Warning: There are certain words and sensitive part or scenes that are not suitable for a very young readers.
Read at your own risk.
"Tol? Kelan ka dumating?" surprise na sagot ni Mark sa telepono.
"Kadarating ko lang kanina 'tol, pwede ba tayong magkita mamaya after work mo,kung free ka?" inform ni Neil.
"Wow, na-touched naman ako 'tol, kadarating mo lang, gusto mo na ako makita agad..na-miss mo ba ako ng sobra? I miss you too..muahmuah tsupntsup" pang-aasar ni Mark
"G*g* may atraso ka sa akin kaya kailangan mo makipagkita sa akin" biro ni Neil.
"Uy, anong atraso ang sinasabi mo 'tol? Teka yung pasalubong ko wag mong kalilimutan dalhin..." hirit ni Mark.
"Oo na, depende sa sagot mo sa itatanong ko mamaya ang pasalubong mo..message mo ako kung saan kita pwedeng puntahan.."
"Sige 'tol, hanap ako ng pinaka-mahal na restaubar malapit dito sa office..sulitin ko na'tong chance na ikaw ang taya.." tatawa-tawa na sabi ni Mark.
Matapos ang usapan nila ni Mark sa telepono, hinanap ni Neil ang isang libro kung saan inipit niya ang picture nila ni Iya na ibinigay nito sa kanya.
Tuwing uuwi siya ng Pinas, hindi niya iyon nakakaligtaang i-check at naalala niya na minsan na siyang muntik na mahuli ni Beatrice.
"Ano ba ang nangyari sa atin Iya? Sana malaman ko ang tunay na dahilan bakit bigla hindi ka na nagpakita sa akin..sana may chance pa para sa ating dalawa.." bulong ng isip ni Neil na umaasa.
Maaga si Neil sa ibinigay ni Mark na restaubar kung saan sila magkikita- The Perfect Pint. Ayaw kasi niya abutan ng rush hour na siguradong traffic bukod pa sa nais na niya marinig ang kwento behind sa pagpunta ni Iya sa kanilang bahay na hindi niya ever nalaman until today.
Hindi naman nagtagal, dumating na si Mark..
"Tol, kanina ka pa?"masayang bati ni Mark.
Iniabot ni Neil ang dala nitong paper bag na may lamang men's perfume..
"Yun,oh..kinakabahan yata ako sa dahilan ng ipinunta mo..teka order muna tayo.." paninigurado ni Mark.
"Kumusta tol, kasama mo ba si Beatrice na umuwi?Ano balita? Wala pa bang kasalan magaganap?"usisa ni Mark.
"Wala na kami ni Beatrice 'tol.." maikling simula ni Mark
"Hindi nga? Sumuko na ba sayo 'tol, matapos niyang masira ang relasyon niyo ni Iya...bibigay din pala siya sana noon pa siya nagpaubaya.." tuloy-tuloy na sabi ni Mark at huli na ng matanto niya ang kadaldalan niya.
"Anong sinasabi mong sinira ang relasyon namin ni Iya..?" mabilis na usisa ni Neil.
Napakamot sa ulo si Mark buti na lang ay dumating na ang kanilang order.
Mabilis na kinuha ni Mark ang inumin at bigla siya nauhaw sa takbo ng usapan nila ni Neil.
"Nabanggit ni mommy kanina lang, na nakapunta pala si Iya sa bahay ng hindi ko alam?kelan yun?akala ni mommy naikwento mo na sa akin yun dati pero nalaman niya wala akong kaalam -alam at hindi mo naman sa akin kinukwento.."sita ni Neil.
Muntik ng masamid si Mark sa tanong ni Neil.
"Tol ang tagal na non..tsaka nagkabalikan kayo ni Beatrice kaya hindi ko na binanggit pa.." katwiran ni Mark.
"Ngayon ko lang napagtanto 'tol ang dami mo nililihim sa akin.." hugot ni Neil.
"Ok..ganito kasi yun 'tol, naalala mo yung nagkasakit ka after ng Siargao trip natin na humingi ka ng pabor sa akin na tawagan ko si Iya? nangako ako sayo non, natatandaan mo? Natupad ko yung pangako ko na yun,nakausap ko si Iya.." pagkukwento ni Mark
"Wala ka sinabi sa akin non, ang pagkakatanda ko, madalas kita i-follow up tungkol don pero mukhang iniiwasan mo ang topic na yun.." remind ni Neil
"Wala ba naikwento sayo si Beatrice tungkol sa ginawa niya?" balik tanong ni Neil.
"Tungkol saan? Wala naman siya nababanggit, tuwing may away lang kami, consistent na isusumbat sa akin na mahal ko pa din daw si Iya .." kwento ni Neil
"Tol,tutal wala naman na kayo at tsaka matagal na din naman nangyari yun..kailangan mo ba talaga pa malaman?" Iwas ni Mark.
"Kaya nga ako andito 'tol kahit may jetlag pa ako.." banat ni Neil.
"Actually, iniwasan din ako ni Iya na makausap sa phone noon, sinabi ko lang na emergency at may sakit ka,which is totoo naman pero alam mo na, pinalala ko yung sakit mo non, yung tipong mag-aalala siya..at naging successful naman ako..ngingisi-ngisi si Mark sa pag-reminisce.
Ng makausap ko siya, hindi din niya agad i-kinuwento kung bakit ka niya iniiwasan..after na lang ng mahuli ka na naman niya sa akto na nakikipag-halikan kay Beatrice sa bahay niyo?"
Magsasalita sana si Neil pero binigyan siya ng warning ni Mark na patapusin sa mga sinasabi niya.
"Ng makumbinsi ko siya na kausapin ka para magkaliwagan kayo, nagplano kami na dalawin ka..lumuwas siya dito at sinundo ko siya sa terminal.
Pagdating namin sa bahay niyo, wala si tita Gina pero bukas ang gate niyo.. Dumiretso kami sa kwarto mo, at pareho kaming nagulat ng makita namin kayo ni Beatrice na..alam mo na, nagtutukaan..."
"Ssssh, alam ko may sasabihin ka, i-save mo yan 'tol, hindi pa ako tapos.." paalala ni Mark kay Neil na gusto mag-react sa mga kwento niya.
"Hindi ninyo kami namalayan at si Iya mabilis na lumabas ng bahay, at nasalubong namin si tita Gina...si Iya that time, gusto na agad umuwi,buti na lang walang taxi sa area...
Niyaya ko siya sa malapit na fastfood don sa inyo at yun pina-kalma ko siya.." tila nalulungkot na kwento ni Mark.
Si Neil naman ay lalong sumakit ang ulo sa mga nalaman..
"Iyak ng iyak si Iya noon to the point na nakakapukaw na kami ng atensiyon...
Akala nga ng mga tao don mag-jowa kami na may LQ.."nangingiti na kwento ni Mark.
"Tapos ayun,hinayaan ko lang siya umiyak, ng kumalma siya, sabi niya baka daw isipin ko ang OA niya kasi grabe ang iyak niya..
Sabi pa niya, kahit nakita niya yung pictures niyo ni Beatrice, pinili niya na pumunta that time kahit nasasaktan pa siya pero mas nangibabaw daw yung karupukan niya lalo na ng malaman niya na may sakit ka..
Handa daw siya muling makinig sa excuse mo, pero sa naabutan namin baka daw sign na iyon na wala na talaga pag-asa magka-ayos kayo..
"Mahal ko si Neil,pero gusto ko din magtira ng kahit konti para sa sarili ko..baka hindi talaga kayang mag-work ng relationship namin..at mukhang hindi ako enough para sa kanya dahil lagi involve si Beatrice..."naalala pa ni Mark n sabi ni Iya.
"Teka, ano bang pictures ang sinasabi niya?"naguguluhang tanong ni Neil.
"Tol, may nagsend sa kanya ng mga pictures niyo ni Beatrice..alam mo yung sinundo kita at tanghali na hindi pa kayo gising ni Beatrice...
