Conflicts of Misunderstanding

2605 Words
Conflicts of Misunderstanding Warning: This section contains words, and sensitive part/scenes that are not suitable for a very young readers. Read at your own risk. 6 years later... Neil! Sigaw ni aling Nids sabay kaway kay Neil. Excited na tumungo si Neil sa gawi ng kanyang mommy at niyakap niya ito ng mahigpit. "Na-miss kita anak!" tumulo ang luha ni aling Nids sa saya habang yakap si Neil. "Miss you too 'mi.." "Nasaan nga pala si Beatrice? Akala ko sabay kayong uuwi?"takang tanong ng kanyang mommy. "Mahabang kwento 'mi, " maikling sagot ni Neil. Hinampas ni aling Nids si Neil sa braso na ikinagulat ni Neil. "Ano na naman yang ginawa mo Neil?"tanong sa kanya ni aling Nids na may halong gigil. "Aray ko po! Mommy ang daming tao sinasaktan mo ako..akala ko ba na-miss mo ako.." biro ni Neil. "Naku, tara na nga baka napagod ka sa biyahe..hindi mo ako inabisuhan na hindi makakasama si Beatrice...naghanda pa naman ako sa bahay.." sermon ni aling Nids. "So kapag ako lang pala ang uuwi, hindi ka na maghahanda" biro ni Neil sa kanyang mommy. "Hay naku,tigilan mo nga ako ng drama mong iyan Neil, katanda mo na..pwede na nga kayo magpakasal ni Beatrice...Ano nga ba ang plano mo at hindi mo pa niyaya siyang magpakasal? Sigurado naman ako na hindi na tatanggi si Beatrice.."mahabang litanya ng kanyang mommy habang naglalakad na sila patungo sa kinaroroonan ng sasakyan. Tahimik lang si Neil na nakikinig sa kanyang mommy..Hindi niya ito masisisi sa mga sinasabi nito, lalo na siguro kapag nalaman nito na hiniwalayan na siya ni Beatrice for good. Madalas din niya tanungin ang kanyang sarili, hindi pa din ba siya talaga nakaka-move on kay Iya? Si Beatrice ang lagi nasa tabi niya lalo na noong mga panahon na kailangan niya si Iya. Madaming pagkakataon sa away nila ni Beatrice na hindi maiwasang nauungkat ang damdamin niya para kay Iya na mariin niyang itinatanggi. Hindi niya makuhang magalit kay Beatrice ng ipinagtapat nito na may halos isang taon na itong affair sa iba habang magka-relasyon sila. "Minahal kita Neil, lahat ginawa ko para hintayin kong buong puso mo suklian ang pagmamahal ko sayo. Pero sa kabila ng lahat, in-denial ka na..si Iya pa din ang mahal mo. Nagpaka-tanga ako...dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, umasa ako na makakalimutan mo din si Iya dahil ako ang laging nasa tabi mo. Kaya lang nainip na din ako Neil! Napagod na ako makipag-kompetensiya na alam ko sa simula pa lamang talo na ako.. Kaya ng makilala ko si Kevin, lahat ng pagmamahal na katagal kong hinahanap at inaasam mula sayo , siya ang pumuno ng lahat ng iyon.. Hindi ko na kayang sayangin pa ang pagkakataon na totoong sumaya naman ako kapiling ng taong nagmamahal sa akin ng buong-buo. Alam ko na mapapatawad mo ako dahil deep inside alam mong malaki ang pagkukulang mo sa relasyon na ito.. Naalala ni Neil na sumbat sa kanya ni Beatrice noong nakipag-hiwalay na ito sa kanya. "Naintindihan mo ba mga sinasabi ko?" tanong ng kanyang mommy na ang dami na palang sinasabi pero malalim naman ang iniisip niya. "Ano nga uli yun 'mi?"may jetlag pa ako eh, inaantok yata ako.."palusot ni Neil. "Ang sabi ko, after one week na makapag-pahinga ka, dalawin natin ang lola Caring mo...siguradong matutuwa na makita ka non..miss na miss ka na" kwento ng kanyang mommy. Natahimik si Neil..ibig-sabihin uuwi siya sa Sta. Elena, may chance kaya na magkatagpo sila ni Iya? After ilang taon na bigla na lamang hindi niya ito ma-contact at pinutol lahat ng komunikasyon sa kanya ng walang iniwang explanation..kumusta na nga kaya si Iya?Sa takbo ng kanyang iniisip,hindi maiwasan manumbalik ang nakaraan na bigla na lamang itong nawala sa buhay niya.... **** "Hi my sweetlove" "Pasensiya ka na hindi kita natatawagan" "Bawi ako pag-uwi namin bukas" "I miss you" Mga pm ni Neil kay Iya na hindi na na-seen. Pagdating ni Neil mula sa kanilang Siargao trip, mabilis na hinanap niya ang kanyang cellphone at excited na tinawagan si Iya. Hindi na niya ito ma-contact pati sa messenger. Nagtataka siya dahil mukhang naka-block siya. Nag-aalala tuloy siya baka may nangyari? Kinabukasan pa naman ang first day of school nila. Bukod sa pagod ng kanilang huling hirit sa summer, sumasakit ang ulo niya kakaisip kung may nangyari kay Iya dahil hindi niya ito ma-contact. Hiningi niya ang number ni aling Gina sa mommy niya at tinawagan niya ito. "Hello po tita Gina, si Neil po ito..itatanong ko lang po sana kung may iba pa po ba kayong number na pwedeng ma-contact si Iya?" hindi mapakali na tanong ni Neil at na-ikwento nito na hindi niya ito matawagan sa number nito. Ibinigay naman ni aling Gina ang number ng kanilang dorm, na nag-aalala din sa sinabi ni Neil. Pagkatapos makipag-usap kay aling Gina, mabilis siyang nag-dial ng mga number ng dorm ni Iya. Ngunit wala daw si Iya, umalis kasama ng room mate niya. Nagbilin siya na i-inform na tumawag siya at kung maaari ay tumawag din ito sa kanya. Ngunit dumating ang gabi, wala pa din siya naririnig na tawag mula kay Iya. Kinabukasan, unang araw ng kanyang klase, bago siya umalis papasok ng university ay tumawag muli siya sa dorm ni Iya,ngunit sinabi nito na maaga daw pumasok si Iya. Tinanong din niya kung na-inform si Iya na tumawag siya. " Oo,sinabi ko may tumawag sa kanya na Neil ang pangalan,pero hindi naman siya kumibo.." inform ng landlady ni Iya kay Neil. Dahil sa narinig ay nagtataka si Neil bakit parang biglang iniiwasan siya ni Iya. Lumipas ang limang araw na busy si Neil sa klase dahil sa dami na din ng mga activities,at requirements lalo na at graduating na siya, hindi niya nakakaligtaan magbaka-sakali na makausap si Iya. Ngunit palaging may excuse ang landlady nito na halatang pinagtatakpan ang pag-iwas sa kanya ni Iya. Nagpasya siya na umuwi sa Sta. Elena sa darating na Sabado upang malaman niya ang nangyayari sa kanila ni Iya. Ngunit dumating ang Sabado at sumama ang pakiramdam niya..Hindi na kinaya ng katawan niya ang sunod-sunod na pagod mula sa kanilang Siargao trip at stress sa unang linggo ng klase at lalong lalo na ang pag-iisip sa sitwasyon nila ni Iya. Hindi pumayag ang mommy niya na hindi siya dalhin sa hospital at mukha daw hindi maganda ang lagay niya. Wala siyang nagawa dahil mukhang mahina nga ang katawan niya para tumanggi. Dinalaw din siya ni Mark at inaasar siya na mahina na daw ang kanyang katawan. Naisip niya,hingan ng pabor si Mark na contact-kin nito si Iya. Gusto niya malaman bakit bigla naging malabo ang relasyon niya kay Iya. Naisip niya na baka si Mark ay kausapin ni Iya. Bago naman umuwi si Mark,nagbiro ito na hindi ito magpapakita sa kanya hanggat hindi nito nakakausap si Iya. Dumalaw din sa kanya si Beatrice at nandon daw ito bilang isang kaibigan. Kaya inisantabi na nila pareho yung nangyari sa Siargao. Ilang araw din siya hindi nakapasok at binilinan ng doctor na magpahinga at kumain ng mabuti..iwasan din daw niya ang stress..pero sa ilang araw niyang hindi nakakausap si Iya ng hindi niya mawari ang dahilan ay malaki ang epekto sa kanyang kalusugan. Sa ilang araw na nasa bahay siya para magpagaling ay madalas dinadalaw siya ni Beatrice para daw alagaan siya. Nagulat siya minsan ng bigla na lamang siya hinalikan ni Beatrice sa mga labi ng dumating itong nagmamadali na may dalang pagkain. Thank you kiss lang daw umano iyon dahil pinayagan niya itong maging malapit pa din sa kanya sa kabila ng lahat ng nangyari. Na-miss niya bigla si Iya, wish niya na sana si Iya ang kasama niya sa pagkakataon na iyon instead na si Beatrice. Lumipas pa ang ilang linggo, at palagi siya nagpa-follow up kay Mark about sa favor niya kay Iya. Isang simpleng "hindi ko matiyempuhan si Iya tuwing tumatawag ako" ang laging sagot sa kanya ni Mark. Pero parang may something na hindi niya maintindihan sa mga sagot ni Mark, tila may itinatago ito sa kanya..kinausap naman niya si Mark tungkol sa duda niya,ngunit hindi na nito pinalalawig pa ang usapan nila tungkol kay Iya. Hindi siya maka-uwi sa Sta. Elena dahil madami siyang hinahabol sa klase dala ng pagkakasakit niya. Sa kabila naman ng mga pinagdaanan niya,palaging nasa tabi niya si Beatrice at tila mas maasikaso pa ito bilang kaibigan kuno compare noong may relasyon sila. Madalas din itong pumunta sa kanila tuwing weekends na tila girlfriend niya. Kaya minsan ay kinausap niya ito.. Minsang dumalaw si Beatrice, dahil hindi na siya komportable sa iginagawi nito na as if girlfriend niya ito sa pag-aasikaso sa kanya... "Look Beatrice, gusto ko magkalinawan tayo..etong ginagawa mo?hindi na as friends ang lahat ng ito..alam mo naman I'm with Iya so please.." frustrated na sabi ni Neil "You're with Iya,pero nagkasakit ka na at lahat wala namang Iya ang nasa tabi mo.." sarcastic na sagot ni Beatrice. "Meron lang kaming konting misunderstanding.." malungkot na sabi ni Neil. Lumapit naman si Beatrice sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.. "Basta ako, anytime at anuman ang mangyari sayo, andito lang ako palagi sa tabi mo, willing akong kalimutan ang lahat, pwede tayo bumalik sa dati .." malalim na pahiwatig ni Beatrice. Lumipas ang first semester... Sinamantala ni Neil ang isang linggo nilang sem-break na umuwi sa Sta.Elena. Katagal niyang nagtiis na walang narinig mula kay Iya kaya ngayong may pagkakataon siya, sasamantalahin na niya. Madaling araw siya bumiyahe kaya alas-siyete ng umaga ay nasa Sta. Elena na siya. Hindi na siya nagsayang ng oras, dumiretso siya sa bahay nila Iya. Ilang beses siyang nag-door bell at tumatawag pero wala pa din nagbubukas ng gate. Napansin naman siya ng mga kapitbahay at nalaman niya na... "Walang tao diyan iho..nasa Maynila sila..ang alam ko doon na mag-aaral si Iya.."inform sa kanya ng kapitbahay. Nanlulumo si Neil sa nalaman niya..tsaka napagpasiyahan niya na dumaan muna sa kanyang lola Caring bago lumuwas pabalik muli ng Maynila. "Apo! Bakit biglaan yata ang dalaw mo,hindi ako naabisuhan ng mommy mo na darating ka ah.." masayang tanong ni lola Caring kay Neil. "'la, alam po ninyo bakit walang tao sa bahay nila tita Gina?" pagbabaka-sakali na tanong ni Neil pagkatapos nitong magmano sa kanyang lola Caring. "Ang alam ko, nasa Maynila sila..hindi ko na nakita si Iya,simula tumuntong ng kolehiyo hindi na nauwi dito sa atin..si Gina naman, kapag Sabado kung hindi luluwas ng Maynila,hindi na lumalabas masyado ng bahay..tila nga may problema sila na hindi nila ipinapaalam" kwento ni lola Caring. "Eh si Alex po 'la?"tanong muli ni Neil. "Naku eh,busy naman iyon sa trabaho at barkada, pero ang alam ko siya ang naghahatid kay Gina pag lumuluwas.." Lalong napaisip si Neil..mayroon nga kaya problema ang pamilya nila Iya? Pero bakit nadamay ang magandang relasyon meron sila?Naguguluhan na nag-iisip si Neil. Hindi ba kino-consider ni Iya na maari naman niya itong damayan sa mga problema kung sakali nga na may pinagdadaanan ang pamilya nila?Tanong niya sa sarili..Sa kaalaman na iyon,feeling niya na balewala lang pala siya kay Iya. Nanlumo siya sa thought na iyon dahil ng magkasama naman sila ni Iya ramdam niya na mahal na mahal siya nito at ganon din naman siya. Feeling niya, napaka-unfair naman na naiwan siya sa ere.. Mabilis na lumipas ang school year at naka-graduate na sa wakas si Neil. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang oras sa pag-aaral at kinalimutan na ang naging ugnayan niya kay Iya. Feeling ghosted siya at pinaasa. Naging magka-relasyon muli sila ni Beatrice dahil sa effort nito na laging nasa tabi niya at hindi siya sinusukuan, hindi kagaya ni Iya..Ano pa ba naman ang hahanapin niya? Wala na nga ba? Parang bula na nawala si Iya, pero isinama yata ang puso niya. Matapos ang graduation, nagreview at take si Neil para sa board examinations at isa siya sa mga nakapasa ng taon na iyon..nagkaroon siya ng chance na makapag-apply sa abroad bilang isa sa highly recommended ng kanilang school. Hindi nagtagal ay sumunod sa kanya si Beatrice at umuuwi sila every-year,except nga lang ngayon taon,hindi niya kasama si Beatrice dahil nakipag-break na ito sa kanya matapos ang ilang taon na pakikipag-sapalaran sa pag-ibig niya. **** Tila kahapon lang ang mga huling mapapait na alaala na iyon para kay Neil,ngunit ang hindi niya maintindihan ay mas nangingibabaw ang pagmamahal niya kay Iya..Hindi niya makuha itong kalimutan sa kabila ng ginawang pang-iiwan sa kanya ng walang closure. Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at hindi naman nakalampas iyon sa kanyang mommy. "May problema ka ba Neil?kanina ka pa mukhang wala sa sarili"?tanong nito "Pagod lang siguro ako 'mi.." simpleng sagot ni Neil at ng maalala niyang mag-usisa ng pasimple sa kanyang mommy. "Kumusta pala si lola Caring? Nakakausap mo ba si tita Gina kapag nauwi ka sa Sta. Elena?" kunwaring hindi interesado na tanong ni Neil. Tumaas naman ang kilay ng kanyang mommy. "Si lola Caring ba talaga ang gusto mo kumustahin o si Iya?" lumingon na seryoso ang kanyang mommy habang nagda-drive ito. Nagkibit balikat lang siya na kunwari'y walang malisya ang pagsisiyasat. "Hindi na kami nagkaroon ng chance na magkausap ni Gina simula noong nag-break na kayo ni Iya..tuwing papasyal ako don, kwento nila, dito na din sa Maynila naglalagi si Gina..lalo na kapag summer vacation..si Alex lang ang minsan kong naka-kwentuhan ng mabilis." kwento ng kanyang mommy. "Hindi mo nahingi kay Alex ang address nila dito sa Maynila?"nagbabaka-sakali pa din na tanong ni Neil. Lumingon na naman si aling Gina sa kanya at itinabi ang sasakyan sa gilid. "Ilang taon na ang lumipas Neil, ngayon ko lang na-realized na hindi kita natanong ano nga ba ang nangyayari sa inyo ni Iya? Simula ng huli ko siya makita sa bahay na nagmamadaling umalis kasama si Mark, wala na akong balita mula sayo at sa kanya..." naputol na kwento ng kanyang mommy ng.. "Wait...si Iya nasa bahay?kelan?pano?"Bakit ngayon mo lang sa akin sinasabi lahat ng ito 'mi? naguguluhan putol na tanong ni Neil. "Aba, anong malay ko, nakita ko na mukhang nagkakaigihan kayo ni Beatrice kaya in-assumed ko na nagkahiwalay kayo ni Iya dahil si Beatrice ang pinili mo..isa din yon sa mga dahilan kaya hindi ko kino-contact si Gina, nahihiya ako na pinaiyak mo ang Unica hija niya..anong mukhang ihaharap ko?at tsaka hindi ba naikwento sayo yun ni Mark eh palagi kayong magkasama ng mga time na iyon?"mahabang litanya ng kanyang mommy. Bigla na lang parang sumakit ang batok ni Neil sa mga narinig niya..At si Mark, tama ang hinala niya noon,meron itong itinatago sa kanya..Napagpasiyahan niya na kailangan niya makita si Mark ngayon na din..Hindi siya makapaghintay na makausap ito. "Mi, wala na nga pala kami ni Beatrice, nakipag-hiwalay na siya sa akin..meron siyang karelasyon habang kami pa.." confess ni Neil sa kanyang mommy. "Ano ba itong mga pasabog mo Neil..akala ko pa naman ay hindi ka bibitawan ni Beatrice..sumuko din pala siya.." reklamo ng kanyang mommy. "Mahabang kwento 'mi, hindi ko din siya masisisi.." simpleng sagot ni Neil. "Hmmmm...don't tell me, all this time na kayo ni Beatrice,hindi mo nakalimutan si Iya?malakas ang instinct naming mga babae pagdating sa ganyan..iiwanan ka nga talaga kahit sinong babae..hanga na ako kay Beatrice ang tagal niyang nagtiis" sita ng kanyang mommy. Napa-hawak na lang sa batok si Neil. "Naku, Neil ayusin mo nga iyang lovelife mo..nagkaka-edad ka na,gusto ko na din sana ng apo..ano gagawin mo ngayon?hanapin si Iya?Pano kung may boyfriend na yung tao, o di kaya may sarili na din pamilya?" Bigla natakot si Neil sa posibilidad na mga sinasabi ng kanyang mommy...Huli na kaya ang lahat para sa kanila ni Iya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD