Chapter 19- Hired

1156 Words
Rechielle's pov Sabi nga kasi sa'yo ng Doktor mo diba. Dapat pagpahingahin mo sa prosthesis yang laman ng binti mo. Ayan tuloy, nananakit at namamaga. Kahit pa nakasaklay ka, nakakabit pa rin yan. Hindi pa rin naipapahinga ang laman jan sa binti mo. Ate, can you please lower down your tone? Paano kung marinig ka ng asawa ko? Ah, so hindi pa niya alam ang tungkol jan? Kaya nagtatago ka dito sa guest room para linisin yan? Obvious ba? And please huwag mong paagahin. Kaya pala nagtitiis kang nakabalot yan magahapon, magdamag? Alalahanin mo ,Brent. Kailan lang gumaling ang binti mo at sariwa pa rin ang sugat niyan kahit magaling na sa labas. Ate katawan ko ito at alam ko kailan ko dapat ipahinga. Hmmm. So, hindi pala niya alam ang tungkol jan ha? Interesting. So paano kayo nagme make love nang hindi niya nakikita or napapansin yan, aber? Ano? Light's off palagi? Asa lang sa himas? Paano kung iba na pala kahimasan niya? Edi warla? Ate, babae ka ba talaga? Ang dumi ng bunganga mo eh. Dinaig mo pa ang bakla. Tse! Eh hindi mo kasi sinasagot yung tanong ko. Ano na ba kasi? Yung anak mo baka hinahanap ka na. Baka nagugutom na. Huwag mong ibahin ang usapan. At Isa pa. Imposibleng mapadpad dito sa guest room ang asawa mo. Malayo dito ang kwarto niyo. Matanong ko lang, mahal mo ba talaga si Rechielle? O,baka naman rebound mo lang siya? Sa past relationship mo? Eh diba halos kailan lang din iyon? Sinasabi ko sa'yo Brent, hindi kita kakampihan pagdating dyan. Ofcourse, I Love her. I love Rechielle so much, more than anything or anyone else. At kaya hindi pa niya Alam ang tungkol sa sitwasyon ko, sa kalagayan ng paa ko, ay dahil hindi ko pa sinasabi. At ayokong pang malaman niya. Hindi ko ipinapakita ang totoong sitwasyon ko. Dahil takot akong malaman ang magiging reaksyon niya. Napakababaw naman ng dahilan mo, kapatid. Ate, kung sa'yo mababaw na dahilan iyon, pwes sa akin hindi. Madaming nakasalalay. Maraming what if's. Bla bla bla bla bla. Paano mo nga malalaman ang mga sagot sa what ifs na sinasabi mo kung hindi mo susubukan? Ano takot kang malaman niya at bigla ka niyang iwanan? ikahiya? or worst, hiwalayan? Katulad ng ginawa ng bruhang iyon? I don't think she would do that. I doubt it bro. Babae ako at katulad ninyong mga lalaki, may instinct kami sa kapwa namin kung may tama sila. At ipupusta ko ang share ko sa farm. Mahal ka ng asawa mo. Although may pakiramdam akong nagpipigil siya. As in. Like ,parang may humahadlang na ipakita niya ng buong buo ang pagmamahal niya sa'yo. I bet, hindi mo pa siya nakaringan ng I love you, or hindi pa siya kusang nag a I love you sa'yo. Pwede ba ate, tumigil na na nga. Kung ano anong sinisiksik mo sa utak ko. Para pa lang si Becky itong si ate Bridget, Kung ako may Becky, siya naman may Bridget. Naudlot ang pakikinig ko sa magkapatid ng may mangalabit sa akin na ikinagulat ko . Paglingon ko ay si Becky ang nabungaran ko. Bakit ka ba kasi nangangalabit baks.? halos pabulong kong tanong. Eh ano ba kasing ginagawa mo jan? Kanina pa kita hinahanap ah, nandito ka lang pala.pabukong ding sagot ni Becky. Ah, ano wala. Tara na. Aya ko sa kanaiya paalis sa pinto ng guest room. Mukhang may pinapakingan ka eh, pero sino