Episode 4

3091 Words
DEL Papasok ako sa opisina ni sir Mateo nang makita ko ang siyang paglabas ni Lyra mula sa opisina nito. Tulad noon, kung nasaan ito, daig ko pa ang sunod-sunurang planeta na umiikot sa kaniya. Maski hindi niya ako nakikita ay kusang nararamdaman ng aking diwa ang presensya ni Lyra. Siya naman ang paglabas din sa opisina si sir Mateo. "Del, wait for me. You may go inside my office." Mabilis nitong sinabi at dumaan sa aking tabi. Tinawag nito si Lyra. "Lyra, few minutes in my office." Nagkasalubong ang tingin namin ni Lyra nang lumingon ito. Nahigit ko ang aking hininga nang tuluyan kong makita ang kaniyang kabuuan. Itim na blazer na may plunging neck line, may blusa ito sa loob. Ngunit dahil sa lace ang yari niyon, ang maputi at makinis nitong balat ay kita mula sa mga disenyong bulaklak ng manipis na tela. Tanging isang itim ding bra ang tumatakip sa bahagi ng dibdib nito. Dahil sa blazer, kung kaya nanatiling konserbatibo ang kabuuang dating ng kaniyang suot. Her hair gathered in a tight bun kung kaya wala ni isang buhok ang nasa mukha nito at malaya kong nakikita ang mahaba nitong leeg at batok. Tulad noon, ang bawat himaymay ng pagkatao nito ay sopistikada. Aristokrata. Tila ako ay nabato-balani ng dumaan ito sa aking harap at masamyo ang kaniyang bango. "Del. Come in." Parang naririnig kong tinatawag ako. Paglingon ko ay nakatingin sa akin ang mag-ama. Noon din ay dumating si Migs na humawak sa aking balikat. "Kumusta? You look lethal, Major Razon." bati ni Migs. Kinamayan ko naman ito at sabay na kaming pumasok sa opisina ng kanilang ama. Nagsalita si Sir Mateo nang makaupo na kami ni Migs. "Okay now that we're complete... this is about the property we are developing in Palawan," umpisa nito. "As we agreed, Lyra will stay there for about a month to oversee the finishing touches before the launch. Kaya inimbitahan ko si Del dito ay dahil ang unit niya ang magbibigay ng VIP security habang nasa site ka Lyra." "What? Bakit kailangan pa ng security?" tanong ni Lyra. Si Miguel ang sumagot. "Sis, hindi ba at last year ay may na-kidnap na mga turista sa ibang bahagi ng isla? We just want to make sure that you're safe. But if you prefer to stay here. Ako na lang ang pupunta." "No! Kakapanganak lang ni Maricar, you should stay here. Pero come to think of it baka dapat lumayo ka muna at baka masundan na naman ang anak mo." Biro pa nito sa kapatid. "Your decision sister. Napag-usapan na namin ni Maricar ito. Over the years ikaw na lang ang laging nasa mga malalayong lakad and unfair na rin sa iyo." seryosong tinuran ni Migs. "Twin brother, okay lang." She leaned towards her brother at hinawakan pa ito sa tuhod at tumingin dito. Allowing me to peek at the tempting flesh inside her blouse. Pinilit ko na sa mukha nito tumingin. Dinugtungan nito ang sinasabi kay Migs, "Bago ninyo ako gambalain, I'm off to my date. So if ito na ang Mr. Right ko at mag settle down kami... ikaw na uli ang lalakad sa mga trips. Nag-iipon lang ako ng bala sa'yo. Okay?" "So it's settled then? Del, we will provide you and your team housing for the duration of your stay doon. Isa pa, panatag ako na maski nasa malayo si Lyra, hindi mo siya pababayaan." ani ng matandang Vera. "Yes, sir. Wala kayong dapat na ipag-alala. Alam ninyo na hindi ko pababayaan ang sinuman sa inyong pamilya." Bukal sa loob kong isinagot dito. "Del, bigyan na rin natin ng screening itong sinasabing date ni Lyra," biro ni Migs sa kapatid. "She never dated. Ever. Kaya nakakagulat. Who's the lucky guy who warranted a second date?" Lyra rolled her eyes to her brother. "Migs, please. Malapit na ako mag-expire sa kalendaryo, I have to think about my egg cells too. Kaya, I need to leave. This is settled." "Okay, invite him for dinner at home." Si sir Mateo. "No! Not yet. Baka ma harass-sa inyong dalawa, Dad and Migs. Maudlot pa." Tumayo na ito at kinukuha ang bag. Sa aktong tatayo ako nagsalita si Lyra, "Oh please, no need with the formalities, Del. Para naman na tayong magkapatid diba?" Hindi ko alam kung ako lang ang nakahimig sa tila sarkasmo sa tono nito. Maski pa may parang ipo-ipo na namumuo sa loob ko. Pinili ko ang tumahimik at nanatili sa pagkakaupo. Pilit iwinawaksi ang imahe na may kasamang ibang lalaki si Lyra. "Del, 'pag di pa rin makapasa 'yang date niya, hanapan mo na ng mapapangasawa si Lyra. I'm sure madami kang kilala." natatawang biro ni Migs. Pinilit kong ngumiti sa tinuran ng aking kababata. LYRA Mala-paraiso ang lugar na ito. Verdant Aqua Resorts ang bago naming private luxury resort project na nasa Palawan. I'm staying in a company villa na talagang ginawa para sa sinuman sa amin na pupunta rito. Wearing a white bikini ensemble pinili ko na mag-sunbathing sa terrace ng beach villa. Sa Lunes ay siguradong sunod-sunod na trabaho na naman ako kung kaya sinusulit ko ang pahinga. Naramdaman ko ang presensyang dumating. Tumikhim ito. I opened my eyes to see Del na nakatingin sa dagat. "Yes?" matipid kong tanong. "Kailangan naming mag-inspection at maglagay ng ilang CCTV sa palibot ng villa." Sagot nito. "Okay." naglagay na ako ng headset para makinig ng music sa pagpapatuloy ng sunbathing ko. Hindi pa rin ito umaalis. I felt Del's presence close to my face. Hinila nito ang isang headset mula sa tenga ko. "Lyra, my men will be putting devices here at 24/7 na makikita ang maski anong galaw mo rito sa labas. Sa mismong kuwarto, banyo, at kalahating parte lang ng kusina ang hindi hagip ng camera." The heat from his breath close to my ears is creating a tickling sensation na hindi ko pinapahalata rito. I turned my face towards him. Inches away from his face, I respondend, "Sure Major, anything you say." Bumuntong-hininga ang binata. Bagong gupit ito. Clean cut that showed his strong facial features. Napaka-guwapo talaga nito sa aking paningin. But I masked my real feelings by shrugging off. "Lyra, I-i... I cannot let my men see you wearing this and let them see this much skin." sagot nito. I raised my upper body by leaning on my elbows. Ang didbdib ko na natatakluban ng manipis na tela ngayon ang ka-level ng kaniyang mga mata. "Really? This is a beach house at ano ang dapat kong suotin sa lugar na ito? Normal lang ang bikini sa beach, Major." "Stop calling me Major. At alam mo ang ibig kong sabihin, Lyra." "Well, I know. But what I wear is none of your business. Andito ka lang naman dahil sa trabaho mo. If not for that, you'll never be within ten feet pole near me. So..." Nagtatangis ang mga bagang nito na tumayo at umalis. DEL Lalaki ako kung kaya nababasa ko sa sa mga mata ng mga lalaki rito, bukod sa mga narinig ko kanina ang mga paghanga kay Lyra nang maglakad ito sa dalampasigan. Nang nakahiga ito sa beach kanina suot ang puti nitong bikini na halos walang itago, daig ko pa ang teenager na nawawala sa sarili 'pag nakita ang crush nito. Pinilit ko na hagipin sa isip ko ang mg bagay na dapat kong sabihin sa kaniya. It was so damn hard to concentrate on my head when the other head betwen my legs is having other plans. Kung ganito ako sa kaniya, paano pa ang iba. This is going to be a long assignment. Hindi lang ako makatanggi kay sir Mateo. At isa pa, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring hindi maganda kay Lyra at tinanggihan ko itong assignment na ito. Bilang marines, may VIP escort services at protection unit na maaaring i-request lalo na sa insidenteng ito na potential target ng high profile kidnapping ang puwedeng gamitin ng mga rebelde bilang ransom or panggugulo. Nag-request din ako ng ilang babaeng sundalo sa unit ko para sila ang ilalagay ko na malapit sa villa at parating na sila. Lumapit sa akin ang isa sa mga tao ko. "Sir, may parating na bisita si Ms Vera. He is on his way. ETA 15 minutes." "Wala sa itinerary na may parating na bisita ngayon. Anong pangalan?" Kunot noo ako nang magtanong dito. "Alden Sanvictores, 33 years old. Businessman at mula sa pamilya ng..." Pinutol ko ang sasabihin pa nito. I know the damn bastard. "No clearance. Hindi maaaring makapasok iyan dito." LYRA Talagang sinusubukan ako ng lalaking ito. I placed a summer sheer dress on top of my bikini and traced the steps patungo sa barracks ni Del. Nagdidilim ang paningin ko sa galit. Mabibilis ang pagkatok ko sa pinto ng kuwarto na naka-assign kay Del. Bumukas iyon. Laking gulat ko na hindi ang lalaki ang nagbukas kundi ang babae na kasama ni Del sa mall at sa party nung nakaraang linggo. Magsasalita sana ako nang sumungaw sa pinto si Del. Wala itong pantaas na damit. Ang suot niyang maong kanina ang tanging natitira sa kaniya. Nakaapak siya na dahan dahang lumalakad patungo sa pintuan. Lalong nag-init ang ulo ko nang makita na may kasama itong babae roon. Wala man akong karapatan na magalit, pero naaapektuhan ako. "What right do you have to restrict my visitor?!" bungad ko sa kaniya. "Lyra, wala sa list na ibinigay ng opisina ninyo na parating dito ang lalaking yan," sagot nito. Nasa ibaba ako ng baitang ng hagdan kung kaya lalong mas mataas sa akin si Del. Nakatingala ako sa kaniya. "It's natural na wala siya sa listahan dahil personal ko siyang bisita. Dapat ko rin ba ipalista ang pagdalaw sa akin ng mga bisita ko?" Bagaman alam ko na childish ang ginagawa ko pero hindi ko mapigilan ang aking sarili pagdating kay Del. "Of course you need to tell us, Lyra." "Major Razon, puwes, isama mo sa listahan mo na si Alden Sanvictores ay personal kong bisita." Matagal itong hindi umimik at nakatingin lang sa akin. Bakas sa mukha nito ang alab ng nagbabadyang emosyon. "Iyan ba talaga ang gusto mo? Ang makasama ang taong muntik nang magpahamak sa'yo?" "Del, I don't need you to lecture me. Buong buhay ko, I've been kept safe. Nasaan ako ngayon? Mag-isa. Tumatandang dalaga. I need to have a change in my life dahil ayoko na nang mag-isa." "Kung yun lang ang gusto mo, maraming iba dyan. Hindi kailangan na si Sanvictores!" "Ang why do you even care, Major Razon? It's my life. Si Alden ang nandito na maski malayo ay narito para sa akin. Hindi ko kailangan hanapin o habulin. Kung hindi siya ang para sa akin, how would I know? Maraming lalaki ang naghihintay na mapansin ko. Wala akong pinansin sa kanila maski isa dahil naghintay ako sa wala. Marami na akong sinayang na panahon. Kaya huwag mo akong lecturan kung ano ang dapat kong gawin." "Lyra... you're right, sino ba naman ako diba? Pero ipinagkatiwala ka sa akin ng daddy mo." He said on an exasperated tone. Bumaba na rin ito sa baitang ng hagdan at nasa harap ko na. "Then protecting me is you job. Hindi ang pakialaman ang personal kong buhay. I am permitting Alden to enter the premises, Major." Matabang kong tinuran sa kaniya at tuluyang iniwan itong nakatayo roon. Nagngingitngit ako sa ilalim ng isang puno malapit sa beach. Inis na inis ako. Sa pangingialam ni Del gayung ito nga ay may kasamang babae sa kuwarto. Ngayon lang rumehistro sa isip ko na naka-uniporme ang babae ng pang sundalo. "Akala mo kung sinong mag-lecture. Siya nga business with pleasure ang ginagawa." Lalo ako nainis na may pumapatak na luha na di ko mapigil. Pinipilit kong pigilan ang sarili ko na umiyak sa inis dahil ayoko na nang ganitong pakiramdam. Kung bakit ganito pa rin ang epekto ni Del sa akin. He has clearly moved on. "Oh wait, hindi siya nag-move on, kasi I was nothing to him to begin with." I can hear some footsteps going my way kaya pinalis ko ang mga luha at kinalma ang aking sarili. "Lyra?" boses ni Alden. "Oh... welcome to Verdant Aqua, Alden." sagot ko na may pagsinok pa ng bahagya. Bakas sa mukha ni Alden ang concern na lumapit ito. "Have you been crying?" Nakatingin ako sa buhangin kung kaya lumuhod sa isang tuhod sa harap ko. He softly placed his finger under my chin and raised my head to meet his eyes. "I hope I'm not the reason for it." "No... Sorry. Don't worry." Ayan tumutulo na naman. Natatawa ako na naiiyak. Nang iniiwas ko ang mukha ko para hindi makita ni Alden ang mga luha na patuloy na pumapatak, noon ko lang napansin na nandoon din si Del sa di kalayuan. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa amin. Nang hapitin ako ni Alden palapit sa kaniya, ay isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib nito at malayang hinayaan ang pagbugso ng sama ng loob. Naramdaman ko na lang na nakayakap sa akin ang binata at inaalo ako. DEL Hindi ko maipaliwanag ang kirot na parang pumipiga sa dibdib ko nang makita ang mga luha ni Lyra. Alam ko na walang iba pang dahilan sa mga luhang iyon kundi ako. Sa isip ko, tama ang desisyon na layuan siya. Pero sa puso ko, ramdam ko ang panghihinayang sa mga nasayang na panahon. Gusto kong ako ang yumakap sa kaniya at hindi iba. Na aluin siya at humingi ng tawad. Na ialay ang sarili ko sa kaniya. Pero mukhang huli na rin ang lahat. Ang bawat tingin nya sa akin ay may kalakip na suklam at sama ng loob. Kung magtatagal dito si Alden, daig pa nito ang mga pisikal na sakit na tiniis ko sa mga training bilang sundalo. Ang makita na ang babaeng matagal kong pinapangarap ay mahulog sa ibang lalaki. Kung ito ang kaparusahan sa ginawa ko kay Lyra noon, wala akong magagawa kundi pagbayaran iyon. Narito ako para siguruhing ligtas ito sa kapahamakan. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Ang lalim naman nun. May hugot," si Reese. Lumingon ako sa direksyon kung saan ito galing at mapait na ngumiti. "Ano pa ba kasi ang inaantay mo? Kita naman na matindi pa rin ang nararamdaman mo para sa kaniya. At mukhang ganun din siya sa'yo." "Oo galit ang nararamdaman niya sa akin. Puro sama ng loob." mapakla kong biro. "Alam mo Del, kung wala na siyang nararamdaman sa'yo, she wouldn't care. Kanina nang makita niya ako at inakalang may namamagitan sa ating dalawa, grabe yun tingin nya sa akin. Kung kutsilyo lang yun matatalim niyang tingin, duguan na ako ngayon." Dugtong pa nito, "Kung ganun din ang matatalim mong tingin kay Alden, wala nang dugo iyon kanina pa. Ano pa ba kasi ang iniisip mo? You are a distinguished officer. Maayos na buhay, pamilya, at mabuting tao. Oo nga at mayaman si Lyra. Pero tingnan mo naman ang pagtanggap sa iyo ng pamilya niya." "Reese, iba yun ganito. Binatantayan ko siya. Iba rin kung nililigawan ko siya. Nakakahiya sa mga magulang niya. Kay Migs." "Andami mo masyado iniisip. Yan o, tingnan mo dalawa kayong nahihirapan. Ikaw lang ang pilit gumagawa ng balakid, Del." "Laging nasa kapahamakan ang buhay natin bilang sundalo. Ayoko na ganun ang buhay na ibibigay ko sa kaniya, Reese. Masaktan man siya ngayon at maka move-on, tapos na. Hindi yun pang habambuhay na pasakit." "Ayun o, nakakailan na si Alden makahawak sa 'non-jowa' mo." Nakanguso pa itong itinuturo ang dalawa. NEXT DAY LYRA Nasa kalagitnaan kami ng payapang dagat. Napakaganda talaga sa Palawan. At ang mga developments na plano namin para dito ay hindi para sirain ang natural nitong kagandahan. I am so lucky to be born this way. At dahil dyan, pinalaki rin kami na matutong magpasalamat sa bawat biyaya na mayroon kami at ibahagi ito sa iba. Hindi mo kailangan ng iba pang music dito, ang pagaspas ng hangin at hampas ng tubig, tunog ng lumilipad na mga ibon at sayaw ng mga puno sa di kalayuan. This is really paradise. "So, I'm leaving today. Thank you for spending your weekend with me, Lyra." "The pleasure is all mine, Alden. Thank you." Hindi maikakaila ang kaguwapuhan nito. Maging sa school noon ay napaka-sikat nito at maraming babae ang nahumaling sa kaniya. Maging sa ngayon. "Spending this time with me, means a lot. Nahirapan ako maka move forward sa buhay ko knowing na may atraso ako sa'yo." ramdam ang sinseridad sa tono nito. Dugtong pa ni Alden, "I've always had a crush on you back then. Just that Migs has always been protective of you. Isama pa ang mga tropa nya sa swimming team. So I stayed away." Nangingiti itong maalala ang nakaraan. "You're making me blush Alden," and I chuckled. "Yeah really. You are such a princess. And now look at you. You will make any man feel like a king beside you." Sumeryoso ito, "Pasalamat ako na binigyan mo ako ng pagkakataong makalapit sa'yo ulit. But if I'll not be careful, I might fall for you but I think you're not ready." Lumapit ito sa akin. Sumandal ako sa matipuno nitong dibdib and looked up to him. Hindi masama na magkagusto ako kay Alden. Mabuti siyang tao. Ang nangyari noon ay dala lang ng kabataan. Bakit hindi ko subukan? I closed my eyes the moment I felt his face lowering to me. He's going to kiss me and I'm letting him. I felt Alden's soft lips on mine. Ramdam ko rin ang pagkakataon na iniharap ako nito sa kaniya at iniyakap ang kaniyang katawan. Kusang umangat ang aking mga braso at ang aking mga kamay sa kaniyang batok. The kiss lingered. And then Alden stopped it. I opened my eyes looking up at him. Nakatingin sa akin ang maamo nitong mga mata at ngumiti, "When you're ready. When your heart is ready, tell me. Huwag lang matagal because I cannot wait forever. If you give us a chance, a real chance. I think it will be a beautiful relationship." Tumango ako sa sinabi nito. We both felt it in our kiss. No spark but there is at least friendship. "For now, I hope you allow me to see you and spend time with you. Mas busy ka pa kesa sa akin. Kaya sana maisingit mo ako sa schedule mo, princess. Fair enough?" "Okay, I'll try. I'll give us a chance." Kinintalan ko siya ng mabilis na halik sa labi. "Thank you, Alden." Alden hugged me tightly and we both laughed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD