Rechielle's POV
What are you cooking babe? It smells good, I'm already hungry.
Sorry pero kakaumpisa ko pa lang magluto. Pasensya na. Maghihintay ka pa ng dalawang oras bago ka makakain. Ipaghahanda na muna kita ng light snack. Iba ang pakahulugan ko sa sinabi niya kung kaya't iba din ang naging sagot ko. Pakiramdam ko ay balik ako sa pagiging alalay nito. Kababalik ko lang sa mansyon at naninibago ako sa hindi ko malamang dahilan.
No worries babe, You know I can always wait. Busog pa naman ako, sadya lang nakakagutom yung niluluto mo. Pakiramdam ko tataba ako. Tatawa tawang sagot niya.
Pasensya na. sagot ko lang ulit sa kaniya.
Babe, masyado ka yatang seryoso ngayon? May problema ba?
Wala naman.
Ni hindi mo man lang din mabanggit kahit pangalan ko. Tell me. May nangyari ba? May nasabi ba akong hindi mo gusto? Please, Chielle. You can tell me.
Bumuntong hininga ako. Wala naman. Please, hayaan mo na muna ako magluto. Ipaghahanda kita oras na maluto na ito.
Sige, babe. Sabay na tayo kumain mamaya. humalik ulit ito sa pisngi ko bago umalis sa kusina.
Ipinagpatuloy ko ang pagluluto. Naghahain na ako ng may marinig akong komosyon sa bandang receiving area.
Pinatay ko na ang kalan at saka ako pumunta sa sala. Nakita ko ang isang matandang babaeng nakatalikod sa bandang harap ko. Astang bubuhatin nito ang baby na hawak ng isang babaeng nakupo sa sofa. Hindi ako napansin ng mga tao sa paligid dahil abala silang estimahin ang bagong dating.
Bigla nakaramdam ako ng inggit. Bigla ay namiss ko ang mga anak ko. Nagi guilty ako na iniwan ko sila para mag trabaho gayong pwede ko namang pagkasyahin ang natitira sa amin. Nangingilid ang luha ko at nanlalabo ang paningin ko. Nag flashback bigla ang mga sinabi ni Brent sa akin. And right there and then, I have decided to give it chance. I have decided to introduce Brent to the kids. As my husband and a father to them. Hindi magiging madali iyon, alam ko.
Brent's pov
Naabutan kong akmang magpapahid ng luha si Rechielle habang nakatingin kay mommy at Bridget. Wait what? How come hindi sila nagsabi sa akin na uuwi sila?
Mom? Ate Bridget? napatingin sila banda ko.
Hijo, tawag sakin ni Mom.
My big brother,kamusta ka na.
Hindi ko sila pinansin.
Tuluyan lang na ako nakalapit kay Rechielle dahil napalingon din ito sa akin nang tawagin ko ang Mommy at ate. Nilapitan ko si Rechielle at pinahid ko ng palad ko natitirang luha sa pisngi nito.
Why are you crying ,babe? Namimiss mo ba ang mga bata? Pwede tayong umuwi. I mean pwede kang umuwi dahil alam kong ayaw mo akong kasa-
Niyakap niya ako at bumulong.
Okay lang ako. Namiss ko lang sila bigla dahil sa nakita ko, pero ok lang ako.
Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin tumingin kila Mom na nakatingin na din sa amin.
Mom, bakit naman hindi kayo nagsabing uuwi kayo? Naipaghanda sana namin kayo.
Naipaghanda o para maihanda mo ang asawa mo?
Ofcourse not Mom, I want you to meet my wife, Rechielle.
Mommy Estella, Bridget at ang pamangkin kong si Gabrielle.
Lumapit ito at nagmano kay Mom.
Glad to meet you po Ma'am Estella, Ma'am Bridget and Baby Gabrielle. bati ni Rechielle ng nakangiti.
Nginitian lang siya ni ate at muling ibinaling ang tingin kay Gab.
Same here, hija. sagot naman ni Mom. Ang balita ko ay kasal na kayo. Totoo ba yon hija?
Opo Ma'am Estella. sagot ni Rechielle.
Hindi kaya't napakabilis ng pagpapakasal niyo? Kailan lang kayo nagkakakilala hindi ba?
Mom!
Bakit, Brent? Totoo naman ang sinabi ko diba?
Tell me Rechielle, buntis ka ba at dali dali kayong nagpakasal ng anak ko? mejo high pitch na si Mother.
Mom, let's talk peacefully, sabat naman ni Ate na tumayo na. Iniabot nito ang anak kay Becky at nilapitan si Mom.
Bridget, paano kung katulad din siya ng babaeng iyon. I trusted her. We trusted her. But what did she do ? Tignan mo ang kapatid mo.
Mom, please Saway ko bago pa man niya maibunyag ang sikreto ko.
Hindi siya ang nag initiate ng kasal. Ako Mom. Please huwag mo siyang itulad sa kaniya. She's way far different from her.
Ang mabuti pa Mom, ipahahatid ko na muna kayo kay Manang sa kwarto niyo para makapagpahinga na muna kayo. Mamaya na tayo mag usap pag malamig na ang ulo mo. Manang Rosa. Pakisamahan na po sila please.
Hindi naman na umalma si Mom. Kaya nakahinga ako ng maluwag.
Tulala si Rechielle. Inalalayan ko itong maka upo sa sofa. Palapit naman din si Becky na may dalang isang baso ng tubig. Iniabot niya ito kay Rechielle na tulala pa rin.
Beks inom ka muna ng tubig o. abot ni Becky sa asawa ko.
Babe, are you ok? tumingin ito sa akin at tumango lamang. Pagpasensyahan mo na ang Mommy, nabigla lang sya.
Wala iyon, Brent. Naintindihan ko siya sa parteng mabilis ang naging pagpapakasal natin dahil totoo naman iyon. Pero ang hindi ko maintindihan ay ikinumpara ako kung sino man siya. Sana huwag niya akong idamay sa galit niya kung sinoman iyon.
Kalimutan mo na iyong narinig mo,babe. I will talk to Mom. Ako ang bahala, I promise.
Wala namang problema sa akin kung ako mismo amg kakausapin niya Brent. Wala naman akong ginagawang masama. aniya.
Sasagot pa sana ako ng bigla nitong iniba ang usapan.
Maghahain na nga pala ako baka gutom ka na. Luto na din naman iyong pagkain.
Tumayo siya at dire diretso na sa kusina kasunod niya si Becky.
Paano kung malaman mo ang kalagayan ko. Mamahalin mo pa rin kaya ako? Iiwanan? O baka kaawaan mo lang ako? Gusto ko sana malaman ang sagot. Malaman kung mahal mo na din ba ako. Habang perpekto pa ang tingin mo sa akin. At hindi kung kailang alam mo na nangyari sa akin. Mahal na mahal kita, Rechielle. At sana ay ganon ka din.
******
Third person's pov
Rosa, bakit naman hindi mo sinabi sa akin agad bago pa man siya ikinasal. Kung hindi pa nadulas si Brandon, hindi ko malalaman. Samantalang madalas ko siyang kumustahin sayo Rosa. ani Estella.
Eh, Ma'am Estella. Hindi ko na ho iyon nabanggit dahil hindi ko din ho akalaing seryoso na si Brent kay Rechielle. At Isa pa ho, ayoko hadlangan kung saan masaya ang alaga ko at ok din naman ho kasi si Rechielle. Pero ang pinaka dahilan ko ho ay ayokong manghimasok sa inyong mag ina. Siya ho dapat mismo ang magsasabi sa inyo dahil karapatan niya iyon bilang anak niyo at hindi ho ako. Iyon ay opinion ko lamang ho Mam. aniya Manang Rosa.
Naintindihan ko din naman ang punto mo Rosa. Pasensya ka na. Nabigla lang talaga ako at masama ang loob ko na hindi ito sinabi sa akin ng anak ko. Nagpakasal siya ng wala akong kaalam alam. At Isa pa ito si Brandon. Kung hindi pa siya nadulas, ay hindi ko pa talaga malalaman. Naku naman, oo.
Mom, I don't think Rechielle would initiate the wedding just like that. I mean, she doesn't seem to be like that. Magaan ang loob ko sa kaniya at mukhang mahal naman talaga niya si Brent. sabat ni Bridget sa mag amo.
Well, hindi natin masabi. Magaling magtago ang ahas Bridget.
Hindi naman ho siguro ganon si Rechielle tulad ng iniisip niyo Maam. Nakita ko naman din ho talaga kung paano alagaan ni Rechielle ang anak niyo.
Ganon ba, Rosa? Paano mong nasasabi yan gayong napakaikling panahon mo pa lamang nakasama si Rechielle. Ang tao, maaring itago ang tunay na ugali lalo na at sasandali pa lamang kayong nagkasama.
Ang akin lang ho ay kilalanin niyo na muna ho siya. Huwag niyo ho sanang husgahan agad.
Pero tama ba iyong nalaman ko kay Brandon na may tatlong anak si Rechielle?
Ay oho Ma'am. Iyon nga ho talaga ang dahilan kaya siya napadpad sa trabaho niya dito bilang personal assistant ni Sir. Ang kaso iyon nga ho. Nagkahulugan ho sila ng loob. Tutol man ako sa agaran nilang pagpapakasal ay hindi ko sila hinadlangan. Sapagkat silang dalawa lamang makakapag desisyon tungkol doon.
Susmaryosep naman. Tatlo ang anak niya at ang isa sa kanila ay iba ang ama, tama ba? At napagitnaan pa nga. Ano iyon, nasalisihan? Eh paano kung magka anak din sila ni Brent? Ano nang nangyari? Bakit sa mga napakaruming babae naman lagi napupunta si Brent. Hindi na ba talaga madadala ang batang iyon. Hay naku. Kung nabubuhay lamang ang Ama nila.
Mom, please. Let's not judge her based on her life experience. Have you forgotten that I just gave birth a few months ago? Sa granddaughter mo Mom?
I'm sorry Bridget. I don't mean to offend you. Pagpasensyahan mo na ako. Ang mabuti pa siguro ay iwan niyo na muna ako mag isa nang makapag isip isip ako at makapag pahinga.
I'm so sorry that you have to deal with this alone Mom. Pero minahal naman talaga ako ni Gareth. But I just chose to leave him. I chose to give up on us. And by the time that he finally let me go, that's when I found out that I was pregnant. Maybe she has the same story. Or could be a different scenario. We don't know.
Yeah, you're right Bridget. I'll just sleep on this. May jetlag pa din ako. Don't bother to wake me up on lunch and dinner please. Lalabas na lang para kumain.
Alright Mom. Take it easy on everything. We love you. Take some rest.
Mauna na ho kami sa labas Mam. Estella.
Sige Rosa. Salamat at pasensya ka na.
Wala ho iyon Mam.
Naiwan na si Estella sa kwarto nito na tila may malalim na iniisip.
TBC
salamat sa pag suporta mga Bosslies