Sa araw ng pamanhikan ay ako yata ang pinakamasaya. Dumating ang buong pamilya ni Franz at mga malalapit na kaibigan ng mga del Rio. Kahit ang presensiya ni Ma'am Sabrina ay hindi nakabawas sa nararamdaman kong saya ngayong araw. Dumalo rin ang buong angkan namin at sa unang pagkakataon ay hindi kontrabida ang mga pinsan ko dahil di nila ako sinisiraan sa mapapangasawa ko. Mainit na balita ang nangyayaring pamamanhikan dahil nga naunang ibinalita ang diumano engagement ni Franz kay Ma'am Sabrina. Alam kong may kinalaman ang pamilya ko at pamilya ni Franz sa hindi lantarang pakikisawsaw ng media sa relasyon naming dalawa. Nang dumating si Ate Rhea na kapatid ni Kuya Igop ay mabilis ko itong ipinakilala kay Felix upang masagip ang huli mula sa pagpapakabaliw kay Ma'am Sabrina. "Kapatid

