AARAV
“Sinong may sabing bumalik ka dito sa pamamahay ko?! Lapastangan!” puno ng galit na sambit ni Don Ramon kay Siobeh.
Nanginginig at nangingilid na ang luha ni Siobeh habang nakaupo sa sahig at hawak ang pisngi niyang namumula dahil sa sampal ng kanyang ama. Awtomatikong nagdilim ang paningin ko at mabilis na hinugot ang baril ko sa tagiliran at tinutok iyon kay Don Ramon ngunit bumunot din ng baril ang mga tauhan ni Don Ramon kasabay ng paghugot ng baril nila Michael sa likod ko.
“Aarav! It’s fine, I’m fine! Please!” pagmamakaawa sa akin ni Siobeh na napatayo kaagad at pilit na niyayakap ako upang awatin ako sa masamang balak ko sa tatay niya.
Tang ‘ina pasalamat siya, mahal ko si Siobeh. Hindi ko nga sinsasaktan yan eh tapos sasampalin niya lang.
“Hindi kami nandito para manggulo, gusto ko lang makipag-usap kaya please lang wag niyong sagarin ang pasensya ko! At wag na wag niyong sasaktan si Siobeh!” asik ko sa kanilang lahat.
“Sayo pa talaga nanggagaling na wag kong sasaktan ang anak ko?!” saad ni Don Ramon na nanggagalaiti na sa galit.
Baka atakihin pa sa puso ito pag nagkataon at hindi ko matuloy ang plano ko.
“Baba niyo mga baril niyo!” utos ko kila Uriel na kaagad nilang sinunod dahil ayoko ng mas maasar pa lalo sa akin si Don Ramon.
“Dad please, I can explain… pakinggan mo muna ako please,” pagmamakaawa ni Siobeh sa ama niya at hinawakan ang kamay nito.
Inutusan ni Don Ramon ang mga tauhan niya na ibaba ang mga baril nila.
“Dito tayo mag-usap!” saad ni Don Ramon na itinuro ang sala kung kaya't naupo kaming tatlo doon habang ang mga tauhan namin ay nakasunod sa amin.
“Ano pang hinihintay ninyo? magsilayas kayo sa harapan ko!” utos ni Don Ramon sa mga tauhan niya kung kaya't napatingin din ako kila Uriel at naintindihan naman nila kaagad ang nais kong sabihin.
Gusto ni Don Ramon ng maayos na usapan na kami-kami lang ang nakakaalam. Hmm, I like this kind of talk.
“Anong kailangan mo dito, Clemente?”
“Don Ramon, siguro naman ay alam mo na kung bakit ako naparito.”
“Wala akong hindi nalalaman pagdating sayo, Clemente.”
Napa-smirk ako, “Hindi ako pinalaking bastos ng aking ama kaya humaharap po ako sa inyo ngayon upang pormal na hingin ang kamay ng inyong anak para sa isang kasal.”
“Baka nakakalimutan mong ako ang pumatay sa iyong ama, kayang-kaya kong gawin ulit iyon kung ikaw rin lang ang mapapangasawa ng anak ko!” pagbabanta sa akin ni Don Ramon kung kaya't napatingin ako kay Siobeh dahil alam niya ang mangyayari sa nanay at kapatid niya kapag hindi niya ako sinunod.
“I uhm– Dad, nagmamahalan po kami ni Aarav.” saad ni Siobeh na hinawakan ang kamay ko.
“Isang malaking pagkakamali ang gagawin mo, Siobeh!” asik ni Don Ramon na hindi mapawi-pawi ang galit.
Hinigpitan ko pa ang paghawak sa kamay ni Siobeh. Sobrang higpit na para bang magkakalas-kalas na ang kanyang mga buto sa higpit ng pagkakahawak ko.
Maya-maya ay narinig ko siyang humahagulgol na ng iyak.
“Umalis ako dito sa Mansyon dahil hindi ko na kaya Dad! wala akong kalayaang gawin ang gusto ko! and then I met him. I met Aarav! pinaranas niya sa akin lahat ng mga bagay na hindi ko pa nararanasan sa tanang buhay ko. He made me feel alive again. Napapasaya niya ako Dad, napapawi lahat ng lungkot ko kapag kasama ko siya kaya napagdesisyunan kong sumama sa kanya.”
“Tigilan mo ang mga pantasya mo na yan Siobeh! Sa kaaway pa talaga?! Nabubulagan ka lang at yang pagmamahal na yan! Yan mismo ang papatay sayo!”
“Hindi totoo yan!”
“Pag nagpakasal ka sa gagong yan, kalimutan mo ng isa kang Aldama dahil itatakwil kita! Hinding-hindi ka na makatatapak sa pamamahay ko kahit kailan!”
“Daddy please! Mahal na mahal ko po si Aarav! Please! Hayaan mo na akong sundin ang puso ko!”
Bigla namang tumayo si Don Ramon sa galit.
“Ano bang pinakain sayo ng lalaking yan at baliw na baliw ka dyan?! Nahihibang ka na!”
Gusto ko na matawa kanina pa, pinipigilan ko lang dahil seryosong-seryoso silang dalawa. Alalang-alala ang mukha ni Siobeh na napatingin sa akin na animo’y sinasabi ng ekspresyon ng mukha niya na “Ayaw pumayag ng daddy ko!” ngunit tinignan ko lang siya ng walang ekspresyon ang mukha na animo’y sinasabi sa kanya na “Try harder, Sweetheart.” dahil alam niya na kung anong mangyayari kapag hindi niya napapayag ang tatay niya.
“Daddy, I love him! I love him so much! Hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya sa buhay ko! Mahal na mahal ko siya! Siya ang gusto kong makasama habangbuhay, please!” saad ni Siobeh sa kanyang ama habang umiiyak. Determinado siyang kumbinsihin ito.
Ganyan nga, mahal ko. Convince your father. You’re getting so good at this kind of game.
“Buo na ang desisyon ko Siobeh, kung gusto mong tanggapin pa kita dito sa Mansyon, hihiwalayan mo ang lalaking yan ngayon din at hindi ka pakakasal sa kanya!” asik ni Don Ramon na galit na galit at akmang aalis na.
Tinignan ko ng masama si Siobeh kung kaya’t pinigilan niya si Don Ramon sa paglalakad at lumuhod siya sa harap nito.
“Daddy, I’m pregnant! I’m pregnant! Dad, please, buntis ako kaya please hayaan mo ng magpakasal kami ni Aarav! Please daddy!”
Sheessh! Naikuyom ko ang kanang kamao ko at nakagat iyon dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Damn it! Hindi ko alam kung bakit parang kinikilig ako na ewan. Does she really want to have a baby with me?
“Ano?! Talaga bang bibigyan mo ako ng kahihiyan?! Ingrata!” gigil sa galit na saad ni Don Ramon na akmang hahampasin ng tungkod si Siobeh kung kaya’t mabilis akong yumakap sa kanya dahilan upang ako ang tamaan ng tungkod ni Don Ramon.
Ang sakit! Tumama sa ulo ko pakiramdam ko dudugo!
“Daddy please, mahal na mahal ko po si Aarav! Mamamatay ako pag nawala siya sa akin! Parang awa mo na!”
Totoong nasasaktan na si Siobeh sa pagkakataong ito.
Saktong dumating naman ang nanay ni Siobeh na si Mrs. Edralyn Aldama at ang kapatid niyang si Antonio.
“Anong nangyayari dito?” tanong ni Mrs. Aldama na siyang nagpatigil sa amin sa tensyong nangyayari.