AARAV
“You did great, My baby boo boo.” saad ko na hinaplos ang chin at lips niya na masarap halik-halikan ngunit iniwas niya ang mukha niya sa akin.
Ngayon ay nasa byahe na kami pauwi at sa tingin ko ay kailangan ko na namang suyuin si Siobeh. Tinotopak na naman ang babaeng ito.
“Huy, sorry na, wag ka ng magalit, pumapangit ka oh.” saad ko na tinusok ang tagiliran niya para kilitiin siya.
“Ano ba?!” angil niya sa akin ngunit hindi ako papayag na magalit na naman siya sa akin.
“Baby naman…”
“Ano?! Masaya ka na ba? Huh?! Alam mo ba kung anong tingin nila sa akin doon?! isang taksil! Traydor na sumama sa kalaban! Ni-ang sarili kong ama’y ayaw akong kilalanin at gusto na akong itakwil!” asik niya na puno ng sama ng loob at tila nangingilid na ang mga luha.
Natahimik naman ako bigla. Masakit nga naman iyon.
“Sorry na, saan mo gusto bukas? Ipapasyal kita.”
“Hindi na ako bata, Aarav! Akala mo mauuto mo ako sa ganyan?”
“Eh kasi… ayoko naman na basta-basta nalang tayo magpapakasal na para bang bigla nalang kitang kinuha sa kanila. Nakakabastos iyon, Siobeh. Marunong pa naman akong rumespeto lalo na sa mga magulang mo.”
“I don’t get you!” saad niya na humahagulgol ng iyak habang nasa loob kami ng kotse.
“Wag ka ng umiyak, sayang lang luha mo eh at saka mugtong-mugto na yung mata mo oh. Mahal lang kasi talaga kita kaya ko nagawa iyon, gusto ko maging okay ako sa pamilya mo.”
“Mahal? Kakakilala palang natin Aarav! Imposible ka! Hindi kapani-paniwala!”
“Umuwi muna tayo tapos saka tayo mag-usap pero please lang, wag ka ng umiyak.”
Tumahan naman siya at hindi na ako pinansin ngunit nang makauwi kami ay nakatulog siya kung kaya’t binuhat ko na siya papunta sa kwarto namin at hindi na muna inistorbo.
Pinuntahan ko ang mausoleum kung saan nakalibing ang aking amain pati na rin ang buong angkan ng mga Clemente. Nakatayo iyon sa likod ng Mansyon.
Matagal na panahon na rin pala simula noong hindi na ako nakadalaw dito. Mabuti na lamang at naalagaan ng mga kasambahay ang buong lugar at ang mga halaman. Napakaraming bulaklak sa paligid at malinis din ang mga puntod. May kalakihan ang mausoleum dahil may mini chapel din sa loob.
Dahan-dahan akong lumakad sa puntod ng aking ama na ngayon ay nasa isang glass coffin. Naka-preserved ng mabuti ang bangkay niya kung kaya’t tanaw-tanaw ko ang mahimbing niyang pagtulog.
“Dad, nahihirapan na ako.” saad ko na animo’y tanga na nakikipag-usap sa bangkay at malalim ang pagbuntong hininga.
“Pero kaunting panahon nalang ay makakamit na natin ang hustisya. Hawak ko na sa leeg ang kalaban… at si Siobeh, sorry kung nababaliw ako sa pagmamahal ko sa kanya. Gustong-gusto ko siyang maangkin at ipagdamot sa kahit sino. This obsession. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito dad pero… gusto kong malaman mona hindi pa rin pala tuluyang nagiging bato ang puso ko. Natututunan ko na ulit magmahal ngayo–.”
Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng tunog na may parang biglang bumagsak at paglingon ko ay nakita ko si Siobeh na nakatayo sa gilid ng pasilyo at nakatakip ang kanyang kamay sa bibig na animo'y nagulat na nakita ko siya.
Bigla siyang tumakbo ng mabilis kung kaya't hinabol ko siya. Nang maabutan ko siya ay kaagad ko siyang hinigit sa bewang.
