Flashback continuation
Bakit naman po ganon Ma,?
Bakit naging kasalanan ko ang pagkamatay ni Irish?
Nanatili pa ako ng isang buwan sa probinsya kaysa umuwi kay Johan para madamayan ang mga kapatid at Mama ko sa pagluluksa.
Ngunit hindi pala nakabuti iyon dahil naging ugat pa ng pagtatalo namin ni Mama.
Ma, alam niyo namang may anak akong inaalagaan diba?
Na hindi ko kayo masasamahan ipa check up si Irish dahil lang ayaw niyo sa hospital. Binibigay naman namin lahat ni Johan ang pang gastos at gamot kaya sana naintindihan niyo din po na kailangan ko din samahan si Johan at ang anak kong si Selena sa Batangas kung saan kasalukuyang nagta trabaho si Johan.Pero Ma, bakit po parang kasalanan ko pa? Umiiyak kong tanong kay Mama.
Kasalanan mo talaga. Sigaw sakin ni Mama sabay duro sa akin.
Kung sinamahan mo lang ako naagapan sana ang sakit ni Irish. Hindi sana siya nawala.
Kasalanan mo Rechielle.
Sa sobrang Sama ng loob at halu halong emotion ay nasagot ko si Mama.
Kayo ang may kasalanan ,Ma.
nagpapadala ako pang gamot ni Irish ipinang iinom niyo lang daw sabi ni Aunti Mel.
Hindi niyo alam kung gaanong pagtitipid ang ginawa ko para dun sa ipinapadala ko.
Na ultimo gatas ni Selena tinipid ko at binibili ko Yung mura lang para may pandagdag na ipadalang pera sa inyo.
Nagkanda Sakit at suka si Selena dahil hindi niya hiyang yung gatas dahil lang sa pagtitipid ko.
Sa pagsama sa inyo sa check ni Irish nanjan naman sila Chelsea at iba niyo pang anak,Ma.
Hindi lang ako ang anak niyo,Ma.
Kaya bakit ako ang sinisisi niyo.?
Bakit ako ,Ma?
Napakababaw niyo alam niyo ba yun?
Sa tingin ko tama si Papa na pinabayaan niyo nga talaga si Irish kaya nagkasakit na maiiwasan naman sana.
Ayaw ko sana isipin yun Ma,eh pero kung ganyan din lang. Eh di sige.
Sasabihin ko na din yung saloobin ko,hindi yung mali ko lang nakikita niyo.
Katulad niyo hindi ko din naman ginusto ang nangyari kay Irish,Ma.
Pare Pareho tayong nasaktan at nangulila sa pagkawala niya,hindi lang kayo, Ma.
At ngayong wala na si Irish,saka ka pa talaga pumirme dito ng matagal?
Saka mo pa talaga naisipan yan?
Ma,gusto ko po kayong damayan.
Gusto kong mag damayan tayo sa pagluluksa natin sa pagkawala ni Irish.
Pero hindi ko naman alam na ayaw niyo pala nang nandito ako.
Sabay akong nagbalot at binitbit ang gamit namin ni Selena, kasama si Chelsea ay tuloy tuloy kaming lumabas ng bahay.
Ate, tawag sa akin ni Ciello, Renielle at Andrei.
Babalik na po ba kayo sa batangas?
Oo,eh.
Magapaplamig muna kami.
mag ingat kayo dito.
Bantayan niyo si Mama ah.
Cge po ate, sabay yakap nila ng mahigpit sa akin.
Ingat po kayo sa pauwi, ate Chielle, ate Chelsea.
Salamat., Kayo na muna bahala kay Mama, ah. bilin din ni Chelsea kila Ciello, Renielle at Andrei.
Sa likod na kayo ni Selena, Chelsea.
Tabihan mo na Lang ako pag nakatulog na si Selena.
Opo,te.
Ate,babyahe na rin kami pabalik ng batangas.
Sabay na kami sa inyo. Habol sa akin ni Rexielle.
Iayos ko lang mga gamit namin tapos magpapaalam lang ako kay Mama.
Rexielle ang mabuti pa iextend niyo muna ang pag lagi niyo dito.
Hindi magandang sabay pa tayong aalis.
Samahan mo muna ang mga kapatid natin at si Mama.
Si chelsea muna ang kasama ko.
Sige ate,mag ingat kayo.
Agad kaming bumayahe pabalik ng batangas.
Gustong gusto kong mag sumbong kay Johan ng nangyari sa bahay.
Ikwento sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko.
Ngunit masyadong nag dedemand ng oras niya ang trabaho niya. na halos hindi na kami magkita.
Hangang sa dumating ang araw ng kaarawan ko ay abala pa rin siya sa trabho.
Sa sobrang pag iisip ay pinili kong mapag isa kaysa ipagdiwang ang kaarawan ko kasama ang kapatid ko at si Selena.
Naiwan sila sa suite at nag diretso ako sa isang bar.
Uminom na parang walang bukas.
Hi, lapit sa akin ng lalaking akala yata niya ay qng tangkad niyang tignan sa pagkakatingala niya,bansot naman.
Tinignan ko lang Siya at hindi pinansin.
Ngunit naging makulit ito at kinausap ko na din.
Naaliw ako sa pagkukwentohan namin hangang sa namalayan ko na lang na nasa isang hotel na kami at nasa ibanaw ko na siya.
Nangyari ang isang pangyayaring hindi dapat mangyari.
Napatakbo ako agad ng banyo ng makaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura.
I must have eaten something bad. I uttered in my mind.
Little did she knew that it would be the start.
The symptoms of pregnancy.
Nagulat pa ako nang magpalit na ang buwan ay hindi pa rin ako dinaratnan.
Kinutuban na ako.
Agad akong naghanda at lumabas para bumili ng pregnancy test kit.
Oh,no!
this can't be happening.
It happened only once.
How can I become pregnant so quick.
Umiiyak kong sabi habang hawaka ng pregnancy test kit na may dalawang guhit.
Napakabilis naman ng balik karma sa akin.
Bakit naman ganon?
Sa pagitan ng pag iyak ko ay narinig kong bumukas ang front door at narinig ang boses ni Johan.
Daddy! narinig ko pang sigaw ni Selena.
Hey there little pumpkin.
What you been doing ?
Do you want to go for a drive?
Narinig kong tanong nito kay Selena.
Yes Daddy.
Where's Mommy?
I'm here ,sumagot na at lumabas ng master's bedroom.
Why you're early today?
Tanong ko sa kaniya nang lapitan niya ako halikan sa noo.
Ngunit tinulak ko siya, sabay takip sa ilong ko.
What's that smell Johan?
Go have a shower please.
Ofcourse I've been been sweating babe.
Nagtatakang sagot nito sa akin.
Are you pregnant?
You usually don't complain about my smell.
Bigla nitong tanong sa akin.
I looked at him and didn't bother to answer.
Just go have a shower please.
Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko at hindi maganda ito.
Imposible.
Baka kung anong magawa ni Johan kapag nalaman niya.
Anong gagawin ko.
Diyos ko.
Isang beses lang po nangyari yon.
Isang pagkakamaling nagawa ko ay napakabigat naman ng naging karma ko.
Ito yata ang tinatawag nilang instant karma.
Hindi ako pwedeng magbuntis sa taong yon.Ni hindi ko alam kung saan siya nakatira at kung ano pagkakakilanlan niya.
Ano ba namang dagok to.
Una iniwan kami ng tatay kong muntik pa akong pagsamantalahan, tapos namatay naman ang kapatid ko na hanggang ngayon ay malinaw sa aking alala kung paano siya pilit irevive ng mga nurse at doktor. Sobrang sakit makitang malagutan ng hininga ang mahal mo sa buhay. She died right in my very eyes without knowing the real cause. Without knowing whatever her illness was.Napakabait na bata ni Irish at napakabata niya pa para mawala sa mundo. Pero kung iyon ang kagustuhan ng Diyos, sa tingin ko ay wala tayong karapatan magreklamo o kwestiyonin iyon. Ang dalhin ang sakit ng pagkawala niya, ang huling patak ng luha sa mga mata niya, ang huling bulong ko sa kanya na mahal na mahal ko siya, ang tangi kong alala. At ngayon naman ay buntis ako sa taong hindi ko naman kilala.
Napakarumi ko.
Diring diri ako sa sarili ko.
Wala na ba akong magagawang matino sa buhay ko?
Ngunit kahit papaano ay naging mabuti ang tadhana sa akin.
Kahit naging malaki ang pagkakamali ko sa buhay. Biniyayaan niya pa rin ako nang mga makukulit at mapagmahal na mga anak.
At higit sa lahat ay tinanggap ni Johan ng buong buo ang pinagbubuntis ko.
Na parang tunay niyang anak.
Pinilit naming inayos ang relasyon namin para sa mga bata.Pinag usapan ang hindi pagkakaunawaan. At higit sa lahat, walang nangyaring sumbatan,kung sino ang may kasalanan.