Umalis na rin sina Blaise matapos iyon. Mukha siyang may iniisip na malalim. Nagpatuloy lang sa pagkain si X. Si Maria, may malaking ngisi habang ako naman ay nakatulala pa rin sa lalaking nasa harapan ko. Ano ba ang ibig sabihin ni X? Para na rin niyang sinabi na sobrang ganda ko! Namula ang pisngi ko at uminom ng tubig. Matapos iyon ay nagyaya na si Maria, dahil tumatawag na raw ang nanay niya. Nasa unahan namin si X. Magkahawak braso kami ni Maria habang lumalakad. "Sulitin mo na ang pagkakataong ito. Baka sa susunod, si X na ang kahawak braso mo. In fairness, mukhang itong si X, mahilig din sa mga exotic ha?" saad ni Maria. Umirap ako. Alam ko ang ibig sabihin noon. "Ano ako, bayawak?" sarkastiko na tanong ko. Tumawa si Maria. Nilingon naman kami ni X. "Ano ang pinagt

