Pursuit to Second Chances

2997 Words
Friday....kinabukasan pagkagaling ng Sta.Elena, napagdesisyunan agad ni Neil na pumunta sa Ortigas kung saan umano nagta-trabaho si Iya bilang pinaka-bata na naging HR Director sa company nito . According sa kwento ng kuya Alex nito, naka-graduate si Iya with flying colors at naging top notcher sa board exams sa BLEPP Board Licensure Examinations for Psychologists and Psychometricians. Sa kabila daw ng mga naging problema nito, naging successful daw si Iya sa pag-aaral at career. Gustuhin man niya tanungin kung anong problema ni Iya na nabanggit ni Alex, hindi na siya naglakas loob. Hindi na niya mahintay ang weekends para sa bahay na lamang ito puntahan, kaya, matapos mag-park sumakay siya ng elevator...nasa 26th floor ang company na pinapasukan ni Iya. Pagdating don, bumungad kay Neil ang maluwang na lobby at may katamtamang laki na coffee shop sa isang side. Alas-onse na ng umaga,kaya iniisip ni Neil na baka makausap niya si Iya over lunch break nito. Dumiretso siya sa receptionist at nagtanong... "Good morning, I'm here to see Ms. Alliya Apostol.."maikling sabi niya at tinanong din ang pangalan niya at bigla siyang nag-atubili. " James"...naapuhap niyang sabihin..well technically siya din si James,pero hindi siya sanay na iyon ang gamitin niya na pangalan..naduduwag ba siya?iniisip kasi niya na baka hindi siya siputin ni Iya kung sasabihin niyang Neil ang pangalan ng naghahanap sa kanya. Nag-dial ang magandang receptionist sa harapan niya at maya-maya pa ay ini-inform siya.. "Sir, sorry but Ma'am Iya is not available at the moment.. "Ah, ok..I'll just wait here.." maikling sabi ni Neil. After 30-minutes napatingin siya sa receptionist as if alam na din nito ang kanyang sasabihin. Pinuntahan siya nito at ini-inform na mukha daw matatagalan pa lumabas si Iya at nasa meeting ito. Nagpasalamat naman siya at nagdecide na maghintay pa. Dumating ang lunch, ngunit wala pa din daw update kung matatapos na ang meeting ni Iya. Napagpasiyahan ni Neil na pumunta ng coffee shop at umorder ng makakain at maiinom habang naghihintay. Pumuwesto siya sa isang side kung saan matatanaw niya ang labas-masok sa nasabing coffee shop. Kalalapag lang ng kanyang order ng mapansin niya si Iya, na nasa entrance door ng coffee shop. Sa tagal niyang hindi ito nakita, tila bumilis ang t***k ng kanyang puso...Sa suot nitong business dress,makikita pa din ang magandang hubog ng katawan nito--- very womanly.. Sa bawat paggalaw at lakad nito ay tila slow motion sa paningin ni Neil. Lalo niya naramdaman kung gaano niya ito na-miss ng sobra at parang gusto niyang takbuhin ito at yakapin ng mahigpit ngunit bigla siya naging hesitant ng makita niya na may kasama ito at masayang nag-uusap habang naglalakad papasok ng coffee shop. Pa-simple siyang lumingid upang hindi siya mapansin ng mga ito. "Para akong gagong stalker nito.." sisi niya sa sarili. Nakaramdam siya ng selos at kurot sa dibdib ng makilala niya ang kasama ni Iya---si Jimuel. Inobserbahan niya ang mga kilos ng mga ito kung may namamagitan sa kanila. Naguluhan siya bigla sa plano niyang magpakita kay Iya at tila bigla hindi pa siya ready... Natapos kumain sila Iya at Jimuel ngunit siya ay drinks lang ang nagalaw sa kanyang inorder...Mala hawkeye siya sa pag-obserba sa dalawa. Natutuwa siya dahil wala siyang makitang romantic gestures sa mga ito...or dahil yun kaya ang gusto niya makita? Hinintay niya ang mga ito na lumabas at pasimple din siya sumunod pero bigla siyang nagkubli ng mapagawi ng tingin si Iya. Nakita niya si Jimuel na dumako sa