bang nasa guest room na yan ? Eh ang alam ko walang umookupa niyan ah? O baka may mumu jan? Manahimik ka nga. Tara na sabi. Ang ingay mo. Sagot ko sa kaniya sabay giya sa kaniya papunta ng maids quarters. Saka bakit mo ba ako hinahanap? tanong ko. Makikipag kwentuhan sana. Di pa kasi ako inaantok eh. Sus! Nang ganitong oras? Makikipag kwentuhan? Inaano mo ba ako? Oo na, oo na. May sasabihin ako. Ano yun? Ano kasi. Gusto ko sanang humingi ng bakasyon kay Sir. Sampung taon na din kasi ako hindi nakakauwi sa probinsya namin. Ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na makauwi. Baka pwede mo akong back upan kay Ma'am at Sir na magpaalam? Seryoso ka dyan? Sampung taon ka nang hindi nakakauwi sa probinsiya niyo? Eh mukhang ang bata mo pa ah? Huwag mo sabihin dito ka na nag dalaga? Ganon na nga. Seryoso ka? maang na tanong. Tumango lang naman siya. Osige, pero kailan mo ba balak umuwi? Next week na sana,baks. Gagraduate na kasi ng College yung bunso namin. Gusto ko sana umattend. Pwede ka pumasyal don kung gusto mo. Tsaka wag kang mag alala sa ibang gawain kasi may katulong ka bukas mag prepare ng needs ni Sir. Bukas na mag uumpisa yung bagong hire na p.a niyo. Pwede ko na siya I train bukas bago ako umalis. Ganon ba? Bakit hindi ko na naman yata alam iyon? May na hire na pala at bukas na mag uumpisa. Ni wala akong kaalam alam. Kung nagkataon magugulat na lang pala akong may bago nang kasama sa bahay. Bakit ko ba ginagawang big deal iyon? Eh, saan ba yang probinsiya niyo becks? Sa Dilasag. Probinsiyang probinsiya pa siya pero maganda doon saka tahimik. Parang gusto ko pumasyal dyan ah? Mag eenjoy ka dun baks, kung mahilig ka sa dagat. Sige, sige. Pasyal ako pag may time. Sasamahan na din kita bukas pag magpapaalam ka na. Naku maraming salamat, baks. Sige, yun lang ba? Babalik na ako sa kwarto kung wala na. Oo naman. Sige salamat ulit Chielle ah. Tinanguan ko na lamang siya bago tumungo sa kwarto namin ni Brent. ******** Palipat lipat ako ng Chanel sa TV dahil wala naman akong maintindihan sa pinapanood ko. Ang isip ko ay lumilipad pa rin sa usapan ni Brent at ate Bridget. At idagdag pa ang sinabi ni Becky. Antok na antok na ang pakiramdam ko ngunit hindi ko pa rin makuha ang tulog ko. Napalingon ako sa gawing pinto ng bumukas ito . Napatingin sa akin si Brent na tila gulat pa. Nang makabawi ito sa gulat ay nilapitan ako at hinalikan sa pisngi. Bakit gising ka pa babe? Alas diyes na ah. Wala ka pa kasi sa kwarto kaya hinintay kita. sagot ko sa kaniya na inoobserbahan siya. As usual ay naka jogging pants ito with socks. Ever since I met him ay ganyan ang attire niya in bedroom. At jeans or slacks naman pag lumalabas. Nagpaalam ako sa'yo babe na may gagawin akong importanteng paper works sa office. malambing nitong sabi sa akin na tila nakokonsensya sa pag aantay ko sa kaniya. Tila naman ito pagod na pagod kaya hindi ko na inurirat pa ng ibang tanong. Oo nga, pero hinintay lang talaga kita, tumayo na din ako at pinatay ang TV. Lumapit sa kama at inaya na siyang matulog. Pero nagkamali ako. Wala pa pala itong balak matulog. ********* TBC ulit mga bosslies, muuuash. At salamat sa pag subaybay ng aking munting akda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD