Sabrina's POV HINDI nagtatanong si Gabino. Hindi rin siya kinikibo. Simula ng nakakahiyang karupukan niya kanina hindi na muli ito lumapit sa kanya. Si Gavin lang ang inaasikaso nito nang inaasikaso kahit nang dumating sina Jannah at Mateo - na sa pagkagulat niya ay engage to be married na ang dalawa. Hindi ito kumikibo. Tinutukso ito ni Jannah pero ngingiti lang ng matipid. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iniisip nito. Mas lalo siyang kinakabahan. Lalo na at naisiwalat niya dito kanina na ito ang ama ni Gavin. Pero sino ba ang lolokohin niya. Ngayong magkadikit ang mag-ama niya kahit sino ang makakita, si Gabino ang ituturong ama. Parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. Nakausap niya na si Gavin kanina. Naglayas pala ito at hinanap ang Tatay nito. Nakaramdam siya ng guilt. Hindi ni

