bc

Marrying the Heiress (R18+)

book_age18+
271
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
possessive
sex
opposites attract
billionairess
heir/heiress
soldier
childhood crush
slow burn
passionate
like
intro-logo
Blurb

*This book contains explicit contents not recommended for minors. Mature audiencies only. SPG R18+*

"Major Delfin Razon, Jr. anong akala mo sa pag-big? Hindi ito parang audition o kaya job application na may qualifications."

Naiinis na ako na naluluha sa frustration sa lalaking ito.

"When has it been a sin to be born rich? Kasalanan ko ba na ipinanganak ako na may pera ang mga magulang ko? And that it disqualifies me from being loved by you? Kung ganyan ang paniwala mo, wala na akong magagawa. Humanap ka ng babae na papasa sa qualifications mo at sana maging masaya kayo. Huwag na huwag mo akong iimbitahan sa kasal mo dahil ngayon pa lang, ang RSVP ko sa iyo, hindi ako pupunta. This is good bye."

With my heart breaking into pieces, hindi ko ipinakita sa kaniya habang naglalakad pagbalik sa naghihintay na helicopter. Pinigil ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo.

But when I turned away from him, hindi ko na napigilan. Tears blurred my eyes. The roaring sound of the helicopter drowing all the sounds pero hindi ko ito naririnig. Ang tanging pagkawasak ng puso ko ang malakas sa aking pandinig.

"Lyra!!! Lyra!!!" That's when I heard him calling me.

I turned around and looked back. Del was running towards me. Ang mga braso nito telling me to come back to him. Then I felt my body being pushed down to the ground.

Isang malakas na pagsabog.

Pilit kong iniangat muli ang aking ulo. Blurred with tears, I saw Del's face.

Then darkness fell.

Copyright © 2021 by Claudia Alejandro

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, scanned, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
Episode 1
DEL Pagdating ko sa bahay, inabot ko ang kamay ng aking ina para mag-mano. “Nay...” “Kaawaan ka ng Diyos. Anak, puntahan mo sa kuwarto ang tatay mo. May sasabihin sa’yo. Tapos ayain mo na lumabas dito at kakain na tayo ng tanghalian.” Nagatataka man na nasa bahay ngayon ang tatay ay pinuntahan ko siya sa kuwarto. Lingguhan ito umuwi mula sa trabaho bilang family driver ng mga Vera. Ang isa sa mga pinaka-mayamang pamilya sa Pilipinas. Binata pa ito ay doon na nagta-trabaho hanggang sa makilala ang aking ina, si nanay Adela, na namusakan bilang isa sa mga kasambahay ng pamilya Vera. Nang magpakasal ang aking mga magulang ay tumigil na sa pamamasukan ang nanay at tinutukan ang pag-aalaga sa aming tatlong magkakapatid. Nang mag-asawa at bumukod ang anak ng pamilya na si Mateo Vera, doon nagpatuloy na maging driver ang tatay para sa asawa nitong si Lanie. Papasok kami ni tatay ng kusina nang magsalita si Nanay. “Maupo na kayo at kumain. Nasabi na ba sa yo ng tatay mo?” “Opo ‘Nay. Pagkakain mag-aayos lang ako ng ilang damit para madala sa mansyon.” Humarap ako sa aking ama na mas kilala bilang si Mang Pinong. “Tay, magpagaling lang kayo dito. Ako na muna ang bahala doon sa trabaho nyo. Mabuti pa, sa isang linggo na kayo uli pumasok para hindi kayo mabinat. Ako na muna ang magmamaneho para kay Ma’am Lanie.” “Salamat sa’yo anak. Alam ko pa naman na abala ka sa pag-aasikaso ng paglipat mo sa PMA. Hindi ba malaking abala sa iyo?” Philippine Military Academy ang tinutukoy nito. “Tay, hindi naman po, naipasa ko na lahat ng papeles na hiningi nila. Yung medical exam ko pasado na rin. Nag-aantay na lang naman po ako na magsimula ang klase,” sagot ko sa kaniya. “Anak, sigurado ka na ba d'yan sa desisyon mo na lumipat ng kurso sa military academy? Ayos ka naman sa pag-aaral ng mechanical engineering ngayon. E natatakot ako para sa iyo na maging sundalo ka.” Bakas ang pag-aalala ni nanay. Bumuntong-hininga na lang ako. Ilan beses na ba akong pinipigilan ni nanay dahil sa takot na ako ay magsundalo. “Nay... eto na po talaga ang gusto ko. Isa pa, malaking tulong sa atin na habang nag-aaral e may suweldo ako.” “Scholar ka naman at may allowance ka natatanggap sa foundation ni sir Mateo basta lagi kang honor student. Nakaka-usad ang buhay natin. Bakit ba iniisip mo ang pera?” “Adela, kung iyan na ang desisyon ng anak natin, suportahan natin siya. Ayaw mo ba na magka-anak na opisyal? Naglilingkod sa bayan? Mag-iisip lang yan at mag-aalala gayung malalayo siya sa atin.” Paalala ni tatay kay nanay. Matapos ang tanghalian ay umusad ako mula sa aming bahay sa Montalban papunta sa mansyon ng mga Vera sa Forbes Park, Makati. Mula nang matuto ako mag-drive ay nauutusan na rin ako maghatid at sundo sa ibang mga kasambahay sa pamamalengke. Tuwing bakasyon sa eskuwela ay nakakasama rin ako ni tatay dito upang tumulong sa paglilinis or pagkukumpuni ng mga kotse. Kung kaya nang mag-kolehiyo ako, naisipan kong kunin ang kurso na mechanical engineering. Mababait ang mag-asawang Vera. Nakatapos akong valedictorian na may scholarship at allowance mula sa gobyerno kung kaya ang pribadong scholarship ng pamilya para sa mga anak ng kanilang mga tauhan ay ibinibigay sa amin bilang cash allowance. Mabuti na lang at ang mga kapatid na sumunod sa akin ay maayos din mag-aral. Si Diether ay scholar din ng mga Vera. Ngunit hanggang sa dalawa lang na anak kada empleyado ang maaring mabigyan ng benepisyong scholarship. At dahil nagkak- edad na rin ang si tatay, hindi ko maiwasan na isipin na sa makalawang taon ay magko-kolehiyo na rin si Derwin, ang bunso. Hindi man sila naghihikahos pero gusto kong mas maingat ang buhay ng aming pamilya. Bilang kadete sa PMA, malaking tulong ang monthly allowance para sa pamilya. Isa pa, nasa puso ko rin ang pangarap na maging sundalo at maging Marines pagdating ng araw. Ang aking ninang, si Manang Telma, ang mayordoma rito, ang nagpapasok sa akin sa malaking gate. “Mano po, ninang,” Bati ko sa kaniya. "Naku itong inaanak ko napakagalang talaga.” Ibinigay nito sa akin ang kamay upang makapagmano ako. "O sya, ipasok mo na yan motor mo at mag-ayos ka na. Tumawag si Ma’am Lanie. Hindi na raw siya magpapasundo sa opisina. Susunduin na raw siya ni sir Mateo. Pero bukas ikaw na muna sa kambal. Si Daboy ke Ma’am Lanie.” Paliwanag nito. Tatlo ang driver ng pamilya, ang aking ama, ang driver ni Mateo na si Tata Pedring, at si Daboy ang driver ng kambal nitong mga anak. Kapag matagal na wala ang mga anak nito at nasa bakasyon, sa opisina muna naka-assign si Daboy. “Sige po, maglilinis na lang ako ng mga kotse.” Halos hating-gabi na ay hindi ako dalawain dalawin ng antok. Nasa madilim na parte ako ng garahe nakaupo nang nang may marinig na paghinto ng sasakyan. Bumukas ng dahan dahan ang gate. Pumasok doon si Lyra. Ang isa sa kambal ng mga Vera. Si Mateo ang isa ay kanina pang nakauwi mula sa eskuwelahan. Imbes sa main door dumaan ay pumunta ito sa gawi kung nasaan ako, sa garahe. Tumayo ako upang tulungan sana ito dahil tila mabuway ang paglalakad nito. Ang guwardiya ng bahay ay hindi maaring umalis sa harap ng gate maski ano man ang mangyari dahil baka masalisihan ito ng masasamang loob. Maski pa nasa eksklusibong subdibisyon ang bahay ng mga ito at mahigpit ang patakaran ng seguridad ng pamilya. “Akina ‘yang bag mo,” mahina kong sabi. “Oh my gosh!” Laking gulat nitong naisagot sa akin. “Si Del ito. Sorry nagulat kayo ma’am Lyra.” “Why are you hiding there? Ang dilim dilim.” Ngayon na nakalapit na ako sa kaniya, samyo ko ang amoy ng pinaghalong usok ng sigarilyo at alak mula sa buhok nito. Galing sa gimikan ito maski bukas ay may pasok. “Hindi ako nagtatago, hindi lang ako makatulog.” Kinuha ko ang dala dala nitong bag at hinawakan siya sa siko para alalayan. Iginiya ko siya papasok ng bahay. Nahulaan ko na sa kusina nito balak pumasok ng bahay kung kaya napadaan sa parte ng garahe. Hindi naman ito umangal at kusa lang naglakad sa aking tabi. Nang makapasok ng kusina. Hindi ito tumuloy sa kalooban ng bahay patungo sa kuwarto. “I need water.” Sabi nito at bagkus ay umupo sa isang high chair sa kitchen island. Ibinaba ko ang bag nito. Kumuha ako ng isang malaking baso nilagyan ito ng yelo mula sa automatic ice maker sa malaking refrigerator ng mga ito at saka pinuno ng tubig. “Eto, inom ka.” Umungol muna ito bago itinaas ang mukha sa akin at sa namumungay na mga mata, “Del, thank you. Ang bait mo talaga.” Inaabot nito ang baso pero hindi tumatama ang kamay nito. Kung kaya inilapit ko na ang baso sa bibig nito. Hawak ng isa kong kamay ang likod ng kaniyang ulo habang ang isa ay nakaalalay na nakahawak sa baso para siya makainom. Nang tumigil ito ay muling inihiga ang ulo sa counter. Nagsisimula na itong humilik ng bahaygya. “Ma’am Lyra.” Niyugyog ko ang balikat nito. Walang reaksyon. Malalim na buntong-hininga na inilagay ko ang baso sa lababo at isinukbit sa aking balikat ang bag nito. Sunod ay binuhat ko na ang dalagang amo na tila doble ang bigat dahil sa kalasingan at dinala ito sa kaniyang silid. NEXT DAY Naghihintay ako sa kotse kinabukasan nang bumukas ang pinto at sumakay si Lyra. Nakasuot ito ng uniporme, nakaayos ang mahaba nitong buhok. Tanging lip gloss ang gamit nito ngunit hindi mababakas sa mukha nito na napuyat ito kagabi. Natural ang ganda nito na tila may brilyo. May-uri kumbaga. Ang itsura at bawat kilos nito ay nagsusumigaw na lumaki itong hindi ordinaryo. Isa itong heredera. “Good morning, Del!” “Good morning, ma’am Lyra. Alis na po ba tayo?” “Yeah. Nauna na si Migs pumasok sa school may swimming practice siya 'pag ganitong araw. Let’s go.” Hindi man nito ipaliwanag ay nakita ko nang umalis ang kambal nitong si Miguel o mas tinatawag na Migs. Dugtong pa nito, “Bakit naman tinatawag mo akong ma’am?” Nagsimula akong mag-atras ng kotse kaya hindi ko muna ito sinagot. Nang makasiguro na maayos na ang takbo ng kotse palabas ng kanilang napakalaking bahay ay tiningnan ko si Lyra sa rear view mirror. “Kasi po amo namin kayo.” “Ang tatay mo ang empleyado namin. Ikaw kalaro ka namin mula bata pa. Kaya please lang, drop the 'ma’am' kasi kinikilabutan ako.” Ngumiti lang ako ng bahagya bilang sagot. Sa hapon na uli ang labas nito pagkahatid sa eskuwela pero bilang driver ay hihintayin ko ito maghapon. Kung kaya sa drivers’ lounge muna ako nito. Buti na lang at may dala akong libro para hindi nakakainip maghintay. Sa tanghali ay may dala na akong baon at napakalayo ng bilihan ng pagkain lalo pa at walang murang kainan sa lugar na ito. International school ang pinag-aaralan ng magkapatid. Pagdating ng hapon ay nakatanggap ako ng text message. LYRA: We’re dining out after class. Sasabay na ako kay Maricar. Magkita na lang tayo sa mall. DEL: OK Inihanda ko na ang pag-alis kung saan naka-park ang kotse. Ang bestfriend nitong si Maricar ay may kasamang mga bodyguards kung kaya magkasabay ito sa sasakyan tuwing magkasama ang dalawa. Samantalang ang bodyguards ng kambal ay naka distansya at hindi namin kilala. Iniiwasan ng ama ng mga ito na magkakilala ang driver at ang mga bodyguards, bilang panigurado sa security ng pamilya at hindi makakaroon ng kutsabahan ang mga ito. Pinuntahan ko sa kainan kung saan sunod na ipinadala ni Lyra kung nasaan sila. Okay na ako maghantay malapit sa kotse at sunduin na lang ito ‘pag pauwi na. Pero pilit nito na pinapasunod ako sa kanila. Nag-aantay ako sa labas ng kainan nang lumapit si akin si Lyra. “Come, join us. Nagme-meryenda lang kami tapos pupunta sa bookstore para sa school project.” Pag-aaya nito sa akin. “Dito na lang ako, busog pa naman ako. Hintayin ko na lang kayo.” Hindi ito basta umalis nang hindi ako mapilit. Pero nanindigan ako na hindi sumama sa loob. Kilala ko rin si Maricar dahil kapitbahay, kinakapatid, at matalik itong kaibigan ng magkapatid na Vera. Lagi rin itong nasa bahay ng mga iyon. At ganun din ang magkapatid. Minsan ay naisasama pa ako pagpunta sa bahay nina Maricar para maglaro noong mga bata pa kami. “Del!” Lumingon ako nang may tumawag sa akin sa pamilyar na boses. “Pia... Felicity” Mga kaklase ko sa university. “Bakit balita namin hindi ka na pala mag-eenrol uli? Lilipat ka na raw sa PMA?” tanong ni Pia. “Ah, oo yun nga ang plano ko,” matipid kong sagot. Muli akong sinagot ni Pia, “Naku, sayang naman e dean’s list ka sa school diba? Tsaka ang layo-layo ng Baguio.” “Del... baka puede makuha ang number mo tsaka email address para naman puede ka pa rin namin makontak maski wala ka na sa school?” tanong ni Felicity. “O sige. Teka wala akong dalang panulat.” “Akina ang phone mo. Ipasok ko sa phonebook ang number ko.” ani Felicity. Iniabot ko ang maliit, luma, at mumurahin kong cellphone dito. Nagsimula ito tumipa at ginamit pa upang ipag-ring ang kaniyang cellphone na tumunog mula sa bag nito. Sinabi ko ang emaill address ko na tinipa rin nito at pinadala sa sarili. “Ayan andyan na sa phonebook mo ang number ko at email din.” Ibinalik nito sa akin ang cellphone. “Ok sige.” “Madaming iiyak sa school ‘pag nalaman nila sa pasukan na wala ka na doon.” Biro ni Pia. Napakamot lang ako sa batok sa biro nito. “Tara kain muna tayo, Del.” pag-aaya ni Felicity. “Ah, naka duty kasi ako sa trabaho ngayon.” sagot ko. “Ganun ba? Paano, sana magkita tayo bago ka umalis?” “Teka alis na kami at baka humagulgol pa ito si Felicity ngayon na confirmed na lilipat ka na. Sige alis na kami.” biro muli ni Pia. Nabigla ako nang lumapit si Felicity. Mabilis nitong idinampi ang labi nito sa akin pisngi. Mabilis din itong umalis. “Wow Del, girlfriend mo?” Tanong ni Maricar na kakalabas lang mula sa restaurant. “Ha?” nalilito kong tanong. Namumula mula pa ang aking mukha. “Kaya pala ayaw mo sumama sa loob ha, may ka-date ka pala rito.” si Lyra. “Hindi. Classmates ko lang sila.” Nahimigan ko ang pagiging defensive sa sarili kong boses. “Yeah right. Classmate na may goodbye kiss?” Medyo may halong inis ang tono ni Lyra sabay talikod at naglakad palayo. Hindi ako sumagot kung kaya sinundan ko na lang nang maglakad ang mga ito papunta sa bookstore. LYRA Habang daan pauwi ng bahay. Patingin-tingin si Del sa rear view mirror. Di lang minsan na nagtama ang aming mga mata sa salamin. Tumikhim ito. “Ma-am, ah... nagkataon lang na nakita ako ng mga kaklase ko kanina. Baka kasi isipin nyo na sa gitna ng trabaho ay may ginagawa akong personal na lakad.” paliwanag nito. “It’s okay, Del.” Maiksi kong sagot. “Okay. Ayoko lang na hindi malinaw.” Hindi ako sumagot. Ramdam ko na nakatingin ito sa akin sa salamin. Nang makarating kami ng bahay, nagsisimula nang maghain ng hapunan ang mga kasambahay. Narito na rin ang aking mga magulang at ang kakambal ko na si Migs. Tumingin si Migs sa aking direksyon nang makapasok ako sa sala. Nang mapansin na kasunod ko si Del, lumapit ito at nilampasan ako. “Del, pare. Long time. Nagmamadali ako kanina umalis. Maaga ang swimming practice ko. Hindi na tayo nagka-usap.” Nang maibaba ni Del ang mga pinamili ko sa bookstore na kusa nitong dinala papasok ng bahay, inabot nito ang kamay na inilahad ni Migs. The two have been playmates everytime Del is staying with his father, our mom’s driver. Narinig ko pa na inimbita ito ni Migs na sumabay sa amin maghapunan. “Stay for dinner. I’m sure matutuwa ang mom and dad na makumusta ka.” “Naku hindi na, Migs. Pagkatapos niyong kumain pupuntahan ko na lang sila.” pagtanggi ni Del. “Del!!! Hijo, tama si Migs. Tara nang kumain.” Tuwang tuwa ang aking mommy na si Lanie Vera nang makita nito si Del. “Lyra, magpalit ka na ng damit muna at kakain na tayo.” Umakyat ako sa kuwarto para mabilis na magpalit ng damit. Inabutan ko nang nakaupo ang lahat nang makababa ako sa komedor. Magkatabi sa upuan sina Migs at Del. Katabi ko si mom habang nasa kabisera ang dad. “Del, kumusta na si Mang Pinong?” tanong ni dad dito. “Okay na po si tatay. Nang tumawag ako kanina bumababa na ang lagnat. Buti nga po at hindi dengue. Mukhang na trangkaso po.” si Del. Sumagot ang akin ina, “Naku Del, pinipilit namin na magpa check-up siya. Ang gusto e umuwi at magpahinga. Kulang lang daw sa lambing ng nanay mo.” Pabiro pa nitong sinabi. “Napansin ko nga parang nagpapa-baby sa nanay.” Natatawang balik ni Del. Palibhasa mula bata pa ay parati na itong nasa bahay at dahil ang aming mga magulang ay parang kapamilya ang turing lalo na sa mga matatagal na namin kasambahay kung kaya magiliw din ito kay Del. “Tuloy na tuloy ka na ang pag-alis mo?” tanong ni Migs dito. “Saan ka pupunta?” tanong ko. Napatingin si Del sa akin. “Ah oo, kumpleto na ang mga requirements at naghihintay magpasukan. Sa pasok ng sunod na buwan ang alis ko papunta ng Baguio.” sagot nito. “Anong meron sa Baguio? Diba nag-aaral ka na dito ng college?” tanong kong muli. “Nag-transfer ako sa PMA. Magsusundalo ako.” Tumingin naman ito sa aking ama. “Sir Mateo, salamat po sa scholarship na binibigay ninyo sa amin magkakapatid. Ibibilin ko po kay Derwin na pagbutihin ang pag-aaral niya para di masayang ang scholarship na maililipat sa kaniya.” “Ano ka ba hijo, napakabubuti ninyong magkakapatid. Suwerte ng mga magulang ninyo at maayos kayo sa pag-aaral. Mag-iingat ka sa academy.” si Mateo. “We’re so proud of you, Del. Pagtapos mo doon, opisyal ka. Sana makapunta kami sa graduation mo pagdating ng araw.” Excited na sabi pa ng mom. “Salamat po sa inyo,” nakangiti nitong sagot. DEL Huling weekend ko na sa mga Vera. Pag-uwi ko ay mag-aayos na lang ako ng gamit at makalawang-araw ay bibyahe na papunta ng Baguio. Maski magaling na ang tatay ay hinayaan ko na lang na makapag-bakasyon muna siya sa bahay kasama ng nanay. Matagal akong mawawala at bihira ang pagkakataon na makauwi ang tatay ng lalampas ng dalawang araw. Ito ay kung nasa ibang bansa si ma’am Lanie o ang pamilya. Lumabas ng bahay si Lyra. Bihis na bihis ito at tila may lakad. Sa magkapatid ay ito ang mas magaslaw at magiliw sa mga tao. Mahilig itong sumama sa mga party. Napalaki ng mabuti ito ng mga magulang kung kaya ito ay responsable pagdating sa pag-aaral nito at pakikibagay sa mga tao. Kinuha ko ang susi ng kotse at nagsimulang buksan nang tinawag nito ang aking pansin. “Del, may susundo sa aking mga kaklase ko. It’s okay. Hindi ako magpapahatid.” “Ang bilin sa amin ay ihahatid kayo at susunduin sa mga lakad ninyo. Magko-convoy na lang ako sa inyo kung gusto niyo sumabay sa kotse ng mga kaklase niyo.” Sagot ko dito. “Del...” saway nito. “Sorry pero yan ang bilin sa akin ng mga magulang ninyo at ayaw ko sirain ang tiwala nila.” Isang buntunghininga lang ang isinagot nito at sinabi ang lugar kung saan ang lugar ng party. Pool party ang tema ng birthday ng isang kaklase ni Lyra sa Pansol, Laguna. Si Migs na kaklase rin ng mga ito ay hindi naka-attend dahil may inaayos itong charity project para kanilang ama. May dalawang oras na rin akong nag-aantay sa labas ng garahe kasama ang ilan pang mga drivers nang may lumapit sa akin na dalawa sa mga kaklase ni Lyra. “You’re Lyra’s driver right? Come follow me.” tanong ng isa. Tumango ako at sumunod sa direksyon nila. Ilang daang eksena na ang pumasok sa isip ko kung bakit ako tinawag. “Sana ay hindi napahamak si Lyra.” Sa isip ko. Isang kumpol ng mga estudayante na pawang mga nakadamit ng pang swimming ang nagsisigawan nang pumasok ako. “Come on, he’s here! Dare! Dare! Dare!” Sigawan ng mga ito. Naguguluhan man ay patuloy akong lumakad. Napansin ko na may bote sa gitna ng malaking bilog na pagkakaupo ng mga ito. Doon ko naisip na naglalaro ang mga ito ng truth or dare. Sa pag-ikot ng aking mga mata ay hindi ko nakikita na naroon si Lyra. Isang kaklase ni Lyra ang tumayo at lumapit sa akin na naka two-piece bikini. Itinaas nito ang mga braso at ikinapit sa aking batok ang mga kamay nito. Nararamdaman ko ang unti unting paglapit ng mukha nito sa aking mukha. Amoy na amoy ko ang alak mula sa hinga nito. Ang dare nito ay halikan ako. Inalis ko ang kaniyang mga braso at inilayo ang aking mukha na ikinagulat ng babae. Nagtawanan naman ang mga kaklase nito. Kinakantyawan na tinanggihan ko ang halik na handa nitong ibigay. Noon ko nakita ang palabas na si Lyra mula sa isang pinto. Mabuway ang paglakad nito na tila matutumba. May isang lalaking tila mas maedad dito ang lumapit at umakbay. Iginigiya ito na pumasok sa isa sa mga silid. Dahil ayaw ako bitawan ng babaeng nakahawak sa 'kin ay hindi ako mabilis na nakasunod. Sarado ang door knob nang marating ko ang pinto. Pinilit kong buksan iyon at kinalabog ang pinto. “Kung hindi mo ito bubuksan, sisirain ko ito!” Sigaw ko. Nawala naman ang masasayang sigawan ng mga kaklase ni Lyra. Nagdidilim na ang aking paningin kung kaya lumayo ako ng bahagya sa pinto. “Lyra! Lyra!” makailan beses ko na tinawag ito. Nang hindi ito sumagot at malakas na pagbunggo ang ginawa ko sa pinto. Mabilis itong bumukas. Nagdilim ang mukha ko nang makita na nakahiga sa kama ang dalaga na tila walang malay. Ang lalaki na nakatayo sa harap nito ay wala nang saplot. Gulat na napatingin ito sa akin nang bumukas ang pinto. Isang malakas na pag-unday ng kamao ko ang isinalubong ko sa mukha nito. Nang mahagip ng mata ko ang bag ni Lyra ay sinukbit ko iyon. Mabilis na ibinalot ang kumot sa katawan nito at walang ilang sandali na binuhat ko ang walang malay na dalaga palabas sa kuwarto. Tahimik ang lahat nang tapunan ko ng tingin ang grupo. Ang tanging naririnig ko ay ang mabilis na daloy ng aking dugo sa tindi ng galit. Nang maipasok sa kotse si Lyra. Nilapitan ako ng isang bodyguard. Ngayon lang nangyari na ang bodyguard nito ay nagpakita sa amin. “Tawagan niyo si sir Mateo. Huwag lang na malaman kong may pinainom na droga ang hayop na ‘yon.” Madilim ang aking mukha na tinuran dito. Mabilis na kumilos ang bodyguard. Nang magsimula akong magmaneho, kasunod namin ang isang sasakyan na natitiyak kong security detail ng dalaga. Dati ay discrete ang mga ito na hindi nagpaparamdam o nagpapakita upang hindi rin maging pamilyar sa mga masasamang loob na magbabalak ng hindi maganda sa pamilya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook