Gabino's POV INIABOT niya ang litrato dito. Siya iyon! Nakasuot pa siya ng high school uniform niya sa St. Catherine. He barely remember when that photo was taken. Pero kilala niya ang kumuha niyon. Si Sabrina. Di kaya... Napalunok siya sa naisip. Imposible! "A-Anong p-pangalan ng Mama mo?" tanong niya dito. "Mickey." mabilis na sagot nito. Hindi niya alam kung saan siya nanghihinayang. Kung sa isiping hindi niya kilala ang tinutukoy nito o dahil ang pangalan ni Sabrina ang binanggit nito. Ibinalik niya dito ang litrato saka muling pinaandar ang sasakyan. "Saan mo nakuha tong picture?" pinipilit niyang hagilapin sa memorya niya kung may nakarelasyon ba siyang Mickey ang pangalan. Pero kahit anong pilit niyang isipin wala talaga. After Sabrina left him naging malikot na siya