“Get off of me! baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sa akin!”
“Baby boo boo, it's alright. It's alright, hindi ako galit. You wanna see my dad? we can go there.”
Natatakot siya at mukhang hindi sigurado kung kaya't hinawakan ko ang kamay niya at saka ko siya iginiya pabalik sa mausoleum.
SIOBEH
Dinala ako ni Aarav sa mausoleum ng mga Clemente at doon ay nakita ko ng personal si Don Leon Clemente.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hinawakan ko pa ang glass casket niya na para bang may kirot sa puso ko na kung ano. Hindi ko maintindihan. Ibang-iba yung pakiramdam habang tinitignan ko siya.
Para bang magaan ang loob ko and at the same time ay mabigat din dahil wala na siya.
“Totoo bang ang daddy ko ang pumatay sa daddy mo?” tanong ko sa kanya.
“Nanggaling na mismo sa bibig ng tatay mo kanina, Siobeh.” saad niya kung kaya't yumakap ako sa kanya.
“Sorry…”
“Nakaraan na iyon Siobeh, wag kang mag-sorry.” saad niya na yumakap din sa akin.
Ramdam ko ang pangungulila niya sa kanyang ama at ngayon ay nakokonsensya ako na ang pamilya ko ang may kasalanan kung bakit namatay ang tatay niya.
“Ganon talaga eh, tanggap ko naman na saka wala na akong magagawa, oras niya na eh. Nagpapasalamat nalang ako na iniwan niya sa akin lahat.”
“But still… I’m sorry. Hindi ko alam na sobrang lalim pala ng dahilan kung bakit magkaaway ang angkan natin.”
“Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan so, siguro naman bayad na ang ama ko.”
“Hindi mo kamukha tatay mo, mas gwapo sayo. Napulot ka lang ata sa sabsaban eh.” saad ko na natawa ngunit biglang sumama ang timpla niya at hindi maipinta ang mukha.
“Ay, ewan ko sayo, Siobeh.” saad niya na binitawan ako at naglakad palayo.
“Huy, nagbibiro lang ako! sorry na!” saad ko na humawak sa braso niya ngunit winasiwas niya iyon para matanggal sa pagkakahawak ang kamay ko.
“Wag mo akong kausapin!”
“Hala, ang kapal ng mukha mo, ikaw nga ‘tong may kasalanan sa akin. Baliktad na ah, imbis na ako suyuin mo, ikaw pa sinusuyo ko ngayon!”
“Bahala ka dyan!” saad niya na talagang aalis na at iiwan ako sa mausoleum.
“Sandali lang! hintayin mo ako, ayoko dito! nakakatakot! ito naman, porket sinabihan ka lang na mas gwapo sayo tatay mo, nagtatampo ka na!”
“Mas gwapo ako!”
“Edi ikaw na!” saad ko na hinabol siya at muling kinuha ang braso niya.
“Bitiwan mo nga ako!” saad niya na hinawi ako kung kaya't natumba ako bumagsak sa sahig.
“Aray!” reklamo ko dahil tumama yung pwet ko sa sahig at ang lakas ng bagsak ko.
“Uy! sorry sorry, masakit?” tanong niya ngunit hindi ko siya sinagot kung kaya't binuhat niya nalang ako pa-bridal style.
Ipinulupot ko naman ang braso ko sa kanya.
“Tampururot!” saad ko sa kanya.
“Ah, hindi na pala masakit eh.” saad niya na akmang ibaba na ako ngunit ayoko pa.
“Wag! masakit pa!”
“Then shut your f*****g mouth, Siobeh!” utos niya kung kaya't hindi ko na siya inasar pa
Tinitignan ko lang siya habang naglalakad kami sa corridor papunta sa kwarto.
There's pain in his eyes na hindi ko maipaliwanag. Talaga bang dinadamdam niya yung sinabi ko na mas gwapo sa kanya yung tatay niya at napulot lang siya sa sabsaban? nagbibiro lang naman ako eh.