Chapter 1- Friends

2034 Words
Jonash pov Woy pre kamusta, tanong ni Rechielle sakin,sabay suntok sa braso ko. Kararating lang nito sa bahay nila kung saan ako nakatambay ngayun dahil nagdeliver ako sa bayan kaya naisipan ko na din dumaan dito dahil along the way naman. Ayos lang pre, Ikaw kamusta? Lalong gumaganda pre ah? Hiyang mo yata ang Maynila? Tanong ko sa kanya habang nagsasandok ito ng pagkain na nakahain para sa kanya. Maganda ka jan, wala ako pasalubong sorry. Tara kain. Kapagod sa byahe. Ano ba kasi ang trabaho mo sa manila at every week ka yata umuwi,chielle? Hindi ba parang sayang sa pamasahe? tanong ko sa kanya. Medyo nagtataka din kasi ako sa kanya nitong mga nakaraan. Matagal tagal ko din siyang hindi nakita, at nang bumalik nga siya ay medyo may nagbago sa kanya. Ang pananamit niya naging medyo daring kumpara noong makilala ko siya na may pagka conservative o simple lang ang pananamit. Pati pananalita niya at kilos. Basta, alam kong may nagbago. At gusto kong magkwento siya sa akin ng pinag daanan niya pero, hindi pa kasi nakakapag usap ng matino simula nang bumalik siya at naging regular na nga ang pag uwi uwi niya dito sa probinsiya. Ayos lang naman sahod saka mura lang naman pamasahe kasi ordinary bus lang naman sinasakyan ko. Kanina ka pa ba dito jonash? tanong ni chielle sakin. Medyo,mga ten minutes siguro. Nagdeliver kasi ako sa bayan kaya dumaan na din ako eh hindi ko naman alam na ngayon na din pala uwi mo wala tuloy akong dalang kakanin. Ayos lang pre. Salamat pero may kanin naman na kami, okay na to,sabi niya na sinabayan pa ng tawa. Ikaw talaga, joke pa ba yun? Tatawa pa ba ako? Luma na yang joke mo no. Ano tara mamaya? Turuan ulit kita mag motor? Sige ba,kung hindi ka busy. Kaya ka nga inaalok ka eh. Malamang hindi busy. Ona ona, arte neto. Naniniguro lang naman. Pahinga lang ako sandali. O paano sige mauna na ako. Mamaya na lang ulit. Ate mauna na ako. Balik na lang ako mga 7pm siguro. Turuan ko daw ulit si chielle mag motor. Paalam ko sa Mama ni Chielle. Nakagawian ko na kasi na Ate ang tawag sa kanya. Nagkasama kasi kami sa trabaho dati noong nagkasambahay si Ate Celia at boy naman ako sa isang May ari ng Tiles store sa bayan. Kami ni Ate Celia ang unang nagkakilala bago pa kami ni Chielle. Actually binalak kong ligawan siya pero siguro hindi niya talaga ako type. I chuckled at the thought of na friend zone ako. Tsssk. Anyway ok naman na ang friendship namin.Hindi na masama,lalo na at napalapit na din talaga ako sa pamilya niya at halos pamilya ko na din sila. Wala akong magagawa kung hanggang doon pang talaga kami. Move on din self. Uuriratin ko pa pala siya mamaya. Kung ano bang pinaggaga gawa niya nitong mga nakaraan. ********************** Chielle's pov Yey!!!!!!!! Happppyyyyyy Newwwwww Yearrrrrrrrr!! Prtttttttt!!!! Prtttttt!!!! Mga tunog ng torotot, at kung anu-ano pang bagay na pwedeng gumawa ng ingay para sa pagsalubong sa bagong taon ang maririnig mo sa paligid . Dapat maging masaya ako dahil kasama ko ang pamilya kumpara nang mga nakaraang bagong taon na itinulog ko lang.Dumaan lang na parang ordinaryong araw ang pasko. Pero bakit parang may kulang. Masaya ako pero hindi buo. Namimiss ko na Siya. Ilang araw pa bago kami magkasama ulit. Pero parang angtagal na mula noong huli. Kinuha ko ang cellphone at tinext ko Siya... Ako Babe happy new year. I love you. I miss you Johan Wow, I never thought you could say that again. Thank you babe. I love you too and I miss you so much as well. Happy new year to you and your family. See you in two days. Napaiyak ako sa nabasa kong reply niya. Hindi ko akalain masusuklian din pala ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko akalaing mamahalin niya na din ako. Bigla ay naging napakasaya ng new year ko. Kahit hindi kami magkasama ngayon ay masaya na din ako dahil Mahal niya ako. Todo na ang ngiti natin chielle ah, Kanina lang para kang di mapakaling pusa sa upuan mo tapos di ka pa masyadong ngumingiti. Ano bang meron ha? Tanong ni jonash sakin. Anak nang,pambihira ka naman oh,panira ka ng moment,Nash naman eh. Masaya lang ako bakit ba. E ano nga kasi yon? Pamimilit niyang tanong sa akin. Basta, wag ka na makulit. At sinabayan ko na Pag layo sa tabi niya. Medyo naiilang kasi ako klase ng pagtatanong niya. Akala mo boyfriend ko yong datingan ng pagkakatanong niya eh sa ayaw ko sabihin sa kanya,bakit ba Siya namimilit. Sa tagal na naming magkaibigan ngayon lang ako nailang sa kanya. Inenterogate Kasi niya ako nong nakaraang tinuruan niya ako mag motor. Flashback Ma alis na po kami. Motor lang po kami ni Nash. Cge ingat kayo ah. Opo,Ma Alis muna po kami ate, paalam ni jonash. Umangkas na ako sa likod ng motor niya at dumiretso na kami sa diversion road, ang lugar kung saan ako nagpa praktis mag motor.Madali aking natuto sa pagmo motor kumpara sa kotse dahil mas gusto ko talaga ang motor.Kaya ko nga idrive yung motor ni nash pero konting praktis pa para sure. Habang nasa daan kami ay inungkat niya na naman kung ano bang trabaho ko ngayon at kung anong nangyari sakin nang mga panahong nawalan kami ng communication. So imbes na magpraktis ako ay nauwi sa interogation. I cleared my troat before I answered his question.Hindi kasi ako sanay magsinungaling kaya mahirap maghabi ng istorya. Ang totoo,wala akong trabaho ngayon. Sinusustentohan ako ng ni Johan. Nakilala ko siya noong namasukan ako sa isang bar. Noong una waitress ako pero nilipat nila maging dancer,at doon ko siya nakilala. Mabait naman siya kaya ok na sa akin. Pinag aral din niya ako sa ALS for highschool at nag TESDA din ako pero gusto niya mag enroll parin ako for college sa isang university. Pero sabi ko saka na muna,so kaya ayun pinag driving lesson niya muna ako para naman daw may pagka abalahan ako. Kapag weekdays magkasama kami. Uuwi kami every saturday morning at babalik sa condo ng Sunday. Matagal na kaming nagsasama at wala akong masabi sa kanya. May isang taon na mahigit na. Mahal ko siya hindi dahil natutulungan niya kami. Basta ko na lang siya minahal. Bonus na lang yung natutulungan niya kami sa mga ibinibigay niya. Kahit alam kong may asawa pa siya at hindi pa annulled ang kasal nila. Magkasama pa rin sila sa isang bahay pero magkahiwalay ng kwarto. In short kanya kanyang buhay at kanya kanyang lakad sila ng asawa niya. Walang pakealamanan. Hindi lang sila tuluyang makapaghiwalay dahil sa special nilang anak. Pero mali pa din ang pinasok mong sitwasyon,chielle. Naiinis na sabi ni nash sa akin. Alam ko naman yun Nash. Saka hindi ko naman sinira ang pamilya nila ah,. Tago nga ako e diba? Hindi ko naman talaga ginusto pero tumibok qng puso ko sa kanya eh,saka nandito na eh. Ginusto mo yan kasi kailangan mo Siya. O mas tamang sabihin na meron Siya ng kailangan mo. It's your choice. Bakit hindi ka nanindigan sa sarili mo? Pinababa mo masyado ang pagkatao mo. Sa may asawa pa talaga Chielle? Marami namang Iba dyan na mas karapatdapat sayo. Makakahanap ka pa ng magmamahal sayo at kayang Ibigay ang masaganang buhay sayo. Yong maipagmamalaki mo at maipagmamalaki ka. Hindi yong nagtatago ka at intinatago ka.Madidiin at matigas ang bigkas ni Nash sa bawat sa salita. Galit Siya . Nanlalaki ang mata ko nakatingin sa kanya. Nagugulat ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan ah? Pinaliwanag ko naman na sayo ah? Pumayag ako dahil Mahal ko Siya at oo tama ka, dahil kailangan ko ang mga naibibigay niya. O dahil meron Siya at ibinibigay niyan ang kailangan ko. Dahil Siya ang unang nag alok sa akin. At dahil pagod na pagod na din ako. Hindi ko na kinakaya ang responsibilidad at gastusin sa Bahay. Pagod na pagod na ako magpasalit salit ng lalaking sinasamahan. Diring diri na ako sa sarili ko ,Nash alam mo ba yun? Saan pa ba ako kakapit sa kalagayan kong ito.Sobrang hirap mamasukan bilang kasambahay Nash. Tapos sobrang pang aalila pa ang gagawin sayo . Mabuti Sana kung maayos ayos ang pasahod at may matinong pahinga e ang kaso nga wala. Sobrang baba na nga pasuweldo halos mamatay ka na sa sobrang trabaho at kulang kulang pa sa pagkain at pahinga. Kaya kahit alam kong mali,Nash. Piñatas ko na magtrabaho sa bar. Pumatol na ako sa kanya. Umiiyak kong sagot sa kanya. Pasensya ka na pero alam mong kaibigan ang turing ko sayo at may malasakit ako sayo. Hindi ka mamumulat sa mali mo kung hindi mo maririnig sa Iba. Sabihin na natin na alam mong mali,pero Iba pa rin Pag Iba ang nag sabi sayo. Subukan mong ayusin ang buhay mo. Tutulungan kita. Napatingin ako sa kanya. Tama naman Siya pero, hindi ko talaga kaya mahiwalay kay johan. Salamat,pero hindi na,Nash. Maayos naman kaming dalawa at nagkakaintindihan kami sa set up namin. Umuwi kami na parang walang nangyaring bangayan. Masama na ba talaga ako. Hindi ko ba talaga pwedeng sabihin na nagmahal lang ako? Mahal ko nga ba talaga siya? O nahulog lang ang loob ko? Hindi pa ba pagmamahal na matatawag ang palaging pag iisip sa kanya? Yung tipong kahit sa pagpikit ko ay mukha niya ang nakikita ko? How would you recognize if it's love? Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang pangyayaring yon.Pakiramdam ko tuloy ay may feelings pa rin siya sa akin. Pero pilit ko yong iniaalis sa isipan ko at iniisip na magkaibigan lang talaga kami. Gwapo Siya kung tutuusin kahit may cleft lip pallet siya. Mabait at madiskarte din sa buhay. Tulad ko ay lumaki din siya sa hirap at madami na ding pinagdaanan sa buhay. Pero ewan ko ba, kahit anong bait niya, hindi mahulog hulog ang puso ko sa kanya. Kaibigan lang talaga ang kaya kong Ibigay. At walang malisya sa friendship namin. Sana nga hindi magbago. Ate lasing na si Mama o. Tawag pansin sa akin ni Ciello,pangatlo kong kapatid. Ang pangalawa ay si Rexielle. Nasa batangas na ito naninirahan mula nong sumama ito sa nakilala nito sa online dating app. Tulad ko ay malaki din ang agwat ng edad nila ng asawa niya. At pangalawang asawa na din siya. Sige Cielo, hayaan mo muna si Mama, . Bagong taon naman. Hayaan mo na uminom. Haiist,kahit kailan talaga napaka sugapa sa alak ni Mama. Kaya ayokong nagtatagal sa bahay minsan eh. Ayokong makitang nag iinom si Mama. Madalas ang pag iinom ni Mama mula nang maghiwalay sila ni Papa. Hangat maari ayokong maalala si papa dahil masakit padin ang mga nangyari. Wag lang sana magkasakit si Mama sa pag inom inom niya. Buti na lang din at hindi ako na addict sa alak kahit pa kailangan yun sa naging trabaho ko. Jonash Paano,Happy New Year na lang sa inyo. Mauuna na ako. Paalam ko kila Chielle at sa mga kapatid niya. Sige Happy new year din at salamat sa pagpunta ha,sagot ni Chielle. Sige po kuya ingat sa daan ,sabi naman chelsea. Sila mag ingat sa akin, sagot ko pa. Tinawanan lang Nila. Renielle, Irish,Andrei una na ko ah, paalam ko sa Iba pang kapatid ni Chielle. Ate una na ako, Happy new year ulit, Tama na inom,nakasimangot na namn si Chielle eh,Ayan o. Pang asar ko kay Chielle. Tinignan lang ako nito ng masama. Hay naku, Bakit ba nag ganda mo sa paningin ko,Chielle. Sige na umalis ka na, kanina ka pa nagpaalam,tuluyang pagtataboy sa akin ni Chielle. Hindi ko alam kung war pa ba kami ni Chielle o ok na kami. CGe,Nash ingat sa Pag uwi, salamat sa pagpunta ha.sabi ni ate Celia. Oo,Ate,una na ako,Tama na yan,ah lasing na kayo.ulit na habulin ko kay ate Celia na tinawanan lang namn niya. Haiist.Until now I'm still shocked with Chielle's revelations. I couldn't believe it and I couldn't accept the fact that she's In love, but not with me. I guess I really have to accept that we can never be lovers. Just friends . TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD