Apart
Warning: There are certain parts and words that are not suitable for a very young readers.
Read at your own risk.
"Morning❤️!"pm ni Iya kay Neil pagkagising ng maaga.
Excited siya makita ang dorm kung saan niya gugugulin ang importanteng yugto ng pag-aaral niya sa pag-bot ng kanyang mga pangarap sa buhay.
Maaga sila gumayak at sumabay sa pagpasok ng kanyang kuya Alex.
Isang oras ang biyahe mula sa kanilang bayan ang university na kanyang papasukan...kakayanin naman mag-commute everyday gaya ng suggestion ng kanyang kuya na sabay sila every morning sa pagpasok. Pero kinumbinsi niya ang kanyang nanay na payagan siya mag-dorm para wala siya umano masayang na oras ng pag-aaral.
"Yung oras ng biyahe ay gugulin ko na lang ng pahinga sa dorm para mas makapag-aral akong mabuti" tandang tanda pa ni Iya na reason niya sa kanyang nanay.
Pagdating nila Iya sa dorm, in-assist sila ng landlady sa pag-tour sa kanilang room . Dalawang estudyante per room ang kanilang offer. Pumasa naman kay Iya at sa kanyang nanay ang facilities ng dorm. Bukod sa malinis ito at mukhang bago pa, mabait at accomodating ang kanilang magiging landlady. Siya din ay na-inform na may makakasama na umano sa room na kagaya niyang freshman at buhat ito sa mas malayo pang bayan sa kanila.
Kumuha siya ng selfie sa loob ng kaniyang magiging kwarto at plano niya i-send iyon kay Neil.
"My crib as a kolehiyala"
send ni Iya kay Neil with her selfie.
Nag-down payment na ang kanyang nanay para sa kanyang kwarto upang naka-reserve na ito sa kanya. Bukod sa magandang view mula sa bintana nito, sa side ding iyon ay ang morning sunshine na sikat ng araw.
After ma-settle ang dorm ay tumuloy sila sa Pacific Mall upang mamili ng kanyang mga gamit tulad ng bag, ilang bagong damit para sa wash day sa school, bagong underwear, hankies at ilang school supplies needs. Ang kanyang pinang-shopping ay padala ng kanyang tatay bilang "welcome college gift" umano. Suhol daw iyon para mas lalo niyang mapagbuti ang kanyang pag-aaral.
Thankful siya at wala siyang problema sa larangan ng pinansiyal sa kanyang pag-aaral, kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang kanyang best para mapagbuti ito bilang sukli sa kanyang mga pribilehiyo buhat sa mga magulang.
Hindi pa tapos ang kanilang shopping galore, nakaramdam sila ng gutom at napagpasiyahan nila na kumain sa Leticia's Restaurant and Bakeshop. Pagpasok sa kainan, naalala niya na si Neil ang huli niyang kasama na kumain doon. Bakante ang upuan kung saan sila ni Neil naka-pwesto dati kaya nagmamadali niya itong inokupa bago siya maunahan ng iba.
And speaking of Neil, naalala niyang i-check ang kanyang messenger baka meron na itong message para sa kanya, pero kahit ang ini-send niyang selfie ay hindi pa nito nasi-seen.
"Ikaw nga gurl busy today..siya din malamang.." katwiran ng isip niya pagkakita niyon.
"Sana nga busy lang siya at walang masama na nangyari.."praning na pag-aalala ni Iya.
*****
Napilitan nagising si Neil dahil sa lakas ng pagyugyog at paggising sa kanya ni Mark.
"Tol, gising..uy!
"Tol, ano ba yun, ang aga-aga pa, late na ako natulog kagabi eh,inaantok pa ako.."reklamo ni Neil.
"Hindi mo ba nabasa yung pm ko sayo nung isang araw? Mamayang 10am yung flight natin sa Siargao diba.." paninita ni Neil.
Napabalikwas naman si Neil sa narinig, "Today na ba yon?"tila nawala ang antok na pagkakasabi niya.
"Mabuti pala,maaga akong dumaan dito eh, duda ako hindi ka nagre-reply.." sita ni Mark.
Nagmamadaling hinanap ni Neil ang travel bag, at nag-umpisa na mag empake ng gamit.
"Ano bang pinagkaka-abalahan mo 'tol,online ka naman hindi mo man lang mabasa yung mga messages ko sayo.." tuloy-tuloy na sita ni Mark sa kanya.
"Lagi kong kausap at vc si Iya,hindi ko namamalayan iba pang pm.."walang lingon-lingon kay Mark na sabi ni Neil na tila nanaginip na ngumiti pagka-banggit ng pangalan ni Iya.
"Yun oh..tinamaan ka na talaga 'tol,isipin mo kanina lang iritable mukha mo ng ginising kita, nabanggit mo lang pangalan ni Iya, lumiwanag na yang pagmumukha mo.." pang-aasar ni Mark.
"Oo,'tol, iba talaga tong kay Iya, she's the one" nakangiti na explain na ni Neil.
"Speaking of Iya, alam ba niya itong trip na ito?na kasama si ....Beatrice?"alanganing tanong ni Mark.
Natigil bigla si Neil sa pag-aayos ng gamit...
"Tutuloy ba siya na sumama?" worried na tanong ni Neil.
"Tol, baka hindi mo naalala, ilang buwan na natin napa-book tong trip na 'to..kayo pa ni Beatrice, baka nga hindi mo pa kilala non si Iya.. remember?" paalala ni Mark.
"Oo nga, I mean pagkatapos nong nangyari sa Sta Elena...ung kay Iya..alam mo na 'tol..gusto pa din sumama ni Beatrice? Ako na lang kaya ang hindi sumama.." nag-aalangan pa na sabi ni Neil na natigil muli sa pag-eempake.
"Tol parang hindi mo naman kilalay si Beatrice, patibayin mo na lang yung shield mo tsaka mabuti siguro ipaalam mo na din agad kay Iya"pagbibiro ni Mark.
"Hindi ko pa nga naipalaam sa kanya tong trip na 'to, nawala sa isip ko.."problemadong sabi ni Neil.
"Eto na lang huling chance natin humabol sa summer outing tsaka sayang naman,katagal natin itong plinano .." maktol ni Mark.
"Mabait naman si Iya,explain mo na lang sa kanyang mabuti.. napatawad ka nga kaagad kahit huli ka sa akto.." pang-aasar ni Mark.
Biglang inihagis ni Neil ang huling damit sa mukha ni Mark na sana ay ilalagay niya sa bag.
"Ulol" alam mo naman yung totoong nangyari don, pinagsasabi mo?" medyo pikon na sabi ni Neil.
Tatawa-tawa lang si Mark at pinagmadali ng gumayak si Neil.
****
Alas-singko na ng hapon ng makarating ng bahay si Iya at ang kanyang nanay.
Sa ilang oras na pamimili nila at pagod, maaga sila pareho ng kanyang nanay na umakyat sa kani-kanilang kwarto upang magpahinga at matulog.
Hindi naman mapakali si Iya at wala pa din siya naririnig mula kay Neil,kaya nagdecide siya na tawagan ito..
Nagri-ring lang ang telepono nito..nag-iwan na din siya ng ilang messages..ipinaalam nito ang maghapon shopping galore nila ng kanyang nanay. Nagbilin din siya na tawagan siya agad kapag nabasa ang mga messages nito..at ipinaalam din niya ang labis niyang pag-aalala.
Sa pagod sa maghapon, nakatulugan na lang ni Iya ang paghihintay ng tawag mula kay Neil.
***
Dahil sa sobrang pagmamadali, sa dinami-dami ng makakalimutan ni Neil, ang cellphone pa niya ang naiwan nito sa bahay.
Nanghiram siya kay Mark ng cellphone at nag-send ng pm kay Iya gamit ang account ni Mark.
Plano niya itong tawagan,pagkalapag nila sa Siargao.
Ngunit naging busy na sila sa itinerary nila sa araw na iyon, lalo na't may mga lugar din na walang signal.
Dumating ang gabi at nagkayayaan sila ng mga barkada na uminom. Ngunit nagpaalam muna si Neil na susunod na lang, sabay hiram ng cellphone ni Mark.
Naghanap si Neil ng lugar kung saan may signal.
Ilang beses nagri-ring ang kabilang linya..iniisip niya kung tulog na kaya si Iya..ibababa na sana niya ang tawag ng biglang sumagot si Iya.
"Hello" antok na boses ni Iya.
"Hi my sweetlove...nagising ba kita?" sweet na tanong ni Neil.
"Neil?!"tila nagising na sabi ni Iya.
"Kanina pa kita tinatawagan at dami ko ng messages bakit ngayon ka lang nakatawag?may nangyari ba?"alalang tanong ni Iya.
"Actually, nakalimutan ko yung cellphone ko sa bahay..." start na kwento ni Neil
"Wait...bakit wala ka ba sa bahay?nasaan ka?"putol ni Iya sa kwento ni Neil.
"Sorry nawala sa isip ko na sabihin sayo, ako din eh nakalimutan ko..sinundo lang ako ni Mark kaninang umaga, ginising nga lang niya ako..today nga pala itong trip namin sa Siargao.." kwento ni Neil.
"Siargao?!" You mean as in Siargao the surfing capital of the Philippines?andiyan kayo ngayon?sinong kasama mo?"sunod-sunod na tanong ni Iya.
"Yes, Siargao.."nangiti si Neil sa part na surf capital para pag-confirm ng lugar.
"May mga pm ako sayo, gamit account ni Mark kanina kasi nagmamadali na din kami..hindi mo ba nabasa?"tanong ni Neil.
"Ah baka nasa spam messages yun,hindi pa kasi kami friends ni Mark sa FB.."explain ni Iya.
"Hindi ba malapit na din ang start ng classes niyo?kelan ang balik niyo?"dagdag tanong ni Iya.
"A day ..before... ng start ...ng class,balik na kami ...Manila.."putol-putol na sabi ni Neil.
Nawalan ng signal kaya tuluyan ng naputol ang pag-uusap ni Iya at Neil..
"Hello..?"hello Neil, andiyan ka pa?" tanong ni Iya.
Bumuntong hininga na lang si Iya..
"Nawalan siguro ng signal gurl, remember nasa isla sila.." bulong ng isip niya
Dahil sa pagod at pag-iisip kay Neil, nakatulog na muli si Iya na longing sa napaka-habang nakagawiang goodnight call nila ni Neil.
****
Dahil wala si Neil sa grupo ng nag-iinuman, minabuti ni Beatrice na hanapin ito.
Masama din ang loob niya at sapilitan itong nakisiksik sa kwarto nila Mark. Ang original plan kasi nila ay may sarili silang kwarto ni Neil. Iniisip ni Neil, na cool sila sa kanilang decision..lingid sa kaalaman ni Neil, walang plano si Beatrice na basta-basta na lamang siya nitong pakakawalan . Nasaktan din siya lalo na ang pride niya na basta na lamang nakipag-hiwalay ito dahil may bago itong nakilala ng ilang araw pa lang?!Isa pa, sila ni Neil ang may chance na laging magkasama kaya ipaglalaban niya ang gusto niya.
"Makakalimutan mo din yang Iya na yan kalaunan, ako ang lagi sa tabi mo Neil at ako ang kailangan mo.." tumatakbo sa isip ni Beatrice habang hinahanap si Neil.
Maya-maya ay nakita niya si Neil na may kausap sa telepono..kitang-kita ang ngiti sa mga labi at mata nito habang nakikipag-usap.
Lalong bumalong ang selos at ngitngit ng damdamin ni Beatrice.
"Neil.." sigaw ni Beatrice
Naipagpasalamat pa ni Neil na nawalan siya ng signal kaya naputol ang tawag niya kay Iya.Kung nagkataon, maririnig nito ang tawag sa kanya ni Beatrice.
May chance na sana siyang ipaalam dito na kasama si Beatrice sa island trip na iyon, kaso nawalan siya ng lakas ng loob. Ayaw niya na mag-alala si Iya at ayaw din niya na maulit pa ang huli nilang naging away dahil kay Beatrice.
Pipilitin niya na iwasan si Beatrice sa abot ng kanyang makakaya.
Seductive ang pagkakangiti ni Beatrice ng puntahan niya ito.
"Ikaw lang ang wala don sa inuman.." sabi nito.
"Tara" simpleng sagot ni Neil na nauna ng naglakad at nilampasan si Beatrice.
Nawala ang ngiti ni Beatrice at nagpa kawala ng napipika na buntong hininga..
Halata ang pag-iwas ni Neil kay Beatrice to the point na pansin iyon ng buong grupo. Pero hindi naman hinahayaan ni Neil na mabastos or mapahiya ito. Hindi din naman niya magagawa iyon sa kahit sinong babae lalo na at naka-relasyon niya.
Lumalim na ang gabi at madami-dami din ang kanilang mga nainom. Si Neil na mabilis tamaan ng alak ay hindi nakaligtas sa pagkalasing.
Nagpatulong naman si Beatrice sa iba nilang kaibigan na dalhin si Neil sa kanyang kwarto. Si Mark na against sa idea ay walang nagawa dahil sa warning look ni Beatrice sa kanya.
Pagdating sa kuarto, hinubaran niya si Neil pagkatapos ay naghubad din siya ng kanyang sexy top and shorts.
Hinalikan niya si Neil sa mga labi na tila sabik na sabik dito.
"Neil, make love to me gaya ng lagi nating ginagawa.." sabi nito sa pagitan ng mga halik at yapos kay Neil.
Si Neil sa kabila ng pagkalasing ay nakakaramdam ng sensation sa ginagawa ni Beatrice. Umuungol lang ito at maya-maya ay tinatawag ang pangalan ni Iya.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Beatrice sa pangalan na narinig niyang tinawag ni Neil.
Titigil na sana siya sa kanyang ginagawa ng maramdaman niyang nagre-respond si Neil sa mga halik niya. Sa pagakakataon na iyon, ramdam niya somehow na parang kakaiba ang mga halik at yapos nito sa kanya..gentle, passionate at punong-puno ng pagmamahal. Dahil sa sobrang pagka-miss niya kay Neil ay pumayag siya at nagpadala sa flow. Inangkin siya ni Neil na alam niyang hindi siya ang nasa puso at isip nito.
Kasabay ng pag-abot ng kasukdulan, pumatak ang luha ni Beatrice...luha ng lungkot at sobrang pagmamahal kay Neil.
Tatanggapin niya lahat yon, at gagawin niya ang lahat, bumalik lamang si Neil sa kanya.