Gabino's POV WALA siyang nagawa kundi ang iuwi si Gavin sa bahay niya. Kahit ayaw nito ipinasok niya ito sa presinto at inilapit sa mga taga DSWD pero nasermunan lang siya. Narinig niya pang sinabihan siyang walang bayag ng isa sa mga staff. Ang magaling na bata ay nagdrama sa loob ng presinto. Kesyo ayaw niya raw itong tanggapin bilang anak at umiyak-iyak pa. Ang sama ng tingin ng mga nandoon sa kanya kaya naman binitbit niya ang bata at inuuwi na lang dahil baka siya pa ang makulong ng dahil dito. Wala siyang kasama sa bahay niya. Nagpagawa siya ng bahay sa San Ignacio para mapalapit sa restaurant niya. May anim na branch na ang Chef Melchor ang tatlo ay nasa Manila nakabase sa loob ng Arcega Hotel and Casino. Inalok kasi siya ni Don Damian na maglagay ng franchise sa mismong ho

