Warning: There are certain parts and words that are not suitable for a very young readers.
Read at your own risk.
Pagkagising ni Iya, kinapa agad niya ang cellphone niya.
Hindi pa man totally mulat ang mga mata niya, nag-scroll agad siya sa mga message request..
Nakita nga niya ang message na galing kay Neil, gamit ang account ni Mark.
Naisipan niya na mag stalk sa account ni Mark at eventually magsend ng friend's request.
Naka-public ang account nito at halata na updated ang sss nito sa mga ganap niya sa buhay.
Meron itong post 6hours ago lang...
"Huling hirit sa Summer| Siargao Island" and title ng album"
Mula sa view sa bintana ng eroplana ng isla, at bawat pagkain at inumin nila sa lugar ay updated sa post nito.
Meron mga group pictures na kasama si Neil, na mukhang enjoy na enjoy naman sa outing nila.
Napansin lang niya ang isang picture kung saan naka side lang ang babae at nakatingin sa gawi ni Neil. Biglang tinubuan ng selos ang damdamin ni Iya ng mapagtanto niya na si Beatrice ang babae sa picture..Ilang beses niya iyon ini- zoom para lalo niya makilala ito.
"Bakit hindi binanggit ni Neil na kasama pala nila si Beatrice.." nakasimangot na tanong niya sa sarili.
"Bakit, hindi mo ba siya papayagan sa island trip na yun kung nalaman mo na kasama si Beatrice?" tanong naman ng isip niya.
Ano nga ba ang gagawin niya kung nalaman niya from the start na kasama si Beatrice?
Ang aga-aga bad mood na siya..
Para mai-divert ang masamang kutob niya, nagpasya siya na labhan na lahat ng binili nila kahapon na mga gamit niya. At gusto na din niya mag-umpisa mag-empake sa mga dadalhin niya sa dorm.
Hindi siya humawak ng cellphone maghapon..at hindi din siya nag-greet ng good morning kay Neil sa messenger.
Gusto niya iparamdam dito ang cold treatment niya.
"Ang tanong nga lang, makakapag-online kaya si Neil para makita niya na wala kang pm para sa kanya..nawalan nga siya ng signal diba?"naisip niya.
****
Tanghali na, hindi pa din lumalabas ng kwarto sila Neil at Beatrice...
Nagdadalawang isip si Mark kung pupuntahan ba niya ang mga ito dahil mamaya lang ay darating na ang tourist guide nila para sa susunod na lugar na pupuntahan nila.
"Bahala na nga" sabi ni Mark sa sarili ng nagpasya siya.
Nakailang katok at tawag na siya pero walang sumasagot buhat sa loob. Pinihit niya ang doorknob at nalaman niya na hindi ito naka-lock.
Lakas loob siyang pumasok sa loob at nilakasan ang boses na tinawag si Neil.
Bumungad sa kanya ang nakahubad na si Neil at si Beatrice na nakabalot ng kumot ang ilang bahagi ng katawan nito pero exposed ang hubad na likod.. Pawang masarap pa din ang tulog ng mga ito kaya nagpasya siyang yugyugin at gisingin si Neil.
Naunang nagmulat ng mata si Beatrice at nagulat siya na mamataan si Mark kaya pasimple niyang tinakpan ang buong sarili.
Given naman na sa sitwasyon na may namagitan sa dalawa kagabi.
Nagising na din si Neil at nagulat ito ng makita niya si Mark at ang sarili niya na hubo't hubad katabi si Beatrice na tila wala ding saplot sa loob ng kumot.
"Tol, pinuntahan na kita dito at anytime darating na ang tourist guide.." alam kong ayaw mong ma-miss yung itinerary ngayong araw.." paliwanag ni Mark habang palakad na palabas ng kwarto.
Magre-rent sila ng motorbike sa araw na iyon at mag-drive sa kahabaan ng Siargao Palm-lined road.
Tila lalong lumala ang sakit ng ulo ni Neil hindi lang sa hang-over kundi sa kinakaharap niyang sitwasyon. Pilit niyang inaalala ang nagdaang gabi, dahil parang panaginip na kasama niya si Iya.
"What?" Akala mo naman,ngayon lang natin 'to ginawa.." disappointed na bungad ni Beatrice sa mukha ni Neil na worried.
"Look, Beatrice..sorry kung may nangyari sa atin pero hindi ko sinasadya, ang alam ko si Iya ang....." naputol na sabi ni Neil ng bigla siyang sampalin ni Beatrice.
"I don't need to hear your insult, lalo na pareho naman natin ginusto yung nangyari.." mabilis na sagot ni Beatrice.
"Iba na ngayon, I'm with Iya..kaya hindi ito tama.." sorry to say this,pero this is a big mistake.." dagdag pa ni Neil na frustrated na ang boses.
"Get out! Sigaw ni Beatrice
Kinuha naman ni Neil ang nagkalat niyang mga damit sa sahig at mabilis na nagbihis tsaka walang lingon-lingon na umalis at malakas na isinara ang pinto.
Nanggigigil na pinagmumura ni Beatrice si Neil.
Sa pagkakataon na iyon, tuluyan na niyang isasagawa ang binabalak niya na kagabi ay hesitant siya pero ngayon ay itinulak siya ni Neil para maging desidido na ituloy iyon.
Kinuha niya ang cellphone at search niya ang pangalan ni Iya sa f*******:. Ng ma-confirm niya na ito si Iya na ipinagpalit sa kanya ni Neil, pumunta siya sa message at ini-send niya ang mga pictures nila ni Neil kagabi gamit ang fake account.
Pagkatulog ni Neil, matapos siya nito angkinin kagabi, hindi siya agad dalawin ng antok dahil sa sama ng loob niya.
Umpisa pa lang ng pakikipagtalik niya kay Neil, pangalan na ni Iya ang tinatawag nito,hanggang sa pareho sila labasan, Iya pa din ang narinig niyang sambit ni Neil.
Ini-Set niya ang timer ng camera ng kanyang cellphone at tsaka nagkunwari siyang tulog na yakap siya ni Neil. Sinigurado niya na kitang kita ang mukha nila ni Neil at exposed ang ilang bahagi ng katawan nila.
Sa sama ng loob,gusto niya na kagabi pa ito isend kay Iya,pero contemplating pa din siya..pero this time,wala ng makakapigil sa kanya.
****
After ng maghapon na busy-busyhan si Iya, hindi na din siya makatiis na i-check ang cellphone niya...
Umaasam din siya na madami na itong missed call at message from Neil.
But to her dismay, wala itong paramdam..
"Mahirap kasi ang signal ng kinaroroonan nila.." console ni Iya sa sarili.
Dahil walang magawa, nagkaroon siya ng time na i-explore ang sss niya..mula sa mga settings at pag reminisce ng mga old posts niya. Naalala din niya i-check ang request messages niya dahil napansin niya na napaka-dami na pending nito pagka-check niya ng messages mula kay Mark.
Ang dami nga niya old messages requests pati friends request..
"Akalain nila, snob ako..hindi ko pa sila ina-accept.." bulong ni Iya sa sarili habang inuna niyang isa-isahing kino-confirm ang mga friend request.
Matapos ang mahaba-haba friend request list, inumpisahan niya mag-open at magbasa ng mga message request.
Napukaw ang pansin niya sa isa...Mean b***h ang name although mukhang hindi legit account dahil ang profile picture nito ay cartoon na si Tazmanian Devil.
Pagka-open niya ng message, tumambad sa kanya ang mga litrato na parang bedscene sa pelikula.
Sa gulat niya na baka p**n iyon, hindi niya agad nakita ang mga mukha na nasa picture at mabilis niya iyon na-close.
Pero na-curious din siya at pikit mata na binalikan ang message. Pagbukas niya, isa-isa niya itong ini-scroll at ganon na lang ang kurot sa dibdib niya ng makita na si Neil ang lalake sa pictures.
Nanlalabo na ang kanyang mga mata sa mga luha na nag-unahang dumaloy sa kanyang mga pisngi, habang tuloy-tuloy ang pindot niya sa slide show ng mga pictures.
Tila may bumara sa kanyang lalamunan at hindi siya makahinga sa sakit ng loob na nararamdaman lalo na ng makilala niya na ang babae sa picture ay walang iba kundi si Beatrice.
Napahagulgol siya ng iyak at tila aatakihin siya sa puso sa kirot na nararamdaman niya.
Tila nalulunod siya sa sari-saring emosyon---- lungkot...sakit at galit ng betrayal ni Neil at disappointment dahil akala niya totoong mahal siya ni Neil.
Sa takot na marinig siya ng kanyang nanay sa pag-iyak, nagpatugtog siya...pero tila malaking pagkakamali iyon dahil mukhang pinagkakaisahan siya ng pagkakataon.. ang mga lyrics ng kanta ay nakiki-relate siya.Sabi nga kapag broken hearted ka, huwag na huwag makinig ng mga love songs...dahil lalo mo lamang sasaktan ang iyong sarili...