MARARAHANG katok ang nag pagising sakanya. Hindi siya nag abalang bumangon manlang sa pag kakahiga sa kama. Gusto niyang mapag isa at sana maintindihan yon ng kung sino mang kumakatatok sa pintuan ng kwarto niya. Maya maya pa huminto na ang kumakatok siguro na pagod na. Dumapa siya at sinubsob niya nalang ang mukha niya sa unan. Nag ring ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa side table at tinignan ang caller. Si Gab. Nag tatalo ang kalooban niya kung i-aacept niya ba ang tawag o i-dedecline. Wala siyang ganang makipag usap ngayon kahit kanino, kahit nga ang tumayo sa kama niya ayaw niyang gawin. Ang gusto niya mapag isa. Kung pwede nga lang na mag laho nalang siyang bigla gagawin niya. Inilagay niya ang cellphone sa ilalim ng unan niya saka tumihaya at tumitig sa kisame sinusubukan ni

