, I want you to try and convince your father.” “And if I refuse?” “If you refuse, the whole Aldama Mansion will explode.” saad ko na kinuha ang improvised explosive device ko, “isang pindot ko lang, Siobeh.” Nanggalaiti siya sa galit habang nakatingin sa akin, “You!” Inabot naman sa akin ni Uriel ang ipad kung saan makikita na nasa loob ng kotse si Ginang Edralyn Aldama at ang kuya ni Siobeh na si Antonio. Walang ka-alam-alam ang dalawa na may nilagay na akong bomba sa loob ng kotse habang nagmamaneho sila. “Right now, your brother is driving home and doesn't know that his car has a bomb inside. Your mom is not aware too and your beloved dad is inside the mansion. Hindi nila alam na pupunta tayo dito so, it will be a surprise.” “Napakasama mo!” “Convince your father for his approval Sweetheart, kung ayaw mong mawala sila at magaya ka sa akin na wala ng pamilya.” “You monster!” saad niya na akmang sasampalin ako ngunit kaagad siyang hinawakan ni Michael at Uriel. Itinuloy ko na ang pagmamaneho papalapit sa mansyon. “As soon as we get there, I want you to act calm and pull yourself together Siobeh, buhay ng pamilya mo ang nakataya dito.” Masamang masama na ang loob niya sa akin ng mga oras na iyon ngunit kailangan kong mawalan ng pakialam sa kanya at maging bato ang puso ko dahil nasa kuta ako ng kalaban at hindi ako pwedeng tumiklop nang dahil lang sa babae. “Ms. Aldama!” saad ng security guard nila. Nasa malaking gate na kami ng mansyon. “It’s okay Paulo, it’s just me. Papasukin niyo kami.” saad ni Siobeh kung kaya’t nagpatuloy na ako sa pagmamaneho nang papasukin kami. My baby boo boo knows how to play the game right. Mukhang hindi ko na siya kailangan pang turuan. Kaagad kaming bumaba ng kotse at pinagbuksan naman kami ng mga kasambahay nila dahil nakita nila si Siobeh. Naabutan namin si Don Ramon na nakatayo sa lobby. Hawak niya ang tungkod niya at may mabagsik na tingin sa amin kung kaya’t tinanggal ko na ang shades ko. Hindi ako ganon ka-bastos para asarin siya lalo. “Daddy!” akmang lalapit si Siobeh sa kanya ngunit bigla siyang sinampal ni Don Ramon dahilan upang mapa-upo siya sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD