20

1282 Words
“YOU’RE stunning, Hannah,” papuri sa kanya ni Nate habang inaalalayan siya nito sa pagsakay sa kotse. Naroon sila sa tapat ng bahay ng mga magulang niya. Iniwan nila doon pansamantala si Maggie. Doon na rin siya nagbihis ng suot niya para sa okasyong pupuntahan. “Huwag kang mambola, Nate. Heto nga at ninenerbiyos na ako, eh.” Inayos niya ang pagkakaupo upang huwag malukot ang suot niyang bestida. Simple lang iyon pero ipinagawa pa niya sa isang sikat na couturier. Nang sabihin ni Nate na may pupuntahan sila, masyado siyang nag-panic. Nagpasadya siya ng bestida at bumili pa ng bag at sapatos kahit marami naman siyang puwedeng maisuot na dati niyang gamit. At pati kaliit-liitang bagay na suot niya ngayon ay pinili rin niya nang husto. Gusto niyang maging kapuri-puri sa mga makakaharap niya, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa binata. Nakaikot na ito sa kabila at pumwesto na sa driver’s seat. Inabot nito ang kanyang kamay at banayad iyong pinisil. “Walang dahilan para nerbyusin ka. Dadalo lang tayo as birthday ni Dio.” “Nandoon ang mga kaibigan mo.” “But of course. Ito na nga ang pagkakataon para maipakilala kita sa kanila.” “Kaya nga kinakabahan ako, eh.” Bahagya siya nitong hinila at hinalikan sa mga labi. Mabilis na lumikot ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Napukaw niyon ang kanyang pandama. Mabilis siyang gumanti dito ng halik. Ilang segundo lang ang lumipas ang bumitiw ng halik si Nate. Pero bago tuluyang lumayo ang mukha nito at kinintalan muna siya nito ng halik. “Hindi ka na ba kinakabahan ngayon?” nakangiting tanong nito. Natawa siya nang mahina. “Loko ka, talaga,” sumbat niya dito. Inabot nitong muli ang kanyang kamay. “Hindi. Loving manapa. I love you, Hannah.” Ngumiti siya. “Thank you.” Umungol ito. “Thank you na naman,” kunwa ay reklamo nito. Nakagawian na niya iyon. Kapag nag-I love you ito sa kanya, thank you ang isinasagot niya. NASA isang primera klaseng condominium building sa Makati ang unit ni Claudio. Maluwang iyon kesa isang tipikal na bachelor’s pad. At sa tingin ni Hannah ay iilan lang ang bisita. Kungsabagay, nasabi na sa kanya ni Nate na silang magkakaibigan lamang ang imbitado. “Nate!” tawag agad ng isang babae sa binata pagbungad nila. Sosyal na sosyal angpananamit nito maging ang paglakad. Nakipag-beso ito kay Nate bago bumaling sa kanya. “Hello, I’m Trina.” Ngumiti siya dito. “Hannah.” At nagbeso sila. “Fiancee siya ni Joaquin,” ani Nate. Tumango ang babae bilang pagkumpirma. “Tayo-tayo pa lang ang nandito. Kahit ang mismong may birthday, hindi pa dumarating.” Umikot ang mga mata nito. At maging ang ganoong kilos ay tila may tatak ng kasosyalan. “Sa akin niya ipina-organize ang party na ito. Noong isang araw pa niya ibinigay ang susi nitong unit. Oh, dear! Buhat nang maging kami ni Joaquin, pakiramdam ko, ginawa na akong mother image ninyong lahat.” “Hindi naman. Sabik lang kami sa kapatid na babae,” sabi ni Nate. “Palusot ka pa,” sabi nito. “Hannah, do you mind helping me?” baling nito sa kanya. “Sure. Saan ba?” “Hindi ko pa kasi naiaayos sa mesa ang ibang finger foods. Nate, akin na muna si Hannah, ha? Mabuti pang tawagan mo na sila. Sabihin mong nandito na tayo at huwag na silang magpaimportante pa.” “Si Joaquin ba, nasaan?” “Pabalik na. Inihatid niya ako dito kanina kaya lang may binalikan siya sa office.” Hinila na siya ni Trina sa kusina. “Make yourself comfortable, Hannah. Hindi tayo mga bisita tayo. This is more of a reunion to those men. Para na kasi silang magkakapatid. Does LCA ring a bell to you?” Tumango siya. “La Casa De Amor.” “Alam mo dati, sobra kung laiitin ko si Joaquin. Kung magsalita ako noon, para bang basura ang maging isang ampon. Malamang kung maririnig mo ako noon, baka isumpa mo ako. Pero hindi na ngayon. I changed a lot. I even reached out for those orphans. Iyan ay dahil mahal ko si Joaquin.” Madali niyang nakagaanan ng loob si Trina. Marami itong kuwento at halata sa mga salita nito ang pag-ibig nito kay Joaquin. Nang mayamaya pa ay dumating si Joaquin, mas lalo niyang nabasa sa mga kilos nito ang malaking pag-ibig. Mainit ang naging pag-estima sa kanya ni Joaquin at ganoon din nina Pedro, Hector at Isagani. Si Claudio, ang may-ari ng unit at mismong may birthday ang siya pang huling dumating. “Sobrang paimportante,” kunwa ay iiling-iling na wika ni Trina dito matapos itong batiin at halikan sa pisngi. “Birthday ko. I want to feel important.” “Ang sabihin mo, baka may isang babaeng nagpadama sa iyo ng sobrang importansya kaya ngayon ka lang,” kantiyaw dito ni Hector. Tumikhim ito. “Hindi naman kataka-takang bagay iyon.” “Palikero ka kasi,” ani Pedro dito. “Hindi naman. Iba na kasi pag guwapo. Lapitin talaga ng mga babae,” biro pa nito. Hinapit siya ni Nate sa bewang at lumapit sila kay Claudio. “Dio, meet Hannah.” Tumuon sa kanya ng tingin si Claudio. “Hello, Hannah.” At nakipagkamay pa ito. Tinapik ni Nate ang kamay nito. “Masyado kang pormal, dadagukan kita.” “Gusto ko lang magpakadisente kahit paminsan-minsan,” at bumalik ang tila palabirong ngiti sa mga labi nito. “Hannah, mabuti at nauto ka ni Nate na sumama? Di kaya sinabihan ka niya ng mga linyang ginamit niya sa nobela?” “Hindi naman,” nakangiting sagot niya. “Happy birthday nga pala.” “Oh, thanks! Huwag mo nang itanong kung ilang taon na ako. Ipinako ko na sa treinta y dos ang edad ko. Feel at home, okay? Look at Trina, mukhang siya ang lady of the house.” “Di ba’t ganoon na nga ang ginawa mo sa future bride ko?” sabad sa kanila ni Joaquin. “Nag-volunteer naman si Trina na ayusin niya ang affair na ito,” tila depensa ni Dio. “Mag-asawa ka na kasi o dili kaya ay humanap ng seryosong karelasyon para kay Joaquin na lang ako naka-focus twenty-four seven,” nakangiting halo si Trina sa usapan nila. Dumikit ito nang dikit na dikit kay Joaquin at humilig pa. “Iyan ba ang birthday wish ninyo sa akin?” ani Dio na tila dumulim ang mukha. “Death wish yata iyan, eh.” “Hey, don’t say that!” biglang saway ni Trina dito. “Mabuti pa, kumain na tayong lahat. Guys!” tawag nito sa iba pa. Sa pagkain, katabi nila ni Nate si Hector. “Pare, may sasabihin ako sa iyo. Huwag ka munang maingay sa kanila, ha?” pabulong na sabi ni Nate dito. “Ikaw ang best man sa kasal namin ni Hannah, ha?” Pareho silang nagulat ni Hector sa narinig. Pero mas nag-react ito. “Ikakasal na pala kayo?” “Sabi nang huwag ka munang maingay, eh,” pagigil na wika dito ni Nate. “Ikakasal na pala kayo?” ulit nito sa pinahinang tinig. Hindi siya nakatiis na di kumibo. “Nate—” “Oo. Hindi pa lang pumapayag si Hannah pero basta pumayag siya, kasalan na agad. Best man ka, ha?” Ngumiti si Hector. “Oo naman. Oh, Hannah, pumayag ka na. Hindi pa kasi ako naging best man sa tanang buhay ko.” Alanganin siyang ngumiti. “Nate…” “Let’s talk about it later, sweetheart. Mag-enjoy muna tayo dito sa party ni Dio,” sagot nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD