NAGISING siya na may malamig na hangin na humahampas sa mukha niya. Nag mulat siya ng mata at nakita niya na nakabukas pala ang bintana. Malakas ang ulan na sinasabayan ng malakas na hangin. Tatayo sana siya pero may kamay na nakadagan sa bewang niya. Marahan niya yong inalis pero lalo lang humigpit ang pag kakayakap non sa kanya at ayaw siyang pakawalan. "Gab uuwi na ko" bulong niya dito dahil parang walang balak ito na bitawan siya. Umungol lang ito saka isinubsob ang mukha sa leeg niya. Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito. "Late na baka hinahanap na ko sa bahay" hindi niya alam kung ilang oras ba silang nakatulog pero madilim na madilim na sa labas. Tinignan niya ang alarm clock na nasa bedside table. Nanlaki ang mata niya ng makitang alas onse na. Paniguradong nasa bahay na sina

