"Uhmm..." Nangangalay ang buong katawan ko at hindi ko manlang maigalaw ang mga kamay ko. "Kuya..." Unti-unti akong napadilat ng aking mga mata at bumungad sa paningin ko ang nakakasilaw na liwanag sa puting kisame. "Kuya, kumustang pakiramdam mo?" "May sumasakit ba sayo, Kuya?" Magkasunod na tanong ng dalawang taong nasa tabi kong nakatunghay sa akin. Napangiti ako at tumango lang sa mga ito ng makilalang ang mga nakababata kong kapatid. Nangilid ang luha sa kanilang mga mata at sabay akong niyakap ng napakahigpit! "Kuya naman pinag-alala mo kami." Humihikbing saad ng bunso naming si Rainy. "Tahan na Ulan, ang mahalaga ay ligtas na si Kuya sa panganib." Pag-aalo ni Cloudy at sabay nagpahid ng mga luha. "Okay lang ako. Salamat sainyo." Iginala ko ang paningin sa paligid ng k

