SERENITY
Nakatayo lamang mag-isa si Serenity sa harap ng napakaraming mga estudyante. Hinanap ng kaniyang mga mata ang kaniyang mga magulang, kung nasaan ang kinaroroonan ng mga ito. At nang sandaling mahagip ng kaniyang mga mata ang mga ito ay labis ang saya ng kaniyang naramdaman. Nagkaroon siya ng lakas na loob upang pag-butihin na makuha ang gintong medalya, at galingan ang kaniyang pagkanta.
Sa edad na limang taon ay nakahiligan na ni Serenity ang umawit at sumayaw. Mayroong isang malaking paligsahan sa pag-awit sa kanilang paaralan, at kung sino man ang mananalo ay mag-u-uwi ng dalawang daan' piso at isang napakalaking gintong medalya.
"Napaka-husay ng naunang mang-a-awit. Talaga nga naman na lahat ng estudyante sa San Benedict Concepcion Academy ay magagaling at mahuhusay, hindi lamang pagdating sa talinto kung hindi ay sa husay sa iba't ibang larangan. Hinding-hindi na ako makapag-hintay na dumako sa pangalawang kalahok." Huminto muna sa pagsa-salita ang tagapagsalita. Si Serenity na ang sunod na kalahok kung kaya ay labis ang kaba na kaniyang nararamdaman.
'kayang-kaya ko ito. Para sa aking Inay at Itay,' pag-pa-pa-lakas nito sa sarili. Huminga muna ng ilang beses si Serenity upang matanggal man lamang ang kaba na nararamdaman niya.
Umingay ang paligid ng imulat ni Serenity ang kaniyang mga mata. "At ang sunod nating kalahok ay walang iba kung hindi ay si Serenity Isabelle Sy." Mas lalong dumagundong ang kaba na naramdaman ni Serenity ngunit mabilis naman niya iyon iwinaksi sa kaniyang isipan. Dahil sa oras na manaig sa kaniya ang kaba ay baka hindi siya makaawit ng maayos.
Ayaw niyang mabigo ang mga magulang at mapahiya sa nakakarami, lalo na at sikat ang mga ito bilang Doctor.
Mula sa mga manunuod ay nakita niya kung paano ipagsigawan ng kaniyang ama ang kaniyang pangalan. Nang sandaling mahawakan niya ang mikropono ay tila nawala ang kaniyang kaba na prang bula, at kahit anong ingay sa kaniyang paligid ay wala siyang marinig. Tanging musika lamang ang kaniyang naririnig. Ang awiting iyon ay hinahandog niya sa kaniyang mga magulang.
"Bakit ka naka-nguso riyan?" natatawang ani ng kaniyang mga magulang. Nang matapos ang paligsahan ay kaagad na pumunta silang mag-anak sa restaurant na pag-a-ari din nila.
"Kasi po hindi ko na-i-uwi ang gintong medalya at ang premyo," nanghihina pa rin nitong saad na ikinatawa naman ng kaniyang mga magulang.
"Meron ka namang ginto at isang napaka-laking teddy bear. Hindi ba nais mong magkaroon ng isang malaking laruan?" Matamlay pa rin na tumango si serenity sa mga magulang.
"Ngunit Inay, nais ko pong maiuwi ang pera na iyon upang ma-ibigay sa inyo at makatulong po ako. Nais ko nga rin po ang laruan ngunit malaking halaga naman po ang pera. Isa pa, kay liit naman po nitong gintong medalya ko," nakanguso na sabi nito. Ginulo na lamang ng kaniyang Ama ang kaniyang buhok.
"Ayan Bernardo, manang-mana sa'yo iyang anak mo," natatawang sabi ni Alexa sa asawa.
"Syempre sa akin lang naman magmamana ng katalinuhan at pagiging pursigedo itong anak natin." Pag-ma-mayabang na saad naman ni Bernardo o Bernardo Samuelle Sy. Ang pamilya ni Bernado ay isang angkan ng Chinese, ngunit sa pag-ma-mahal niya para kay Alexa ay iniwan niya ang kaniyang pamilya. Nagtayo at nag-sumikap na makapagtapos ang mga magulang ni Serenity. Nagtayo rin ng sarili nitong mga negosyo upang maranasan ng kanilang magiging anak ang maginhawang buhay. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na maaaring mag-buntis muli si Alexa. Wala namang problema iyon sa kanila lalo na at binigyan pa rin naman sila ng isang anghel, mabait at mapag-mahal na anak.
"Nagyayabang na naman ang gurang," inis na sabi ni Alexa ngunit hindi niya mapigilan ang matawa dahil sa mukha ng asawa. Masaya naman silang pinagmasdan ni Serenity at pakiramdam ng bata ay napaka-swerte niya na magkaroon ng isang mabubuting mga magulang.
Naging masaya ang kanilang salu-salo at walang pagsidlan ang kasiyahan na naramdaman ni Serenity, at ang tanging kahilingan niya lamang ay hindi na matapos ang kasiyahang iyon.
Matapos nilang kumain ay kaagad silang dumiritso sa isang parke. Hihintayin nilang lumubog ang araw upang mapagmasdan ang makukulay na dancing fountain.
Mainit niyang niyakap ang kaniyang mga magulang at humalik sa mga pisngi ng mga ito. "Salamat po sa araw na ito, Inay at Itay. Ito na po ang pinaka-masayang araw ko, kahit hindi ko naman po kaarawan ngayon. Sana ay ganito na lamang tayo palagi." Na-i-iyak na niyakap ni Alexa ang anak pagkatapos ay paulit-ulit niya itong hinalikan sa pisngi.
"Palagi natin itong gagawin upang maging masaya palagi ang araw ng aming Prinsesa," mayumi na ani naman nito. Mas lalong nagsumiksik ng yakap si Serenity sa Ina na parang huling beses na niya ito mayayakap.
Mula sa malayo, makikita mo ang isang tao na nakatingin ng masama sa pamilyang masayang pinapanuod ang kanilang anak na sumasayaw sa harapan ng mga ito.
Dahil sa desyembre ay maraming mga palamuti ang makikita mong naka-display at ilang parol na nakasabit sa ilang puno at saang parte ng paligid. Bukod roon ay dagsa rin ang mga taong nais pumasyal sa parke.
"Hindi ba ay ipinangako mo sa kanila na hinding-hindi ka na makiki-alam at mananahimik na lamang?" Tanong ng isang lalaki na bigla na lamang tumabi sa babae.
"Sa tingin mo kaya ay totoo ang aking sinasabi sa kanila? Saglit lamang ang aking pananahimik at hindi ibig sabihin no'n ay mananahimik na ako habang buhay. Kailangan nilang pag-bayaran ang pag-sira nila sa aking buhay." Mayroong galit at gigil na sabi ng babae.
"Hindi mo kailangang mabuhay na puno ng galit at hinanakit. Isipin mo na lang ang anak mo." Tukoy nito sa batang lalaki na kausap ang isang batang babae.
"Mabubuhay lamang ako ng tahimik kung alam kong wala na sila sa landas ko," anito. Hindi na muling nag-salita ang lalaki at napa-buntong hininga na lamang. Wala siyang magagawa kung iyon ang tanging kahilingan nito bago ito mawala sa mundo. Tinalikuran niya na lamang ang babae at tinawag ang batang lalaki upang umalis.
Samantala.
"Inay, may isa po akong nakilala na batang lalaki. Ang bait niya po. Tapos yung papa niya binigay sa akin ito." Sabay pakita ng isang bagay na nakatago sa kaniyang kamay. "Hindi po ba ang ganda?" inosenteng sabi nito na siyang ikina-putla ng dalawa.
"Saan mo ito nakuha? Sino ang nagbigay sa'yo?" Takot na takot na tanong ng Ina ni Serenity. Nagawa pa nitong kapain ang kaniyang buong katawan kung mayroon bang kakaiba.
"Bigay nga po sa akin ng bago kong kaibigan," giit naman nito.
"Sa sunod ay huwag na huwag kang tatanggap mula sa ibang tao lalo na at hindi mo sila ka-kilala. Nag-ka-ka-intindihan ba tayo Serenity?" Nakangusong tumango na lamang ito sa ina. Sa hindi malamang kadahilanan ay napapatanong na lamang si Serenity kung bakit gano'n na lamang ang reaksyon ng kaniyang mga magulang nang sandaling makita ang isang kwentas na hawak niya.
