AKALA NIYA makakapag landian talaga sila. Pero hindi pwede dahil nasa bahay din ang kapatid at mama ni Gabino. "Hi, Jas" bati niya sa kapatid ni Gabin na nasa sala at nanonood habang nag tutupi ng damit. "Hi po ate Sab." Nakangiting bati din nito saka nag patuloy sa ginagawa. Ang mama naman ni Gabin ay nasa kusina at nag luluto. Kinawayan niya lang ito bago dumeretso sila sa kwarto ni Gabin. Hinayaan lang ni Gabin na bukas ang pinto na ikinataas ng kilay niya. Napatingin siya sa kama ni Gabin. Naalala niya yung nangyari sakanila. Hindi pa nga pala nila napag uusapan ang tungkol dun. Pero kailangan pa bang pag usapan yon? Parang ang awkward kasi kung ioopen niya ang topic na yun. Hindi niya parin napag iisipan kung dapat bang pag diskusyunan nila yon o dedmahin nalang. Hindi niya ka