elevator at si Iya naman ay kausap ng receptionist na tila ini-inform ito. Nakita niya ng suyudin ng mata ni Iya ang buong lobby at tila may hinahanap. "Go na, kaya ka andito diba?"bakit ka nagtatago.." bulong ng isip niya. Pero nakapasok na si Iya sa loob ng office at siya naman ay tila tuod na naka-kubli sa isang gilid. Mabilis siyang lumakad patungo ng elevator ng walang idea kung ano ang susunod niyang gagawin. Wala sa sarili na sumakay siya ng kanyang sasakyan at malalim na nagpakawala ng buntong hininga.. Natatakot ba siyang harapin ang katotohanan kay Iya na baka may karelasyon na ito.. Namalayan na lamang niya ang sarili na nagdrive patungo sa home address nila Iya..half hour lang ang layo nito,dahil hindi pa naman traffic. Isa itong maliit na subdivision na part pa din ng Pasig area. Minabuti niya na pumarada ng may ilang distansiya mula sa bahay nila Iya. Mula sa loob ng sasakyan tanaw niya ang mga sampay sa loob ng bakuran dahil mababa lang ang fence nito. Napansin niya na karamihan sa mga sampay ay damit pambata. Nakaramdam na naman siya ng panghihina sa isipin na may bata sa loob ng bahay nila Iya dahil si Alex naman ay naninirahan sa Sta. Elena at ang pagkakaalam niya ay wala pa itong anak. Nagtatalo ang isip niya..makikipag-sapalaran ba siya na alamin ang totoo at makausap si Iya pero para saan pa kung may sariling pamilya na pala ito? Pero minabuti niyang mag-stay...Nakakita siya ng malapit na tindahan at bigla siyang nakaramdam ng gutom. Bumili siya ng softdrinks at biscuit at bumalik sa loob ng sasakyan. Nagpatugtog siya upang malibang. Habang nakikinig ng musika, naalala niya ang boses ni Iya na may talent din sa pagkanta.. Lumipas ang ilang oras...at dahil medyo naiinip na ay bumili siya ng yosi. Bihira siya magsigarilyo, sa mga pagkakataon na stress lang siya. Napansin niya ang may-ari ng tindahan na kanina pa siya nito tila ping-aaralan ang kanyang mukha or kinikilala. Hindi niya iyon ininda kanina bumili siya ng makakain pero ngayon parang hindi niya matiis na tanungin ito...Napansin siguro siya na hindi komportable sa mga tingin nito sa kanya kaya... "Pasensiya ka na, nagulat kasi ako ng makita kita, kamukhang-kamukha mo kasi si NJ.."simula ng may edad na may-ari ng tindahan. Tatanungin sana niya kung sino si NJ ng bigla naman may mga bumili na customer. Matapos manigarilyo, bumalik muli siya sa loob ng sasakyan at sumandal sa headrest.. Maya-maya pa ay nakita niya na bumukas ang gate ng bahay nila Iya at nakita niya si aling Gina na may kayag na batang lalaki na may suot na helmet, knee at elbow pad. Kasunod naman nito ay may edad na lalaki na kamukha ni Alex,bitbit ang bisikleta. "Siya yata ang tatay nila Iya, hindi na siguro ito bumalik pa magtrabaho sa abroad..." nasa isip ni Neil. "Anak na kaya ni Iya ang bata na yon?"sumasakit ang ulo ni Neil sa pag-iisip. Hindi niya makita mabuti ang mukha nito at mabilis itong sumakay at nagpa-ikot ikot sa pagbi-bisikleta na sinusundan naman ng tatay ni Iya. Si aling Gina naman ay walang patid ang paalala na magdahan-dahan ito.. Nalibang siya na panoorin ang mga ito at namalayan na lamang niya na nakangiti siya habang pinagmamasdan sila. "Ang kulit, parang ako noong bata pa ako" bulong ni Neil sa isip. Naputol ang pagmu-muni muni ni Neil ng may sasakyan na bumusina at huminto sa tapat ng bahay nila Iya... Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba si Iya at mabilis itong sinalubong ng batang lalake... Si tagpong iyon, tila gumuho ang mundo ni Neil.. Understandably, anak ni Iya ang naturang bata...sa isiping iyon ay tila may itak na sumaksak sa dibdib niya. Maya-maya pa ay sumunod na bumaba ang driver ng sasakyan at walang iba iyon kundi si Jimuel..masaya din itong sinalubong ng batang lalake.. Ang itak na tila sumaksak sa puso ni Neil ay tila mas lumalim at iniikot pa sa kanyang dibdib pagkakita ng scenario na yun. "May pamilya na si Iya,huling huli ka na..sa loob ba naman ng anim na taon Neil na wala kayong komunikasyon...umaasa ka pa?" remind ng isip niya. Agad niyang pinaandar ang sasakyan at umalis sa lugar na iyon...Habang nagmamaneho ay hindi niya namalayan na tumulo ang luha niya. "s**t!" sigaw ni Neil sa loob mg sasakyan at mabilis na tumabi sa kalsada. Galit siya, hindi kay Iya or Jimuel...galit na galit siya sa kanyang sarili.Napaka-habang panahon ang sinayang niya... "Gusto mo pala i-pursue si Iya,bakit hinintay mo pa kasi ng ganito katagal.." Gago ka kasi.." sisi niya sa sarili. Tinawagan niya si Mark.. "Tol, free ka ba ngayon..tara inom tayo.." yaya ni Neil. "Tol mukhang miss na miss mo talaga ako ah, kailan lang tayo nagkita .."pang-aasar ni Mark. "Gusto mo ba or hindi..?"iritable na sabi nito. 'Teka, napaka-pikon mo naman,may problema ka ba..? Sige, call..san tayo magkikita?" saad ni Mark. "Sa dati na lang.."maikling tugon ni Neil. Pagdating ni Mark,nakita niya na nakailang bote na si Neil ng naiinom "Tol, mukhang lasing ka na yata, daya mo! May problema ba?" tanong ni Mark habang kumuha ng isang bote na maiinom din. "Wala 'tol,gusto ko lang magpaka-lasing" deny ni Neil. "Sinong ginagago mo, alam ko may problema ka.." pangungulit ni Mark. "Uminom na lang tayo 'tol.."maikling sabi ni Neil. Habang tumatagal na napaparami ang inom ni Neil, mas naging vocal at makulit ito. "Alam mo 'tol, napaka-gago ko talaga, isipin mo ha..umaasa ako na si Iya baka mahal pa ako at baka hinihintay ako, siraulo ba naman ako na aasa sa ganon..alam mo ba yon 'tol.." lasing na sabi ni Neil. "Pero tol, kahit anong gawin ko, siya pa din talaga ang mahal ko...gago talaga ako, mahal ko pero hindi ko hinanap instead bumalik ako kay Beatrice.." siraulo talaga itong kaibigan mo na'to" turo ni Neil sa sarili. Si Mark naman ay napagpasiyahan na iuwi na si Neil at lumalakas na ang boses nito at nakakapukaw sila ng atensiyon. "Tama na yan, tara iuwi na kita tol ang dami mo ng nainom..lasing na lasing ka na.."awat ni Mark. "Tol, lasing or hindi totoo ang sinasabi ko..mahal na mahal ko si Iya tol..Iya!!! Mahal na mahal kita!!!"sigaw nito at bigla itong umiyak. Si Mark na hindi malaman ang gagawin sa hiya ay nagpatulong sa mga staff ng restaubar na dalhin si Neil sa sasakyan.. ****** Dumaan ang isang linggo at ginugol iyon ni Neil sa pakikipag-kita at pakikipag-inuman sa mga dating kaibigan at kakilala..at lagi itong umuuwi ng nakainom. "Neil, masyado mo naman sinusulit ang bakasyon mo sa pag-iinom..gabi-gabi ka na lang umuuwi ng lasing..may problema ka ba?"tanong ng kanyang mommy isang umaga na nag-aalmusal sila. "Mi, nag-eenjoy lang ako, alam mo naman 1 buwan lang ang bakasyon ko.." dahilan ni Neil "Maaari naman mag-enjoy pero hinay hinay sa pag-inom, baka magkasakit ka naman niyan.."paalala ni aling Nids. "Bukas nga pala 'mi,biyahe kami ni Mark ng Tagaytay, naimbitahan kami sa kasal ng isa sa barkada namin.." paalam ni Neil. "Mabuti kasama mo si Mark mas kampante ako, sana sa susunod ikaw naman ang mag-iimbita para sa kasal mo.." pasaring ng kanyang mommy. "Maghanap ka na agad ng girlfriend mo, speaking nga pala...nakipagkita ka na ba kay Iya?" simpleng usisa ng kanyang mommy. "Hindi pa 'mi, hindi ko pa maharap.." palusot ni Neil. "Hindi mo maharap? Kadarating mo pa nga lang gusto mo na umuwi sa Sta.Elena para kay Iya, sino pinaglololoko mo Neil...huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa kung talagang gusto mong balikan si Iya.." sermon ng kanyang mommy "Kung alam mo lang 'mi.." bulong ng isip ni Neil. Dumating ang araw ng kasal ng isa sa mga barkada ni Neil...Matapos ang ceremony sa simbahan ay tumuloy sila sa isang Hotel Resort para sa wedding reception..nasa kalagitnaan ng program ng maisipan ni Neil na lumabas sandali mula sa function room upang magpahangin at humanap ng lugar kung saan siya pwede mag yosi. Minabuti niyang magtungo sa reception ng hotel at magtanong ngunit pagdating niya ay hindi niya inaasahan kung sino ang kanyang maabutan. Huli na para tumalikod at umalis dahil nagtama na din ang kanilang mga mata at tila pareho sila na-frozen. "Neil..." narinig niya na sambit ni Iya. Gusto niya itong yakapin at halikan sa kabila ng mga nasaksihan niya sa bahay nito. "Iya..." simpleng sambit din niya. At sabay pa sila na nagsalita na mas lalong nagpa-awkward sa sitwasyon. "Anong ginagawa mo dito?"sabi ni Iya "Kumusta?" sabi naman ni Neil. "Ahm, may convention ako dito, ikaw,kumusta?"mabilis na bawi ni Iya. "Nag-attend ako ng wedding ng isa sa mga barkada namin ni Mark.." maikling kwento niya. "Ah, kasama mo si Mark?kumusta na siya?"masayang tanong ni Iya na tila hinahanap si Mark. "Ilang araw ang convention mo dito?" pang-iiba ni Neil "3 days.."maikling sagot ni Iya. "So after ng wedding, uuwi na din kayo ni Mark?"alanganing tanong ni Iya "No, actually ako mag-stay din ako dito ng ilang araw.."biglang sabi ni Neil na hindi niya alam saan nanggaling. "Free ka ba mamaya?coffee tayo nila Mark ..alam mo na, for old times sake.." kunwaring cool na sabi nito.. Nag-aatubili si Iya sa kanyang isasagot pero nanaig ang gusto ng kanyang damdamin. "Ahmm, sure, until 4pm ang convention ko eh, kung kaya ninyo maghintay.." "So, pano..mauna na muna ako..kailangan ko ng mag check-in muna para sa mga gamit ko before mag-start ang convention.." explain ni Iya na mabilis tumalikod kay Neil. "Iya, wait...can I have your number?"baka sakali ni Neil. Napapikit siya bago humarap kay Neil..sinusubok yata masyado ang tolerance niya sa presence nito. "Sure..."unexpected niyang sagot dito. Mabilis na kinuha ni Neil ang cellphone niya at nagtype ng number ni Iya at pinag-ring niya ito.. "Pa-save na lang ng number ko.." nakangiti na sabi ni Neil. "So pano, mauna na muna ako..see you later.." pinipigil ni Iya na mangiti. Pag-alis ni Iya, tila naman lubos lubos ang kasiyahan ni Neil...Chance na niya ito upang makausap si Iya at hindi na muna niya iintindihin kung may sarili ng pamilya na ito. Nagtungo siya sa receptionist at itinanong kung may available na suite malapit kay Iya. Maswerte siya at may nag-iisa pa na available.. 2 suite na pagitan mula kay Iya at hindi na siya nag-atubili na ipa-reserve iyon sa kanya at nagdown payment na siya para sigurado. Mabuti na lang at always ready siya dahil ang ilan niyang gamit at damit ay nasa sasakyan niya. ***** Pagdating ni Iya sa kanyang suite,tila nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Para siyang teenager na muling na-fall kay Neil. After ilang years na pag-iwas ng anything about kay Neil, tila pinaglalaruan siya ng tadhana at ng kanyang damdamin. "Iya, ayan ka na naman sa karupukan mo.." remind niya sa sarili niya. "Tinanggap ko lang naman ang invitation niya para malaman niya na naka move-on na ako..Kung magpapaka-bitter ako, baka sabihin niya na until now may feelings pa din ako sa kanya.." Pero wala na nga ba? after all these years, mukhang mahal pa din niya si Neil...ilang taon na nga siya sinusuyo ni Jimuel pero hindi niya makuha na ibigay ang puso niya dito. Ayaw din niya na maging unfair dito kaya simula ng muli siya nitong niligawan, nilinaw niya na hindi pa siya ready. Willing naman daw itong maghintay at will always be there kahit friends lang. Mabait, thoughtful at caring si Jimuel sa kanya pati kay NJ at nagkataon pa na ang kanilang mga trabaho ay pawang nasa same building. Naalala niya bigla si NJ, ito na ba ang takdang panahon na sinasabi ng kanyang nanay Gina na kinakailangan na makilala ni NJ ang kanyang ama. Ano kaya ang magiging reaction ni Neil about kay NJ at paano niya kaya ito sisimulan sabihin. "Easy Iya, baka may asawa na si Neil or baka hanggang ngayon sila pa din ni Beatrice..remember,pinagsabay niya kayo or baka nga summer fling ka lang talaga.." remind ng isip niya. "Magko-coffee lang naman kami at tsaka kasama naman si Mark.." pangangatwiran din niya sa nagtatalong isip niya. "Pero ibinigay mo din talaga ang number mo?" Baka masyadong obvious ka, kahit niloko ka na,kabilis mong bumigay.."sisi niya sa sarili. "Natural na lang sa panahon ngayon ang nagpapalitan ng numbers.." katwiran niya sa ginawa. ***** Nagulat si Mark ng sinabi ni Neil na mag-i stay muna ito ng ilang araw sa hotel..kaya matapos ang wedding event ay bumalik na din ng Maynila si Mark. Medyo nagi-guilty naman si Neil na hindi niya binanggit ang tungkol sa hindi sinasadyang pagkakataon na makita niya doon si Iya. Wala talaga sa plano niya na isama si Mark sa coffee date nila ni Iya, naging palusot na lang niya si Mark upang hindi na mag-dalawang isip si Iya na pumayag dito. After ng walang closure na relationship nila ni Iya noon, eto na ang pagkakataon niya at hindi niya ito palalagpasin pa. Masaya ang puso niya at mabilis na pumayag si Iya sa invitation niya..Tila wala naman na itong galit sa kanya, or baka wala na din itong feelings para sa kanya? Wala pang alas-4 ng hapon nakagayak na si Neil at maaga din siya nagpa-reserve para sa dinner/coffee date nila ni Iya..Sinigurado niya na special ang set-up nito----"Romantic Dinner Set-up" ang bilin niya. Nag-text siya kay Iya na susunduin niya ito sa kanyang suite ng bandang 6pm upang may time naman itong magpahinga. *** Matapos ang convention, tila excited na nagmamadali si Iya na bumalik sa kanyang suite upang gumayak sa kanilang date ni Neil..nag-half bath siya..nagpalit siya ng damit, naglagay ng light make-up at nag spray ng perfume. "Iba talaga ang "Neil-effect" na dumapo sa kanya. Wala na ang sakit at pait na dulot ng ginawa sa kanya ni Neil sa nakaraan. Napatawad na nga kaya niya ito or malalim lang talaga ang pagmamahal niya para dito... Somehow, partly guilty din naman siya kaya hindi sila nagkaayos..bigla na lamang kasi siya lumayo at nagtago. Sa kabila ng paniniwala ng kanyang nanay na kaya siyang panagutan ni Neil, ayaw niyang sumugal ng mga panahon na iyon dahil sa takot na hindi siya enough para kay Neil or hindi siya ang pipiliin ni Neil? Or hindi lang talaga siya ready matali sa relasyon ng hindi niya naabot ang kanyang mga pangarap?habol ng isip niya Ang dami ng naging pangamba at agam-agam niya sa relasyon nila ni Neil dahil sa mga nangyari.. kaya siya na ang gumawa ng desisyon na kahit masakit ay pinangatawanan niya. Pero eto siya ngayon, nagkukumahog mag-ayos para maging maganda sa paningin ni Neil. "Magpakipot ka naman ng konti gurl, nangitian ka lang, bumigay ka na naman.." remind ng isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD