Naluluha kong marahang hinahaplos ang pisngi ng asawa kong mahimbing ng natutulog. Mababakas ang pagod at lungkot sa gwapong mukha nito. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagdating ni Raeven dito sa Pinas. Sa sobrang tuwa kong nakita itong muli ay nasagot ko ito at nawala sa isip na kasal na pala ako! Masaya kaming nagkukwentuhan na siya namang dating ni Typhoon. Gumuhit ang poot sa nangungusap niyang mga mata pagkakita sa amin ni Raeven. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng kanyang mga luha bago tumalikod sa amin at pumanhik ng hagdanan. Parang sinundot ako ng konsensya ko lalo't naipakilala ko ito kay Raeven bilang personal bodyguard ko! Alam kong nasaktan ko ito, pero hindi ko rin naman kayang saktan si Raeven. Dahil sa kanilang dalawa si Raeven ang mahal ko, kahit pa