At wala na akong nagawa ng tanungin niya ako kung may nangyari daw ba sa inyo ni Beatrice..hindi ako kumibo at nasaksihan ko naman sa ayos ninyo dalawa ni Beatrice mukhang totoo ang pictures na natanggap ni Iya"
"Tol,hindi ko ginusto yun,alam mong lasing ako that time.."paliwanag ni Neil.
"Katwiran ba naman yun 'tol, kaya hindi mo masisisi si Iya ng bigla ka na lang iniwasan, sobra siyang nasaktan pero bibigyan ka pa sana ng chance pero ayun nga, mukhang nagkakamabutihan naman na kayo ni Beatrice." sumbat ni Mark.
"Tol,alam mong pagka-graduate na natin naging kami uli ni Beatrice at...."hindi na naituloy ni Neil ang sasabihin niya dahil feeling niya wala na din kabuluhan para mag-explain pa siya..
"Gago talaga ako 'tol, kung hindi sana ako tumigil para makausap ko si Iya, hindi kami hahantong sa ganon.." sabi ni Neil sabay inom ng isa sa best seller beer "street smart pale ale" na kasama sa order nila...
"Tol, easy ka lang,baka malakas ang tama niyan sayo.." remind ni Mark sa kaibigan.
"So ano ng plano mo?may balita ka pa ba kay Iya?"tanong ni Mark.
"Dito na daw sa Manila nag-aral si Iya, hindi ko lang sigurado kung dito pa din siya nag-stay..uuwi kami ng Sta Elena, doon ako magsisimula" kwento ni Neil
"Pano 'tol kung may boyfriend na pala siya or worst may asawa at pamilya na?"
"Bahala na, siguro gusto ko lang ng closure, ayaw kong isipin niya na hindi totoo yung pagmamahal ko sa kanya.." explain ni Neil.
"Naks, hopelessly devoted.." biro ni Mark.
"Cheers para sa second chances.." masiglang sabi ni Mark...
****
Lumipas lang ang dalawang araw, niyaya na ni Neil ang kanyang mommy na umuwi sa Sta. Elena, hindi lang upang dalawin si lola Caring kundi magbaka-sakali kay Iya.
Matapos makapag bonding ng sandali kay lola Caring,nagpaalam siya na aalis saglit
Hindi man niya sabihin, aware sila lola Caring at mommy Nida niya na gagawi siya sa bahay nila Iya.
"Si Alex at kanyang misis lang ang andiyan sa bahay nila Iya.." pahabol na sabi ni lola Caring.
Nahinto saglit si Neil sa paglalakad,iniisip niya na napaka-dami na talaga na nangyari sa loob ng 6 na taon..
"si Alex may pamilya na pala, si Iya kaya..."
Buo ang loob na pinindot niya ang doorbell, tatanggapin niya kung ano man ang magiging pakikitungo sa kanya ni Alex, ang importante, may makuha siyang impormasyon tungkol kay Iya..
Pagbukas ng gate, hindi inaasahan ni Alex na si Neil ang mabubungaran..
"Bro, parang masyado ng late ang punta mo dito ah..Humupa na ang galit ko, hindi na kita masusuntok.." seryosong biro ni Alex.
"Ng huli akong napunta dito wala lahat kayo, nasa Maynila daw kayo?"alanganing sabi ni Neil.
"Nabalitaan ko nga, pero bakit hindi na nasundan?Wala dito si Iya, may kailangan ka ba?" hindi pa din ngumingiti na sabi ni Alex.
"Hon, sino yan kausap mo,bakit hindi mo papasukin?"sabi ni Nika ang napangasawa ni Alex.
Paglapit ni Nika sa kanila ay tila nagulat ito ng makita si Neil..
"Kamukhang-kamukha ni N...J.."naputol nitong sabi ng warningan siya ni Alex.
Hindi naman pinansin ni Neil iyon at nakatuon ang atensiyon niya kung paano niya mapapakiusapan si Alex na bigyan siya ng detalye about Iya..
"Pasok ka muna..Neil right?" sabi ni Nika.
Tila naman lumambot ang puso ni Alex at niyaya na din niya si Neil
"Maiwan ko muna kayo, kukuha ako ng maiinom" paalam ni Nika.
"So, after 6years...anong naisip mo at tumuntong ka sa lugar na ito?"seryoso pa din sabi ni Alex.
"Maintindihan ko bro kung galit ka..gusto ko din sana makausap si Iya..alam ko kulang yung effort ko para magkausap kami noon..pero sana hindi pa huli na makausap ko siya..?"alanganing sabi ni Neil.
"Anong magandang dahilan ang ibibigay mo sa akin,para pagbigyan kita..?"sabi ni Alex
"Sana kung hindi pa huli, hihingi ako ng tawad at magkaliwanagan kami sa lahat ng nangyari...hindi ko siya mahagilap noon at iniwasan niya talaga ako, kaya kahit gusto ko magpaliwanag or alamin naging ang problema namin, wala na ako nagawa..feeling ko non naiwan ako sa ere.."explain ni Neil.
Aminin man or hindi ni Alex nakikita niya na may point si Neil. Dahil alam na alam niya na si Iya ay nagdesisyon na lamang na walang makakaalam ng sitwasyon niya lalo na si Neil.
Tila bumalik tuloy ang nakaraan...
*******
"Kuya,mamaya pagdating ng bahay may importante akong sasabihin sa inyo ni nanay..seryosong sabi ni Iya habang nsa biyahe sila ni Alex pauwi ng Sta.Elena.
"Mukhang seryoso yan sis ah..may problema ba?"concern na tanong ni Alex.
"Mamaya na, pagbutihin mo na lang muna magdrive.."suplada pa din na sagot ni Iya..
"Ang sungit...meron ka 'no?"biro ni Alex
Bigla naman umiyak si Iya ng marinig ang sinabi ni Alex
Nagulat man si Alex sa ginawi ni Iya, napagtanto niya na siguradong may matindi itong pinagdadaanan..
"Sorry na..wag ka na umiyak.." amo ni Alex sa kapatid.
Pagdating ng bahay, naabutan nila na naghihintay sa kanila ang nanay Gina nila .
"Ano ba anak Iya yung sinasabi mo na importante mong sasabihin?"nag-aalala na tanong nito.
Yumakap ng mahigpit si Iya sa kanyang nanay Gina at humagulgol ng iyak...
Nagkatinginan ang kanyang kuya Alex at nanay Gina.
"Nay, sorry po, sana mapatawad mo ako.."sabay iyak pa din ni Iya.
"Sssshh,tumahan ka na..anuman yang problema mo,andito lang kami para sayo.."pag-aalo ng kanyang nanay.
"Nay....buntis po ako..." sabay lumuhod si Iya sa harap ng kanyang nanay.
Napasinghap naman si aling Gina sa narinig, ngunit bumawi agad ito at niyaya si Iya na maupo..
"Patawarin po ninyo ako nay, may nangyari po sa amin ni Neil, wala po sa loob ko na posible akong mabuntis.." hagulgol pa din si Iya ng iyak.
Kinuyom naman ni Alex ang kanyang mga kamay sa nararamdaman na galit kay Neil at awa sa kapatid..
"Alam na ba ni Neil yan, dapat panagutan ka niya..?may komunikasyon ba kayo?" sa pigil na tono ni Alex.
"Ilang buwan ko ng pinutol ang komunikasyon ko sa kanya..wala na kami..at tsaka napagdesisyunan ko na hindi ko ipapaalam ang sitwasyon ko.."explain ni Iya.
"Anak, karapatan din niya malaman yan, sigurado akong pananagutan ka niya.." pilit ng kanyang nanay.
"Nay, pls.alam ko malaki po kasalanan ko sa inyo pero sana pagbigyan niyo po ako sa hiling ko..nakapag-desisyon na po ako..wala po sana muna makakaalam..ano na lang sasabihin ng mga tao?Ayoko din po hadlangan si Neil sa mga pangarap niya, graduating po siya ngayong taon..
Tatapusin ko po muna ang 1st semester tsaka po after kong manganak pwede ko po bang ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa Maynila? Babawi po ako sa inyo 'nay sa lahat..Sana po bigyan niyo pa po ako ng isa pang chance.." mahabang pakiusap ni Iya.
"Huwag mong alalahanin ang sasabihin ng ibang tao..ang isipin mo ang magiging sitwasyon ng anak mo, ano?hahayaan mong lumaki siya ng hindi nakikilala ang kanyang tatay? Subukan mo muna ipaalam kay Neil ang lahat, wag mong pangunahan ang desisyon niya.."may diin na advice ng kanyang kuya Alex.
"Please kuya, hindi nag-work ang relasyon namin..ayoko naman ipilit na maging ok kami dahil lang buntis ako.." Sorry, nadis-appoint ko kayo dahil sa kapusukan ko.." malakas na hagulgol ni Iya.
******
"Mag-meryenda muna kayo at uminom ng mas maging smooth ang usapan niyo.."pahiwatig ni Nika kay Alex na nagbunsod kay Alex para bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip.
Bilang asawa ni Alex,aware si Nika sa nangyari kay Iya..at kilala niya si Neil dahil sa mga pictures nito.
Pictures na laging ipinapakita ng kanilang nanay kay NJ. Neil James Hernandez II or NJ ang ipinangalan ng kanyang nanay Gina sa bunga ng pagmamahalan nila Iya at Neil.
Wala ng nagawa si Iya ng simula maliit pa lang si NJ, ipinakilala na ng kanyang nanay kung sino ang daddy ni NJ. Gumawa ito ng kwento na nasa ibang bansa umano ito nagta-trabaho at bumibili ito ng mga laruan atbp na galing umano sa daddy Neil niya.
Darating naman daw ang araw na makikilala niya ito at ayaw daw nito na isipin ng kanyang apo na iniwan siya ng kanyang daddy Neil. Dahil kahit pano,may point ang kanyang nanay Gina, hinayaan na ni Iya ito sa mga kwento about kay Neil.
"Napagbigyan ka na namin na hindi sabihin kay Neil na buntis ka, ako naman ang pagbigyan mo..Huwag mong ipagkait na makilala ng anak mo ang tatay niya kahit sa mga litrato lang.." sabi pa noon ng kanilang nanay Gina.
****
"Bro,pwede ko bang malaman ang address ni Iya sa Maynila?"pakiusap ni Neil.
"Pano kung huli ka na? Baka hindi na kailangan ni Iya ng paliwanag mo?"nanantiya na sabi ni Alex...
Ina-assess niya si Neil kung gano ito kapursigido..
"Susubukan ko pa din,gagawin ko yung mga hindi ko nagawa noon,sana lang may chance pa ako..kahit hindi niya ako mapatawad, gusto ko lang magkausap kami.."paliwanag ni Neil.
Ibinigay din ni Alex ang buong detalye ng address ng bahay nila pati ang address ng pinagta-trabahuhan ni Iya. Proud na nagkuwento din siya ng ilang mga achievements ni Iya.
"Bro, last chance mo na yan..kapag may nangyari kay Iya dahil sayo,wag na wag ka ng pupunta at magpapakita dito.." kunwaring seryoso na banta ni Alex.
Nagpaalam na si Neil na puno ng pag-asa ang mga mata at nagpasalamat kay Alex at Nika.
Ng makaalis si Neil...
"Bakit hindi mo sinabi ang tungkol kay NJ?"tanong ni Nika kay Alex
"Siya na ang bahala magdiscover don, at si Iya ang mas may karapatan na magsabi ...tsaka parusa na din niya yon..tagal niya bago nagpakita muli dito.."
Nakangiti na sabi ni Alex sa misis na si Nika
"Naku, ikaw talaga..."kurot nito kay Alex
"Mukhang may naririnig akong wedding bells.."sabi ni Nika.
"Posible, matured naman na si Iya kaya lang, alam mo naman ang kapatid kong iyon masyadong independent.." kwento ni Alex
"Tara na nga sa loob at humabol tayo ng magiging ring bearer sa kasal ni Iya.." panghaharot ni Alex kay Nika.....