Torn Pagkadating ko sa bahay ay gusto kong makaharap si Becky. Ano ang motibo niya sa pakikipaglapit sa akin? Kung kapatid pala niya ang asawa ni Brent? Manuel pakihatid ako sa dilasag. Ngayon na ba ate? Oo, ngayon na. Paki handa ang sasakyan at susunod na ako. Cielo paki bantayan muna ang mga bata ha? Bilin ko sa kaniya habang iniaabot si Zircon. Pati si Zircon ate? maang na tanong niya. Oo, pati si Zircon. Eh, paano ang gatas niya ate. Nagugutom na to sigurado, umiiyak na eh. Aniya. Padedein mo muna ng formula. sagot ko sa kaniya nang hindi tinitignan si Zircon. Anong formula ipapabili ko ate. shhh, tahan na baby. Natataranta nitong hele sa bata na todo na ang pag iyak. Bahala ka na, sagot ko. Pilit na iniignora ang nag iyak ng sanggol. Ate? Ok ka lang ba? Padedein mo mun

