LYRA
Ilan oras lang nga ba ang nakalipas nang ihatid ako ni Del dito sa bahay para makapaghanda na ako sa party mamaya? I will be attending the a business function tonight and will be awarded with distinction as a woman in business. Sinabi ng isang kasambahay na dumating na si Del para sabay kaming pumunta sa pagtitipon.
Dadalo rin sina Mateo, Lyra, and at aming mga magulang na pawang kilala sa business world.
Pero ang pakiramdam ko ay parang teenager na dadalo sa prom. Hindi ako mapakali kung maayos na ba ang damit ko, ang make up, ang ayos ng aking buhok. Not for anyone else but I want to look perfect for Del.
This is memorable, our first formal dinner party.
I grabbed my hand clutch and started for the door. Dahan dahan ako lumakad pababa ng hagdan. I remember the last time, nahulog pa ako sa hagdan at sinalo ni Del. Natawa ako ng bahagya na maalala ang eksena na iyon.
I was midway downstairs when my eyes caught a glimpse of Del in his black tie tuxedo. My breathe stopped and my heart skipped a beat. This strong, hard, brave soldier is the same gentle, caring, and loving man who owns my heart.
Hindi ko napansin na napahinto na pala ako sa pagbaba just staring at him. Del started walking up the stairs para salubingin ako. His eyes intently looking at mine. Nang isang baitang na lang ang aming pagitan, halos magkapantay na ang aming mga mata. I sensed his masculine scent and I almost closed my eyes to take him in. Para na akong nabato-balani sa taong ito.
His lips curved to a soft smile. His eyes darkened as he looked at me intently.
"You look stunning babe. As always." I heard him say. Then he leaned to kiss me lightly at the corner of my lips.
"You look dashing yourself, mister officer." Sagot ko dito still catching my breath.
Nang lumayo ito, lumawak pa lalo ang ngiti nito "Sinundo na kita baka madulas ka pa."
I blushed na naalala niya rin pala iyon.
Then I heard him chuckle. "Ang cute mo mag-blush. Let's go."
Patungo sa event ay pinag-usapan na namin na ang pormal na kotse ko ang gagamitin at wala namang naging issue kay Del, hindi ito mataas ang ego pagdating sa mga ganitong bagay. He thought it was practical dahil bullet proof ang Bentley na gagamitin namin. Isa pa, we have my private security detail with us. Ipinarada nito ang pick up nito sa aking side ng garahe.
Samantalang nauna na ang dad at mom na umalis kanina. Oo nga at nakatira pa rin ako sa mansyon. Bukod sa ito rin naman ang gusto ko, they've always said, I will inherit the expansive house. Sa dami ng mga ipamamana ng mga ito sa amin ni Migs, I guess yun bahay kung saan kami lumaking masaya, will always be the most treasured one. At dahil single naman ako, hindi sumagi sa isip ko na bumukod. My parents allow me to be independent and trust me in my decisions.
Nang makarating kami sa venue ng event, maraming tao na mula sa iba't ibang sulok ng pagne-negosyo ang naroon. Marami rin sa mga ito ay pamilyar at nakatrabaho o nakaharap ko na sa iba't ibang pagkakataon. Ang iba pa nga ay mga anak ng mga negosyante din naging kaklase pa namin ni Migs noon.
And so I entered the world, the one all too familiar to me, but this time with a man walking beside me. And felt good. How I wished life could just be this perfect.
DEL
Pumasok kami sa pagtitipon na puno ng mga malalaking pangalan sa larangan ng negosyo sa bansa. Nandirito na ata ang iilang tao lamang na talagang nagpapa-andar ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ramdam ko ang mga mata ng paghanga ng maraming kalalakihan dito tuwing dumadaan si Lyra. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng panibugho sa ilan na bumabati dito na masyadong malapit o di kaya ay bumebeso pa.
Kita ko rin kung paano inilalayo ni Lyra ang sarili sa magalang na distansya at ipinapakilala ako sa mga ito. "This is my boyfriend, Del." Ang madalas nitong sabihin sa pagpapakilala sa akin.
May lapitan itong isang pares na may edad na at batiin ang mga ito. "Tito Arnold... Tita Mimi, such a beautiful couple as ever."
"Hija, you look gorgeous as ever. I saw your parents earlier." bati ng Tita Mimi na tumingin sa akin.
Napansin naman ito agad ni Lyra, "Oh Tita and Tito, this is Del, my boyfriend."
Bumati ako sa dalawang matanda. Namimilog naman ang mata ng babaeng kaharap. "Wow, you have a boyfriend, at last, a lucky man."
"Hijo, how are you related to the Razon Steels?" Tanong ng matandang lalaki sa akin.
"No relations, sir. I work in the government." Magalang kong sagot dito.
Sumagot ang matandang babae, "That's interesting... a non-business person. Pero I'm sure you're such a good man para magustuhan nitong si Lyra. Anak na rin ang turing namin sa kanilang magkambal ni Migs. It's good to see you happy, hija."
"Thank you Tita, Tito." ngiti ni Lyra dito.
Pumunta na kami sa direksyon ng mesa kung saan andoon ay nakikita ko nang nakaupo sin sir Mateo at ma'am Lyra.
Nang makarating ay bumati si Lyra sa mga magulang nito at naupo sa tabi ng kaniyang ina. Bumati rin ako sa mga ito. Tumayo pa si ma'am Lyra upang yakapin ako. May mga mumunti pang pagaling na sugat na nasa mukha ko na mapapansin kung sa malapitan.
"Oh Del, Migs has been telling me about your wounds. Okay ka na ba?" pag-aalala nito.
"Yes, ma'am, okay na okay po ako." sagot ko dito.
"Mom, have you seen Car?" tanong ni Lyra sa ina. Tinutukoy nito ang bestfriend at hipag na si Maricar, ang asawa ni Migs.
"She's with Migs, they've been going around halos kakarating lang din nila with Iggy and Miracle." Sagot nito sa anak. Ako naman ay umupo na sa tabi ni Lyra. Nang lumapat ang katawan ko sa upuan, naramdaman ko na kinuha ni Lyra ang kamay ko at ipinagsalikop ang aming mga palad. Ipinatong niya ang mga iyon sa kaniyang hita at bahagyang lumapit sa akin.
Such a simple display of affection. Napakasuwerte ko sa babaeng ito. Napakaraming mata dito ng mga kalalakihan ang kanina pang kulang na lang ay saktan ako sa mga matatalim na tingin sa akin. Mga may sinasabing pamilya at angkan na galing sa kaparehong mundo ni Lyra Vera.
Dumating sina Migs at Maricar sa aming mesa.
"Wow sis, ikaw na ang in-love." Narinig kong bati ni Maricar kay Lyra. "Oh, hi Del."
Tumayo ako bilang pagbigay galang dito at para kamayan si Mateo. Ang kamay ko hawak pa rin ni Maricar.
Bumeso si Maricar sa akin pagtapos ay kay Lyra. Kakamayan ko si Mateo pero hawak pa rin ni Maricar ang kamay ko.
Natawa si Mateo kung kaya inakbayan na lang ako nito na tumatawa. "Bro-hug na lang pare. Possessive ang girlfriend mo."
"I'm sure aayain mo siya doon sa bar." Sagot ni Lyra sa kapatid.
"Wow, hindi pa misis pero kumander na kumander na." si Migs uli, mahinang biro sa kapatid nito.
Natawa naman ang mga magulang nila na kalapit lang.
"Let him go with Migs, kanina pa rin kayo inaantay niyang kapatid mo." Untag ng daddy nito.
Binitawan nito ang kamay ko, "Migs." Tawag nito sa kapatid na pinandilatan pa nito ng mata.
Natatawa na rin ako sa inaakto ni Lyra. Palayo na kami ni Migs nang umupo si Lyra at Maricar at nagsimula nang mag-usap. Bago pa man napangasawa ito ni Migs, kababata ng mga ito si Maricar. Ang mga magulang ni Maricar ay matatalik na kaibigan ng matatandang Vera. Ninong at ninang pa nga ng kambal sina Iggy at Miracle Cruz, ang mga malalaking pangalan sa mga sikat na fast food chains hindi lang bansa kundi sa abroad.
"Del, layo muna tayo sa kanila bago magsimula ang mahaba habang programa. Do you know that Lyra will be awarded tonight?" Tanong ni Migs na inaabot na ang dalawang baso ng scotch whisky. Ibinigay nito sa akin ang isa.
Umiling naman ako nang tumigin ito sa akin na inaabot ang alak.
"Well, she will be." Ulit nito. Itinaas nito ang baso ng alak at itinaas ko rin dito ang baso ko bago kami nagsimulang uminom.
"Before the Verdant Aqua project, walang tigil sa trabaho 'yan kapatid ko. Kaya ayan, kabi-kabila ang mga natapos na projects. But for tonight she will be awarded for her social responsibility projects sa mga malalayong lugar. Advocating for elementary education lalo na sa mga nasalanta ng bagyo, giyera, o malalayong lugar na hindi masyado nararating ng tulong." Mahabang paliwanag ni Migs. Lalong tumaba ang puso ko sa paghanga kay Lyra.
"I'm so proud of her. Napakabuti niyang tao." sagot ko kay Migs.
"Well, she is. Pero you make her alive, Del. And I'm happy to see her happy."
Nagpalabas ako ng hangin sa isang malalim na isipin. "Migs, hindi ko alam paano itong sitwasyon namin. Anytime, maaari ako ipadala kung saan sulok ng bansa at hindi makabalik ng buhay. Itong huli kong assignment, isa pa lang yan sa marami. Tingnan mo kung gaani ito mag-alala. I don't think I can do this to her. Para ko na rin siyang sinasaktan kada aalis ako."
"Yeah it sucks. She's been grumpy maski sa trabaho," biro nito sa akin. "But it's her choice to make Del. Kung sapat ang pagmamahal ninyo sa isa't isa, dapat niyang maintidihan at matutunan na tanggapin ang uri ng trabaho mo. If not, then maybe it's not meant to be. Again, it's her decision to make, don't decide for her kung kaya niya o hindi."
Tumango ako sa sinabi nito. May punto si Migs pero di ko pa rin maialis sa isipan ko na nagiging unfair ako kay Lyra.
LYRA
So far the night has been folding so nicely. Del escorting me from the end of the stage back to our table. Sinalubong ako ng yakap ng aking pamilya habang kinuha ni dad ang plake na iginawad sa akin for using the business influence and channels to advocate for education.
Halos ay iyon na ang katapusan ng programa. Bagaman may after party pa ay hindi ko na gusto pang magtagal dito. I want to spend more time with Del. Nag-aya sina mom at dad na mag night cap sa bahay kung kaya doon na kami magki-kita kita nina pag-alis dito.
Nagpaalam ako na pupunta muna sa banyo bago umalis. I told Del to just meet me where we'll wait for the car.
Dahil mabilis ako nakapunta sa banyo na kakaunti lang ang tao ay mabilis din ako nakalabas. On my way to the exit, nakasabay ko si Alden.
"Hi there, Lyra." bati nito.
"Hi Alden, how have you been?" I greeted him back.
"Well, I'm good, but could be better. While for you, congratulations are in order."
"Thank you, Alden." I smiled at him.
"I saw the Major with you and the family. So talagang seryosohan na ito. Hindi ako makalapit while your dad was there, baka bigla ako bumalagta sa ballroom." Biro pa nito.
"Well, yeah. Pretty new. Mahirap lang kapag nasa assignment si Del. Nakakakaba."
"Alright, I wish you all the best. You have a friend in me always, Lyra. If for anything, let me know okay?"
Tumango ako dito.
Nang makarating kami sa waiting area ng mga sasakyan, nakita ko si Del. May kumakausap ditong babae. I know her, Felicity De Chavez, marketing head from a big cosmetics company. I excused myself and said my goodbye to Alden habang nakatingin kina Del. I even heard Alden chuckle back his goodbye.
On my way, I saw her laugh at may paghampas pa sa braso ni Del. Close sila? I thought.
Lumapit ako at pumuwesto sa tabi ni Del. I even snaked my arm around Del's free arm. Yun hindi hinampas ng babaeng ito.
Del felt my presence. "Lyra, this is Felicity. This is Lyra, girlfriend ko."
Ang sarap marinig na ipinakilala ako nito dito na girlfriend niya na totoo.
Isang sobrang tamis na ngiti ang ibinigay ko rito, "Hi Felicity. You seem familiar. Magkakilala pala kayo ng boyfriend ko." Medyo may diin sa huling parte ng sinabi ko na hindi ko namalayan. Why am I being such a jealous b***h? Hindi naman ako ganito.
"Nice to meet you Miss Lyra. Classmates kami ni Del nung college before siya lumipat sa PMA. Sikat na sikat nga siya noon, andaming may crush sa kaniya sa school. I was just surprised na makita siya dito by chance." Malapad ang ngiti nito na tiningnan pa si Del.
"Oh, so you go wayback? I see." awkward silence after ko sinabi iyon.
Our car arrived.
"Paano, Felicity, alis na kami. Nice to see you again." Paalam ni Del.
"Bye. Don't forget add mo ako ha sa sss. Para ma-add kita sa group." Habol na pa nito.
Umalis na kami at sumakay sa kotse. Natatawa pa si Del nang bahagya. "Akalain mo yun, si Felicity makasalubong ko dito."
"Oo nga..."
Napaigtad ako ng bahagya nang kalabitin nito ang bewang ko. Namimilog ang mga mata na tiningnan ko ito.
Del asked me, "Ano?"
"Ha? Anong 'ano?'" patay-malisya pa ako.
"Lumapit ka nga dito, ang layo mo naman. Kanina ayaw mo na malayo ako sa'yo." Untag nito sa akin.
Umusod ako ng konti papunta kay Del. He again chuckled.
"Wala akong sss. Sinabi ko sa kaniya na wala akong social media. She was telling me gumawa ako ng account at i-add ko siya." he explained.
"Hmmm..." matipid kong sagot.
"Ang cute mo lang. Selosa ka pala?"
"Hindi ako nagse-selos. Okay lang, classmate mo siya. Naalala ko na saan ko siya nakita dati. Sa mall, yun kasama ko si Maricar tapos may lumapit na classmate mo sa'yo. Siya yun may crush sa iyo noon na maiyak-iyak kasi sa Baguio ka na titira." mahaba kong paliwanag.
"Okay, so hindi ka nagse-selos ha, okay lang na gumawa ako ng sss?"
"Okay lang." Mahina kong sagot.
"Halika nga rito." Lumapit si Del at inihilig ako sa kaniyang katawan. "Puede ba kitang iuwi? Nakakahiya sa parents mo andun ka na sa bahay niyo tas aalis ka pa. Alangan naman ako ang matulog sa inyo."
"I'll go with you." sagot nito sa akin at yumakap na rin.
Nakakatuwa rin naman itong makita na kunyari ay hindi nagse-selos. Hay, anumang araw aalis na naman ako. Ito na yata ang pinakamahirap kong pag-alis mula nang maging sundalo ako.
Nang dumating kami sa mansyon ng mga Vera, nakita ko ang service na ginagamit ni Kits na nakaparada sa daan. Alam ko na ngayon kung saan ako matutulog o hindi matutulog. It's time to go.
Nang makapasok ang sasakyan nasa loob na si Kits at Reese. Iniabot nito ang isang duffel bag na malamang ay ang combat uniform ko.
Inabot ko iyon at nagpaalam sa mga naroon na pupunta sa banyo upang magpalit. Mabilis ang naging kilos ko. Pumasok ako na naka tuxedo, lumabas ko na naka pang giyera. Tahimik ang lahat. Nakaupo sa pinaka dulo ng sofa si Lyra. Unang lumapit sa akin si mam Lanie.
"Mag-iingat ka palagi, Del. God bless you, son."
Sumunod na lumapit si Migs at walang salita na tinapit nito ang mga balikat ko. Hinayo ko ng tingin sa direksyon ni Lyra na sinundan din nito at tumango sa akin.
At nang naglalakad pa muli ako paalis ay si sir Mateo ang sunod na nadaanan ko. Nagpaalam ako, "Kayo na po ang bahala,.Sorry, sir. Parte ng trabaho."
Sumagot ito. "Basta lagi kang mag-iingat kami na ang bahala dito."
"Salamat po sa inyo." Tiningnan ko siya at si mam Lyra. Sa di kalayuan ay naroon din sina Maricar at ang mga magulang nito.
Pumunta kami dito para ipagpatuloy ang kasiyahan pero biglang ganito ang nangyari.
Nang marating ko ang dulo ng malawak na sala at kung saan nakaupo si Lyra, nilapitan ko ito at lumuhod sa isang tuhod sa harap nito.
"Babe, alis na ako. Mag-ingat ka parati habang wala ako." Sabi ko sa kaniya.
Natawa ito ng bahagya at mapait na ngumiti. "Ako? Dapat ikaw ang mag-ingat okay?" Inilipit nito ang noo sa noo ko.
"Okay. Mag-iingat ako ng doble." Lumayo ako ng bahagya at inilabas ang susi ng kotse ko. "Hindi ko madadala yun kotse. Diretso kami sa sa ere. Sa'yo muna ito or ipapakuha ko na lang para ilipat bahay kung sakali."
"Ako nang bahala..." At inabot nito ang susi.
Tumayo na ako at tumayo din ito. Naglalakad ako sa direksyon palabas ay sinabayan ako ni Lyra. Nakayakap pa ito sa aking tabi. Inabot ni Kits ang duffel bag na ngayon at tuxedo na ang laman.
"Alis na ako." Paalam ko kay Lyra. Biglang humigpit lalo ang yakap nito. I bent my head para halikan ito sa ulo nito. Kasunod niyon ay tumingala ito at sinalubong ng halik ang aking labi. I gently kissed her.
"Okay? I love you." Paalam ko muli.
"I love you." She replied.
And then I left with a heavy feeling. Ang puso naiwan sa babaeng pinipilit magpakatatag maski alam kong nahihirapan ito.
LYRA
I saw the military car drive away. As I went back inside the house, my family kasama ang pamilya Cruz, I told them, "How will I get used to that? Just the other night we went to a funeral and met with a widow and orphan of a fallen soldier."
Doon na pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigil. Maricar approached and hugged me.