"What is the meaning of this?!"
Napabalikwas ako sa kama sa dumagundong sigaw ni Tita Liezel sa aming kwarto!
Pupungas-pungas ang katabi kong napaupo at naniningkit ang mga matang iginiya ang paningin sa silid.
Napalunok ako sa nakikitang galit sa mga mata ni Tita.
Para itong bulkang sasabog!
Kung nakamamatay lang ang
napakatalim niyang pagtitig na iginagawad sa anak ay kanina pa ito bumulagta!
"Let's talk outside."
Mahinahon pero may kariinan nitong saad sa amin bago pabalang isinara ang pinto.
"Sh*t!"
Napalingon ako kay Catrione ng mapamura ito ng malutong at napapasabunot sa kanyang buhok!
Kitang frustrated ito sa nangyayari at hindi ko mapigilang masaktan!
Mukha nga'ng wala siya sa katinuan kagabi pero nagpadala pa rin ako sa bugso at init ng aming damdamin at ngayo'y haharapin na namin ang pamilya niya.
"I'll just take a shower first."
Malamig nitong saad bago bumangon sa kama ng hubot-hubad at nagtungo sa banyo!
Napabuntong- hininga na lang ako ng malalim sa inasta nito.
Ginusto mo 'to Bagyo!
Panindigan mo!
Singhal ko sa sarili.
Bumangon na ako at isa-isang isinuot ang mga nagkalat kong damit sa sahig.
Nauna na akong lumabas ng kwarto nito at nagtungo sa kwartong nakalaan sa akin.
Naligo ako at inayos ang sarili bago lumabas at nagtungo sa cottage na kinaroroonan ng buong pamilya Montereal.
Naabutan kong nandito na lahat maliban kay Catrione.
Tahimik ang mga ito pero ramdam ko ang matiim nilang pagtitig sa akin.
Nakayuko lang ako at 'di kayang salubungin ang matiim nilang pagtitig.
Marahil nasabi na ni Tita Liezel ang naabutan sa kwarto ng anak.
"Ahemm!"
Tumikhim si Tito Cedric na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan.
Nanatili akong nakayuko sa tabi ng nakababata kong kapatid na si Cloudy.
"Typhoon, hijo."
Nanlamig ang buong katawan ko sa pagtawag nito sa pangalan ko.
Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa kanila.
Nakangiti na ang mga ito pero may bahid pa rin ng lungkot sa kanilang mga mata.
Napalunok ako at pilit ngumiti kahit pakiramdam ko'y nangangatal na rin ang aking mga labi.
"There you are kitty,
ang tagal mong maligo."
Ani Khiranz sa kararating na kapatid.
Naupo ito sa tabi ko dahil wala ng bakanteng mauupuan nito.
"Binilisan ko na nga eh."
Nayayamot nitong sagot.
Samantalang napakatalim na tingin ang iginagawad ni Cathleen dito.
Tila marami itong gustong sabihin na dinadaan sa matiim niyang pagtitig sa kakambal.
"Ngayong nandito na ang lahat, p'wede na nating pag-usapan ang mga bagay-bagay."
Paninimula ni Tito Cedric.
Bumuntong- hininga ito ng malalim na tila problemado at may bahid ng lungkot ang mga matang tumitig sa akin at kay Catrione.
"Typhoon, Catrione. Napag-usapan na namin ng Mommy at mga kapatid niyo na ipakasal na kayo sa lalong madaling panahon."
Tila lumukso sa gulat at saya ang puso ko sa sinaad nito!
Pero kabaliktaran kay Catrione na napatayo at nahampas ang mesang kaharap namin!
"No way Dad! We're not even in a relationship!"
Mga katagang binitawan nito na nagmistulang mga kutsilyong tumarak sa puso ko!
Bakas sa tono nito ang galit at pagkairita.
Nangilid ang mga luha ko na kaagad kong pinunasan.
Mapait akong ngumiti at pilit pinapakalma ang puso kong tila nakikipagkarerahan na sa sobrang bilis ng pagtibok nito!
"Eh 'di sana naisip mo 'yan bago ka bumukaka kay Typhoon!"
Napapitlag ako sa pagbulyaw ni Cathleen dito sabay duro!
Natigilan kaming lahat sa pagbulyaw nitong tila galit na galit!
"I was drunk."
May kadiinang sagot ni Catrione na nagpahalakhak dito.
'Yung halakhak na hindi natutuwa kundi nang-uuyam!
"F*ck that alibi!
Ginusto mo!
'Ke lasing ka,
o hindi, alam mo 'yan!
Mararamdaman mo 'yan!"
"Ano?
Ginahasa ka ni Typhoon gano'n?
Pinilit ka?
Inakit ka?
Tsk f*ck you!"
Natahimik kaming lahat sa tono nitong may kadiinang pang-uuyam at galit kay Catrione!
Hindi ako makapag-salita sa mga isinaad nito.
Lalong nagkarambulan ang pagtibok ng puso kong nakabibingi na sa pandinig ko!
Nangatog bigla ang mga tuhod ko na marahang tinapik ni Cloudy.
"Relax Kuya.
Hindi naman sila galit sayo."
Mahinang bulong nito.
Nakahinga ako ng maluwag na malamang hindi sila galit sa akin.
Sa nangyari sa amin ni Catrione.
"You always have a choice Catrione."
Mahinahon at humihikbing saad nito.
"This is not our plan.
You betrayed me."
Napailing-iling itong matiim na nakatitig sa lumuluha na ring si Catrione.
"Sis, no. I swear..."
Akmang lalapitan niya ito pero umiling itong itinaas ang kamay na tila pinapatigil itong h'wag lumapit.
"Masaya ka na ba?
Ipapakasal na nila kayo.
Whether you like it, or not."
"Cathleen!"
Panabay nilang tawag ng tumakbo ito palabas ng cottage.
"Ako ng bahala sa kanya."
Ani Khiro at sinundan ang kakambal.
Nanghihinang napaupo si Catrione sa tabi ko na patuloy pa ring lumuluha.
Para akong kinukurot sa puso na lumuluha ito ng dahil sa kagagawan ko.
Napabuntong- hininga muli si Tito Cedric bago kami binalingan.
"Typhoon, alam kong hindi ito madali sayo hijo.
Pero hindi ako papayag na maagrabyado ang sino man sa mga anak ko."
Seryosong saad nito at muling napabuntong- hininga ng malalim.
Muli akong nilukob ng kaba sa isinaad nito.
"Pakasalan mo ang anak ko."
Tila musikang nag -eecho sa pandinig ko ang huling sinaad nito.
Mahinahon.
May kadiinan at bakas ang kaseryosohan sa tono nito.
Kung gaano kasaya ang puso ko sa narinig,
Kabaliktaran naman kay Catrione.
Muli itong napatayo at marahas na nahampas ang mesa!
"What?!
No way!"
Frustrated nitong bulyaw na nagpatahimik sa aming lahat.
"That's final.
Whether you agree or not."
Pinal na pahayag ni Tita Liezel.
Napailing ito at marahas na napabuga ng hangin!
Tila nahihibang itong 'di makapaniwala sa mga narinig sa magulang.
"Ano?
Tatahimik ka na lang ba?"
Baling nito sa akin na bakas ang pagkairita.
"Comm'on, Ty?!
Hindi tayo nagmamahalan para pumayag na ipakasal tayo!"
Tumulo ang mga luha ko sa mga narinig dito.
Alam ko namang hindi niya ako mahal.
At hindi ako ang nababagay sa kanya. Pero mas masakit palang marinig ito mismo sa taong minamahal mo ng sobra-sobra.
Nagpahid ako ng luha at tumayo na rin.
Buong tapang kong sinalubong ang mga mata ng pamilya nitong matiim na nakatitig sa akin.
Pilit akong ngumiti sa kanila na ginantihan din nila ng isang pilit na ngiti.
"H'wag po kayong mag-alala.
Tito, Tita.
Paninindigan ko po ang anak niyo.
Kung 'yan ang magpapagaan ng loob niyo hindi po ako tututol pakasan siya."
Tumango ang mga ito at muling ngumiti.
"Are you out of your mind?!"
Singhal ni Catrione sa akin.
Mapait akong ngumiti at hinila na ito sa kamay palabas ng cottage.
Nagpatianod lang ito at tahimik na nagtungo sa gilid ng pampang.
Pum'westo kami sa gawi na may mga duyang ratan na nakakabit sa mga puno ng niyog dito sa gilid ng dalampasigan.
Iginiya ko itong umupo sa duyan na pangdalawahan.
Tahimik lang naman ito ng umupo ako paharap sa kanya.
"Don't do this.
I'm begging you."
Seryosong saad nito at muling nanubig ang mga matang matiim na nakatitig sa mga mata ko.
Napa-iwas ako ng tingin dahil sa guilt na nararamdaman ko.
"Sumunod na lang tayo.
Hindi ko kayang suwayin ang mga magulang mo."
Umiling-iling ito habang matiim pa ring nakatitig sa akin.
"Why are you doing this?
Do you like me?"
Nanigas ako sa kinauupuan at wala sa sariling napatango ako.
Mapakla itong natawa at nagpahid ng mga mata.
"Hindi ka magiging masaya sa piling ko."
Tila batong bumukil sa lalamunan ko ang diretsahan saad nito.
Pilit akong ngumiti dito at sinalubong ang mga mata nitong nakatitig lang sa akin.
"Magtitiis ako.
Nakahanda akong magtiis kung 'yon ang kinakailangan Catrione."
Malungkot ang mga mata nitong tumitig sa akin. Para akong malulusaw sa paraan ng ginagawad nitong taimtim na pagtitig.
"May iba na akong gusto.
At siya ang gusto kong mapangasawa Typhoon.
Wala kang maaasahan sa akin.
May lalake ng nagmamay-ari ng puso ko.
Oo ikaw ang unang nakahalik at naikama ko pero.
Typhoon wala akong espesyal na nararamdaman sayo.
Yes hinahangaan kita,
sa pag-uugali, tindig at itsura.
Pero pag boyfriend material na ang pag-uusapan.
Hindi kita gusto.
Lalo na ang mapangasawa pa kaya."
Para akong sinasaksak sa katagang binitawan nito.
Lubog na lubog na ako sa pagkakapahiya pero,
gusto ko pa ring ilaban ang sarili ko.
Ayaw kong sayangin ang pagkakataong maging akin na siya habang-buhay.
Nakahanda kong tiisin ang lahat.
H'wag lang siyang mawala sa akin.
Humawak ito sa mga kamay ko at nagsusumamong tumingin sa akin ang mga nangungusap niyang mga mata.
"Pareho lang tayong mahihirapan at masasaktan pag pumayag tayo sa kasal sinasabi nila."
"Isa pa Ty,
gustong- gusto ka ni Cathleen.
Siya na lang Ty, h'wag ako. Masasaktan ko lang kayo ni Cathleen pag ipinilit natin 'to."
Umiling ako kasabay ng pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Pero ikaw ang gusto ko.
Matututunan mo rin akong mahalin.
Kung hahayaan mo lang akong makapasok sa puso mo.
Gagawin ko ang lahat magustuhan mo lang ako.
Oo hindi ako mayaman, simpleng tao lang ako. Pero malinis ang intention ko sayo. Ang pagmamahal ko sayo.
Wala akong ibang hihingin sayo kundi ang hayaan mo akong mahalin ka.
Hayaan mo akong pagsilbihan ka.
Hayaan mo ako sa tabi mo, kahit hindi mo na ako ibilang na asawa okay lang.
Maiintindihan kita."
"Pumayag ka na Catrione.
Magpakasal na tayo.
Hindi ko pakiki-alamanan ang buhay mo.
Basta pumayag ka lang.
Pumayag kang magpakasal na tayo."
Mariin itong napapikit at isinandal ang katawan sa duyang kinauupuan namin.
Matagal kaming natahimik habang ito'y nakapikit at ako nama'y malungkot na pinakatititigan ang mukha nito.
Malalim itong napabuntong- hininga bago iminulat ang mga mata.
"Fine.
Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sayo Typhoon.
Wala kang aasahang ni katiting na pagmamahal sa akin."
"And one more thing.
Tanging pamilya lang natin ang makaka-alam na magpapakasal tayo.
Wala kang ibang pagsasabihang asawa mo ako.
Kaibigan mo man, o mga katrabaho."
Malamig pa sa yelong pagsang-ayon nito.