Gabino's POV PARANG PINIGA ang puso niya nang tawagin ni Gavin na 'Papa' ang lalaking kasama ni Sabrina. Kasabay din niyon ang pagtataka. Bakit kilala ng lalaking kasama ni Sabrina si Gavin? Ito ba ang tunay na ama? At si Sabrina ba ang ina ni Gavin? Nilingon niya si Sab at base sa reaksyon nito habang nakatingin kay Gavin mukhang ito nga ang ina. Bagsak ang balikat na tatalikod na sana siya nang marinig niyang sumigaw si Jasmine. Paglingon niya kay Sab nakita niya wala na itong malay habang sapo-sapo ni Arjhay. Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Sabrina. Dinaklot ng kaba ang dibdib niya. Agad namang may lumapit na nurse sa kanila at tinulungan sila. "N-Nanay!" Palahaw na iyak ni Gavin. Nagpupumilit itong tumayo mula sa wheelchair para makalapit sa kanila pero pigil pigil ito n

