Secrets Rechielle's pov Babe? Babe, Rechielle magpapaliwanag ako. Please makinig ka sana. tarantang bungad nito sa pinto. At ano ang ipapaliwanag mo Brent? May totoo man lang ba sa mga sinasabi mo? Kung itong mga dokumentong ito na mismo ang nagsasabi ng totoo. Kaya pala madalian ang naging pagpaplano sa kasal natin. Dahil ba baka maabutan niya ang seremonyas? O dahil natatakot kang baka malaman ko ang totoo? Pagkatapos nang mga nangyari, sa tingin mo, paano pa ako maniniwala sa'yo? Kung mula pa lang sa umpisa ay wala nang totoo? Babe, please. Hear me out. Totoo naman talagang hindi kita niloloko. Ano? At talagang ipagpipilitan mong hindi mo ako niloloko? So ano ang tawag mo dito? Ano ang tawag mo sa mga ginawa mo at sa mga nangyari? Laro? Naglalaro lang ba tayo? Hindi ako na inform B