"Patawad po, Inay. Hinding-hindi ko na po uulitin at hinding-hindi na po ako tatanggap at lalapit sa ibang tao upang hindi na kayo mag-aalala ng lubosan ni Itay." Niyakap naman siya ng kaniyang mga magulang. Pagkatapos ay nagmadaling umalis.
Nang gabing iyon ay nakaramdam ng pangamba si Serenity. Ang hindi alam ni Serenity dahil simula ng gabing iyon ay magbabago ng lubosan ang kaniyang buhay.
Sa paglipas ng mga araw, palaging abala na ang kaniyang magulang sa ibang bagay. Unti-unti na siyang napapabayaan ng mga ito. Hindi na rin ito pumapayag na lumalabas siyang mag-isa at makipaglaro sa ibang bata sa labas ng kanilang bahay.
Dahil sa murang edad ay hindi niya kaagad naintindihan ang mga bagay-bagay. Bakit naging mahigpit sa kaniya ang kaniyang mga magulang sa isang iglap? At dahil pinalaki ng pagiging maunawain si Serenity ay hinayaan niya na lamang ang lahat. Naiisip niya lamang na para lamang iyon sa kaniyang kaligtasan. Lalo na at nakakatanggap sila ng iba't ibang pangbabanta sa kanilang buhay.
Habang sa loob ng classroom. Pilit na ini-intindi ni Serenity ang ipinapaliwanag ng guro sa harapan.
"Ang baho."
"Sino ang umutot?"
"Bakit ang baho? Yuck, so gross."
Kahit si Serenity ay napatakip na rin sa ilong dahil sa masangsang na amoy. 'Saan galing ang amoy na iyon?' Nasusukang tanong ni Serenity sa sarili.
"Sino ang tumae sa inyo?" Nasusukang tanong ng guro. Dahil sa hindi kaaya-ayang amoy ay nagsilabasan na ang mga estudyante. Ta-tayo na rin sana si Serenity ng biglang may maramdaman ng malagkit at basa sa kaniyang likuran ng palda. Nang sandaling hawakan niya iyon ay halos mawalan siya ng malay dahil sa baho at masangsang na amoy. Saan nanggaling ang duming iyon lalo na at hindi niya naman natandaan na umupo siya sa ibang upuan maliban sa kaniyang upuan? Hindi rin naman niya naramdaman ang pagkulo ng kaniyang tiyan, upang dumumi.
"Pumunta ka na ng banyo, Serenity!" Galit na sabi ng kaniyang guro. Mangiyak-ngiyak na pumunta si Serenity sa banyo at kaagad na hinubad ang palda.
"Eww, kadiri. You're just like your Mom who's a dirty one," aniya ng isang babae na sa katawan nito ay halatang mas matanda ng apat na taong gulang kumpara kay Serenity. Sabay naman na nagtawanan ang mga kasama nitong babae.
"Croesha." Mahina niyang banggit sa pangalan ng babae. Ngunit hindi iyon nagustohan ng tinawag niyang Croesha at malakas siya nitong sinampal.
"How dare you to say my name? You freak!" Napayuko na lamang si Serenity ng kaniyang ulo at pinipigilan ang hindi mapa-iyak. Hinding-hindi niya dapat ipakita sa mga ito na natatakot siya at mahina sa harap ng mga taong nang-a-api sa kaniya.
Huminga ng mahina si Serenity at marahan na inangat ang ulo pagkatapos ay ngumiti sa mga batang babae na kaniyang kaharap. Hindi nila inaasahan na ngingiti ito sa kanila. Napa-atras ang tatlong babae dahil sa kakaibang ngiti nito na ibinibigay sa kanila. Ngunit mabilis naman na nabawi ni Croesha ang takot.
"Kayo ba ang may kagagawan ng paglagay ng dumi sa aking palda?" Mahinahon na tanong niya sa tatlo.
"Oo kami nga, bakit may magagawa ka pa ba? Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na gagawin kong impyerno ang buhay mo?" nanggigigil na saad nito. Pagkatapos ay malakas niyang itinulak si Serenity.
Malakas na napasalampak naman ang bata sa sahig at nauntog ang ulo sa gilid ng lababo dahilan na dumugo ang gilid ng noo nito.
Mas lalo nagalit si Croesha nang ngumiti pa sa kanila si Serenity. Pinapahiwatig ni Serenity sa mga ito na 'yon lang ba ang kaya nila. Dahil sa inis at galit ni Croesha paulit-ulit niyang sinabunotan si Serenity. Samantala ang dalawa naman nitong kasamahan ay pinag-ka-kalmot ang mga braso ni Serenity, ngunit kahit isang sigaw o iyak man lamang ni Serenity ay wala silang narinig. Tanging halakhak lamang ang maririnig mo na a-akalain mong nakipag-laro lamang sa mga kaibigan nito.
Sa lahat ng natanggap niyang pangbu-bugbog ay nagawa pa rin na ngumiti sa tatlo na parang pinapahiwatig niya sa mga ito na kahit kailan ay hindi siya kayang saktan ng kahit na sino. Halos mawalan na ng hininga si Serenity dahil sa malakas na kakatawa.
"Stop laughing! Stop! You freaking nerd!" Ngunit hindi natigil si Serenity at nang mahimasmasan ito ay marahan niyang pinagkatitigan si Croesha at ngumiti.
"Why are you smiling like that? Ha, freak?" Sigaw ng isa sa kasamahan ni Croesha. At nang wala silang matanggap na salita sa bata ay binuhusan nila ito ng malamig na tubig na mayroong napakabahong amoy.
Napa-atras naman ang tatlong babae ng makita nila ang mukha ng bata. At bigla na lamang silang natuod dahil sa pagsuka ng dugo ni Serenity. Pinunasan nito ang labi na may dugo pagkatapos ay tumingin sa tatlong bata na namumutla na.
"Tatandaan niyo ang araw na ito dahil balang araw, ito rin ang araw ng magiging kamatayan niyo." Dahil sa takot ng tatlo ay mabilis ang mga ito na tumakbo palayo.
"Eeh, takot din naman pala. Aray!" Pilit na tumayo si Serenity at napahawak sa ulo.
"Malalagot na naman ako nito kay Inay." Nakangiti niyang saad sa sarili. Mabuti na lamang at nadala niya ang kaniyang bag kung kaya ay pwede pa rin siyang magpalit ng damit.
Sanay na sanay na si Serenity sa pang-gu-gulo sa kaniya ng tatlo at pananakit ng mga ito ngunit kahit kailan ay hindi siya nagsumbong dahil natatakot siyang mag-alala muli ang kaniyang mga magulang, at isa pa ay wala din naman patutungohan ang lahat.
Sa edad na sampung taong gulang ay alam na niyang alagaan ang sarili dahil iyon ang turo ng kaniyang mga magulang sa kaniya. At hindi niya dapat ipakita sa harap ng mga kaaway na natatakot siya sa mga ito o mas nagagalit siya dahil binibigyan niya lamang ang mga ito ng kasiyahan.
Hindi na pumasok si Serenity sa sunod na klase at hinintay na lamang ang sundo upang umuwi.
Nang maka-uwi ay kaagad siyang tumungo sa kuwarto upang gawin ang mga takdang aralin. Tuwing alas otso ng gabi ang uwi ng kaniyang mga magulang ngunit madalas ay hating-gabi na ito nakaka-uwi. Minsan naman ay inu-umaga na dahil sa maraming pasyente ang nangangailangan sa mga ito. Na-i-intindihan naman iyon ni Serenity at ipinagmamalaki niya ang kaniyang mga magulang dahil sa pagiging bayani ng mga ito. Nais niyang tularan ang mga magulang sa pagtulong sa ibang tao.
Nang gabi ding iyon ay labis ang kasiyahan ni Serenity ng maaga ang mga ito umuwi. Kung kaya ay masaya silang nagsalu-salo. Nang matapos ang hapunan ay kaagad na pumasok si Serenity sa kaniyang sariling kuwarto upang maghanda na para matulog.
Naka-upo lamang si Serenity sa kaniyang kama habang mariin niyang pinagkatitigan ang repleksyon niya sa salamin. Walang kurap at walang bahid ng ngiti. Bumalik lamang ang diwa niya ng mayroong kumatok sa kaniyang pintuan.
"Pasok po." Matamis siyang ngumiti sa Ina ng makita itong mayroong hawak-hawak na isang libro na palaging binabasa nito bago siya matulog. Kaagad na umayos ng higa si Serenity at tumabi naman ang kaniyang Ina sa kaniya, hinaplos ng marahan ang kaniyang buhok.
"Napaka-bilis lumaki ng aking prinsesa. Parang kailan lang ay kalong kalong kita sa aking mga bisig at hindi ka pa nagsasalita. Ngunit ngayon ay malapit ng maging dalaga ang aking prinsesa." Mahinhin na tumawa si Serenity at mas lalong nagsumiksik sa pagyakap sa Ina.
"Ako pa rin naman ang iyong munting prinsesa, Inay, kahit na malaki na ako at mayroong ng asawa," pabirong saad naman nito na ikinatawa lalo ng kaniyang Ina.
"Pakatatandaan mo lamang anak na hindi sa lahat ng oras ay nariyan kami ng iyong Itay. Mayroong mga pangyayari na hindi natin inaasahan mangyari kung kaya ay kahit wala man kami sa iyong tabi ay dapat kaya mong mabuhay mag-isa. Huwag na huwag kang magpapa-api at tandaan mo palagi ang sinasabi ko—"
"Na huwag lumaban ng harapan." Sunod na sabi nito. Natawa naman si Alexa sa sinabi ng anak.
"Huwag kang gumanti. Ngunit kapag sobra na ang pananakit nila ay ibigay mo sa kanila ang dobleng sakit na iyong nararamdaman." Palihim naman na ngumisi si Serenity at tumango sa ina.
Matapos ang pagbabasa ng kwento ng kaniyang Inay ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Sa gitna ng kaniyang mahimbing na tulog ay nakarinig siya ng isang sigaw at kalabog sa labas ng kaniyang silid.
Dahil sa biglang kaba ay napabangon ng higa si Serenity at dahan dahan siyang lumabas ng kaniyang kuwarto. Madilim na pasilyo kaagad ang bumungad sa kaniya. Kaagad niyang tinungo ang silid ng kaniyang mga magulang.
"Bakit bukas ang pinto?" Tanong ni Serenity sa sarili dahil alam niyang palaging nag-lo-lock ang kaniyang mga magulang ng pinto. Nang silipin niya ang loob ay wala siyang makitang nakahiga na magulang kung kaya ay bumaba na lamang siya upang hanapin ang mga magulang.
"Inay." Napahinto ng lakad si Serenity habang tumatakbo ang kaniyang mga magulang sa kaniya. Mabilis siyang binuhat ng kaniyang Ama at mabilis na tumungo sa kaniyang kuwarto.
"Magtago ka dito, Nak," may kahinaan na sabi ng ama. Hinihingal ang mga ito. Ang kaniyang Ina naman ay pilit na isinasarado ang pintuan ng kaniyang Kuwarto.
"Itay? Bakit po ako magtatago?" Inosenteng tanong niya sa Ama.
"Kasi naglalaro tayo kasama ang mga bad guys kaya gawin mo na ang ipinag-u-utos ko sa'yo. Kahit na anong mangyari ay huwag na huwag kang lalabas. Nag-ka-ka-intindihan ba tayo Serenity?" Kahit na labag man sa loob ni Serenity ay pumasok na lamang siya sa isang maliit na butas sa isang ding-ding at kaagad na isinarado naman iyon ng kaniyang Ama.
Dahil sa maliliit na butas ay nakikita parin ni Serenity ang nangyayari sa labas. Lumaki ang mga mata ni Serenity ng makita ang limang malalaking tao na pumasok at mayroon itong mga hawak na iba't ibang klase ng baril.
Hindi niya marinig ang pag-u-usap ng mga ito ngunit sa kaniyang nakikita ay nagmamakaawa ang kaniyang mga magulang na hindi sila patayin. Hindi naikurap ni Serenity ang kaniyang mga mata ng makita ang pagsuntok ng isang lalaki sa mukha ng Ama.
Nang gabing iyon ay nasaksihan ng batang Serenity ang paulit-ulit na paggahasa sa kaniyang Ina at sa kaniyang harapan ay pinutulan ng ulo at mga paa ang kaniyang Ama. Pagkatapos ay walang awang pinagsa-saksak ng matulis na kutsilyo ang dibdib ng Ina. Hindi siya umiyak, hindi siya natakot. Mariin lamang siyang tumingin sa mga lalaki sa loob ng kaniyang silid pagkatapos ay gumuhit ang isang ngiti.