SERENITY
"Hanggang ngayon ba ay dinadalaw ka pa rin ng masasamang panaginip?" Hindi ako nagsalita bagkus kinuha ko na lang ang isang basong hawak niya.
"Yes, Ama," My voice was shaking as I answered Ama. Ilang taon na ang nakalipas ngunit hinahabol pa rin ako ng masasamang panaginip. Hindi ko alam kung parte ba ng nakaraan ko ang masasamang panaginip ko o likha lamang ng malikot kong utak. The hell, I'm not afraid of my dreams but I'm curious if they're all true.
"That's what I'm telling you, don't watch scary movies especially at night. 'Yan tuloy palagi kang nanaginip ng kung ano-ano," Ama said shaking her head. Gustong-gusto kong manuod ng palabas na sobrang gore. Mas na-e-excite akong panuorin ang mga biktimang nagmamakaawa para sa buhay nila. Sometimes I imagine myself happily stabbing someone's body with a sharp knife. Ano kaya ang pakiramdam? Ano kaya ang lasa ng karne ng tao? I closed my eyes tightly to get rid of the bad thoughts that entered my dirty brain.
"Don't worry because dreams are usually not real and sometimes just created by our mischievous minds," she said again. I smiled at Ama and thanked her.
"Bumangon ka na riyan at baka malate ka pa sa una mong klase," she said, it helped me stand up in bed. Ama is the person who adopted me when my parents died. It's just surprising because I don't even remember anything about my real parents, what they looked like. If they were nice to me. Ngunit si Ama na ang tumayong ina at ama ko kaya kahit papaano ay masaya na ako. Her name is Ama and not a Father as you think. Ayaw niyang matawag siyang Mama or what, gusto niyang tawagin siya sa pangalan lang daw niya dahil cool daw. That's why I called her Ama instead of Mama or Mommy.
Pababa na ako sa hagdanan ng makita ko ang isang tao na nasa baba. Naka-upo ito na parang pagmamay-ari niya ang lahat. I hate him! His so arrogant and ayoko sa lahat ang pagiging possessive niya sa lahat ng bagay. Gusto niya siya palagi ang masusunod. I rolled my eyes when he looked at me.
"Good morning, Isabelle." Tumaas ang kilay ko na nilagpasan ito. Masama ang ugali ko then I don't care. Narinig ko ang pagbuga ng hangin nito bago sumunod sa akin, halatang nagtitimpi sa inasal ko.
"Mabuti naman pala at nandito ka na Wilson at ng masabi mo na dito sa anak ko ang plano mo." Kaagad na sumalubong sa amin si Ama na malawak ang ngiti.
"Good morning, Ama. Pasensiya ka na kanina hindi kita nabati ng good morning..." Ama held my hand softly and she kissed my forehead.
"I understand, Darling. Umupo ka na at para makakain ka na, ikaw din Doc." Pinaghila pa ako ni Ama ng upuan kaya wala akong nagawa kung hindi ay umupo. Wala akong ganang kumain dahil narito ngayon ang annoying kong Doctor but I don't have any choice. Ayokong malungkot o mag-alala sa akin si Ama, lalo na at big deal sa kaniya ang mga pagkain. Baka isipin niya ay hindi ko gusto ang mga hinain niya.
"Thanks for the food, Ama," I said in melodious voice. Nang dumako ang tingin ko sa Doctor na kaharap ko ay kaagad na tumaas ang kilay ko.
"Hindi ka po ba kakain, Ama?" Tanong ko kay Ama at hindi ko na lamang pinansin ang mariin na tingin sa akin ng Doctor. Naiinis kasi ako dahil kung makatingin ito sa akin ay parang may ginagawa palagi akong masama. Isa rin sa kinaiinisan ko ay gusto kong tusukin ang mga mata niya ngunit hindi ko magawa.
"Kakatapos ko lang kumain. Maiiwan ko muna kayong dalawa dahil may inaasikaso pa ako sa likod bahay." Nagpa-alam din ito sa Doctor na kaharap ko.
Nang makaalis si Ama ay nagsalita naman si Wilson. Mas matanda ito sa akin ng walong taon at minsan nakakapikon na palagi ang pagiging over protective nito na dinaig pa si Ama.
"Ama told me that you have been having nightmares for several nights. And you almost killed Nanay Pinang dahil sa paglalakad mo ng tulog. Are you taking your medicine?" Huminga muna ito ng malalim bago pinagpatuloy ang pagsasalita, and me? Wala akong paki sa mga sinasabi niya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ayokong uminom ng gamot dahil pakiramdam ko ay may malala akong karamdaman na kahit kailan hindi na magagamot. Yeah, last time I almost killed Nanang Pinang dahil sa paglalakad ko ng tulog. Hinabol ko raw siya ng kutsilyo and nasaksak ko siya sa balikat. Hindi ko naman alam ang mga ginagawa ko lalo na kung tulog ako. Ilang beses na akong humingi ng sorry kay Nanang Pinang at pinatawad niya rin naman ako, but I know sorry is not enough. Pansamantala na nagpapahinga si Nanang Pinang sa province nila and I wonder kng pababalikin pa siya ng family niya sa amin lalo at kamuntik ko na itong mapatay. Siguro ay ako na lang ang bibisita kay Nanang Pinang. Si Nanang Pinang at Ama lang ang dalawang taong pinakamahalaga sa akin at ayokong mawala sila sa akin dahil baka hindi ko kayanin kapag nawala sila sa akin.
"Hindi," maikli kong sagot. "Ayoko ng uminom ng gamot, palaging sumasakit ang ulo ko. Nasusuka rin ako sa umaga," reklamo kong saad.
"But you need that so you don't get visited by bad dreams, and so you can avoid walking while sleeping. Lalo na ang makapanakit ka ng mga kasamahan mo sa tahanan na ito. Paano na lang kung si Ama ang nasaktan mo? O ang sarili mo..." My face immediately lifted. I stopped eating because of what he said. I can't forgive myself if I hurt Ama. I've been taking medicine for almost a few years, and until now they say it's to get rid of my bad dreams and sleepwalking. Sa tingin ko ay mayroon pang malalim na dahilan kung bakit nila ako pinipilit na uminom ng gamot.
"Fine, iinom na ako ng gamot para sa kaligtasan ng mga tao sa bahay at para sa kaligtasan ko," pagsuko kong sabi.
"Good, one more thing. Hindi ko alam kung magiging masaya ka sa sasabihin ko..." Tumaas ang isa kong kilay at inilapag ang kubyertos.
Isa sa hindi ko maipagkakaila na sobrang guwapo talaga nitong si Wilson. Palagi pang mabango na nakakadagdag sa kaguwapohan nito. He is a half spanish and half filipino kaya maganda ang lahi. Matangkad, matangos ang ilong, may katamtamang hugis na labi at namumula-mula pa. Sobrang kinis ng mukha na parang hindi man lang nadapuan ng kahit katiting na dumi. Even though he is wearing a thick white T-shirt, his bulging muscles on his body are still visible. Kaagad akong yumuko upang hindi nito mahuli na kanina pa ako nakatingin sa katawan niya.
"Alam mo naman na magiging masaya lang ako kung hindi na ikaw ang Doctor ko," kaagad kong sabi, ngunit pinaningkitan lang ako nito ng mga mata at sabay tawa ng mahina.
"I know, kaya tinupad ko na ang hiling mo." My jaw dropped when I heard it. Ibig sabihin ay hindi ko na siya magiging Doctor? Magiging masaya ba ako kung hindi ko na siya magiging doctor? Of course yes!
"Ha?" Tanong ko, baka kasi iba lang pagkaintindi ko.
"This is my last day as your doctor. And I hope you will be kind and obedient to your new doctor," kalmado nitong sabi sa akin.
"Why? I mean bakit ka aalis? Bakit ngayon pa?" Sa dalawampu't dalawa kong naging doctor ay si Wilson lang ang nagtagal sa ugali ko. Inangat nito ang kamay sa ere at kaagad kong napansin ang singsing roon. Bumagsak ang balikat ko dahil sa inis. May kung anong emosyon na lumukob sa dibdib ko pero kaagad ko naman iyon winaksi. Masaya ako kasi wala ng magbabantay sa akin pero nag-aalala ako para sa magiging sunod kung doctor maybe maging masunurin na ako palagi, para hindi na ako pabantayan ni Ama kahit sa school. Ito na ang huling taon ko bilang isang college. Kapag nakapagtapos na ako sa College ay gusto ko kaagad na mag-apply bilang isang guro. Gusto kong turuan ang mga bata.
"Goodluck and congratulation then," labas sa ilong kong bati sa kaniya. Gusto ko sana itong asarin ngunit wala na ako sa mood dahil sa biglaan nitong anunsyo na pagpapakasal at hindi na magiging doctor ko. Sino kaya ang babaeng magpapakasal kay Wilson, hays kawawa naman siya lalo na sa sama ng ugali ni Wilson. Nawa ay hindi sila magtagal.
"Malakas ang pakiramdam ko na sinusumpa mo ako ngayon," natatawa nitong saad matapos nitong mainom ang barakong kape. Ano kaya ang lasa ng kape? Hindi kasi nila ako pinapainom ng kape at palagi na lang akong gatas, tubig at kung juice man ay kialangan fresh juice ang pinapainom nila sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay at inikutan ng mata. Pagkatapos ay hindi na ako nagsalita pa, kung may tanong man ito ay tanging tango at iling lang ang nagiging sagot ko.
Nang matapos akong kumain ay kaagad ko ng inayos ang sarili ko. Ang sabi kasi ni Ama ay ngayon ko din makikilala ang bago kong doctor s***h bodyguard s***h yaya. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang sweldo ni Ama kay Wilson dahil sa dami ng trabaho nito, siguro ay malaki nga. Ama is super rich sa lahat ng family niya. And ang ibang relative naman ni Ama ay ayaw nila sa akin. Wala naman akong pakialam kung ayaw nila sa akin dahil ayoko rin naman sa kanila.
Kanina ay nagpaalam na sa akin si Wilson, inabot pa nito ang invitation card sa akin. Hindi ko na binuksan kasi ayokong magsayang ng oras at lakas para alamin kung sino ang napangasawa niya. Basta ang hiling ko lang sa kanila ay huwag sanang magtagal ang relasyon nila.
"Kanina ko pa napapansin na masama ang timpla ng mukha mo, dahil ba iyon kay Will?" Napatingin ako kay Ama na ngayon ay nakaupo na pala sa tabi ko. Bukod kay Wilson ay kanina pa ako naghihitay sa lalaking magiging doctor s***h bodyguard ko. Late na siya ng 10 minutes pero hanggang ngayon ay wala pa siya. 15 minutes na lang ay magsisimula na ang unang klase ko, kapag hindi ako nakapasok sa una kong klase ay gagawin kong impyerno ang buhay niya.
"No, Ama," maagap kong sagot.
"I know you, Seren. Matagal ka ng may gusto kay Wilson," nakangiting sabi nito sa akin kaya napasimangot ako.
"Ama! Wala akong gusto kay, Wilson. Kadiri kaya yun," maarte kong saad sabay takip sa bibig na para pinipigilan kong masuka.
"Kilala kita, Serenity. Kahit kasingit-singitan ng katawan mo kilala ko. Kung kailan ka mayroong sakit, masaya ka o namomroblema ka. Walang kang maitatago sa akin." Napanguso na lang ako dahil dito.
"Oo na, crush ko lang naman kasi si Will kaya ko siya sinusungitan kasi ang tanga at manhid niya," pag-amin ko. Crush lang naman hindi naman love kasi baka kung minahal ko si Wilson ay aagawin ko siya sa magiging asawa niya, kidding. Kung may lalaki man akong magugustohan at mamahalin ay itatali ko agad siya sa akin tapos papabuntis na ako kaagad, tapos kapag tumingin siya sa ibang babae ay tutusukin ko mata niya para wala na siyang makita.
"Pero maiba nga tayo Ama, kailan ba darating ang magiging doctor ko? Anong oras na ooh, baka hindi na ako makapasok sa una kong klase," naiinis kong aniya.
"Maghintay pa tayo ng limang minuto, kung wala pa rin ay ihahatid na lang kita sa University." Tumango na lang ako kay Ama. Hindi naman kalayuan ang University sa bahay namin, actually 6-7 minutes lang naman ang biyahe papunta sa school.
"Doon na lang po muna ako sa garden, Ama. Pakitawag na lang po ako kung dumating na po ang si doc." Tumango naman ito sa akin.
Habang naghihintay ako ay inilabas ko na lamang ang mga notes ko para mareview, bigla-bigla pa naman nagpapa-quiz ang matandang teacher namin. Humigpit ang hawak ko sa libro ng mayroon akong naramdamang presensiya ng ibang tao. Nang maamoy ko ang mabango nitong pabango ay kaagad kong inangat ang mukha ko, ngunit halos matumba ko sa aking kinauupuan ng makita ko ang lalaking nasa harapan ko. Ito na ba ang magiging doctor ko? Hindi siya mukhang doctor, mas mukha pa siyang magnanakaw ng sasakyan kaysa sa magiging doctor.
"Hello, Serenity. I'm Doctor Magnus Gustavo Ferguson your new doctor," he said. He reached out his hand to me but I just stared at it. Nabigla na lamang ako ng lumuhod ito sa harapan ko at mabilis na kinuha ang kamay ko, nagulat na lang ako na imbes halikan niya ay dinilaan nito ang likuran ng palad ko. Ilang segundo akong natigilan lalo na at ramdam ko ang dila nito sa balat ko. May kung anong kuryente akong naramdaman na umabot pa sa gitna ng aking katawan... ang pusod.
"Nice to meet you," paos nitong sabi. Ang tanging nagawa ko lamang ay matulala sa mukha nito.