Chapter 15

1276 Words
AARAV “Siobeh, Anak!” alalang-alalang saad ni Mrs. Aldama “Mommy!” kaagad na tumayo si Siobeh upang puntahan si Mrs. Aldama at niyakap ito. Tumayo na rin ako at pinanuod sila pero hinihimas ko pa rin yung ulo ko sa sakit ng pagpalo ni Don Ramon ng tungkod niya, napatingin ako dahil yari pala sa solid wood iyon. Putang ina! kaya pala ang sakit! mababagok ata ang ulo ko! Hindi nila alintana ang gulo na dulot ko ngunit napansin ko na si Antonio kanina pa na animo'y nilalamon ako ng tingin. Namumuhi siya sa akin at ganon din ako sa kanya. “Kamusta ka, Anak? anong nangyari sayo? bigla ka nalang hindi umuwi, alalang-alala ako sayo!” “Okay lang po ako Mommy.” “Edralyn! bitiwan mo ‘yang walang hiya mong anak na hindi nag-iisip ng matino!” “Ramon! ngayon lang umuwi si Siobeh! wag mo naman siyang pagalitan!” “Paanong hindi ako magagalit?! buntis ‘yang anak mo at humihingi sa akin ang dalawang ito ng pahintulot para sa isang kasal na hindi naman nararapat!” “Totoo ba ‘to, Siobeh? buntis ka?” “O-opo, Mommy please, nagmamahalan po kami ni Aarav!” “Mrs. Aldama, ako po si Aarav Clemente.” “Hindi mo na kailangang magpakilala sa akin, kilala kita at ang tatay mo.” mahinahong saad ni Mrs. Aldama. Mukhang may alam siya sa nangyari at kung paano namatay ang ama ko. “Hindi ako makapapayag! kung gusto mo, isilang mo ang bata ngunit hindi ka pakakasal sa lalaking yan!” “Ramon, please give them a chance. Mukhang maayos naman ang pagpapalaki ni Don Leon kay Aarav, hindi naman sila pupunta dito at hihingi ng pahintulot mo kung talagang masama siyang tao.” “Edralyn! nahihibang ka na ba?!” “Mrs. Aldama, makakaasa ho kayo na aalagaan, iingatan at mamahalin ko po si Siobeh, kahit buhay ko pa ang kapalit.” “Iyon naman pala eh.” “Ma, baka nakakalimutan mo, anak siya ni Don Leon! ang kalabang angkan natin!” sabat ni Antonio. Tahimik lang ako, ayokong awayin si Antonio ngayon dahil baka mabulilyaso pa ang mga plano ko. Bahala na si Atonio na manggalaiti sa galit. “Anton, matagal na iyon. Patay na si Don Leon.” “Kung sa tingin niyo ay ginagawa ko ‘to para ipaghiganti ang aking ama, pwes, nagkakamali kayo. Wala po akong intensyong gumanti at mas lalong hindi ko ho ginagamit lang si Siobeh. Totoong mahal ko siya.” saad ko sa kanila na tumingin ng malamlam kay Siobeh. “Matagal na ang alitan ng mga Aldama at Clemente Ramon, I think it's time para magkasundo ang mga angkan natin. Tutal, wala naman palang intensyong gumanti si Aarav.” saad ni Mrs. Aldama. Hmm, mukhang magkakasundo kami. Madali siyang kausap. “Tuso yan! kagaya ng inutil niyang ama!” “Ramon please naman! matagal na panahon na iyon, hindi naman nanggulo si Aarav noong mga panahon na namatay si Don Leon.” “Hindi pa ba panggugulo ang tawag mo dito, Edralyn?! at talagang nagpunla ka pa sa anak kong damuho ka!” asik ni Don Ramon sa akin. “Daddy, ginusto ko iyon! ako ang kusang lumapit kay Aarav!” pagtatanggol sa akin ni Siobeh. She's so hot right now and sexy as f**k. She knows how to defend me. “Talagang sumasagot ka pa?!” “Please mommy, mahal ko po si Aarav. Gusto ko pong magpakasal sa kanya.” pangungumbinsi pa ni Siobeh sa kanyang ina. “Come on, let's settle this.” saad ni Mrs. Aldama kung kaya't naupo kami ulit sa sala. “Aarav, can we talk?” tanong sa akin ni Mrs. Aldama. “Sure, Ma’am.” saad ko. Akmang tatayo rin si Siobeh ngunit pinigilan siya ni Mrs. Aldama. “Anak, dito ka muna, mag-uusap lang kami ni Aarav ng masinsinan.” “No. Kung anomang sasabihin mo kay Aarav dapat marinig ko rin.” “I understand your worry, Anak, pero may mga bagay ako na kailangang i-discuss kay Aarav. Para sayo din ito.” saad ni Mrs. Aldama. Nag-aalala si Siobeh kung kaya't binulungan ko siya. “Don't worry, Sweetheart, wala akong gagawing masama sa mommy mo.” iyon lang at sumunod na ako kay Mrs. Aldama. Dinala niya ako sa veranda kung saan kaming dalawa lang ang tao. “Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, malaking eskandalo ito.” saad ni Mrs. Aldama na hindi mapalagay. “Poprotektahan ko po si Siobeh sa abot ng aking makakaya.” “Hindi iyon ang inaalala ko Aarav, hindi naging maganda ang samahan namin ni Don Leon pero hindi ibig sabihin non ay dapat kang madamay sa awayan namin.” “Mahal na mahal ko po si Siobeh, Mrs. Aldama. Nakikiusap ho ako sa inyo.” lahat ng sinambit ko sa kanya ay pawang katotohanan at lumabas kusa sa bibig ko. “Tell me, gaano na kayo magkakilala ni Siobeh? Alam na ba niya ang buong pagkatao mo?” “I’m sorry Mrs. Aldama pero… hindi ko pa nasasabi kay Siobeh, humahanap pa ako ng tiyempo. Hindi ko alam na alam niyo pala ang tungkol doon.” “Wala akong hindi nalalaman kung tungkol kay Leon.” “Gaano niyo ho ba kakilala ang amain ko?” “Hindi ko masasagot yan hanggat hindi mo sinasabi kay Siobeh kung sino ka talaga.” “Fine. If I tell her, would you also tell us the past? At kung paano dumanak ang dugo ng tatay ko sa mansyong ito?” “Oo Aarav, sasabihin ko sa inyo.” “Deal but right now I want your approval for our marriage Mrs. Aldama. I promise gagawin ko ang lahat para kay Siobeh basta hayaan niyo lang ako.” “Okay. Halika na, hinihintay na nila tayo.” Muli kaming bumalik sa sala ngunit naabutan naming yak ng iyak si Siobeh kung kaya’t kaagad akong lumapit sa kanya. “Kailan ang kasal?” masungit na tanong ni Don Ramon ngunit wala akong pakialam dahil nakukuha ko na ang gusto ko. “Sa lalong madaling panahon, Don Ramon.” sagot ko naman. “Nagkausap na kami ni Aarav at binibigay ko na sa kanya ang basbas ko.” “Pormal ko hong ibibigay ang imbitasyon sa kasal namin.” saad ko. “Sige, pumapayag na ako ngunit sa isang kundisyon.” “Ano ho iyon, Don Ramon?” masigasig na tanong ko. “Kinuha mo sa akin ang bunso kong anak kaya responsibilidad mo siya habangbuhay kaya inaasahan kong ibibigay mo sa kanya ang maayos na buhay ngunit wag kang umasa na tatanggapin kita bilang manugang at hindi ka pwedeng makisangkot sa mga negosyo ng pamilya Aldama. Wala kang mapapala sa akin, Clemente, naiintindihan mo?” “Wala ho akong intensyon sa yaman ng mga Aldama dahil binigay sa akin lahat ng aking amain kung anoman ang meron ako ngayon at makakaasa ho kayo na bibigyan ko ng maayos na buhay si Siobeh.” “Makakaalis na kayo.” “Dad, patawarin niyo ho ako!” saad ni Siobeh. “Narinig mo ang sinabi ko Siobeh, pinili mong makisama sa kalaban kung kaya’t kalaban na rin ang tingin ko sayo simula ngayon! Umalis ka sa pamamahay ko!” “Come on, Sweetheart, it’s alright.” saad ko kay Siobeh na niyakap siya dahil kanina pa siya umiiyak. Iginiya ko na siya palabas ng mansyon at inalalayan papasok ng kotse. Kinagat ni Don Ramon ang pain ko, napapayag namin siya ngunit hindi niya ako tanggap. Ayos lang Aarav. Ayos lang. Ang mahalaga ay hawak ko na sa leeg ang kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD