bc

Bycyclove

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
sex
one-night stand
playboy
bxg
campus
city
cheating
model
shy
Romantic-Suspense Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Sa bawat ikot ng gulong, sa bawat liko ng manibela, sa bawat padyak ng pedal, iba't-ibang destinasyon ang maaari mong marating. Parang oras, sa bawat patak ng segundo, bawat patak ng minuto, bawat patak ng oras, maraming maaaring mangyari at magbago. How a womanizer can be a person who's too much far from who he really is? Isang simple, matapang at prangka kung magsalitang babae, laban sa lalaking hindi marunong makuntento sa i-isang babae. How will they defend themselves from each other? Hmm???

A time keeper once said:

Riding on a bicycle, is also a riding on a huge clock. It's wheel is running, like how time runs.

-I am Horatia Forterra , The time keeper.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Walang hiya ka! 'wag mo akong hahawakan!" "Ano ka ba, ang ingay mo baka marinig ka ni Hora." "Hindi ka ba nag iisip Harold! ang bata pa ng anak natin!" "Patawarin mo ako, hindi ko sinasadya." "Hindi sinasadya?Naririnig mo ba ang sarili mo? Nakabuntis ka ng ibang babae! Tapos sasabihin mong hindi mo sinasadya?!" Mula sa siwang ng bukas na pintuan ng kwarto nina mama at papa ay rinig na rinig ko ang pag-aaway nila. Walang humpay sa pag-iyak si mama habang nakikipagtalo kay papa. "Hindi mo na ba kami mahal?" Naging maliit ang boses ni mama ng bigkasin niya iyon, magang maga na ang kanyang mga mata. Hindi nagsalita si papa at yumuko lamang ito. Hindi ko maintindihan, pero ang makitang umiiyak si mama ay sapat ng dahilan upang ako ay masaktan. "Uyy! Horatia! ano na?" nagulat ako ng nagsalita ang kaibigan ko sa aking tabi habang niyuyugyog ako. "Ha?" wala sa sariling tanong ko. "Ang sabi ko,kailan tayo mag e enroll!" Sigaw nito sa mukha ko. She rolled her eyes. I chuckled. Xyreen is my best friend, bukod sa kanya ay wala na akong ibang kaibigan. Kahit na magkaibigan ay salungat ang ugali naming dalawa. Xyreen is friendly and approachable, while I'm a tight-lipped person, madalas ay hindi ako nagsasalita at tahimik lang sa sulok. Mula ng naghiwalay si mama at papa dahil naka buntis ng iba si papa ay nag-iba ang ikot ng buhay ko. Kung dati ay masaya at makulay ito, ngayon ay parang lantang gulay na. Naging abala si mama sa opisina at si papa naman ay tumira sa kanyang bagong pamilya. "Bukas na siguro, tinatamad pa ako." Humikab ako pagkatapos magsalita. "Oh, bakit puyat ka na naman?" "Nasobrahan lang ng tulog." biro ko. "haha funny ka." she laughed sarcastically. Tumawa lang ako ng bahagya at hindi na nagsalita. "Siguro..." she said maliciously. "Ano?" hindi interisadong tanong ko. "Bumisita si Faxton sainyo no?"panunuya niya. Ngumisi ako. "Ano'ng ginawa niyo ng boyfriend mong hilaw?" Luminga linga ako sa paligid at ngumiti ng nakakaloko. "Dito ibubulong ko sayo, huwag kang maingay ha?" Agad siyang lumapit saakin, seryoso ang mukha at itinutok ang tenga sa aking bibig. "May sinabi ba akong nagpunta siya kagabi?" bulong ko sa kanya at muling ngumisi. Sinamaan niya ako ng tingin dahilan upang matawa na ako ng tuluyan. Uto uto talaga ang bruhang to. "Halika na nga at ngayon na tayo mag enroll, para maghapon nalang akong matutulog sa amin bukas." Mabilis kong pinulot sa upuan ang aking sling bag bago tumayo. "Ha? ngayon na? wait lang! mag retouch muna tayo!" aligaga niyang sabi, habang inaayos ang kanyang mga gamit. "Ang dami mong arte sa katawan." "Gaya mo ako sa'yo, nagmumukha ka ng gurang! mag ayos ka naman mukha ka ng tuyong kahoy!" Prangkang sabi niya. "Tuyong kahoy pero may boyfriend hindi katulad ng iba diyan." She glared at me angrily, I laughed before I went out of the coffee shop. Xyreen is beautiful and attractive, she is extremely good looking. Matangos ang ilong, manipis na labi at singkit na mga mata. May pagka payat ngunit maganda ang pangangatawan, she has a large bust, broad hips, and a small waist. Kaya hanggang ngayon ay nagtataka parin ako Kung bakit wala pa rin siyang boyfriend. Uhh well, she's tall. Sana all. Hindi naman ako maliit,sakto lang naman ang height ko para saakin. Si mama ang may ayaw ng height ko, baka raw hindi ako maka pasok sa larangan ng pag be-beauty queen. Not that I want to be a beauty queen, but if that makes my mom happy, why not. Naiinis itong sumunod sa akin. "Oh, akala ko bang mag re retouch kapa?" natatawa kong tanong nang pantayan niya ako sa paglalakad. Hindi niya ako nilingon. Hindi na ako kumibo dahil wala naman akong pake kung tahimik siya, mas pabor pa ako roon dahil naririndi na ako sa kaingayan niya. Habang naglalakad kami patungong parking lot ay tumingil siya sa paglalakad, napatingin ako sa kanyan. Nakatanaw ito sa matandang babae na naka pwesto malapit sa mga tiyangge. Lumingon ito sa akin at parang may gustong sabihin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tara punta tayo roon sa matanda." Yaya niya saakin. "Ha?anong gagawin natin doon?" "Gaga malamang mag papahula! manghuhula siya oh!" masaya nitong tugon. Muli akong napalingon sa matanda, ngayon ay naka lingon na ito sa amin. "Ano?Tara!" hinila niya ako papunta sa matanda. "Sandali nga." "Oh bakit nanaman?" Tila na iinis na saad niya. Aba attitude ang bruhang to ah. "Tinatamad ako, ikaw na lang." "Alam mo! wala ka talagang silbi! tara na dali" pagpupumilit niya. "Baka kulamin pa tayo niyan." Humalagapak siya ng tawa, kinunot ko lang ang aking noo. "Gaga ka ba, manghuhula yan hindi mambabarang!" Mas lumakas pa ang tawa niya. "Okay." Natigilan siya sa pag tawa. "Ano'ng okay?" "Inaaya mo ako diba?Tara." Mahinahon kong yaya sa kanya. "H-ha? O sige! tara." Tumatalon talon pa ito habang naglalakad kami papunta sa matanda. Nang makarating kami sa matanda ay nagmano na ito na parang matagal na silang magkakilala.Naki mano na rin ako kahit na hindi ko naman siya kilala. "Hi lola! natatandaan niyo po ba ako?" Masaya nito tugon sa matanda. "Mag ka kilala kayo?" Hindi ko napigilan ang mag tanong. "H-ha?" Parang litong tanong niya. Inilipat ko ang tingin ko sa kamay niya na naka akay sa matanda. Nakita niya iyon at mabilis na inalis ang kamay bago lumayo sa matanda na parang nandidiri. "H-hindi ah!" Natatawa pa nitong sabi. "Ngayon ko pa lang siya nakita! Alam mo naman ako feeling close haha." she laughed awkwardly. "Bilisan mo na at mag pahula kana, sayang ang oras." "Ano'ng ako lang? pati ikaw!" bumaling ito sa matanda. "Ah lola mag papahula po kami." Napatingin sa akin ang matanda, animo'y kinikilatis ako. Umubo ako ng bahagya dahilan upang matauhan ito at inilipat ang tingin kay Xyreen. "Hija umupo muna kayo." Turo niya sa dalawang upuan sa harap niya. Nang mapatingin ako sa kwadradong mesa ay may mga baraha na nakalagay roon. "Sino ang mauuna sa inyo?" Tanong pa nito. "Ah! lola ako na ho." Masayang wika ni Xyreen. "Sige hija, ilapag mo rito sa mesa ang kamay mo.". Masayang sinunod ng kaibigan ko iyon. Hinawakan ng matanda ang pulsuhan ni Xyreen at ipinikit ang mga mata. Nang napatingin ako sa kaibigan ko ay nakita kong malawak ang ngiti nito na tila ba nag e-enjoy pa. I sighed out of boredom. Narinig yata iyon ng matanda kaya iminulat niya ang kanyang mga mata at napatingin sa akin. Bigla akong kinabahan. "Ano po ang sunod la?" bibong tanong ni Xyreen. Nawala ang paningin niya sa akin dahilan upang makahinga ako muli ng maluwag. "Pumili ka na sa mga baraha." anito ang ngumiti. Sinunod lahat ni Xyreen ang utos ng matanda at mabilis niya itong nahulaan. "Magiging successful ka balang araw hija, mag kakaroon ng dalawang anak, mag kakaroon ka ng magandang trabaho at makakapag patayo ng malaking bahay, higit sa lahat ay magkakaroon ka ng mabait na asawa." Saad nito dahilan upang mapangiti ang kaibigan ko sa tuwa. Namangha ako sa mga sinabi niya kaya naka ramdam ako ng kaunting excitement. "Ikaw naman,dali!" Ginaya ko lahat ng ginawa ni Xyreen at mabilis itong natapos. Napatingin ako sa matanda na animo'y nahihirapan magsalita. "Ano po lola? ganon din ba kagaya saakin?!" Singit ni Xyreen. "Hija... Magiging successful ka rin kagaya ng kaibigan mo ngunit hindi ka na mag kaka anak." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "H-ho?" Naguguluhang tanong ko. "May sakit kaba hija? Ang sabi sa hula ko ay hindi ka na raw mag kaka anak, subukan mong magpa tingin sa doctor kung may koplikasyon ka." My heart started pounding. Hindi ko alam pero kinabahan ako, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya at naguguluhan ako. "Xyreen tara na." Saad ko at nag simula ng maglakad papuntang parking lot. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ng matanda, sigurado ako na nagsisinungaling lang siya, imposible naman na mahulaan niya ang hinaharap. "Hora! hintayin mo ako!" hindi ko siya nilingon, sumakay na ako sa sasakyan at doon na lang siya hinintay. "Grabe! ang saya ko! ang ganda ng hula sa akin ng matanda!" Masayang bungad niya ng makapasok ito sa sasakyan. "Hindi ka naman sigurado kung totoo ang mga sinabi niya kanina." "Panira ka naman e! pero... ang sabi niya hindi ka na raw magkaka anak." Tumingin lang ako sa kanya. "Bahala na,hindi naman totoo yon." "Paano kung totoo?" "Edi totoo." "Ha! Mag pa check up ka kaya?" " 'Wag na." "Pakiramdam ko talaga totoo." pagkukumbinsi niya sa akin. "Bakit ba pinagpipilitan mo?" naubusan na pasensiyang tanong ko. "Wala namang mawawala kung mag pa tingin ka sa doctor Hora." Parang nagtatampong giit niya. "Fine,mag pa enroll muna tayo." "Talaga?!" Nagulat ako sa tono ng pananalita niya. "I mean, talaga bang naniniwala ka?" "Aba bruhang to, kanina lang pinipilit mo ako." "Joke lang sige mabuti pa at magpa check up kana at nang magka alaman na." she smirked. Umiling lamang ako at binuhay na ang makina ng sasakyan. Habang nasa byahe ay pakanta kanta pa si Xyreen at hanggang tenga ang ngiti. Narating namin ang Histo Real North University ng sampung minuto lang. Pumasok kami sa loob at nag fill up na para maka pag enroll. Last year na namin sa college ngayon, ka batch ko si Xyreen at madalas pa na magkaklase kami kaya mas napalapit na kami sa isa't isa. Pagkatapos mag enroll ay dumiretso muna kami sa cafeteria dahil nagugutom na naman ang bruha, bukas ang cafeteria kahit na walang pasok dahil may mga ibang estudyante na nag sa-summer class. Nadatnan namin sina Tania na kumakain hindi kalayuan sa inokyupa naming upuan ni Xyreen. "Uy! nandito pala sina Tania, tara!" Napadausdos na lang ako ng hilahin ni Xyreen papunta sa grupo nina Tania. Madalas ko silang nakikita dito sa campus, ka batch din namin sila pero hindi pa kami nagsama sa iisang section. Ang laki at ang saya ng grupo nila, may mga lalaki din silang kasama, isang bagay na hindi ko pa naranasan, ang mapasali sa isang malaking grupo ng magkakaibigan dahil si Xyreen lang naman ang palagi kong kasama,minsan ay napapaisip din ako kung ano kaya ang pakiramdam ng mapabilang sa kanila. "Ha?ikaw nalang nahihiya ako." "Ano kaba wala ka namang hiya!Tara na." tuluyan na nga namin narating ang magkakaibigan. "Hi!" palakaibigan na bati ni Xyreen. "Oh hi, miss beautiful." Ngisi ng lalaki na agad tumayo at dinaluhan ang kaibigan ko. "Syempre bida na naman si Tim, basta babae ang usapan." Mapanuyang sabi ni Solana habang umiiling iling. Sinamaan lang siya ng tingin ni Tim at muling bumaling kay Xyreen, mukhang type niya ang kaibigan ko. "Ah Xy o-order lang ako ng pagkain natin." Mahinang bulong ko sa kaibigan ko. Napabaling saakin si Tim,mukhang narinig niya ako. Kilala siya rito sa campus bilang isang babaerong lalake, walang pinapalagpas na babae, lahat yata ng kaklase nyang babae ay naging girlfriend na niya. He's handsome of course,kaya nga habulin ng babae eh, he's tall and well built, ang matangos niyang ilong ay bumagay sa kanyang mapula at manipis na labi, ang ganda ng mga mata pero madilim ang tingin niya at, oh wait bakit ko ba siya dine-describe, nevermind. "Sige bilisan mo ah, ipapakilala kita sakanila." Tumango lamang ako at iniwan na sila roon upang makabili na ng pagkain. "Oh heto na pala siya,. dalian mo ang bagal mo!" sigaw niya ng nakitang papalapit na ako sa kanya. Inilapag ko ang tray na may pagkain sa mesa at umupo sa tabi ni Xyreen. "Guys this is Horatia,my bestfriend." Nahihiya akong naglahad ng kamay sa kanila isa Isa habang nagpapakilala sila sa akin. Mabait sila at masiyahin makikita mo iyon sa kanila. "Nasan na ba si Tim." luminga linga si Tania at natanaw niya ang kaibigan na may kausap na babae sa hindi kalayuan. "Gagong yan babae na naman ang inaatupag." Natatawang sambit ni Solana. Natawa silang lahat maliban sa akin, wala namang nakakatawa. "Ano kaba makisakay ka naman sa biro nila." bulong saakin ng kaibigan ko. "Hindi naman biro iyon,nagsasabi siya ng totoo." bulong ko pabalik. Inirapan niya lang ako. "Pasensiya na kayo at mahiyain itong si Horatia." Sambit ni Xyreen. "Mukha nga." Ani Lash. Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang pinag-uusapan nila ako. Walang pakialam. "Tara na." Muling bulong ko kay Xyreen. "Maya na, nagmamadali ka naman eh." "Mag pa pa check up pa ako hindi ba?" "Ay! oo nga pala,tara tara." Dali dali itong napatayo kaya napatingin sa kanya ang mag kakaibigan. "Ah aalis na kami mag papa check up pa kasi itong kaibigan ko." "Ganon ba, o sige mag ingat kayo ha."  sambit ni Tania. Palabas na kami ng eskwelahan nang makasalubong namin si Tim, may kasama siyang babae at naka akbay pa ito sa kanya. Napatingin ito sa amin, sa akin, tapos ay ngumiti ito bago nagpatuloy sa paglalakad. "Hora ako na ang mag mamaneho para maka pag pahinga ka." nagulat ako sa pag boboluntaryo ng aking kaibigan. "Bahala ka." "May kakilala akong magaling na doctor, doon ka nalang mag pa check up." "Sige." "Matulog ka muna sa byahe dahil kalhating oras bago natin marating iyon." "Oo na." Natulog ako sa byahe at hindi na inalala ang sinabi ng matanda. Aaminin kong kinakabahan ako na baka tama ang hula niya sa akin,babae ako,gusto ko rin magka anak at pamilya balang araw kaya hindi ko maitanggi na binabagabag ang kalooban ko nito. Naalimpungatan ako ng naramdaman kong tumigil na ang aming sasakyan at narinig na nagsasalita si Xyreen. "Sige ayusin mo." Iyon ang huling narinig ko dahil binaba na niya ang linya. Gulat itong napa baling saakin. "Oh gising kana pala,tamang tama at nandito na tayo." "Sino yung kausap mo?" pambabalewala ko sa sinabi niya. "Ah si Nonong inutusan kong linisin ang mga guest room, darating kase si tita galing ng ibang bansa. Tara na." Tumango lamang ako at lumabas na. Isang maliit ngunit eleganteng clinic ang pinasukan namin. Nang buksan ni Xyreen ang pintuan ay tumambad sa amin ang lalaking naka upo sa harap ng mesa. Naka uniporme ito ng pang doctor at may suot na salamin. Gwapo siya, sa tingin ko ay matanda lamang ng ilang taon sa amin ng kaibigan ko. "Hi Clarence!" Maingay na bati ni Xyreen. Ngumiti ito sakanya at bumaling sa akin, nginitian nya rin ako kaya tipid akong ngumiti ng pilit. "Maupo kayo." Propesiyonal na saad niya. "Heto nga pala si Horatia kaibigan ko, Horatia so Clarence." Naglahad ito ng kamay kaya tinanggap ko iyon. "Uh doc,hindi na kami mag papaligoy ligoy pa." Hindi ko napigilan ang sarili dahil naiinip na ako. "Ah oo! mag pa pa check up sana siya Rence kung may koplikasyon ba siya sa katawan at kung may chance pa na mabuntis siya." Tumitig ito sa akin,parang may sinasabi ang kanyang mga mata ngunit binalewala ko iyon. "Maaari na ba tayong mag simula?" walang prenong tanong ko. "S-sure!" aniya. "Hora sa labas lang ako at bibili ako ng makakain." Tinanguan ko nalang siya at tinatamad na akong mag salita. Nang lumabas si Xyreen ay namayapa ang katahimikan sa aming dalawa. Habang naka tingin ito sa akin ay parang kinakabisado niya ang bawat sulok ng aking mukha,kinunot ko ang aking noo ng hindi parin ito nag sasalita. "Sigurado ka ba na mag papatingin ka?" "Pupunta ba ako dito kung hindi?" Kumibot ang gilid ng kanyang labi bago tumango at nagsulat sa papel. Nagsimula na itong magtanong sa akin ng kung anu-ano,may mga isinagawa rin itong test sa akin. Sampung minuto ang nakaraan ng bumalik si Xyreen. Masaya parin ito at may dala-dalang paper bag na hula ko ay pagkain ang laman. "Tapos na ba dok?" Masayang bungad nito. Bumuntong hininga lamang si doc Clarence bago tumango. Parang binundol ang puso ko sa kaba kaya hindi ako maka pakali sa inuupuan ko. "Ano? May chance pa ba na mabuntis siya?"Excited na saad niya. He tilted his head before he look at me, napatitig akong muli sa kanya at kinunot ang aking noo. "Ehem.." Pagpaparinig ni Xyreen kaya pareho kaming napa baling sa kanya. "Mamaya na kayo maglandian, gusto ko munang malaman ang resulta." Aniya na lalong nagpakunot ng aking noo. Nagtiim bagang si doc Clarence bago napagpasyahang magsalita. "Base sa mga test na isinagawa ko... malinaw ang resulta rito na... hindi kana magkaka anak." Nag iwas ito ng tingin pagkatapos magsalita. Namanhid ang buong katawan ko at parang biniyak ang aking puso, walang pasintabing bumagsak ang aking mga luha. Parang nanghina ako bigla.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook